(Source: https://pin.it/Xi74Tn9)
Natanong mo na ba sa iyong sarili kung bakit ang letchong baboy na inihahanda tuwing may okasyon ay nakakagat ng mansanas? Sino ang pasimuno nito? At ano ang rason sa likod ng gawaing ito. Kung gusto mong malaman, basahin mo ang kwentong ito.
Noong unang panahon, sa panahong hindi pa uso ang letchon. May isang babuyan sa hindi kalayuang syudad ng Townsville, na tinatawag na Boyba. Ang mga baboy rito ay inaalagaan ng husto at pinapakain ng sapat at sakto sa oras ng kanilang amo. Malulusog at malalaki ang mga baboy na ito.
Isang araw, umalis ang kanilang amo at matagal na hindi nakabalik. Nagutom ang mga baboy na sanhi nga kanilang pag-iingay, hindi sila sanay sa gutom. Wala silang makain sa loob ng kanilang hawla at wala ring nakakarinig ng kanilang ingay dahil hindi pa nakakauwi ang kanilang amo. At bunga ng kanilang gutom, nakaisip ng magandang ideya ang kanilang leader na si baboy 1.
Baboy 1: “Gutom na gutom na ako, kailangan nating gumawa ng paraan.”
Baboy 2: “Ano po ang plano niyo leader?”
Baboy 1: “Tumakas tayo!!”
Baboy 3: “Saan po tayo pupunta?”
Baboy 1: “May alam akong palengke sa di kalayuan, maraming pagkain dun. At alam kong mamabusog tayo.”
Baboy 2: “Paano po tayo makakaalis dito? Nakakulong po tayo”
Baboy 1: “Tumalon tayo”
At dahil nga sa gutom, nag dadalawang isip man ang iba ay sumunod sila sa kanilang leader. Tumalon ng tumalon ang baboy upang maabot ang bakod ng kanilang hawla,
“Talon, talon, talon!!”
at tuluyang nakatakas sila. Dali-daling tumakbo ang mga baboy papunta sa palengke na sinabi ng kanilang leader at sa di kalayuan may nakita silang tindahan. Tindahan na kong saan punong-puno nga mga prutas. Lumaki ang mga mata ng baboy’ng gutom na gutom at dali-daling tumakbo papunta sa tindahan at pumasok.
Baboy 1: “Sakto at walang tao, KAIN!!”
Walang ibang ginawa ang mga baboy kundi kumain ng kumain. Hindi na silang nag-atubiling balatan pa ang mga prutas at nilamon na ito agad. Samut-saring prutas ang kanilang kinain ng walang tigil na parang isang taon silang hindi nakakain.
Habang sila ay abala sa pagkain, isang trahedya ang naganap. Nasunog ang kabilang tindahan na malapit sa kanilang kinaroroonan.
“Sunog! Sunog!” sigaw ng mga taong tumakbo. Narinig ito ng mga baboy at dali-daling umalis, at naiwan si Baboy 1 na abalang-aba sa kanyang kinakaing pinya.
Dahil sa katakawan na inisang subo niya lang ang malaking pinya, nabulunan si Baboy 1. Hirap siyang lunukin ito na tumagal ng dalawang minuto, at habang abala siyang lunokin ang pinya ay inabot na ng sunog ang tindahang kanyang kinaroroonan. Ngunit sa halip na tumakbo at lumayo ay pinilit niyang ipinagpatuloy ang kanyang pagkain at sumubo pa siya ng mansanas. Hindi niya ito nalunok sa kadahilanang nakabara pa ang malaking pinya sa kanyang lalamunan. Lumaki ang sunog at hindi na nga nakatakas si Baboy 1. Pagkatapos maapula ang sunog ay nakita na lamang si Baboy 1 na sunog na, habang kagat-kagat ang huling prutas na kanyang isinubo at yun ay ang mansanas.
At dun nagsimula ang tradisyon, na sa bawat inihahandang letchon, may kagat-kagat itong mansanas. Bilang pag-alala kay Baboy 1 na nasunog dahil sa katakawan na may kagat-kagat na mansanas. At yun ang alamat kung bakit nakakagat ng mansanas ang letchong baboy.
Author's Note: I'm still working on my English article, hopefully you'll understand. But I'll try to upload as soon as possible. Thank you. ✨
Yan pala ang kwento niyan.Now ko lang nalaman sis at natuwa ako.hehe.Maikwento ko nga din sa anak ko.Mahilig kasi yon makinig ng mga ganyang kwento.😊