Minsan ba naisip mo na yung taong nakita mo lang noon eh syang magiging katuwang mo na panghabang buhay? Hindi ko din akalain na mangyayari ito sa akin ngunit ito talaga ang aming tunay ng kwento.
Taong 2010 nung una ko sya makita sa aksidenteng paraan. Nag aaral pa ako ng kolehiyo noon at kami ay nakatambay sa bahay ng isa namin kaklase dahil katatapos lang namin mag ensayo ng sayaw para sa subject namin ng P.E. Habang nasa labas kami ng bahay nila , biglang may dumaan sa amin na isang lalaki. Lalaking nakasakay sa kalabaw at mistulang ginagawa nyang pangarerang kabayo ito. Napukaw yung atensyon ko dahil sa ginawa nya at napansin ito ng aking kaklase. Nagsimula syang magkwento tungkol sa buhay ng lalaking iyon na kanya palang kaibigan.
Alam mo ba na kawawa yung lalaking nakasakay sa kabayo na yan? Hindi na kasi sya pinag aral ng magulang nya at pinatrabaho nalang sa tumana at pinagpastol ng kalabaw.
Medyo nakataas ang kilay ko ng sinabing
Anong klaseng magulang naman yon. Bakit hindi nila pinag aral? Karapatan ng bawat bata na mag aral.
Iyon ang una naming pagkikita...
Pitong taon ang nakalipas at muling nagtagpo ang aming mga landas. Sa puntong iyon , sya lamang ang nakakita sakin. Doon din sa bahay ng kaklase ko noong kolehiyo ako. Nagpunta ako doon dahil namatay yung lola nya at nakiramay ako. Nakaupo ako sa isang sulok noon kasama yung kaibigan ko nang sinabi ng kaklase ko na lumipat kami dun sa may lamesa kung saan nakaupo yung ibang kaibigan nya ngunit tumangi ako. Hindi kasi ako komportable na makisalamuha sa ibang tao sa iisang lamesa kaya nanatili na lamang kami kung saan kami naroon.
Mga ilang araw ang nakalipas , may natanggap akong mensahe at sinabi nya na nakuha nya daw yung numero ko sa pamangkin nya. Isa pala sya doon sa mga tao na nakaupo sa may lamesa kung saan kami gustong palipatin nung kaklase ko. Nagpalitan kami ng mensahe at nalaman ko na nakita nya ko sa patay. Tinanong ko sa kanya bakit sa lahat ng nandoon ay ako ang kanyang napansin at ito ang sagot nya sakin.
Napatingin kasi ako sayo dahil tumama yung ilaw sa mukha ko na nagreflect sa salamin mo. Pinagmasadan pa kita noon at nakasimangot ka. Nakabestida kapa ng hanggang bukong bukong ang haba. Ang misteryosa ng dating mo sakin dahil iba yung kasuotan at awra mo sa kanila kaya nagkaroon ako ng interes na makilala ka.
Hanggang sa nagkita tayo sa Maynila dahil doon tayo parehong nagtatrabaho. Magaan yung pakiramdam ko sayo kahit noon una ay pakiramdam ko ay mas babae kapa sa akin dahil sa sobrang daldal mo. Hindi kalaunan nanligaw ka at pagkatapos ng ilang buwan ay sinagot na din kita. Halos lahat ay masaya dahil sa wakas may nobya kana. Oo , ako ang una nyang naging nobya. May niligawan sya ng pitong taon ngunit hindi naman sya sinagot ngunit ito ay ibang istorya naman. Kung gusto nyong malaman , maaari ko namang ikwento.
Naging masaya sila satin. Masaya yung mga kaibigan ko dahil alam nilang mabuti kang tao. Nakita nila Kung paano ako tumino at nagbago dahil sa impluwensya mo. Hanggang isang araw nagkita kita tayo ng mga kaibigan ko kasama na yung may ari ng bahay kung saan tayo unang nagkita. Kinwento nya yung kaganapan pitong taon na yung nakalipas. Hindi malinaw sa memorya ko nung una ngunit naalala ko din pagkatapos.
Ikaw ba yun? Yung lalaking nakasakay sa kalabaw? Sabay tawa ako ng tawa at hindi ko akalain na dati ko pa pala nakita yung lalaking magiging katuwang ko paghabangbuhay.
Ang kwentong ito ay buod lamang kung paano yung una naming pagkikita hanggang magkita muli kami at malaman na nagkita na pala kami dati.
Dahil sa title, umusbong 'yung curiousity ko kasi mala-Wattpad lang ih. 'Yung tipo ba na nakasakay sa kabayo o kalabaw 'yung leading man tapos topless. Omoooo. Ate @Ruffa wer r u? HAHAHA
Pero seryoso, nakakakilig, Ateeee. Makiki-sanaol muna ako,