Hayaan mo na.. Panganay ka e.
Hayaan mo na.
Paulit ulit na kataga na minsan ayaw ko ng marinig pa.
Mga kataga na animoy nagpapahiwatig na ikaw na naman ang uunawa.
Mga naipon hinanaing dahil palagi nalang nilang sambit
Hayaan mo na.
Nasa tagpo ako ng buhay ko na hindi ko alam kung nabubuhay paba ko sa paraan na gusto ko. Alam mo yung may mga bagay na gusto kang gawin pero may sumasagabal dahil sa pagiging hindi mo pagiging makasarili.
Nasa punto ako ng buhay ko na para akong isang ibon na hindi makalipad at tanawin ang mundo Mula sa himpapawid sa responsibilidad na nakaatang sakin.
Nasa tagpo ako ng buhay ko na nasanay na ako sa araw araw na paulit ulit na kahit gusto mong kumawala ay hindi mo magawa.
Nasa punto ako ng buhay ko na gusto ko munang unahin yung sarili ko pero ang bigay bitawan nung mga bagay na hindi mo kayang bitawan.
--
Patuloy nalang ba ako na magiging tahimik at tatanggapin ang lahat?
Patuloy nalang ba ako na aasa na balang araw magiging maayos din ang lahat.
Patuloy nalang ba ako na magbubuntong hininga at magbubulag bulagan.
Patuloy nalang ba ako na iiyak twing hindi ko na kaya yung naradama.
--
Gulong gulong yung diwa at isip kung ano yung kahihinatnan ng mga bagay.
Alam mo yung pakiramdam na naghihintay ka nalang sa pagtatapos para baka sakali lumaya kana.
Baka sakali mauna mo na yung sarili at mapalaya lahat ng nasa saloobin.
Habang sila patuloy sa kanya kanyang buhay , heto ako nagsilbing haligi nila.
Tutulong, aagapay , kakalinga dahil panganay ka.
Hayaan mo na anak.. Panganay ka e.
Palaging sambit ng aking Ama sa twing sinasabi kong akoy pagod na.
Hayaan mo na anak.. Panganay ka e.
Mga katagang hindi ko alam kung makatarungan ba.
Hayaan mo na anak.. Panganay ka e.
Mga salitang nakakapagod pakinggan sa twina.
Kamusta ang lahat? Hindi padin ako okay. From my yesterdays breakdown because the freelancer thingy now feel the effects of anxiety in my body again. shoulder , jaw and head ache. I'm not feeling well. But you know what's the funny thing? They didn't even noticed na I'm not okay. Ako padin lahat dito sa bahay because my sister was not here earlier because she's busy canvassing for the renovation of her room. Alam mo yung Sunday nalang sana yung pahinga mo tapos wala pa.
Hayaan mo na.. Panganay ka. That's what my Papa always told me. Ang hirap pala maging panganay.
Not a firstborn and a breadwinner here. I can only imagine the frustration na mayroon ka ngayon. My wife has been a panganay and she shares the same sentiments that you have when we are dating. "Family first kahit di na muna sya, there are times wherein she was just asked if may sahod na and all :("
I hope that parents will not be like that pero ganyan ang naging mindset dito sa Pinas, especially the old generation parents. What we can just do is to break the cycle once we are parents na and be a better magulang para our kids will not experience the same hardships that we got.
A virtual tap on the back for you Yen, you are doing a great job.