read.cash Log in
@Ysa19

Kay bilis ng Panahon Parang kailan lang ay sobrang iniyakan namin ang pagkawala niya.Isang taon ang nakalipas, nandun parin yung lungkot na nararamdaman, tuwing makikita namin ang kanyang mga larawan. Mga anak nyang, sobrang namimis syang tunay. Mga kalungkotan ay minsan ay hinihikbi na lang. Mga alaala nyang kay sayang alalahanin. Mga nagawa nyang kabutihan ay nandyan parin, sa mga puso namin ay nakatatak na at hindi maglalaho. First death anniversary ng brother inlaw ko ngayon. kaya maaga kaming bumiyahe papuntang reconada. para maabutan daw namin ang first mass. Kay bilis lang ng panahon. Parang kay bilis lang ng oras. Hindi ko masasabing nakamoveon na ang pamilya ng kapatid ko, specially ang mga anak nila. Hinahanap-hanap parin ang kalinga at pagmamahal ng kanilang ama. Mga binibigay sa kanilang kaginhawaan sa buhay na ngayon ay napalitan ng sobrang pagtitipid, para lang makaraos sa araw-araw. Iba talaga kapag nandyan pa ang haligi ng tahanan. Kahit may mga pagsubok na pinagdadaanan, parang okay lang yan, kasi nakikita mo at alam mong nandyan naman si Pa'pa,, nandyan naman si 'Tatay o kaya si daddy. Pero kapag naman biglang nawala na sila.. Parang bigla din gumuho ang mundo para sayo. Alam naman natin ang salitang moveon, pero sa kabilang banda, ay nandun parin yung kalungkotan na nadarama. Btw. Maaga kaming nakarating sa simbahan. Tulog pa yata ang pari, kaya tamang picture-picture muna sa labas.hehe.. Goodmorning mga ka Noise.. ___ Ysa19

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.