Sabi nila kapag hindi kana masaya bumitaw kana pero hindi pala ganoon kadali.
Ang hirap magdesisyon lalo na hindi lang yung sarili mong kapakanan ang nakasalalay,
Ang aking ibabahagi ngayon ay tungkol sa aking trabaho ayuko ko sana mag share ng mga ganito pero ito lang yung paraan para kahit kaunti gumaan ang aking problema .
Minsan gusto kung bumalik sa nakaraan yung naglalaro ka lang ng bahay bahayan , walang mabigat na dinadalang problema not knowing na yung magulang pala din natin ang namomoblema sa atin noon kung saan kukuha ng pang gastos sa pang araw -araw.
Bago ako magpatuloy nais ko munang ipagmalaki ang mga taong unang naniniwala sa aking kakayahan ang aking mga nagagandahang sponsors, Salamat sa inyu aking mga minamahal.
Sa post ko sa noise.cash naibahagi ko doon na maryung kapatid ng amo ko ay nanganganak at dito tutuloy sa amo ko dahil wala itong katulong kaya dito na mamalage,bilang isang katulong wala akong karapatan mag reklamo sunod lang sa utos as long as pinapakain ka at may sapat na pahinga.
Bakit ako nakaramdam ng paninibago?
Naninibago ako dahil alam ko ang ugali ng kapatid ng amo ko dahil noong hindi pa ito nag asawa magkasama to sila sa iisang bahay at talagang hindi ko nagugustuhan ang ugali nito, alam ko ,tayo ay hindi perpektong tao may mga ugali din tayong hindi kanais nais, ngunit nararamdaman kung hindi ako magiging komportable kapag nandito ito sa bahay dahil feeling napaka perfect na tao gusto niya perfect lahat ang trabaho mo. Kaya sa ngayon pa lang nasa isip ko na ang pagsuko at desisyon na umuwi.
Ang pagdedesisyon.
Kapag tayo daw ay gagawa ng desisyun dapat ay yung hindi ka galit , hindi ka malungkot ,at dapat din na hindi ka rin masaya so ano ba talaga hehehe.
Kapag masama ang loob ko parati nasa isip ko ang desisyong umuwi dahil nakakapagod na ngunit sa kabila noon paano ang aking pamilya kapag umuwi ako may trabaho ba ako doon?
Kaya masasabi kong napakahirap magdesisyon lalo na ang nakasalalay ang kapakanan at kinabukasan ng aking pamilya.
Sa ngayon meron akong hinihintay na sign ngayong susunod na buwan ay panibagong buwan na naman dahil natapos kona ang limang taon kung kontrata sa kanila ngayong buwan ng oktubre, ang desisyun ko ay nakasalalay kung magbibigay sila ng karagdagang sahud gawa ng matagal na ako sa kanila hindi ako magdedemand na taasan ang sahud ko kasi never ko pa ginawa dahil alam kung alam nila ang batas dito na kapag nakatapos na sa kontrata ay may indemnity na matatanggap.
Ano ang indemnity?
Ang indemnity ay matatanggap ng isang ofw na nakatapos ng limang taon sa iisang amo ang kabuoang matatanggap ay kada isang taong natapos mayroong isang buwan na babayaran ang iyung employer ngunit akoy hindi na naghahangad na mabigyan nito dahil hindi naman sila sumusunod sa batas kaya ang hangad ko na lang yung sasahurin ko buwan-buwan .
Mensahe:
Salamat at natapos mo ang pagbabasa hanggang dito nalang muna , maraming salamat sa lahat ng readers, upvoters, commenters at sa aking mga sponsors mwah.
Date published:October 25,2021
Saang bansa ka sis? Napakahirap talaga mangamohan, kahit hirap kana..minsan hirap ka pang mag desisyon