Malamig na ang umaga natin mga mate ramdam na talaga ang papalapit na kapaskuhan.Gustuhin ko man sana magbabad pa sa higaan bumangon na ko at nagluto ng masarap na champorado.Mabuti na lang hindi napanis yung niyog na nabili ko kahapon.Nilagay ko lang siya sa chiller.Dapat kasi kahapon ako magluluto niyan eh tinamad.Kain po tayo nasa last photo yung mga sangkap ko niyan.Andami ko padin malagkit na bigas pamimigay ko na ng kesa masira lang.Sa tablea naman isang lutuan na lang yung natira.Need na ulit mag stock.Masarap pagka ganyan na luto huwag lang masyadong malapot ang gata para hindi nakakaumay.Pwede kahit hindi na maglagay ng gatas kasi may gata na pero naglagay padin akong powdered milk.Yung asukal naman dapat tama lang hindi ko inubos yung 1/4 na nabili ko.Madami yan kaya kanya kanya na lang kuha kayo hehe.Bibili pa sana akong pandesal dumating si hubby na may dalang ube roll.Maya ko naman e share..
58 comments
Ako nga sis ngayon lang bumangon. sakit likod ko panay higa walang makain
Hala sis kain ka masama yan malipasan ka gutom.
Dito ramdam ang lamig hindi dahil sa papalapit na pasko kundi dahil kay Paeng. Siram kan champorado sa arog kaning panahon.
Iyo ngani sis kaso bako ng mauran samo.Ingat kamo diyan...
masarap talaga champurado sa umaga, di ko pa natry na gata ang gamit sa champorado
Pag tablea sis masarap gata ilalagay kahit dika na maglagay ng gatas.
Malamig na malamig nga ang umaga ngayon sis.. Ramdam na ang papalapit na pasko. Sinabayan pa ng bagyo.
Kaya ngani sana naman mawara na yang bagyo na yan.Mainit na samo sis pwede na ko maglaba para dae matambak.
Maray pa dyan sis..
Pabili nga sis haha. Ube roll ulit sis hehe. Pwede palang gata sa tsampurado. Parang masarap ah.
Kuha ka lang free na yan sayo haha.Buko yung una sis eh gusto ng anak ko ube roll haha.Hindi din tumigil si hubby na hindi makabili.Kahapon kasi wala...
Ay oo nga pala haha. Parang naglilihi ah.
Nakakatakam naman nyan sissy. .
Oo sis sarap niyan dami nga naluto ko pang share ko din sa kapitbahay namin.
Ang bait mo sis. Sene may kapitbahay din kming tulad mo.. hehe char
Lipat kana dito samin sis mabait din kasi kapitbahay namin.Tsaka sharing is caring nga daw.
Kaya nga eh! Haha ang ramig na talaga.
morning sis!ang hirap sa mga napasok ng maaga katamad hehe.
Naalala ko lola ko ganyan din sya magluto ng champorado may gata. Samahan pa ng tuyo sis solve na solve.
Oo sis may tuyo din ako kasi hindi na ko nagluto kahapon kasi nag ulam na ko nun.Perfect match talaga yung tuyo diyan noh!
Oo nga sis. Humahaba na din ang gabi
Oo sis ganyan pag malapit na ang december.
Basta champoradong Bicol patok yan! May gata kasi saka malagkit. Ugwa, pa mate? Siram! 😋
Igwa pa mate dakol tigluto ko para dakol makakakan maski tulo lang kami nanao man ko sa kataed mi pero may tada padin.
hindi basta nasisira ang niyog kapag nasa freezer ganun din minsan ang ginagwa namin kapg hindi magagamit nilalagay namin sya sa freezer at sa malinis nalalagyan like tupperware
Oo nga po dati kasi nilagay ko lang sa ref ayon sayang kinabukasan sira.Ayaw ko din naman kasi nung nabibili na nasa sachet masarap padin pag fresh yung gata niya.
wowww christmas is coming to our way,, but let us take your champorado first before anything else....enjoy good morning mate
Opo naks!napa english ka mate ah!nahawa kana din ahaha.
sinubukan ko lang mate matagal na kasing dina dugo ilong ko sa english ko ha ha ha
Ang sarap nyan my gata pa, morning sis.
Morning sis katatapos lang maglaba sayang ang init...oo sis ganyan ako pag nagluto basta may tablea.
Buti pa sya akoy dipa nakakalab hehe
Masarap ang champorado sa almusal 😋, lagyan mo ng milk para mas sumarap.
Oo sis naglagay padin ako gatas kahit na may gata na siya.
Yan ang masarap kainin pag malamig ang panahon
Opo sis kaya kahit tinatamad nagluto talaga ko niyan...
Morning .. Malamig dn hangin dto
San sainyo sis?tipid na nga ngayon sa kuryente nito.
Naku masarap yan sis... Noon nag luto mama ko nyan hinanap hanap ko talaga.
Yung mga inlaws ko kasi sis sarap magluto niyan kaya ayan ginagaya ko.Masarap lalo yan mamaya at malamig na.
Tama ka,sis. Mas masarap kpag malamig na
Malamig na ang simoy ng hangin nga sissy
Next year nito sis madami manganganak na naman😅
Awtsuuu hahahaha
Sarap Yan bhie Lalo na may Tuyo . Nakakatamad talaga gumising sa umaga hihihi
Oo sis sa kabila nagpost ako nun may kasamang tuyo yung champorado ko.
perfect yan sa malamig na panahon
Kaya nga sis lalo na kong naulan.
good morning sis Naku sarap nito sa almusal at mag gatas solb na :) Akos is pahinge ng malagkit hihi :) Have a nice day sis😊
Yan nadin merienda namin sis at yung ube roll... Geh sis meron pa ko sa isang lagayan niyan malagkit na bigas libre lang kasi samin yan galing bicol.
More comments