March 3 food trip!

33 55
Avatar for Sweetiepie
2 years ago

#3 (133)

Super tinatamad ako since morning kasi super init ng panahon, medyo tinanghali din ng gising. Alam mo yong init na dika mapakali kung ano ang dapat gagawin? Dimo alam kung tatambay ka sa labas o sa loob ng bahay kasi kahit saan ako mapadpad ang init ng panahon. Walang sinabi ang electric fan sa init ng hangin, di naman makapag aircon poor ang peg walang pambili πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚.

Di naman ako makatulog at lalong di ako naglakwatsa ngayon kasi nga ang init sa labas! At dahil naiinip ako sa init ng panahon kaya sinabayan ko na din ang init nito lol, naaasar na ako dahil nakaupo lang akonpawis na pawis na ako. At dahil meron akong stocks ng mga naisipan kong ilito kaya rumampa c Inday sa kusina πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ makapagluto na nga at masabayan ang init ng panahon!

Nagboiled ako ng isang box ng itlog ng pugo, ng maluto na ito ay binabad ko sandali sa malamig na tubig at sinimulang balatan while ang partner in crime ko naman ay ngprito ng itlog πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ at dahil naglalaro xa ng tongits sa cellphone niya kaya di niya napansin na overcook na pala ang nilukuto nia, muntik na maging uling ang niluluto niya hahahaha.

Buti nalang nalingunan ko niluluto niya kundi masasayang lang ang pinaghirapan nia. Ok pa naman ang lasa ng peanuts super crispy narin. After ng pritong mani ay isinunod na namin ang pagluluto ng kwek kwek at paggawa ng sauce. Masarap na kwek kwek ang itlog ng pugo para isahang subo nalang 😁😁 simple lang din naman ang ginawa naming sauce, vinegar, garlic at sibuyas lang.

After namin magawa ang kwek kwek ay isinaing ko na ang aking malagkit na bigas, pinaghalo ko ang puti at itim na malagkit, isang kilong malagkit na bigas, kalahating kilong brown sugar at medium size na niyog. Kakang gata o unang poga lang ang aking ginamit. Tama lang ang tamis ng biko kapag isang kilo ang malagkit at kalahating kilo ang asukal, pwede mo din bawasan ang asukal kung dika matamis kumain.

Sobrang saya ko dahil naappreciate ng family ko ang mga niluto ko, ngiti pa lang nila ay masaya na ako at walang katumbas para sa akin. Ito yung namimiss sa akin ng family ko kapag nasa malayo ako. Mahilig kasi ako magluto para sa kanila, napapagod man ako pero worth it naman kapag nakikita kong ganado at gusto nila ang luto ko. Naishare ko na din ito sa noise dot cash sa sobrang saya ko.

Walang kasing saya kapag kasama natin ang mga mahal natin sa buhay, lagi ko lang dalangin na sana lagi silang ganito, naaappreciate nila kahit simpleng bagay lang. Family is more important for me, lagi kong inuuna ang mga kapatid ko bago ang sarili ko. I feel so bless na sila yung mga naging kapatid ko. Maiksi lang ang pasensya ko, magalitin pero naiintindihan nila ako. Gaano ko man sila pinapagalitan o sinasaway pero ni minsan diko narinig na sinumbatan o sumagot sila sakin ng pabalang kaya super thankful talaga ako, God knows everything kaya sila siguro ang ibinigay Niyang maging mga kapatid ko. Maunawain at supportive talaga sa lahat ng gusto at ginagawa ko.

Maraming salamat sa mga patuloy na sumusuporta sa akin, maging aktibo man ako o hindi. Salamat sa mga taong patuloy na nandito parin para sa akin, mga taong di ako iniiwan sa gitna ng pag iisa charrooottt πŸ˜‚βœŒπŸ₯°

Sponsors of Sweetiepie
empty
empty
empty

Thank you so much to all of my sponsors who still stay at my blocks, special mention and thanks to sissy @GarrethGrey07 and sissy @IamAshrone for renewing their sponsorship and staying at my blocks, you guys give strength and motivation and mostly let me fight and stay motivated. God bless you all, Insha Allah we achieve all our dreams and goals in God's will.

March 3, 2022 Thursday

Philippines time: 8:34 PM

All photos are mine unless stated otherwise

Sending of friendship,

@Sweetiepie ❀❀❀

10
$ 1.10
$ 0.81 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @ARTicLEE
$ 0.05 from @Jeansapphire39
+ 8
Sponsors of Sweetiepie
empty
empty
empty
Avatar for Sweetiepie
2 years ago

Comments

Pa order ng biko please hehe! Sarap nyan. Peyborit ko yan tas sarap sabayan ng mainit na kape :D

$ 0.01
2 years ago

Pre order mate hahahaha, tama ja jan sarap kasama ng mainit na kape πŸ˜‚πŸ˜‚

$ 0.00
2 years ago

Napakaabait mo naman sis tlagang mas priority mo mga kapatd mo bgo ang sarili mo. Grabe ang sasarap ng food mo. Nkkgutom tuloy habang nagbabasa ako

$ 0.01
2 years ago

Hehehe sila ang pumupuno ng kulang sa buhay ko sissy, my family is my first priority πŸ₯°πŸ₯°

$ 0.00
2 years ago

Sarap ng biko sissy ko.. mka order nga bukas hahaha.

$ 0.01
2 years ago

Niahahaha sabi ko na nga ba sissy ayaw mo mgluto 😁😁

$ 0.00
2 years ago

Hahaha sakit sa kamay sissy tpos mtgal pa maluto eh.

$ 0.00
2 years ago

Ang secret jan sissy, iluto mo ang pilit na para kang nagsasaing ng kanin tapos kapag luto na, maglagay ng asukal sa kawali hayaang matunaw ng mahinang apoy ang asukal saka ilagay ang lutong malagkit, ung kakang gata isama mo na un sa pagluluto ng malagkit na bigas

$ 0.00
2 years ago

Sarap

$ 0.01
2 years ago

😁😁

$ 0.00
2 years ago

Nagutom ako bigla sa kakatingin ng mga pagkaing ni share mo sissy. May tira pang biko sissy, pahingi. Takam na takam ako sa biko kasi antagal na nung huli kong kain niyan

$ 0.01
2 years ago

Meron pa natira sissy hehe marami kc ginawa ko. Pinaka easy na iluto ang biko sissy kaya fave ko iluto πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜…

$ 0.00
2 years ago

Ipadala mo yung natira sa akin sissy. Super nagutom ako ngayon, hahaha

$ 0.00
2 years ago

Niahahahaha pasaway ka sissy. Namiss ko dating kulitan natin

$ 0.00
2 years ago

Hehehe, Super na miss ko din ang kulitan natin sissy.

$ 0.00
2 years ago

Ewan nga sissy lalo akong nawalan yata ng oras πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜…

$ 0.00
2 years ago

Gravehh nakakatakam Lahat sis, ang sarap naku po yung malagkit napaka sarap tingnan.

$ 0.01
2 years ago

Salamat sissy, yan lang kc pinaka madaling iluto hehehe

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga sis ehh, pero subra ding sarap.

$ 0.00
2 years ago

Oo sis fave ko din yan

$ 0.00
2 years ago

Miss you ate, sarap naman ng Biko. Tagal na nating di nag convo.

$ 0.01
2 years ago

Hello bunso, mzta kana? Dina kc ako nagiging active this past 2months. Wishing you best of health

$ 0.00
2 years ago

Okay lang naman ate, wishing you good health to❣️

$ 0.00
2 years ago

Ang sipag mo naman sis...kung ano maisip na iluto eh talagang gora...naku baka tataba lalo ako pag ikaw kasama ko..hahahaha

$ 0.01
2 years ago

Hahahaha ito yung namiss sakin ng family ko sissy hehe pero kpg tinatamad naman ako ayoko ng bumangon 🀣🀣🀣

$ 0.00
2 years ago

Hehehe... for good kana dito sa pinas sis?or babalik kapa abroad?

$ 0.00
2 years ago

Kapag wala ng pamasahe sissy panglakwatsa babalik ako πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜…

$ 0.00
2 years ago

Ahahaha..ganern eh noh..

$ 0.00
2 years ago

Oo sis niahahaha pero until may pamasahe pa d2 na muna ako πŸ˜‚πŸ˜‚

$ 0.00
2 years ago

Wow, natakam ako bigla sa biko sisπŸ˜…

$ 0.01
2 years ago

Biko is life sissy saan man ako naroroon hehehe pinaka madaling gawin πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜…

$ 0.00
2 years ago

Yung biko ang nagdala ,hays ang sarap e partner sa kape sissy paliparin mo nga yan dito sa Kuwait.

$ 0.01
2 years ago

Hahaha kahit saan ako mapadpad sissy, biko is life. The easiest menu i ever know hahahaha

$ 0.00
2 years ago