Kakaibang Lunes ang aking naranasan!

Avatar for Sweetiepie
3 years ago

Magandang buhay mga manunulat at mambabasa,kumusta po ang lahat? Naway nasa mabuti tayong kalagayan at ligtas sa anumang kapahamakan sa buhay. Laging tandaan na ang Maykapal kailanman hindi tayo bibigyan ng mga pagsubok na di natin kakayanin basta manalig lang tayo at magtiwala, ang lahat ay magiging madali Insha Allah.

Hindi naging madali ang araw ng lunes ko, nakaramdam ako ng sobrang pagkainip ng diko malaman sa anong dahilan. Ang buong araw ko ay tila nakakapagod at nawawalan ako ng lakas na gumawa ng kahit ano. Naiinis ako sa lahat ng bagay ng diko maipaliwanag, tila nakaramdam ako ng pagkabagot at pagsasawa sa buhay ng walang dahilan o baka kulang lang talaga ako sa pahinga. Naging blangko ang aking isip, nawalan ng gana magbasa man o magsulat, nawalan ng lakas na gumawa ng kahit na ano. Naiisip ko nalang na depression na naman ba ang aking nararamdaman o homesick lang kaya? Diko maipaliwanag, halos wala naman ako ginawa buong araw pero nawalan ako ng hilig sa lahat. Normal lang kaya ito o sadyang ako lang ang nakaranas?

Nagising ako ng maaga kanina ng dipa tumutunog ang alarm clock ko na naka set naka set bg 6am, at gaya ng dating ginagawa, bumangon ako at nghilamos at nagsepilyo, nagbihis ng uniporme at pinainom ng gatas ang aking alaga. Marahil dulot bg kulang ako sa tulog kaya ganon ang naramdaman ko ngayong araw. Nakaramdam ako ng pananakit ng ulo buong araw. Naisin ko mang maidlip ngunit di naman makatulog gawa ng maingay ang mga bata dahil alternate ang klase nila. Isang araw sa school at isang araw online class sila. Nakakainis ang ganitong takbo ng pag aaral nila, nakakawala ng tamang focus sa lahat. Hanggang sumapit ang hapon patuloy parin ang nararamdaman kong pananakit ng ulo kahit uminom na ako ng gamot. Natakot ako bigla na baka iba na ang aking nararamdaman dahil paggising ko sa umaga sumasakit na lalamunan ko kaya uminom ako ng GINGER TEA instead na kape. O baka dahil di ako nakapag kape buong araw kaya sumakit ang ulo ko 😂 coffee is life ika nga!

Nagkape ako nong gumagabi na kaya medyo naging ok ang pakiramdam ko, pasaway na buhay bakit diko yon naisip kanina pa! Kaya ngayon gumana na ang isip ko at nakapagsulat kahit late na. Sana maging ok na ako kinabukasan at bumalik ang dating sigla.

Mensahe:

Pagpasenyahan niyo na ako ngayong araw at sadyang diko lang maipaliwanag ang nangyari sa akin kung bakit nawalan ako ng gana. Kape lang pala ang solusyon. Nakakalokang buhay ko talaga bakit diko naisip agad agad yon.

Maraming salamat sa lahat at naway maging ok na din at gumana na ulit ang natutulog kung isip. Maraming salamat sa bumisita at nagbasa lalong lalo na maraming salamat sa mga sponsors at upvoters! Bisitahin po natin sila at tiyak marami kayong matutunan sa mga artikulo nila. Hanggang sa muli magandang gabi.

Sponsors of Sweetiepie
empty
empty
empty

October 4, 2021 Monday

Kuwait time: 12:28

Article #24

Sending of love,

Sweetiepie

14
$ 2.48
$ 2.26 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Jeansapphire39
$ 0.03 from @FarmGirl
+ 9
Sponsors of Sweetiepie
empty
empty
empty
Avatar for Sweetiepie
3 years ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Hahaha sis, kape lang pala kulang? Pero siguro pagod ka din and kulang sa tulog. Sasabihin ko sana baka malapit yung bisita mo eh, pero nabasa ko yung kape :D

$ 0.01
3 years ago

Isa na din yon sissy nakisabay pa bisita ko at tama ka sissy kulang talaga sa tulog, mahirap maging nanny hehe

$ 0.00
3 years ago

Ahh, that is why hehe. Ganon din ako talagang ayoko gumalaw pag may period. D bale sis, lapit ka na ata mag for good? Bawi ka pag-uwi hehe

$ 0.00
3 years ago

Sana nga sissy, kahit tindera nalang sa pinas hehe

$ 0.00
3 years ago

Hehe pwede sis

$ 0.00
3 years ago

Hoping soon sissy

$ 0.00
3 years ago

Nku sissy alagaan mo sarili mo ha.. Health is wealth ika nga

$ 0.01
3 years ago

Tama ka jan sissy, kaya kahit walang ipon uwi na talaga ako kht dipa tapos bahay ko bahala na

$ 0.00
3 years ago

Para kang c ate ko. Kahit walang ipon talaga bsta gusto na nyang umuwi

$ 0.00
3 years ago

Oo sissy nakakapagod na sobra

$ 0.00
3 years ago

Good morning to you and have a wonderful day :)

$ 0.01
3 years ago

Good morning sis, have a beautiful day, always take care xoxo

$ 0.00
3 years ago

Sissy naman akala ko nilalagnat ka na talaga:D coffee is life nga. Pero ingat ka padin lagi at pahinga, huwag pa stress ang beauty:D

$ 0.01
3 years ago

Salamat sissy, kalabkobdin nacovid ako kaloka kaya siguro nastress ako haha

$ 0.00
3 years ago

Minsan talaga may time na di natin malamn ang nararamdaman natin sis, ganyan din ako eh hehe. May araw na parang wala talagang kagana-gana gumalaw at parang pagod na pagod, tas wala pa sa mood kahit kausapin, hihi.

$ 0.01
3 years ago

Oo sissy kahapon super wala talaga ako sa mood

$ 0.00
3 years ago

Ndi naman tlga araw araw pare-pareho ang pakiramdam natin sis, tao lng tayo at napapagod kya pahinga saglit at laban uli

$ 0.01
3 years ago

Your right sissy

$ 0.00
3 years ago

Same tayo sis, minsan pag sumakit yung ulo ko kahit anong inom ng gamot ayaw mawala, yun naman pala kape lang hinahanap ng kAtawan. Nasanay kasi ako na magkape araw-araw pero may time na nakalimutan dahil busy na sa mga gawain

$ 0.01
3 years ago

Tama ka jan sissy kape lang pala kasagutan pinahirapan pa tayo haha

$ 0.00
3 years ago

Kaya nga noh, ganyan siguro pag nasanay tayo. Hinahanap-hanap ng ating katawan.

$ 0.00
3 years ago

Mahirap masanay sa isang bagay sissy, mahirap iwasan

$ 0.00
3 years ago

Tama ma dyan sis.

$ 0.00
3 years ago

Okay lang yan sis. Maski na ako, ang pangit ng pakiramdam ko. Sakit pa ng ulo. Makagawa nga ng article ngayong araw. Whew.

$ 0.01
3 years ago

Hehehe morning sissy, sana hawak ko din oras ko noh 😊

$ 0.00
3 years ago

Normal sa atin mga ofw ang ganyan feelings sissy pero laban pa rin tayo walang sukuan sabi nga nila it's okay to be not okay char hehe.

$ 0.01
3 years ago

Good morning sissy tama ka jan like today wala pa 6am gising na kasi 5:45am ginising na mga bata kasi nong isang araw late na sila super traffic

$ 0.00
3 years ago

Ganun talaga sis kapag kulang sa tulog at pahinga..kaya nga ako minsan wala ding nagagawa kc puyat lageh..

$ 0.01
3 years ago

Tama ka jan sissy, kaibahan lang as ofw di talaga makapagpahinga during daytime lalo may maliliit na alaga

$ 0.00
3 years ago

Ramdam ko din sissy ang nararamdaman mo ngayon Kasi yon din ang nararamdaman ko..Ayaw Kong may nagkakasakit Isa sa Mahal ko sa buhay Kasi super nagwoworry ako...Gusto ko don Lang sa taong Mahal ko Ang atensyon ko..Para sa akin nawala na ang lahat huwag Lang Ang Mahal ko sa buhay.

$ 0.01
3 years ago

Grabe ang araw ng lunes ko sissy nakakaloka

$ 0.00
3 years ago

Yong mama ko noon, mainit ang ulo pag hindi nakapag kape. don't let that negativity rule over you.

$ 0.01
3 years ago

Siguro tama ka jan sissy, masamang addiction to

$ 0.00
3 years ago

Pagod yan minsan nakakaramdam din ako ng ganya , saka parang na boring ka na din sa ginagawa mo araw araw na paulit ulit ,plus sabayan pa minsan ng home sick . Na di maipaliwanang

$ 0.01
3 years ago

Oo sissy minsan nakakapagod na lalo walang pahinga, nakakainis minsan ang kapaligiran mo lalo ng aaway mga bata

$ 0.00
3 years ago