Yung gutom na gutom ka at pag tingin mo nito kulang na kulang ito naliliitan ka. Tapos sa gitna ng labanan ay bigla ka na busog at nahirapan ka na ubusin tapusin ito. Buti nalang to the rescue si hubby hihi. Sayang din kasi. Naranasan nyo rin ba yan mga kaibigan? Ang ganda ng palakaran nila ngayon sana kahit after pandemic ganun pa rin ipagpatuloy pa rin nila iyon. Sobrang organise nila. Pagkatapos mo mag order, sa resibo andun ang table number mo na at sabihin rin ni cashier kung anong table number ka uupo, ang kutsara naka balot kasama na sa order mo. Ang sarap lang sa pakiramdam na hindi kana mahihilo mag hanap ng vacant na table at makikipag unahan sa bakanting table. Grabe nanibago talaga ako. After isang taon at kalahati ngayon lang ulit ako naka balik dito. #cravingsatisfied
No comments yet