Isa sa mga childhood memories. Noong bata ako madalas kami walang pambili ng bigas, pero may mga tanim si mama at papa ng mga kamoteng kahoy, kamote, saging saba, gabi at iba pa. Kaya pag wala kaming bigas nangunguha lang si mama ng mga tanim nya (lagotmon) Ang nakakatawa ay, pag camote ang kanin namin, talbos ng kamote din ulam namin. Pag saging saba naman kanin namin, ginataang puso ng saging naman ang ulam. Pag gabi ang kanin namin, ginataang udlot ng gabi naman ang ulam. Pag kamoteng kahoy, ginataang langka ang ulam. Minsan pag naka bili ng bigas tapos tinitipid namin kasi lima kaming magkakapatid plus si mama at papa so marami kami kakain. Ang kanin na bigas hinahaloan ni mama ng kamote ni slice ng maliit tawag namin sa bisaya ay "saksakan ug kamote o gabi" ang sinaing na bigas para rarami at magkasya ang kalahating kilo ng bigas sa amin. Pero sa aming magkakapatid ako yung laging nakakain ng masasarap na pagkain o mamahalin kasi nine years old pa lang ako nag working student na ako sa guro ko sa elementary. Hanggang dito na muna ang aking kwento. Love :gemeex
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet