read.cash Log in
@XOperUs more from that month

Joy ride in the rain with Exo! Sa araw na ito ang schedule ng baby ko sa center para pa immunize. Pag gising namin cloudy na talaga at habang pinapakain ko si Exo may raindroplets na na nahuhulog, pag alis namin medyo lumakas ang mga raindroplets nahuhulog. Naka motor lang kami hinatid lang kami ni tatay habang naka sakay ng motor nakapayong at si Exo naman naka hawak sa payong na naka tayo. Pag dating namin sa barangay hall isa nalang na mommy naiwan na may hawak ng baby parang paalis na rin, so hindi na kami bumaba ng motor at nag tanong kami sa isang mommy na naka tayo parang nag aantay ng taxi sabi nya wala daw na move sa june 9 ang immunization, to confirm nag tanong kami sa isang barangay worker na lumabas at sabi nga niya sa June 9 na nga raw babalik kasi na reschedule daw. So ito na nga para lang kaming nag joyride ni Exo sa kalsada na umuulan na naka payong habang naka sakay sa motor. Tuwang tuwa naman sya grabee. Tamang tama pag dating namin sa bahay bumuhos ang napakalakas na ulan. No picture kay nahirapan ako sa kalisod mag picture gustuhin ko man mag picture pero iniisip ko ang kaligtasan ni Exo. Maulan na Martes aking mga kaibigan :) #originalstorya #ownexperience

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.