Magandang buhay kapwa manunulat at mambabasa. Naway nasa mabuti tayong kalagayan at ligtas sa anumang sakuna o pagsubok na darating sa ating buhay.
Di lingid na marami tayong nakakasalamuha sa platapormang ito, mga nagiging kaibigan at nakapalagayang loob. Ngunit kilala nga ba natin ang kanilang pinagmulan? Kung saan nga ba sila nabibilang? O ano nga ba ang relihiyon ng bawat isa? Naniniwala akong di mahalaga ang relihiyon ng bawat isa, ang mahalaga we know how to respect each religion and this is the most important. Sa pagkakaibigan, hindi na mahalaga kung saan ka man nanggaling o kung saan ka man nabibilang. Ang mahalaga ay ang respeto ng bawat isa. Respeto sa paniniwala ng bawat isa. Hindi basehan sa isang pagkakaibigan ang relihiyon ng bawat isa, as long as you know how to respect the religion and belief of each other. Sissy @QueencessBCH inspired me this with her article my-bloodline, naisip ko din ipakilala kung saan nga ba talaga ako nabibilang at proud na proud ako ngunit di nga lang halata ng iba. Naway di ito hadlang upang ipagpatuloy natin ang friendship natin.
Sa platapormang ito, napansin kong wala akong kapwa muslim na manunulat na nagiging kausap dito. Ako nga lang ba talaga ang nandito? O meron naman ngunit diko lang napapansin? Ang relihiyon ay hindi hadlang upang magbago ang pakikitungo natin sa kapwa, marahil marami ang nagtataka at nagulat malaman na isa akong Muslim. Naway hindi ito ang dahilan upang ako ay layuan. Hangad ko din makipagkaibigan at malaman ng lahat ang tunay kong pagkatao and im proud of it.
Ang aking ama at ina:
Ang aking ina ay isang Maguindanaon tribe (muslim), isang biyuda ng magkakilala sila ng aking ama. Mayroon siyang isang anak na babae at dalawang anak na lalaki sa kanyang unang asawa. Medyo bata pa ang aking ina ng siya ay mabiyuda.Ang aking ama ay isang Iranun tribe (muslim). Biyudo din ang aking ama noon at mayroon siyang limang anak na babae. Kaya ng magsama ang aking mga magulang ay mayroon na agad silang isang malaking pamilya. Kapwa nila binuhay ang kanilang mga anak sa iisang bubong. Lumaki ang aking mga kapatid na totoong magkakapatid ang turingan at halos magkakasing edad lang ang mga anak ng aking mga magulang. Nabuhay silang masaya kahit kahit sa simpleng pamumuhay sa bukirin lamang. Magsasaka noon ang aking ama at ang aking ina ay likas ng mahilig sa pagluluto upang ipagbili sa nayon. Minsan ang aking mga kapatid ay namumulot daw ng niyog at nangunguha ng gulay upang ipagbili at makatulong sa kanilang pamumuhay. Di biro ang walong anak na bubuhayin ng isang maralitang magsasaka lamang ngunit dahil tulong tulong sila ay nairaraos nila ang pang araw araw na pangangailangan. Masaya ang naging buhay nila dahil ang aking mga magulang ay pantay pantay sila kung ituring.
Sa aking ama at ina, mayron na din akong dalawang ate ngunit diko na sila nakita kasi kinuha na sila ni God bago pa ako ipanganak. Ang dami nilang manganak noh? Haha di yata uso ang familynplanning noon at literal na bawal din ang mga family planning pills sa aming mga muslim pero ang iba gumagamit na din ng mga family planning! Kung anong ibibigay ng ating Panginoon ay kailangang tanggapin at huwag hihindian o pipigilan, kagustuhan ng God na masilayan nating lahat ang mundo. Siyam kaming magkakapatid sa aming ama at ina maliban doon ang mga half siblings namin 😂 nakakagulat ang dami namin haha masyado kasi silang masipag 🥰 Siyam kaming magkakapatid ngunit apat nalang kaming nabubuhay sa ngayon at ako ang naging ate nila. Ang ating wala pang anak o asawa ngunit ang mga kapatid ko ay may kanya kanya ng pamilya. Dalawa sa mga kapatid kong lalaki ang nakatira sa bahay ko kasama ang pamilya nila na magiging kasa kasama ko na din at ang aking kapatid na babae ay napalayo sa amin at sa Rizal province na siya tumira kasama ng pamilya din niya.
Maaring bisitahin din natin ang mababait at magagaling kong sponsors, alam ko magugustuhan niyo ang kanilang mga gawa 🥰
Message:
Sa isang pamilya malaki man o maliit ay masagana kung sama sama at nagtutulong tulungan. Ituring ang bawat isa ng pantay pantay at isapuso ang pagmamahalan.
Hindi hadlang ang relihiyon sa lahat ng bagay, matuto tayong tanggapin ang kapwa at irespeto ang bawat isa. Ang lahat ng ito ay kagustuhan ng Diyos, magkakaiba man ang ating paniniwala ngunit Diyos lang ang nakakaalam ng lahat.
Naku! Mukhang napakadaldal ko na at masyado ng humaba ang aking kwento. Puputulin ko muna dito dahil naghihintay sa akin ang tambak kong paplantsahin hehe, maraming salamat sa pagbabasa at pagpasensyahan niyo na ang aking gawa. Maraming salamat at hanggang sa muli.
October 18, 2021 Monday
Kuwait time: 1:50 pm
Article #39
Lead photo is mine
Sending of love,
Sweetiepie ❤
Ang saya saya naman, sis. Ako din may mga friends akong pagans, Muslims, Hindus and that doesn' make them different!