Habang nag lalaba ako kanina, pumasok ito bigla sa aking isipan. Dati pag ako ay naglalaba, lahat ng parte ng damit daanan ko yan kahit alam ko naman na wala masyadong dumi, pawis at alikabok lang at sobrang malakas ako mag kusot yung tipong mapupunit na lalo na yung tela na ma nipis lang haha. Iwan ko ba bakit ganun ako, na gusto ko makuha lahat ng dumi na walang malalampasan. Ngunit ngayon na may anak na ako, nabawasan na ang pagka OA ko sa paglalaba hahaha hindi na kaya sa powers lagi na ako naaabutan ni Exo, ang iniisip ko na palagi ngayon kailangan ko ito matapos bago magising si Exo. #RandomThoughts
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
Haha! Relate sis, kahit sa pagligo pagkabuhos konting kuskos na lang. Minsan halos di pa nakakabanlaw at madulas pa pero titigil at titigil ka kapag may umiiyak na. Buhay nanay nga naman πππ
Hahaha Oo nga sissy nuh grabe yung kakabuhos mo pa lang ng tubig sa pag ligo parang may naririnig ka na ng iyak hahaha. Guni guni lang pala akala mo iyak na ng anak mo hahaha