Buhay ng tao sa mundong ito'y mapagbiro, lahat ng gagawin mo merong hindi sang-ayon.
Minsan din ba tayo'y napatanong Sino ang susundin ko? Sino ang paniniwalaan ko? sarili ko o sinasabi ng ibang tao?
Ginagawa mo na ang lahat pero hindi parin sapat kung saan gustong-gusto doon ka naman masasaktan at manghihinayang ng todo. Ito ba ang buhay sa mundo? pilit kang binibiro ng tadahana at panahon, pilit pinaparamdam sayo ang tunay na laban sa bawat pagkakataon. Mapatanong ka na lang bakit ganito? Pinaglalaroan ba tayo o pinaglalaroan ninyo ako?
Kinakailangan bang pakingan ang mga sinasabi ng ibang tao kung itoy nakakasakit sayo, lahat ba namang gagawin mo sa buhay ay merong hindi gusto. bakit ganon? wala na bang "Sandali lang pagod na ako" pwede bang ibigay nyo na ang pagkakataong ito para naman maging masaya ako. Kasiyahang lahat ay nagpapantasya, nag-aasam, at naghahangad na itoy mapasakanila.
Buhay sa mundo na puno ng pagsubok, pagsubok na siyang huhubog sa tunay nating pagkatao.
Basta wag mo Lang hayaan na gumawa ka mg isang bagay na may masasagaan ka kaya Kung mabuti man po gnagawa nyo. Keep it..