Opinyon

23 2090
Avatar for Yayaya13
4 years ago

REAKSYONG PAPEL PATUNGKOL SA CHED MEMORANDUM NO. 57 S.2017 AT CHED MEMORANDUM NO. 20 S.2013

Sa mga lumipas na panahon ang asignaturang Filipino ay naging parte na ng ating pakikipagsapalaran sa paaralan. Kabilang na ito sa mga asignaturang dapat nating ipasa upang makatungtong sa nakatataas pang grado. Ngunit paano nga ba kung aalisin ito? Ano na lamang ang kahahantungan ng ating edukasyon?

Nakasaaad sa CHED MEMORANDUM no. 57 s.2017 ang silabus na dapat nating mapag-aralan patungkol sa Filipino at panitikan sa kolehiyo. Una ay ang KOMFIL (Kontektstwalisadong Komunikasyon sa Filipino); 2) FILDIS (Filipino sa Iba't Ibang Disiplina); at 3) DALUMATFIL (Dalumat ng/sa Filipino); 4) SOSLIT (Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan) at 5) SINESOS (SineSosyedad/Pelikulang Panlipunan). Ito ang mga asignaturang nakasaad sa silabus na nakaangkla sa pangangailangan ng mga Pilipino.

Ang mga nabanggit na asignatura ay tila kulang na sa pagtitibay sa mga sulatin, pagbigkas ng mga salita, paggamit ng mga nararapat na salita sa isang pangungusap at paggawa ng mga literaturang may kabuluhan at saysay. Nakapokus lamang ang mga asignaturang ito sa mga makabagong medya na napag-uusapan at natalakay nadin sa iba pang asignatura.

Bagamat naging kulang na ang nilalaman ng mga asignaturang ito, magbibigay parin ito ng sapat na kaalaman sa pamamagitan ng mga materyales na gagamitin sa pagtatalakay nito. Ang mga materyales na ito ay magiging daan upang mas lalo pang mahasa at mapagtibay ng isang mag- aaral ang kanyang kasanayan sa Filipino at panitikan maging sa mga napapanahong isyu ng ating lipunan na kung saan ito ay maibabahagi at nakapaloob sa nasabing silabus.

Ang memorandum na ito ay tumataliwas sa ipananukalang CHED MEMORANDUM no. 20 s.2013 o sa mas naiintindihan na salitain, "Ang pagpapatanggal ng Flipino sa Kolehiyo" Ang CMO 20 ay naglalayong ipatanggal ang wikang Filipino sa kolehiyo. Ito ay bahagi ng implementasyon ng programang K-12 kung saan aalisin na ang Filipino at Panitikan bilang mga saligang asignatura sa kolehiyo.

Sa pagpapanukala nito hindi lamang dumako sa mga isipan ng mga nagpanukala ang mga gurong mawawalan ng trabaho, mga estudyanteng hindi pa masyadong maalam sa larangan ng Filipino at panitikan maging ang mga bayaning ipinagtanggol ang ating wika at higit sa lahat ang pagtatalikod nila sa kanilang pagkakakilanlan. Bakit pa kailangangang alisin? Kung pwede namang pagyamanin?

Wikang Filipino, ating pagkakakilanlan. Bansang Pilipinas, ating tahanan. Tayo'y mga Pilipino at huwag nating hayaang patuloy tayong magpasakop sa mga banyagang ang tanging hangad ay ang mga likas na yaman na saatin lamang makukuha. Gamitin at pagyamanin ang wikang Filipino, sariling atin.

Sponsors of Yayaya13
empty
empty
empty

Good afternoon everyone. Sorry for those who cant understand this article as I wrote this in my own language.

Kindly comment your questions and ideas below about this article.

Thank you to @Ashma who continue to encourage me to do more articles and also I'm glad and greatful to join "Get Sponsored !!" community.

as I kept saying, the idea of this community is to sponsor quality content creators & reward community members for their activities.

And I am inviting you to join our growing community!

For more information, refer to this link https://read.cash/c/get-sponsored-2a0b

Join if you want to "Get Sponsored !!"

11
$ 0.00
Sponsors of Yayaya13
empty
empty
empty
Avatar for Yayaya13
4 years ago

Comments

Asan na kaya yung akin neto hahahahah

$ 0.00
4 years ago

Hahaha. Halungkat na

$ 0.00
4 years ago

Ewan ko kung nasa laptop ko or fd

$ 0.00
4 years ago

Amazing article my dear 💝💝thanks a lot dear.

$ 0.00
4 years ago

Always welcome dear😊

$ 0.00
4 years ago

Take my cordial love 🥰

$ 0.00
4 years ago

Kung tutuusin nga di pa rin tayo sobrang fluent sa pagsasalita ng filipino. May mga ilang maling terms na mali tayo ng gamit. Kaya dapat di ito alisin sa kurikulum. Maari nyo din pong basahin yung opinyon ko about sa mga tsismosa na gagawing contact tracers

$ 0.00
4 years ago

Suree thing dear. Hahaha kahit ako aminado na di pa ganon kabihasa sa paggamit ng sarili kong wika

$ 0.00
4 years ago

Tama ka diyan, dear.

$ 0.00
4 years ago

Mas mabuti nga sana kapag ginamit sa pagtuturo ng iba't ibang subject ang wikang Filipino dahil lung ating titignan, mas mahahasa pa sana at mas matututunan natin ng mabuti ang mga pinag-aaralan natin. Maraming bansa ang hindi gaanong magaling sa Ingles pero kung ibabase sa ekonomiya ay mas nakakaangat pa sa atin.

$ 0.00
4 years ago

Tama ka dear

$ 0.00
4 years ago

I don't understand the language. 😰

$ 0.00
4 years ago

I use fFilipino language here to emphasize the topic. This article is a reaction paper about the new memorandum of the commission on higher education here in our country. It talks about the removal of the Filipino subject in tertiary education and changing it into new subjects that tackles less about Filipino.

$ 0.00
4 years ago

Oh. Thanks dear. Now I can understand the summary of this article.

$ 0.00
4 years ago

Always welcome😊

$ 0.00
4 years ago

Good job dear!!!It's good,,,

$ 0.00
4 years ago

Thank you dear 😊

$ 0.00
4 years ago

You are always welcome dear!!!!

$ 0.00
4 years ago

I don't understand this language. 😂😂 Eii. I can't think far

$ 0.00
4 years ago

Sorry dear. The article is a reaction paper about the memorandum of CHED to remove the subject Filipino in tertiary education

$ 0.00
4 years ago

Okay thanks

$ 0.00
4 years ago

Halungkat pa dear 😂

$ 0.00
4 years ago

Hagaha sorry not sorry

$ 0.00
4 years ago