Joy ride in the rain with Exo! Sa araw na ito ang schedule ng baby ko sa center para pa immunize. Pag gising namin cloudy na talaga at habang pinapakain ko si Exo may raindroplets na na nahuhulog, pag alis namin medyo lumakas ang mga raindroplets nahuhulog. Naka motor lang kami hinatid lang kami ni tatay habang naka sakay ng motor nakapayong at si Exo naman naka hawak sa payong na naka tayo. Pag dating namin sa barangay hall isa nalang na mommy naiwan na may hawak ng baby…
@XOperUs in June 2021
Exo's Outfit of the Day! Sulitin ko lang muna itong outfit ni Exo kanina sa lakad namin na hindi na tuloy hihihi. Hindi ko muna bibihisan ng pang bahay na damit. Alam nyo ba mga kaibigan nabili ko lang ito sa nag lalive selling ng mga ukay-ukay na para kids lahat. Sobrang bago ito noong natangap ko ito mula kay seller grabe napapawow talaga ako yung parang isang beses at mga isa dalawang oras lang nasuot ng mayaman tapos tinapon agad sa ukay-ukay. Nabili ko lang ng eighty…
Valuntary Feedback! Two weeks ago before my baby's 1st birthday, nag post ako sa fb ng mga preloved ni baby for sale para pang dagdag sana sa pang handa sa kaarawan nya. Dami din nag inquire, nagpa send ng video at iba pa, after ko ma send ang video at details sa kanila seen nalang talaga hindi na ako nirereplyan. Nawalan na ako ng pag asa kung mabibinta pa ba. Pero may nag mine na rin sa wakas at ito ang kanyang feedback. Ang saya ko noong nabasa ko ito na mensahe galing sa…
Maulan at malamig na umaga mula dito sa amin at sa ibang mga lugar. Sana mabuti at ligtas lang ang lahat dito sa amin mula kahapon umaga hanggang ngayon walang hinto ang pag ulan, pero maayos lang kami dito. Hindi pa ako nakapanood ng mga balita, praying na ligtas lang lahat ng mga nadaanan ng bagyo.
I took this picture earlier when I woke up. We live by the river side. The river is pretty clean because it flooded hard last night. So I'm happy when the river floods because it's clean again. there were still small showers falling earlier and now it's raining again. Stay safe my friends. Let us always be ready temporal, physical and spiritual. #ownphoto
Concentrate ka girl? Hahaha What do you guys think I'm doing? Hahaha. Pag open ko ngayon sa messenger ito nakita ko from hubby's message ahahah hastilan nag lapad lang ang agi. Alas nwebe pa pala yan ngayon ko lang nakita hahaha. Malamig kasi dahil maulan kanina umaga kaya higaan na comforter ni Exo tinakip ko sa paa. Excuse sa kalat:)
Reminder! Keep trying, keep believing, keep trusting, keep moving, keep growing, keep forward, keep trying, Keep it up. Let us move forward with faith and remember faith without works is dead. Truly God loves everyone of us with perfect love, because we are His precious daughters and sons. He loves us he helps and guide us, he will never abandon us. Just have faith and trust him. Sunny morning friends :) #NoisyWriters
Habang nag lalaba ako kanina, pumasok ito bigla sa aking isipan. Dati pag ako ay naglalaba, lahat ng parte ng damit daanan ko yan kahit alam ko naman na wala masyadong dumi, pawis at alikabok lang at sobrang malakas ako mag kusot yung tipong mapupunit na lalo na yung tela na ma nipis lang haha. Iwan ko ba bakit ganun ako, na gusto ko makuha lahat ng dumi na walang malalampasan. Ngunit ngayon na may anak na ako, nabawasan na ang pagka OA ko sa paglalaba hahaha hindi na kaya…
Biyanan na Babae! Halos everyday pag gising namin o pag baba namin ay may lugaw na si Exo, yung mag lugaw kana sana pero biglang sabihin ni nanay na tapos na. Kanina habang nag lalaba ako narinig ko si nanay sabi niya " mag gulay sa ko xo kay para naa kay ibahog sa imong lugaw" Samantalang tag 7:30 minsan 8 am na yan sila nanay mag gulay o mag luto ng maiulam kasi pag gising mamainit ng Milo at bread. Pero kanina maaga nag gulay si nanay kasi para may maiulam si Exo.…
Last minute! Sigurado ako nasubukan nyo na ito lalo na sa mga mommies dito. Yung na buo na sa isip mo ang recipe na lulutuin mo tapos sa gitna ng pagluluto mo biglang nag bago ang recipe mo ahahaha. Me: Nay may niyog pa ba tayo? Nanay: Oo meron andoon sa puno ng niyog binalatan na yun. Me: Dali daling hininaan ang apoy at kinuha at kinudkud agad hahaha. Naalala ko kasi bigla ang chicken halang halang sa probinsya namin with gata talaga. Ayun na nga nakapag luto ako ngayon ng…
Antok na si Exo kaso hindi talaga sya nakakatulog kaya sabi ko nalang sa kanya na "hindi ka maka tulog? dali nood nalang tayo ng kdrama" Ahahah ito naman si hubby mahilig mag picture sa amin kaya ito may ma ipost ako na larawan sa kwento ko ngayon sa inyo. #motherandson
Fresh Pure Coconut Milk! Noong bata pa ako, kahit pambili ng shampoo ay wala kaming pambili, minsan lang talaga nakakabili ng shampoo ganun talaga kami kahirap. Kaya ang shampoo namin ay gata ng niyog, minsan haloan namin ng katas ng samuyaw para mabango ang buhok hindi amoy gata hahaha. Gibati rako ug kaanyag ron mag bubho balik. Hihihi. Ibalik ang alindog sa buhok ng probinsyana.
Hubby's thought! Hubby : Exo kiss mo si mommy Exo: Naglakad papunta sa akin at hinalikan ako Hubby : Kiss is a form of love and saying I love you. Me: huh! Saan mo yan nakuha? Hubby: Wala openion ko lang Me: Nice one huh! Ah kasi hindi pa marunong mag salita si Exo hindi pa maka say I love you kaya sa Kiss nalang idaan. At dito na nag tapos ang aming usapan kanina. Hihihi.
Ano ang english ng sayote? Haha narinig ko lang kanina sa isang vlog video sa buzzbreak. Napaisip tuloy ako, Ano nga ba ang English ng sayote na gulay mga kaibigan? Genogol ko dami nya english term hihihi. May hugot din sa sayote "hindi sya magiging sayote" (credit sa nakaisip ng hugot na ito Infairness ha havey hihi)
Nag crave si hubby ng lumpia. Kaya lumpia ulam namin ngayon for lunch, habang ako ay nag type nito para i post kasalukuyan naman nag luluto si hubby ng lumpia. Nagulat ako, first time ko ito makita na ganito ang packing ng lumpia ang sosyal na, akala ko hotdog eh. Nasanay kasi ako sa homemade lumpia pack. At yung sa mga supermarket na kuhakuha lang na hindi naka pack, kaya laking gulat ko dito. Tinawanan ako ni hubby matagal na daw kasi may ganyan. Ignoranti na kaayo ko…
Gisadong bihon with sardinas for dinner. Una napagkasunduan namin na instant pancit canton with boiled egg. Bibili na sana sa sari sari store, bigla nakita ni hubby ang bihon kaya sardinas nalang ang binili para mag bihon nalang ulamin para busog ang lahat at maka tipid rin. Hindi kasi magkasya sa amin ang 4pcs na pancit canton marami kami eh hihihi. Samantalang pag bihon rarami kasi sya pag naluto na. Magandang gabi aking mga kaibigan.
Una nakita at nabasa ko ay "Miriam" sabi ko bakit andyan pangalan ko hahaha. Tinignan ko ulit at binasa lahat. Natawa ako bigla pag basa ko kasi napakatotoo talaga ito grabe hahaha. Yung gusto mo na sabihin kay driver o sa conduktor na babayaran ko nalang yung gusto nyo idagdag para pasakayin pa hahaha. Naalala ko din bigla yung amo ko dati noong kasambahay pa ako, idol nya rin si Sen. Miriam Santiago. Meron nga syang libro ni Miriam binili nya talaga, mga ganyan din ang…
Tulog na mag ama ko. Ang likot ni Exo parang orasan hihihi. Mana ata sa akin ganyan din daw ako kalikot dati according to my mama at sa mga kaibigan ko (room mate) ko dati hahaha. Pinag lihi daw kasi ako sa relo ni mama. Ngayon lang ako nabago noong nakapag asawa na hindi na ako malikot matulog nahiya siguro kay hubby hahahha.
I belong to The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints. It feels good to be able to go to church again in the chapel. For 14 months I only attend church services virtually. Nanay took care of Exo so that I could go to church earlier. When we got home, nanay said that Exo didn't cry, he just playing when he woke up . Indeed it's a happy and blessed sunday for me.
Family Home Evening (FHE) In The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints there is a heavenly inspired program that is about the family. We called it Family home evening or a family night. This is a time to strengthen family relationships and have fun together. We do this once a week. Monday is really allotted. But it's still up to the family what day they are available. In our family we chose to go to FHE on Sunday evening because we only got together on Sunday. We do…
This is my first ever shot. I'm Trying hard to capture it perfectly but still I'm not good at it. Anyways I'm using my huawei Y6 phone camera for capturing this. This is bell pepper the only fruit on nanay's single bell pepper plant. This is the dish we used to eat. When we were kids, the color was still green. We would grill it and dip it in vinegar with salt and ginger. It is very delicious for me and I can eat a lot of it as long as it is grilled when cooked. #myown
The Grandpa and Grandson Genuine Laugh! Tuwang tuwa ang lahat sa kakulitan ni Exo lalo na ang lolo at lola, hindi lang nasali sa picture ang lola. Yung nagka sagutan kunti si nanay at tatay tapos pag baba ni Exo naputol ang sagutan nila at napalitan ito ng mga tawa sa mga bibig at mukha nila. Ang mga baby ay tunay na isang tagagawa ng kapayapaan. Magandang gabi sa inyong lahat aking mga kaibigan.
Ang aking paborito na palaman ng tinapay Star Margarine Sweet blend with real honey and sugar bits. Mula noon bata pa ako hanggang ngayon star margarine na talaga paborito ko, noon plain pa wala pang mga halo, ngayon nag level up na with sugar bits and honey na lalong sumarap sa aking panglasa. Naisip ko nalang ito na picturan at i share dito huli na kaya wala ng laman ang picture hahaha. Gutom eh!
Yehey! Sa wakas graduate na si Exo sa bakuna. Last turok na niya kanina. Ang galing at mabait ang nurse talaga, sinabihan nya ako na kailangan i keep ang card ni Exo kasi hanapin ito pag mag school na sya, eh malayo pa daw mag school si Exo ang mga record daw sa health center pag ilang taon na nakalipas tinatapon na daw yan o di kaya mawala. Kaya kailangan i keep daw yung sa atin na copy para sigurado tayo at hindi magka problema in the future. Buti nalang talaga sinabi ni…
On of my favourite outfit of the night for Exo. Tatlo talaga yung paborito ko kaso ang dalawa hindi na kasya sa kanya hahaha. Ang isa yung suot nya sa profile picture ko. Nabili ko ito ulit sa Live selling sa fb (ukay-ukay). Pag bili ko nito hindi talaga sya mukhang ukay-ukay sobrang bago. Parang brandnew. Mommas familiar kayo sa code ng ukay-ukay bale na CCR GOLDRAGS? Yan na code galing lahat damit ni Exo, hindi talaga mukhang ukay-ukay kaya para na rin akong namili sa Mall…
Malapit ng maubos ni Exo ang floormat namin ahahah. Una maliit lang to na butas eh as in maliit na maliit lang talaga, tapos nakita nya ayun na unti unti nya talaga hanggang ngayon ito na hitsura. Kitang kita na ang sahig namin. Hihihi. Magandang gabi mga kaibigan. Kamusta ang buong mag hapon nyo? Ako naman ay masasabi ko na hindi produktibo ang aking maghapon sa araw na ito.
Kdrama fever! Random conversation with hubby. Morning Me: (sumigaw) Why I am so lazy today? Is it because of the Kdrama? Hubby: Maybe (pahina pagkasabi) Afternoon Me: Hindi naman ako kinikilig sa pinapanood ko kasi hindi nakakakilig mukha ni leading man. Ayaw ko na sana panoorin kaso enteresting ang story kaya pinatuloy ko nalang tignan. Hubby : Ako nalang tignan mo (gwapo) Me: gwapong gwapo sa sarili. Hubby : Bakit hindi? Me: Gwapo syempre Hubby : kung gwapo ako bakit hindi…
Magandang umaga Pilipinas! Ito po ang tanim ni nanay na kamote na naka paso for gulay purposes lang. May tanim si nanay na kamote sa lupa kaso nahihirapan na sya mag kuha ng dahon tuwing mag luto sya ng gulay kasi nasa bakilid, maligid nya sya sa pag kuha ng dahon. Ang tabi ng talbos ng kamote ay Alogbati, lagi na nakakuha si nanay ng dahon ng Alogbati pang halo sa gulay "utan bisaya at pinakbet" Dahil may tanim si nanay, may maaani kami. Hihihi. Lagi na ako nauunahan ni…
Namis ko bigla sa Bohol. Pag baba ko kanina ang nakita ko agad sa tv na palabas ay yung tricycle at Tagbilaran pier, segundo lang naabutan ko pero kilalang kilala ko ang tricycle ng tagbilaran ahahaha. Tapos sa floating restaurants na tapos yung Loboc children choir. Sa I❤️MOVIES na channel yun nakita ko. Kanina pa pala yun na movie nag umpisa sabi ni nanay whole movie sa Bohol ge shoot at tunay na buhay parang MMK sya na movie. Proud Boholana here! Ito lang naabutan ko…
Today's Milestone unlock! Nauna nagising at bumangon si Exo sa afternoon power nap namin. Habang naka pikit pa ang aking mga mata at naka higa pa. Kinuha nya kamay ko at nilagay ang bottle water at nag sasabi ng (am am am am am) ang ibig sabihin nya ay mag drink sya ng water kasi nauuhaw na sya hahaha. Bilang isang ina natutuwa at namamangha lang ako sa tuwing may mga ma unlock na milestone si Exo lalo na pag ganito. 06.11.21 03:50pm
Bumuhos ang malakas na ulan mga madaling araw siguro iyon hanggang ngayon. Pag tingin namin sa ilog napalakas ng baha. Sa sobrang lamig seven thirty ng umaga na kami nagising. Buti nalang walang pasok sa work si hubby ngayon, day off nya today. Maulan na umaga sa inyo aking mga kaibigan wag kayo mag alala sa amin dito, mga nasa eight to ten meters naman ang layo namin sa ilog at naka reprap(semento) naman ang both side ng ilog. Ingat tayong lahat mga kaibigan. Maligayang…
Breastfeeding my Exo while making noise here. Siya na talaga masusunod sa kanyang porma habang mag dede, sauna side lying lang kami. Pag tungtong nya ng mga eight months ata ayaw na niya mag side lying, kung ano ano na posesyon nya mag dede hangang ngayon. Nag lalaro lang yan ng car toy nya habang nag dede ako naman nag noise, tumahimik kaya tinignan ko gamit phone camera, ayun tulog na pala. Makapag side lying while dede pag gabi yung tulog sya at biglang mag hanap ng dede…
Mang agaw talaga sya ng martilyo sa lolo nya na nag panday. Mag wild pag ayaw ibigay, hays sana kaya ko mapanindigan ang ge promise ko sa aking sarili na no gadgets sya pag dating ng araw. Ngayon pa lang pag titingin sya ng nursery rhyme, sinasabihan na namin na tingin ka lang wag mo kukunin kasi kinukuha nya. Buti at makikinig din naman hindi na nya kukunin at nood nalang. Sana tuloy tuloy na. #1stimemomjourney
He really loves Picachu since birth. Yung feeling na para syang kinikilig pag nakakita kay Picachu hahaha. Sabi ko kay hubby ano meron kay Picachu bakit si Exo parang kikiligin pag naka kita sa kanya. Hubby said that naka ngiti kasi palagi si Picachu, tingin ni Exo ningitiin sya ni picachu kaya kinikilig sya. Sabi ko naman babae ba si picachu? Hahahah. Natanggap niya itong terno pajama noong birthday niya, a birthday present from his friend KL. Ngayon nag dede sya, yung…
Convo with banana! Me : Dadee i date daw ako ni roro (one of my bffs) kami lang dalawa. Hubby : Pag sya payag ka, pag ako mang invite ayaw mo. Me : syempre sya gagastos, pag ikaw wala tayong pera (ahahha) tsaka isang taon na si Exo kampanti na ako maiwan saglit. Hihi. After seconds sabi ko sige na nga mag save ka muna dyan sa laro mo ng pang date natin ayaw ko mabitin sa pagkain nuh ahahha. Hubby : Sure? Saan mo gusto mag date? Me : gusto ko sa mga mall kasi namis ko na…
Pagkatapos kumain ng umagahan inutusan ni nanay si hubby na mamitas ng niyog sa backyard. Ang sarap ng coconut water(juice) so fresh. Tatay said that "Buti tinanim namin yan hindi pa kayo nag aasawa, ngayon naka tikim na kayo ng bonga ng niyog. Kung tinanim namin yan sa pag aasawa nyo pa lang hindi pa kayo maka tikim nyan ngayon." Sabi ko naman salamat ng marami tatay, mag tatanim na rin kami ngayon para maka tikim rin ng bonga ang magiging asawa ni Exo haha. #GratefulHeart
Hubby's Experiments! Me : Sabi ko ano gagawin mo? Hubby : Watch and Learn. Experiments ni. Nyahaha nice one hubby. In fairness ha great idea. Kukunin kasi nya ang phone at hindi na tuloy maka pa nood kaya ayan dinikit nalang sa wall para makapanood talaga sya ng nursery rhyme. 06.13.21 06:20pm
Alam niya kasi na kukunan sya ng litrato kaya ayan ramdam na ramdam ang pagkukuha ng niyog nyahaha. Gagamitan nya daw ng kanyang kapangyarihan para ito ay kanyang makuha mula sa puno ng niyog. Ang isang puno ng niyog na ito ay marami syang binibigay sa amin ng bonga, mapa green para sa dessert/ fruits at mapa brown para sa ulam. #GratefulHeart
Soup bowl! Gulat kami ni nanay sa soup bowl nilagay ni hubby ang coconut water and laman. Me and nanay said ano yan sabaw ng nilagang buto ng baboy? Nyahaha. Magandang umaga and happy weekdays mga kaibigan.
Ngayon ko lang ito napansin si Kim Chiu pala model sa bihon na ito hihihi. Tinignan ko ulit yung picture na pinost kod dito noong nakaraang lingi na bihon din, si Kim Chiu nga hahaha. Nag crave ulit ako ng bihon ngayon mga kaibigan hahaha. Paborito ko kasi talaga ang bihon or any pancit na ulam. Maaga ako nag luto ngayon para sa tanghalian kasi maaga ako nagutom. Hahah Magandang tanghali sa inyong lahat mga kaibigan.
Mga ganitong petsa tingbits ang tawag sa mga kaibigan ko dito sa Cebu na mga call center agents. Noong una nahiya ako mag tanong anong ibig sabihin ng tingbits bago pa kasi ako noon dito sa Cebu. Noong nag tagal tinanong ko na talaga. Ahahaha. Tingbits means ting bitay na nila ibig sabihin wala ng natira na sahod sa huling sahod at wala na makaka kain. Naalala ko lang yan na term nila kasi wala na rin laman ang lagayan namin ng food ahahah empty na tingbits na rin kami.…
May pasalubong si nanay sa kanyang apo na si Exo at ito yun cookies nasa picture sa baba. Hindi ako mahilig sa cookies talaga, iwan ko ba ayaw ko talaga yung lasa ng cookies. Pero noong na tikman ko ito, nasarapan ako, gustong gusto ko yung lasa nito, feeling ko dami syang milk powder o bear brand na hinalo. Gusto ko nga ubusin ito kaso naisip ko kawawa naman anak ko, ako mag ubos sa pasa lubong ng lola nya sa kanya. Ahahaha. Tinanong ko si nanay magkano iyan, sabi niya tag…
Curious lang ako sa sinabi ni nanay kanina, kaya i share ko ito dito sa inyo para malaman kung ano din ang openions nyo. Sabi ni nanay, kanina sinabihan sila ng kapatid ni tatay na pumila doon sa may namimigay ng mga milk at iba pa. Ang makakasali lang daw doon yung may mga cellphone lang. Pero hindi na naabutan nila nanay wala na daw. Ang kapatid ni tatay pumila daw din doon pero nong sa kanya na nakarating na sya sa namimigay tinatanong ang kanyang phone number, hindi nya…
Magandang umaga Pilipinas! Kay ganda ng sikat ni haring araw ngayon. Ginising ako ni Exo at ni haring araw ng maaga. Wala pang ala saes ng umaga ang tirik na ng araw. Sunrise is inviting me to be productive today. So pagkatapos ko mag post nito ako ay maglalaba muna, tapusin ko lang ang aking naiwan kahapon na binabad na labahan, may tatlong batch kasi ako ng labahan kahapon. Hindi ako maka tingin sa araw basta lang pinicturan ko, pag tingin ko sa picture, Infairness not…
Mommas ang sarap sa pakiramdam makatapos mag laba nuh, yung ubos na talaga. Hubby said: Congratulations mamee! Me: Salamuch Ahahaha. Pero maya maya naku meron na naman yan, tatlong beses ko kasi binibihisan si Exo sa isang araw. Tapos na rin ako sa morning routine namin ni Exo, Like paligo, pa inom vitamins at pakain sa kanya. Tapos na rin kami ni hubby nag breakfast. Ngayon naman patulugin na kasi sleepy na siya, wala na sa mode. Habang nagpapa tulog sa kanya nag iingay…
Antok na antok na talaga sya pero yung feeling na hindi sya maka tulog. Bad mode yan pa iyak iyak kasi hindi maka tulog pero ayan sumakay nalang sa kanyang car toy ahahah. Inantok na rin ako kaso ito nga hindi pa maka tulog ang aking Exo. Kaya lalabanan ko na rin ang aking antok at mag iingay dito. Pinipilit ko patulugan kasi naaawa ako sa kanyang antok na mukha, pero hindi talaga sya maka tulog eh.
Ang batang gustong gusto lumabas. Buti nalang may kasalitan ako, pamangkin ni hubby kasi madaling sumakit likod at balakang ko ahaha. Pero naka sunod tingin pa rin ako sa kanila palagi. Magandang tanghali sa inyong lahat mga kaibigan. Magandang tanghali Pilipinas!
All the way from Mandaue City Cebu for only twenty seven pesos. Bakit twenty seven lang? Kasi bigay lang ang avocado at mangga, tapos ang one hundred plus na delivery ay naging twenty seven nalang dahil may discount si ma'am sa lalamove delivery. Marami pala iyang avocado hindi lang na picturan kasi ge slice na agad ahahah. At ang lamaw na avocado hindi na rin na picturan excited na kumain ang sarap eh. Ahahah. Thank you so much ma'am Iris sa lahat ng mga biyaya na ito na…
After work, his father rested and then he rode on his back. He wants to play and cuddle with his father. A thought came to my mind, Exo's generation is very blessed because I can take pictures of his precious moments with his father, his amazing sleeping positions and many more because the camera is on the phone now. When he grows up, he will be able to relive his memories. When I was a baby I didn't really see any pictures. But we have photos of day care graduation and…
Magandang umaga mga kaibigan. Umakyat na kami sa taas dahil tapos na kami sa morning routine at tapos na rin ako mag laba sa mga cloth diaper ni Exo. Syempre kinuha ko kaagad ang phone habang si baby ay nag lalaro pa dito sa taas. Pag tingin ko kay hubby at sabi ko bakit hindi kapa nag work? Sabay tingin sa oras sa cellphone, Ahhh aga pa pala wala pang alas otso. Aga natin natapos ngayon. Ako lang lahat lahat nag sasalita at sumasagot sa mga tanong ko ahahah. Anyways ang…
Ang tanghalian ni Exo quaker oats at fresh avocado. Subukan ko lang kung magustuhan nya hihi first time ko ito ipakain sa kanya naisip ko lang bigla i halo. Infairness nagustuhan nya at naubos nya lahat. Nasubukan nyo na rin ba ito? O nasubukan nyo na ba mag experiment ng pagkain para sa mga little one nyo?
Ibabahagi ko lang sa inyo dito ang gawa ng pamangkin namin na sampong taong gulang na. Bola gawa sa lastiko(rubber bond). Namangha lang ako pagka kita ko dito, tinanong ko sya saan nya natutunan gumawa nyan, sabi nya ay nanood daw sya sa youtube paano yan gawin.
Napansin ko ang daming nag iikot na namamahagi ng kanilang pag mamahal, hindi lang isang beses sila nag iikot, maraming beses at araw araw ito kahit alam nila hindi sila masusuklian ng pagmamahal din mula sa kanilang binibigyan. Sana kayo ay tularan ng Karamihan. Saludo ako sa inyo, ako ay masaya maka kita sa inyong magandang halimbawa. Napakagandang halimbawa nyo talaga. Marami kayong napasaya, isa na ako doon sa napasaya nyo. Gustuhin ko man na balikan ang pag mamahal nyo…
Tanong ko lang mga friends. May priority lane ba kung may baby ka? Schedule na kasi namin for national ID para sa pangalawang step. Sigurado yan maraming tao, o mahaba na linya, matatagalan yan. Pinakamatagal na manghingi ng milk si Exo ay dalawang oras, ibig sabihin dalawang oras lang ako pwedi mag tagal sa labas. Ayaw ko muna sana syang painumin ng ibang gatas eh, wala din naman akong breastpump. Ano sa tingin nyo friends o sa mga mommies dito?
Kabalo najud intawon mo ayaw akong baby. Pagka kusuga sa iyang hilak oy ug pagka paspas me tulo sa iyang mga luha. Niayaw siya sa iyang amahan ganahan jud ko uban, nilakaw kadali iyang amahan para mag palit ug sud an para paniudto. Maayo gani naa sa bulsa nako ang cellphone ug nakuhaan ug picture dayun nako iyang nawong nga nag hilak hihi. Tagsa ra jud tawon ni sya mu hilak nga nai luha ka na bang tinud anay jud tawon nga pag hilak. Maayong udto kaninyong tanan:) Unya pa me…
Mag musician ata anak ko sa pag laki niya hihihi. Ang pagka hawak nya sa ointment na ito parang naka hawal ng float at ang pag ihip ihip nya may tuno. Sana hindi sya mag mana sa akin na napakasentonado ang boses. Nyahahah. Nahuli nya ako kaya ganyan ang quality ng picture blurry. Hihi
Isa sa mga childhood memories. Noong bata ako madalas kami walang pambili ng bigas, pero may mga tanim si mama at papa ng mga kamoteng kahoy, kamote, saging saba, gabi at iba pa. Kaya pag wala kaming bigas nangunguha lang si mama ng mga tanim nya (lagotmon) Ang nakakatawa ay, pag camote ang kanin namin, talbos ng kamote din ulam namin. Pag saging saba naman kanin namin, ginataang puso ng saging naman ang ulam. Pag gabi ang kanin namin, ginataang udlot ng gabi naman ang ulam.…
Looking for recommendations! Sa mga kdrama adik dyan. Ano ang natapos nyo na panoorin na maganda talaga ang story at nakakakilig ang mga bida yung ma sasabi nyo na "I highly recommended this series" at anong app ito mapapanood. Hihihi. Thank you in advance :)
Kagabi ito, kagabi ko din sana ito i post kaso ayaw talaga magpa post kagabi eh. Hihihi. Marunong na talaga sya mag hanap ng paraan para maabot niya ang cellphone. Habang nag iingay ako dito, mga isang minuto ko lang sya hindi natignan, noong natignan ko na sya, ayan na naka patong na sa lagayan ng snacks namin. Kinuha niya iyan sa lagayan namin. Maparaan na bata. Hahaha. Pero kulang pa rin, hindi pa rin nya abot. 06.17.21
I am attacked by overthinking today. Am I a good mother to Exo? Do I deserve to be his mother? Am I a good wife to hubby? Do I deserve his love and care? Feel tired, I am so lazy, I'm not productive. I want to do something but I can't. This platform helps me a lot to be distracted by thinking too much but today even to open it I'm not in the mode hahays. But I'm striving to overcome it and now I feel better na and watching kdrama "What's wrong with secretary Kim" hihihi.
Mura jud gikumot akong kasing-kasing nag tan aw sa akong anak nga grabeng hilak kay ni ayaw huhuhuhu :( Tingala sya nag elis man me duha sa iyang amahan nya siya wala elisi, nag duda na sya nga i bilin rajud sya mao nag sugod na sya ug hilak. Naanad sya nga mang lakaw me uban jud sya kay syempre immunize man niya mao kuyog jud sya hihihi, ilisan jud sya apil. Karon wala sya apila ilis.
Habang nag window shopping! Hubby : Ang busy mo sa phone, bitawan mo muna yan ipasok sa bag. Enjoy muna natin ang pag window shopping. Me: I tetext ko lang si nanay kamusta si Exo. Habang kumakain! Hubby : Wag kang magmamadali dahan dahan lang sa pagkain. Natulog pa ngayon si Exo kaya wag ka mag alala hindi pa yun mag hahanap ng milk. Me : Smiling :) Pagkatapos kumain! Me : Tara?! Hubby : Pahingahin mo muna ako busog na busog pa ako. Me : Ay hahaha sorry po. #1stimemom
Galing kami SM City Cebu para sa national ID. Ang haba ng linya, sobrang haba. Yung nag open na, pinapasok na lahat sa loob kasi mainit na dlsa Labas. Pagka tapos ng isang oras sa pag linya sabi ng mga guards sira pa daw ang mga machine kaya hindi pa nakapag umpisa, kasalukuyan pang inaayos. Hindi din daw sila makapag sabi anong oras maayos. Kaya nag advice sila na babalik nalang sa lunes. Kakarating lang namin sa bahay ngayon. Ang larawan na ito ay ilog dito sa amin. Sabi…
Yung gutom na gutom ka at pag tingin mo nito kulang na kulang ito naliliitan ka. Tapos sa gitna ng labanan ay bigla ka na busog at nahirapan ka na ubusin tapusin ito. Buti nalang to the rescue si hubby hihi. Sayang din kasi. Naranasan nyo rin ba yan mga kaibigan? Ang ganda ng palakaran nila ngayon sana kahit after pandemic ganun pa rin ipagpatuloy pa rin nila iyon. Sobrang organise nila. Pagkatapos mo mag order, sa resibo andun ang table number mo na at sabihin rin ni…
Window shopping at SM City Cebu with hubby. Isang taon at kalahati din at sa wakas naka balik din dito. Hindi rin nag tagal yung pag iikot kasi hindi ako mapakali, nasa isip ko palagi ang aking anak na naiwan sa bahay. Dati ang rason ko kung bakit hindi ako maka tagal sa pag iikot dyan ay dahil sa madaling sumakit ang aking paa sa kaka lakad at kakatayo. Ngayon ganun pa rin naman pero may nadagdag ang aking anak. Iba na talaga nuh pag may anak na kaysa dati na wala pa. June…
My heavy med night snacks. Nissin seafood noodles with egg. Hindi ako mahilig sa noodles at sabi ko sa sarili ko hindi muna ako kakain ng noodles habang dumedede pa sa akin si Exo kasi hindi sya healthy for him. Pero kasi ngayon nag crave ako ng pancit eh ahahaha kaya noodles nalang pang tapat sa pancit. I justify ko nalang may egg naman na halo eh kaya medyo healthy pa rin ahaha. Nag request ako kay hubby na lutuan nya ako ng noodles kasi tamad talaga ako bumaba sa baba…
Happy Father's day to all Father out there. Happy morning, happy Sunday friends. Today is a God's day. Let us stay healthy temporarily and spiritually. Ang bilis ng oras, araw, panahon mga kaibigan nuh, parang kahapon lang nag sunday, Sunday na naman ngayon. Tapos mamaya hindi na natin mamalayan Lunes na. Hihihi.
Umakyat si nanay dito sa taas at kumatok sa pintuan namin at sabi nya na, paki picturan ang tatay nyo tapos ito ang i caption i post ito sa fb para sa tatay nyo, wag lang kayo maingay ha. Si nanay nag sulat at galing yan sa puso nya. Ang sweet naman talaga ni nanay. Kahit lagi yan sila nag babangayan ni tatay pero at the end of the day ang sweet pa rin nila. Sabi nga ni tatay hanggang salita lang kami walang sakitan kaya umabot kami sa ilang taong pag sasama kaya kayo dapat…
Maayong udto mga kahigalaan. Ganiha samtang naniudto me ni hubby, ni ingon ug kalit akong ugangan nga babae nga "may naa koy gisalin sa imuha isa kabuok hiwa manok naa sa ref" ug akong gi dali dali ug kuha sa ref ug gikaon wala na nako inita ako nalang gipailalom sa kan on nga init para mo init pud hihi. Na touch rako sa akong ugangan nga babae, maka ingon jud ko nga mag binut an na lagi ko hahaha ako na lagi atimanon imong anak nay. Hahaha. Bitaw kamusta man mo diri?…
This mini cupcake is from our primary children in the church the simple presents they have to all the fathers in our church. Happy Father's day to my eternal companion, to my father who is already in heaven and to my father in law. Happy Father's day again to all fathers out there.
Gawa ng aming napakalapit na kaibigan na napaka talented. Hindi lang sya magaling mag drawing, magaling din sya mag guitar, simger, dancer at iba pa. Nag practice sya sa kanyang talento at hilig, kaya naisipan nya mukha namin ni hubby anh pag practisan niya at iba pa naming malapit na kaibigan at syempre ang asawa nya rin. Ang pangalan ng aming kaibigan na nag drawing nyan ay nasa picture may signature sya dyan hihihi. Magandang umaga mga kaibigan.
A sweet precious moments of my Exo and his kuya cousin shun. Nagtaka ako bakit tahimik. Pag lingon ko ito nakita ko hihihi kaya agad ko inopen camera ng cellphone ko at kinunan sila ng litrato. Natutuwa lang ako makita ang ganitong moments nila ng mag pinsan. Magandang tanghali mga kaibigan. Gutom na ako, hinintay ko nalang maluto sinaing ko hahaha.
Paano nyo pasasalamatan ang inyong mga biyanan na mga mababait? Pag inaabutan kasi namin ng kunting halaga, hindi tinatanggap kasi alam nila nag huhulog pa kami ni hubby sa utang namin noong ako ay na operahan. Kaya gusto ko na ito matapos talaga para tanggapin na nila ang mga kunting halaga na inaabot namin sa kanila. Pag tutulong naman ako sa gawaing kusina, sasabihin na bantayan mo lang si Exo, ako na dyan.
Exo's friend sending him a photo of the picachu evolution. It's Raichu! Inilapit nya talaga mukha nya sa cellphone eh hihi. Tuwang tuwa sya, yung una pa sayaw sayaw pa sya na naka ngiti pag tingin niya. Kilala pa rin nya si picachu kahit nag evolve hihihi. Ang bilis naman naka picture ni hubby ahahah. Good evening mga kaibigan.
Akala namin ni hubby kami pa ang nauna, pinapasok na pala nila sa loob Me: ika ika 61&62 na pala tayo Hubby : Atleast 6162 tayo kaysa noong Saturday ika 700+ na tayo. Well, mas organise sila ngayon kaysa noong Saturday nagka yagaw mga tao na nag linya sa labas ng SM. Sabi ni guard, ngayon lang daw na araw ang kunting tao, simula umpisa hanggang kahapon ang daming tao.
Dili mo tan aw namo, nang lood intawon kay ngano gibiyaan haha. Kalooy tawon nag tulo ang luha huhuhu. Nakasakop rajud ko picture niya. Hubby : Kalooran sa atong anak liwat nimo. Me : Aw asa man deay mag liwat syempre sa akoa hahahaha. Maayong buntag mga higala.
Ang Good samaritan sa araw na ito. Kanina pag sakay namin ng jeep at kakaupo lang namin kinuha agad ni hubby ang wallet para mag kuha ng pamasahe, pag tingin nya kulang na kulang ang barya, Sabay pa kaming nagsalita ng "Hala!" Nag hanap kami sa mga kanya kanyang bag namin kung may mga barya natago, wala talaga. Sabi ko kay hubby na tanungin mo nalang si kuya driver baka may panukli sya nyan sa bill. Ang katabi ko, nag offer ng limang peso pang dagdag sa kulang namin na…
Magandang hapon mga kaibigan. Masaya ako at umulan ngayon dito sa amin hihi. Pero syempre dobly ingat pa rin kasi ang lakas ng buhos ng ulan at ang lakas ng thunder nagising bigla si Exo eh sa lakas, ang dilim din sa labas at malapit lang kami sa ilog. Kamusta dyan sa inyo?
Mom has two broken keypad cell phones. So Exo and his kuya cousin shun was playing and called him, you can see in the picture he looks like he was also listening to his cousin shun talking. Hahaha murag korek naman intawon ni akong baby oy buyag. Una tinignan lang namin sya at natutuwa sa kanya ginawa, dahil nakakatuwa tignan, I decided to take a picture of him. Isn't it cute? Good evening mommas:)
70s movie (black n white) Araw araw nag movie marathon si nanay dito sa channel na ito, pag tungtong ng 8am tatawagin na niya si shun para pabuksan ang tv kasi hindi sya marunong bukas ng tv. Naabutan ko lang dati ay ang black n white na tv at generator pa gamit ng mayayaman na kapit bahay namin kasi wala pang kuryente sa lugar namin.
I received $. 44 tips from a user in my post this morning I was surprised how it was sent. I am so thankful for sharing his/her blessings to me. Forever grateful to her/him. Naawa siguro sya kasi puro itlog lang ang mga post ko hihihi. Noong nakaraan linggo rin na puro itlog lang din ako, may isa akong kaibigan dito na nag bigay din ng $0.02 salamat sayo sissy sa pag share ng blessings mo sa akin ha. #GratefulHeart
Mingawa aning wala tay enternet connections oy dili ta ka tan aw kdrama hahaha. Maypag nag download ko ba hahays. Kalas pud kaayo ug data load hahaha wala tay budget. Maayong gabie mga higala, gabie naman kay ala saes naman maski hayag pa ug murag hapon pa sa gawas hahaha.
Huwag mong mamaliitin ang mga online seller, bilog ang mundo baka sa susunod na araw online seller ka na rin. Nag online selling ako kahit walang puhunan, post post lang ako ng mga pre order products, pag may mga kakilala ako nag tinda mag reseller ako sa kanila posting posting lang pag may mag order, payment first ako para ang payment sa nag order yun lang din ibayad ko kay supplier. Akala ng mga kaibigan, relatives, family ko ay mayaman na ako kasi palagi mag post ng…
Yung moment na gusto mo ng sumuko sa pag nenegosyo o ipatuloy pa ang iyong maliit na negosyo pero bigla kang binigyan ni God ng good payer na buyer. Ayan pala yung hugot ko noong panahon na sobrang tumal at daming mga joy reserver o bugos buyer hahaha. Sino makaka relate sa akin dito sa word na joyjoy sa ukay-ukay world?
My sweet little man lying on his picachu pillow. That moment in the picture, his dad telling him to hug picachu and he is doing it. Mommas I strongly believe that our children is our pride and joy, our stress reliever and sometimes makes us upset. In my case when I'm so sleepy and he can't sleep it means I can't take a nap too that makes me angry but when he fell asleep, I felt sorry and guilty of being angry towards him because he can't sleep immediately. #mylove
Para akong si sleeping beauty na masarap ang tulog. nagising ako sa biglang pag halik ni Exo sa akin hahaha. Pero alam nyo yung half gising half tulog nalang ako at naririnig ko boses ni hubby na inutusan nya si Exo na kiss mommy kiss mommy at ayun kiniss nga ako ng aking principe at ako ay nagising hihihi. Naunahan nya ako nagising mula sa aming morning power nap hahaha.
May nakita kasi akong nag post ng ulam dito na corn beef with patatas at nag crave tuloy ako, kaya nagpa bili ako ni hubby ng corn beef at patatas, pero dahil gust din ni hubby na may lagyan egg kaya ang ending corn beef with patatas and egg. Ayan ulam namin kanina umagahan at si hubby nag luto nyan. Hihihi . #cravingsatisfied
Buti nalang pinahiram ng prepaid wifi si hubby ng boss nya para maka work na sya ulit. Hindi pa kasi nabalik ang enternet connections namin. No work no pay pa naman sya, paano nalang matapos ang buwan walang sahod matanggap.
Mag exercise tayo tuwing umaga para malakas ang katawan wag nyo kalimutan mag exercise kasi ako hindi ko nakakalimutan pero tamad lang mag gawin nyahahah. Buti pa tong anak ko at ama niya palaging may morning walk para magpapawis. Magandang umaga mga kaibigan.
Ang isa kabuok Pritong isda gisabawan ug gi sagolan ug mga dahon dahon (kamungay ug dahon kamote) para mu daghan ug maigo sa tanan ang isa kabuok pritong isda hahah. Ug kani nga picture pagkaon kani sa akong baby kan on ug nai gamay ge himay nga isda ug gibahugan ug sabaw kay porya buyag mo higop ug sabaw bataa intawon.
Mga higala ko'ng ka bisay an diri naay joke nga akong nadunggan gikan sa vlog ni mam Elli i sulti nako ninyo diri basin pa ug mangatawa pud mo sa iyang joke hahaha "Sa kadugay nako nga single mahadlok ko ug naay manguyab sa akoa kay basin napasmo ra"
Kaninang umaga nag crave ako ng spaghetti at ngayon hapon mga 5pm binigyan kami ng spaghetti ng kapit bahay kasi may birthday. Natambalan na ang aking pagka gutom ng spaghetti hahaha. Ayaw ma attach ang photo hihi. Magandang gabi mga kaibigan. Happy weekends!
Nangutana ko sa akong bana. Me : gibinlan ko nimo ug sud an? Him : naay manok sa ref akong gibutang Me : maayo kay wala nilupad ang manok Him : wala kay akong gehiktan para dili ka lupad Me : Ahahahaha Tag duha man gud ko mo kaon ug panihapon, pamahaw, paniudto mga higala kay lisod ning breastfeeding momma ta kay permi gutom mag kutoy akong tiyan. Pero usahay walay makaon o kwarya aw tag isa ra mo kaon walay duha duha hahaha.
Ang cutie diba? Nacucutan ako nito hihi. Isa ito sa laman ng pa give aways ng kapit bahay namin na nag 1st birthday baby niya. Magandang umaga mga kaibigan.
Magandang hapon mga kaibigan. Naalala nyo ba yung pinost ko dito na inaya ako ng aking isa sa bff ng date? Kanina ang date namin, nag lunch date kami sa isa sa pina ka sikat na pinoy kainan na may unli rice ahaha. Mahulaan nyo ba kung anong kainin yun? Gusto ko sana mag attach ng photo kaso ayaw eh. Hihihi.
Hello to all mommas out there! Motherhood is a great calling from on high. Motherhood is not easy. I try my best,but sometimes I struggle to be the momma I want to be and struggle to find myself. I get exhausted, make mistakes and lose my cool. But regardless of how hard it is, each day I still show up. And in the end, no one could ever love my child the way I do. Laban lang tayo mga mommas:) #mommaslove
Good morning and happy Sunday mommas. President David O Mckay said that "Motherhood consist of three principal attributes or qualities:namely (1) the power to bear, (2) the ability to rear, (3) the gift to love"
Mommas do you ever just look at your child and start smiling like literally feel your heart melting because you love your child so much and you realize how blessed you really are to have a child? I can't help myself to stop looking at my phone screen wall paper. I just love this photo of my little one. And I always love of my child existence.
Mommas please allow me to share here to all of you the birthday greetings letter for Exo during his first birthday from my very close friend. She was my trainee in the vineyard and we are like mother and daughter that is why she treated Exo as her younger sibling. Dearest Exo, Hi baby Exo! So sorry if we fail to send you our video greetings, so I just decided to write one for you. Don't worry your momma will show this to you when you're able to read and understand(maybe…
Kahapon sa aming lunch date ng aking kaibigan. Nagpapasalamat ako sa kanya na ginising nila ako dati o ng isa pa naming kaibigan pa tungkol kay hubby. Laking pasasalamat ko sa kanila dahil kung hindi dahil sa kanila hindi ako ganito ka hayahay ang buhay aw hindi hayahay sa pera ha kasi mahirap lang naman tong napangasawa ko, pero mayaman talaga sya sa pagmamahal at pag aalaga sa amin ni baby. Sila kasi ang nagpa gising sa akin sa katotohanan eh. Naalala ko dati may mga…
Magandang umaga mga mommas kamusta na? Naka tulog na ba mga anakis nyo? Ang aking Exo baby kakatulog lang kaya mag umpisa na ako mag ingay dito ngayon. Pagbaba ni hubby at Exo, nakita nila na nag lilinis si tatay ng bike na ilang taon ng naka tambak, nilinisan dahil ipa gamit sa girlfriend ng younger brother ni hubby pang service puntang work. Maganda kasi yan pang korean style. Ito namang baby namin sabay sabi na malakas brom brom brom ahahaha. Kaya ayan tuwang tuwa sya…
Akala ko gising na sya kaya kukunin ko na sana sya sa duyan, pag tingin ko naka pikit pa ang mata habang nag sasalita ng "amam mamamam" tapos nahinti at mahimbing ulit ang tulog. Yan kasi words nya pag nag hihingi ng food o kakain na sya dahil dutom na. Hahaha Nag sleep talk si Exo namin. 06.28.21
Noong nakaraang lingo tinanong ako ng kaibigan ko ano daw gusto ko kainin o saan ko gusto kumain sa lunch date namin, gusto ko ba daw ng sea foods o ano para ma budgetan nya daw. Sabi ko naman hindi ako masyado mahilig sa seafood kay hubby lang yan hahaha tska isa pa sa isip ko mahal yun nakakahiya naman. Pero sabi ko sa kanya, sa ngayon nag crave ako kay mang inasal ahahaha. Kaya ayun cravings granted at doon nya ako dinala at pinakain noong lunch date namin last saturday.…
Maayong hapon mga higala. Lami jud buyag ang original Piaya nuh kanang Bacolod's BongBong's finest delicacies. Pag sabado pa ni gihatag, pero karon pa nako ge open kay karon pa ge bati ug gana kaonon. Dili jud ko maka attatch sa photo, maayo rapud para dili mo mag laway mag tan aw sa picture sa piaya. Hahaha Hashtang lamia jud buyag, tama kaayo sa akong panglasa. Hihihi.
Si nanay at tatay baw! Nanay: Maglabadami napud ko ani. Tatay: Mag balik jud ka pang laba ga? Dili na d i ka magpabuhi nako? Ayaw lang balik ga oy ug pang labada kay buhion raka nako kay kapoy ng ma labada daghan kaayo nya gamay ra i sweldo sa imuha.. Nanay: Nag ampo baya ko sa Ginoo nga tagaan ko niya ug income nya nag tawag man akong amo sauna sa labada, siya may gihatag sa Ginoo nako. Tatay : Ayaw lagi balik buhion raka nako. Nanay : once a week ra bitaw, nag ampo baya ko…
Habang nanonood ako ng cdrama, biglang pinakita ni hubby ang laman ng gcash nya at sabay sabi na "tignan mo 0.70 pala laman" sabi ko naman ha hindi ko gets? Sabi nya " ang buong akala ko 70 pa ang, kaya pala ayaw talaga ma transfer sayo dahil 0.70 lang pala ahahha" Ay naku mga kaibigan sobrang tawa ko talaga.Ahahaha, lagi kasi yan nang gugulat sa akin mag transfer sa gcash ko.
Maayong buntag mga higala. Maoni among sud an karon utan bisaya, Okra, kamungay, tanglad ug dahon kamote ug Alogbati dahon nga gikan sa tanom ni nanay sa kaang. Pagkalami nalang jud labi na higup sabaw. Naudtuhan ko ug pamahaw kay wala man ko gibati ug gutom ganiha oy hantod katugon na akong anak, pagpa katulog nako niya mao pay pagka bati nako ug gutom ug karon dali dali ko kaon hahaha.
Halo-halo kayo dyan mga kaibigan. Mang inasal halo-halo. Masarap ang halo-halo sa mang inasal pero sa pag kain ko nyan hindi ko naramdaman ang sarap kasi daldal ako ng daldal eh ahahaha isang taon at kalahati ba naman hindi kami nakapagkita ng aking mahal na kaibigan kaya na ipon mga pangyayari sa buhay namin na i chichika ko sa kanya:)
Dati nag post ako sa fb ng about sa pagpa upgrade ng enternet to fiber nag tanong ako bakit nanghihingi mga taga globe na pumunta dito ng bayad na 3k at gusto ko lang malaman kung sila din ba nag bayad pagpa upgrade. Halos lahat sumagot sa comment ay nag bayad nga daw sila ang isa naman nag suggest na i delete ko daw ang post ko na iyon. Kanina pumunta si hubby sa office ng globe para i follow up ang pagpa dala nila ng technician dahil isang linggo na hindi pa bumalik ang…
Hello there mga mommas? Naka tulog na ang aking baby Exo sa kanyang afternoon power nap. Nakatulog na rin ba mga anak nyo? Gusto ko lang mag bahagi sa inyo ng isang talk na galing kay Sister Sheri Dew patungkol sa kababaehan at pagiging ina. How can every woman can become a mother in the world around her? “Motherhood is more than bearing children, though it is certainly that. It is the essence of who we are as women. It defines our very identity, our divine stature and…
Mommas sino may anak dito na isang taon pa lang? Anong oras nyo sila pinapakain ng hapunan? Sobrang aga ba sa akin ang 4:30pm hapunan ni Exo? Pero pag kakain kami ng hapunan mga 6pm nang hihingi sya kaya sinusubuan namin ng kunti para lang sa tinatawag namin sa bisaya na tambal ibog ba. Hahaha. #firstimemomjourney
Naka dala ng isang kilong isda si tatay galing namasada. Hubby : mother bakit ang dami nyong niluluto may tinola, paksiw, pritong isda. Tatay : para maka pili kayo anong gusto nyo, si wifey (binanggit ni tatay name ko) mo paborito nya paksiw, ikaw naman prito. Nanay : ang gusto naman ng tatay nyo tinolang isda para maka higup sabaw. Ano ang masasabi nyo mga kaibigan sa aking parents in law? Ako ang masasabi ko super blessed ako at super blessed ang mga anak nila sa kanila…
Mga kaibigan nakita nyo ba yung balita kanina sa 24 oras na isang factory worker ge sweldohan ug tig sisingko at dyes sentavo? Na curious ako sa employer o may ari bakit ganun ang binigay nya na sahod sa employee nya hindi kasi sya nagpakita o nagpa interview eh.
Mga wedding gift na hindi pa na buksan ng kapatid ni hubby, kinasal sila noong 2016 pa. Mga limang taon na rin yan dyan naka tambak. Nasa Luzon na sila ngayon nanirahan, since pagpunta nila doon sa Luzon noong 2016 hanggang ngayon hindi pa sila nakauwi dito.
Mommas what should I do? Hahaha ako ay gutom na gutom na at ihing ihi na, naka tatlong beses na ako sumubok tanggalin ang dede ni Exo, ayaw talaga hahaha. Dito kasi kami sa baba sa kwarto ni nanay nag evacuate muna kami dito dahil da panday is back na hahaha at pinatanggal ni tatay ang aparador kasi nag extension kapatid ni hubby mag bukod na sila. Walang duyan dito ang hirap mag kabit ng duyan dito sa kwarto ni nanay andito rin kasi si hubby nag work. Nahirapan pa naman ako…
Four forty pm na naka tulog ng maayos si Exo baby ko kasi huminto na ang panday hindi na maingay. At nagka chance din ako mga mommas na mag hugas ng maraming plato pagkatulog ni baby kasi wala si nanay dito buong araw nag labada sya. Buti nalang hindi nya naabutan ang hugasin kasi naku sya naman ang mang huhugas noon pag dating nya kahit pagod na. Buti nalang talaga natulog na si baby ako ay naka galaw mag hugas :)
Ala saes singko ako na gasing, ang tirik na ng araw sa labas pag tingin ko sa bintana. Akala ko alas syete na dali dali ko tinignan ang oras sa cellphone alas saes singko pa pala. Kumuha ako litrato dito sa bintana. Hindi na naman maka tulog si Exo nito ng buong araw mamaya kasi maingay panday. Tiis tiis muna hanggang sa matapos ito.