Kahapon sa aming lunch date ng aking kaibigan. Nagpapasalamat ako sa kanya na ginising nila ako dati o ng isa pa naming kaibigan pa tungkol kay hubby. Laking pasasalamat ko sa kanila dahil kung hindi dahil sa kanila hindi ako ganito ka hayahay ang buhay aw hindi hayahay sa pera ha kasi mahirap lang naman tong napangasawa ko, pero mayaman talaga sya sa pagmamahal at pag aalaga sa amin ni baby. Sila kasi ang nagpa gising sa akin sa katotohanan eh. Naalala ko dati may mga masasakit sila na salita yung tipong napaiyak ako sa mga sinabi nila at dahil doon natauhan ako. Nagpasalamat ako sa kanila dahil hindi nila ako sinukuan na hindi ako mahulog sa puso ni hubby ahahah. Comment lang sa gusto malaman ang mga masasakit na salita nila sa akin dati. Hahaha.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet