read.cash Log in

@Kimpot14

Joined 11 June 2020 · 170 posts

marupokNo bio yet...

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

K@Kimpot14

Feeling blessed" Ang sarap sa pakiramdam nung gantito nue! Feeling blessed ka... Kase ngayon dahil sa covid19 maraming naapektuhan at ang ilan nga sating kapwa ay namamalimos na at wala ng makain.. Nagpapasalamat ako sa Dyos dahil kahit Papano kami Ng Pamilya ko felling blessed pa rin dahil hindi kami nagugutom o namamalimos para lang may makain, kaya palagi kaming nagpapasalamat at isa pa walang nagkakasakit yun pinaka importante ngayon, Ipinag papasalamat din namin na meron kaming natutulogan na maayos at komportable hindi man kami mayaman o maraming pera ang maliit na bagay na iyon ay aming ipinapag pasalamat... Kaya huwag po tayo puro Reklamo, kahit yung katiting at maliit na bagay bigyan natin ng pansin at ipag pasalamat ito.. Dahil hindi natin alam na yung bagay na yun eh minsan yung lang ang hinahangad ng iba na magkaroon sila, matuto tayong magpahalaga ng bagay bagay... Kaya kung sa tingin mo feeling blessed kapa rin during Pandemic, Huwag kang makakalimot magpasalamat sa Dyos.... Keep safe everyone..

K@Kimpot14

Pilosopo" Ang ilan sa atin ay mahilig mamilosopo, Tuwang tuwa pa sila kapag namimilosopo ng kapwa tipong nagtatanong ka ng maayos sasagutin ka ng pabalang di ba nakaka inis na nakakabastos pa ang ganon, bakit namimilosopo pa tayo ng kapwa ano ba napapala natin sa pag uugaling ganon. Kaya ang ilan eh kilala lang dahil pilosopo kung sumagot pero kapag sa kanila mo ito ginawa matik na galit na galit sila. Sana naman ayusin natin ang ating pananalita, Kung maayos naman nagtatanong sagutin din sana ng maayos huwag ng pabalang ng sa ganon maiwasan ang hindi pag kakaunawaan dahil pwede itong magdulot ng kapahamakan sa atin kung ipagpapatuloy ang ugaling pilosopo kaya iwasan na yan, maging maayos na kausap... Huwag mang bastos ng kausap dahil hindi nyo rin magugustuhan kapag ginawa iyan s inyo.

K@Kimpot14

Lungkot" Ang hirap mabalot ng lungkot, yung tipong nawawalan ka na ng gana sa mga bagay bagay, Mas gusto mo na lang mapag isa kaysa makisalamuha sa ibang tao, Ang hira hirap kapag lungkot na lungkot kana pakiramdam mo iniwan kana ng lahat ang bigat bigat sa damdamin.. Paano nga ba natin matatakasan ang lungkot. Sa mga pinag dadaanan ito ngayon o may kakilala tayo na dumadaan sa matinding kalungkotan ngayon, Sanay palakasin pa natin ang loob nila, Gawin natin positibo ang pananaw nila tulongan at kausapin huwag nating pabayaan na mapag isa sila dahil doon nila mas mararamdaman na nag iisa na lamang sila.. Maging daan nawa tayo ng isang tao sa pagbangon nila... Kapit lang laban lang... Malalagpasan rin natin to..

K@Kimpot14

Talento* Lahat po tayo ay may natatanging talento, Minsan tinatanong natin ang sarili natin Ano nga ba ang talento natin? Saan nga ba tayo magaling?.. Kahit ako ay napapatanong ano nga ba ang aking angking talento.. Siguro sa akin talento na ring marunong mag luto hehe ina appreciate ko nalang kase nga sabi nila kahit maliit na bagay i appreciate na lang.. Hindi man ako kagalingan sa pagluluto pero marunong ako at masasabi ko na isa ito sa mga talento ko.

K@Kimpot14

ML Player" Maraming kabataan ngayon ang Ml Player kahit nga matanda eh naglalaro, Nalilibang kase sila at na eenjoy nila ito, Sympre kung hindi ka Ml Player hindi ka makaka relate sa kanila... Natatawa ako kase kapag may nakikita ako na naglalaro ng Ml gigil na gigil sila, Kaya lang ang pangit kase puro lumalabas sa bibig nila ay masasama. Paalala lang din na huwag kayo ka sobra sa online games na yan, Dapat sa tamang oras pa rin kayo kakain at huwag magpaka puyat dahil sa paglalaro nyong yan pwede kayong magkasakit kapag sobrang tutok na kayo, Dapat alam nyo ang limitasyon nyo at sympre kung may mas mahalaga kayong gagawin unahin nyo na yun kesa sa games makakapg hintay naman yan eh... Yun lang paalala lang sa mga ML Players....

K@Kimpot14

Trip trip lang' Ito malimit ang sinasabi ng mga kabataan ngayon 'trip ko lang yun, Trip trip lang, Para bang wala ng mga kaseryusuhan sa buhay... Kilan yung pinsan ko na electrician, pumapasok sya sa trabaho kahit na nakakatakot, nagsusumikap pa rin sya, Kaya lang hindi rin sya nakaligtas sa mga kabataan na Nang trip sa Bike nya... Nag babike lang kase sya kapag napasok sa trabaho kawawa naman dahil tinanggalan ng gulong ang bike nya.. Sa mga kabataan na gumawa nun maawa naman kayo sa mga bibiktimahin nyo hindi kayo nakakatulong, Nagsusumikap pumasok yung pinsan ko para makapag trabaho tapos ganon pa mangyayare sa kanya,... Ang sabi sa kanya nung naka kita, Ganon raw talaga ang mga batang hamog nang tritrip sa mga gamit na nakikita kahit sa tao pa,...

K@Kimpot14

Pamilya* Ang ilan sa atin hindi buo ang Pamilya, Pero napakasarap sanang isipin na ang Pamilya mo ah buo at Nagmamahalan kayo walang inggitin kung ikaw man ay nakakaluwag sa buhay, Hindi nag susumbatan sa mga naitulong at hindi nagbibilangan sa mga bagay na naibigay na diba ang sarap nun sa pakiramdam,. kaya lang hindi lahat ganon ang kinalakihan na Pamilya. Ang iba kase magpapa milya nga pero nag susumbatan at nag bibilangan naman,... Minsan ka lang matulongan marami pang masasabi sayo. Pamilya pa nga ba ang tawag sa ganon,... Hindi naaalis ang nagkaka iinggitin kapag ang isa ay nakakaluwag sya lang ang mapapaboran, Palaging may kinikilingan... Dapat ang Mag papamilya Nagtutulongan sa abot ng makakaya, Dapat pamilya ang unang matatakbuhan sa oras ng pangangailangan dahil sila ang mga magkakakampi...

K@Kimpot14

Advantages@Dis-advantages" Ngayong makabagong henerasyon kasabay ng makabagong teknolohiya mayroon din itong tinatawag na advantaves ag dis-advantages... Unahin natin ang Advantages. Advantages- advantages ng makabagong teknolohiya, Mas napapabilis nito ang komunikasyon ng bawat isa, Nagagamit ang Internet upang makapg bigay kaalaman sa mga tao, Pati na rin sa Pag tatrabaho mas napapa gaan na nito ang mga gawaing bahay, Marami ngang nagagawa ang makabagong teknolohiya ngayon ang mga nabanggit ko ay ilan lamang sa mga nagagawa nito. Dis-advantages-Sympre kung may advantages meron talaga palaging kaakibat na 'Dis-advantages... Tulad na lamang sa mga sasakyan ang usok na ibinubuga nito ay nakakasama sa ating kalikasan sanhi na nagiging polusyon tulad din ng mga makabagong teknolohiya para sa pabrika nagdudulot rin ito ng polusyon. Sa internet naman ang mga bata ay maagang namumulat sa mga 'malalaswang bagay na nakikita sa internet,.... Kaya tayong mas nakakatatanda huwag magsawang mag paalala sa mga bata na ang pag gamit ng makabagong teknohiya ay may limitasyon din.

K@Kimpot14

Makitid! ' Taong makikitid ang utak. Hindi ba maraming ganyan, Tipong hindi ka nila pakikingnan kundi pupunahin ka sa mga ginagawa mo,.. Mga taong hindi maka intindi pinaliwanagan mo ng lahat ganon at ganon pa rin, Mas pipiliin nilang maging makitid ang utak nila kaysa intindihan ag sinasabi mo. Ngayong quarantine maraming makikitid ang utak hindi maka intindi kapag sinabihang bawal lumabas, labas naman ng labas kesyo nakakaboring na raw sa loob ng bahay, Lahat naman tayo naboring eh pero bakit hindi ka mag isip ng ibang bagay para malibang ka, Kaysa makipag argumento ka, sumunod ka na lang wag masyadong pairalin ang kitid ng utak dahil hindi naman nakakatulong.

K@Kimpot14

Tukso! Minsan hindi maiiwasan na tayo ay Nag papatukso sa mga bagay bagay, Kayat hanggat maaari umiiwas tayo sa mga tukso,... Marami namang uri ang tukson... Minsan natukso kang bumili nga bagong gamit kahit na di pa naman kailangan pero ang Pinaka mabigat na Tukso, Ay ang 'Matukso ka sa iba lalo na kung ikaw ay may asawa na o kasintahan pa man yan.. Limang letra sa salitang Tukso pero kaya nitong paghiwalayin ang dalawang taong Nagmamahalan. Umiiwas sa mga mapanuksong bagay sa mga tentasyon dahil ito ay walang magandang maiidulot kundi kaguluhan lamang. Hanggat kayang umiwas ay umiwas, Maraming relasyon ang nasisira dahil 'Natukso lang naman daw sila, madali lang sabihin pero hindi mo na maibabalik pa ang nangyare, Ugaliing maging tapat sa mga Minamahal.

K@Kimpot14

Insperasyon' Lahat naman tayo may kanya kanyang insperasyon diba. Ang mahalaga nagpapatuloy lang tayo sa buhay pilit na lumalaban sa mga pagsubok at ang iba naman ay mayroong insperasyon na pinang huhugatan.. Insperasyon para makamit ang mga mithiin natin sa buhay. Pamilya yan ang pangunahing insperasyon natin, yung mga taong mahal natin sila ang nagbibigay pag asa para tayo ay magsumikap pa.Nakaka gana nga naman kapag may inperasyon ka, nagkakaroon ka ng gana mag trabaho o mag aral, Pero may iba naman ding ginagawang insperasyon ang mga napag daanan na nila para mas maging matatag pa sila.

K@Kimpot14

Masinop' Nakakatuwa yung mga taong masisinop, yung tipong kahit barya naitatabi pa nila at isa pa ang masisinop marunong mag impok kaya sa panahon ng kalamidad mayroon silang nadudukot, Kaya ugaliin din nating maging masinop kahit sa ibang bagay at kung may mga anak naman tayo turuan din natin sila maging masinop.. Isang magandang katangian iyon ng tao. Hindi ka lang masinop sa pera kundi maging sa mga kagamitan... Marunong kang mag ingat at magpahalaga,. Ang iba kase walang pakialam sa gamit hindi marunong magpahalaga, ang gamit parang tao lang din yan kailangan pahalagahan para mag tagal..Kung ikaw ay isa sa masisinop na nilalang proud ako sa iyo.. Ipag patuloy mo lang iyan..

K@Kimpot14

Attractive beauty' Sa mga mahihilig sa magaganda dyan, Oyy di ko sinasabing ikaw yun ha.... Yung iba kase satin Pinapansin lang yung mga babaeng mamaganda hindi lang sa mukha pati na rin sa Pangangatawan, Hindi lahat pero karamihan sa lalaki ganito, Pero hindi nila naisip na mas maganda kung maganda ang kalooban.. Sana may mga lalaki pa rin na hindi lang dahil sa magaganda ka kaya ka mamahalin, Tingnan din sana natin ang iba pang katangian, Tulad ng masipag, marunong sa gawaing bahay, marunong mag luto,... Kase kung puro itsura lang iintindihin nyo pano naman yung mga di kagandahan pero mag busilak na puso... Ako kung lalaki ako mas nanaisin ko pa rin ang babaeng marunong sa gawaing bahay hindi yung puro paganda lang alam,...

K@Kimpot14

Pasaway kong Pamangkin* Mayroon akong pamingkin na pasaway babae pa naman ito, Palagi namin ito pinag sasabihan dahil bolakbol sa pag aaral nasa high school pa lang sya, Ako bilang tita nya nasesermonan ko rin sya dahil mali mali naman ginagawa nya hindi sya naawa sa Ate ko na magulang nya hindi tumitigil kaka hanap buhay matustusan lang pag aaral nila idagdag mo po ang asawang tamad ng Ate ka kayo paanong hindi ka mag sesermon,... Pilit kong pinapa intindi sa kanya ang sitwasyon nila magkakapatid mag aral sila ng mabuti para rin naman sa kanila ito, Pero wala sadyang matigas ang ulo... Dahil nga sa katigasan ng ulo ayun ang napala nga kaka barkada nya, Nabuntis ng wala sa oras, Juskoo mga kabataan ngayon, Nabuntis sya at ngayon na magulang na rin sya saka nya naiisip lahat ng pinag sesermon ko sa kanya, Tama daw kami dapat nakinig na lang sya at hindi inuna ang katigasan ng ulo, Palagi talagang nasa huli ang pag sisisi, Sympre pamangkin ko pa rin yun kahit nakakainis hindi naman namin matiis, Kung minsan pinapadalahan namin ng pera at mga gamit ng baby nya....

K@Kimpot14

Anak" Lahat tayo ay naging anak" muna bago naging isang magulang kaya alam natin ang mga obligasyon natin mapa anak man tayo o magulang. Ako bilang isang anak obligasyon ko pa ring tumulong sa magulang ko, Kahit na hindi sila nanghihinge sa amin. Sa mga anak dyan sana maisip nyo yung pahihirap ng magulang nyo mapag aral lang kayo at mabili lang ang inyong mga kagustuhan at pangangailangan kung iisipin nyo lahat ng sakit at sakripisyo kaya nilang magawa dahil sa anak nila dahil Mahal na mahal kayo ng magulang nyo... Ang article ko na ito ay para sa mga kabataan na Bastos sa magulang lumaking walang modo, Sana kapag nabasa mo ito matauhan kana bago pa mahuli ang lahat alam ko iba iba tayo pero sana makinig kayo sa magulang nyo lalo na kung alam nyong ikakabuti nyo rin, Bilang anak pagaanin din natin ang loob ng ating magulang suklian ito kahit sa maliit na bagay, Mahalin nyo ang magulang nyo hanggang andyan pa sila habang abala kayo sa paglaki nyo at pagdadalaga at pag bibinata di nyo ba naisip na kasabay nito ay tumatanda na rin ang magulang nyo, Huwag nyong hayaang mag sisi kayo sa huli hanggan nakakasama nyo pa sila ipadama nyo ang Pagmamahal nyo sa kanila.... Kung sa bf/gf nyo palagi nyong nasasabi na mahal nyo sila sana Ganon din sa magulang nyo,.... Araw araw nyo silang sabihan ng 'I love you Mama, Salamat Mama"..... i appreciate nyo lahat ng pagod at effort nila dahil walang nakaka alam kung hanggang kilan natin sila makakasama... Hindi pa huli ang lahat...' Ipadama mo na ang pagmamahal mo bilang anak sa Magulang mo., 😘❤️❤️❤️❤️

K@Kimpot14

Under/Ander** Under daw sila ni Kumander.... Sa mga mag asawa o mag bf/gf na sinasabing sila ay under ng misis o gf nila... Para sa akin bilang babae hindi naman siguro pang uunder ang tawag dun, Porket ba ang lalaki ay nauutusan mong mag saing, maglaba, maglinis, mag alaga ng anak at masunurin sa Misis ay Under na kaaga??? Alam nyo sila lang talaga yung matatawag na 'POGI at Tunay na lalaki' Para sa akin Yun sila, Dahil hindi nila Pinapabayaan ang Misis nila. Alam nila ang mga obligasyon nila, Kaya huwag natin silang tawaging Under di saya' Dahil di hamak na sila ang tunay na lalaki hindi nila iniaasa lahat sa Misis nila bagkus ay tumutulong pa sa kanila... Mas nakakatuwa pa nga yung ganito eh kase alam mong hindi ka talaga nag iisa Partner talaga kayo kase nagtutulongan kayo mapa gawaing bahay man yan o sa ibang bagay.. Kaya Salute sa mga Lalaking kahit tinatawag na Under ni Misis ay nagpapatuloy pa rin at hindi na nila ito pinapansin dahil ang mahalaga sa kanila ay makatulong hindi mang kunsomisyon. ❤️

K@Kimpot14

Pagpapatawad* May ilan sa atin na hirap talaga mag patawad sa taong nakagawa sa kanila ng pagkakamali o mabigat na kasalanan Kaya hindi natin sila masisisi kinakailangan ng mahaba habang panahon para mag hilom ang sugat at mapatawad ka ng taong nagawan mo ng pagkakamali...Hindi rin kase madali ang magpatawad ako man ay nahirapan din sa ganitong sitwasyon ang patawarin ang taong mahal na mahal ko at inakalang sya ang magproprotekta sa akin, Kinakailangan talagang lumayo sa tao na yun at panahon para makapag isip isip mahabang panahon din bago ko sya tuloyang napatawad pero hindi na maibabalik sa dati ang aming pag sasama nagkaroon na ito ng lamat. Tunay ngang masarap sa pakiramdam na wala ka ng dinadalang bigat sa kalooban, Kusa ko na syang napatawad oo naaalala ko ang mga nangyare pero kumpara dati hindi na ito ganon kasakit... Sabi nga nila Kung ang Dyos nga nagpapatawad Tao pa kaya...

K@Kimpot14

Matured' Dapat siguro talaga maging matured na ang ating pag iisip, pero sabi ng iba nagmamatured ang tao habang tumatanda, Pero ang iba naman sinasabing nag mamatured ang tao dahil sa mga karanasan sa buhay, Pero ako masasabi kong nagmamatured ang tao base sa kanyang karanasan.... Dahil ako 24 years old pa lang pero maraming nag sasabi na kapag nakaka usap ko parang ang tanda ko na raw magsalita, Kaya naisip ko base siguro ito sa mga karanasan ko at sa mga taong nakasalamuha ko,... Mas gusto ko kaseng kausap ang may edad na kesa ka edad ko kase marami akong napupulot na aral base sa mga kwento at pinag daanan nila sa buhay. Mga kabataan kase ngayon palaging ang iniisip lang gumala, gumimik minsan hindi pa inaayos ang pag aaral dahil nga yung iba hindi pa narasan na sila mismo ang mag asikaso ng sarili nila palaging naka asa sa magulang, Hindi inisip na kanda kuba na ang magulang sa pag tatrabaho sila ay pa easy easy lang, Kapag sinermonan mo naman sila pa yung galit imbes na makinig na lamang...

K@Kimpot14

Boses Palaka" Haha Natatawa na kaagad ako, Kase ba naman hindi ako nabiyayaan ng magandang boses kaya ayan tuloy boses palaka daw ako." Hindi naman ako naiinis dahil totoo naman Haha, ang ipinaggataka ko lang bakit yung mga kapatid ko magaganda ang boses kaya tuloy kapag nag vivideoke sila na out of place ako paano gaganda ng boses eh nakakahiya makisingit ng kanta kaya tamang ako nalang taga select ng kanta nila. Sa tuwing nagkakasama sama kaming magkakapatid hindi sympre mawawala ang Videoke at asahan ko na na tutuksuhin na naman ako, Bunso ako sa anim na magkakapatid sabi nila latak na ako" pero bakit hindi pa daw gumanda boses ko palagi nilang tukso sa akin pero hindi naman ako napipikon kase alam kong nagalalambing lang sila... Kaya humanda naman sila kapag nahawakan ko ang Mic. kase kanta ako ng kanta Haha kahit pumipiyok na. Pambawi ko yun sa kanila.. Masaya lang ako kase magkakalayo man kami, magkakasundo pa rin kami... " Pinaka kabilin bilinan kase ng Mama namin na huwag na huwag kaming mag aaway, 😘❤️

K@Kimpot14

Totoo* Ang sarap sa pakiramdam magpaka totoo nu! yung tipong wala kang dapat pangambahan dahil alam mo mismo sa sarili na nagpapakatotoo ka lang...... Ang iba kase sa atin upang makasabay lang mga nagpapanggap, Wala pong masamang magpaka totoo, Hayaan nyong makilala kayo sa totoong sarili nyo hindi yung kilala lang kayo dahil sa Pag papanggap nyo. Mas masarap na mahalin ka nila kung sino ka talaga at kung ano ka, Huwag mong ikakahiya an sarili mo sa iba, Dahil sa pagpapapakatotoo mo makikita mo kung sinong mga tao ang tatanggapin kung ano at sino ka, Huwag mo ng pansinin pa ang iba dahil kung ayaw nila sayo dahil ganyan ka wag mo ng pansinin ang mahalaga alam mong totoo kang makisama at walang halong pagpapanggap.

K@Kimpot14

Diskarte'' Sa panahon po natin ngayon kailangan dapat madiskarte ka sa buhay dahil kung hindi ag tatamad tamad ka, ay awan na lang, Nganga ka!. Yung iba naman ino oofferan mo na ng pagkakakitaan sasabihin nakakatamad pero sympre mayroon din nag pupursigi, Kailangang maging madiskarte tayo sa buhay para maka survive huwag tayong umasa na puro hinge na lang, wag tayong masanay ng ganon... Gumawa tayo ng sariling diskarte... Diba nakakatuwa yun kung taong madiskarte ka.. Hindi mo pa mapapabayaan ang pamilya mo o ang binubuhay mo. Huwag tatamad tamad gumawa ng pwedeng diskarte para kumita pa rin kahit papano ngayong quarantine... Hindi naman pwedeng lahat eh iasa natin sa gobyerno, kailangan gumawa din tayo ng sarili nating diskarte ng sa ganon may makain tayo.

K@Kimpot14

Kwento ni Lola* Madalas ako kwentuhan ng aking Lola'dati nung nagkakasama pa kami bata pa ako noon, pero lahat ng sinasabi nya ay nakatatak na sa isipan ko, ' Palagi nyang ikinukumpara ang Noon' sa Ngayon.... Sobrang ibang iba na daw kase ngayon, Kung dati ang lalaki kapag manliligaw ay kailangan na sa mismong bahay ng babae aakyat ng ligaw hindi kung saan saan o sa tabi tabi lang.. Pero sa panahon ngayon ibang iba na talaga, pwedeng mamaya kayo ng dalawa at pwedeng sa sunod ay tapos na ang inyong relasyon. Saka dati kapag nag tabi na ang babae at lalaki ipinapakasal na kaagad, Pero ngayon kahit sino sino na natabihan parang balewala na lang sa mga kabataan,... Kaya ikaw mismo sa sarili mo masasabi mong swerte ka kapag inabutan kapa nung panahon pa ng dati dahil pormal mong ipinapakilala ang lalaking minamahal mo ngayon kase puro tago tago na lang,.. Lahat ng yun ay Kwento ng aking Lola' Kaya siguro lumaki din akong ganito hindi nag sisekreto sa magulang nagka nobyo man ako, Pormal ko itong ipinapakilala sa kanila.

K@Kimpot14

SK' SK'o Sanguniang Kabataan'' Minsan din akong naging SK sa aming barangay sa probinsya kung saan ako lumaki... Noong una ayaw ko pa kase alam ko na kahit may maganda kang nagawa hindi maiiwasan na sabihan ka ng tao ng masasakita na salita bilang SK ng barangay nyo.' Andyan ang mga paprojects para sa mga pwedeng gawin sa barangay at mas mapaganda pa ito. Isang nagustuhan ko dito ay sa tuwing may paliga kami, Dahil maraming nasisiyahan, Mahilig din kase ako manood ng basketball pero mas gusto ko yung sa personal na nakikita ko hindi sa tv lang.. Sa aming barangay meron pang mga pasayaw o sayawan na nagaganap, may projects din para sa proper disposal ng mga basura, lahat naman ng pwedeng makakatulong sa lahat ay ginawa ko.... Pero wala eh sadyang may mga taong palaging mali mo ang pupunahin hindi ang mga nagawa mo, Hindi nila nakikita yung mga proyektong ginawa ko para sa kabataan, Kung ano ano pa maririnig mo..

K@Kimpot14

C. A. T" Sino kaya dito sa mga Ka-tambay ang nakaranas nito, Dati kase sa paaralan mayroon pa talagang C. A. T' required na pasukan mo yun at ang sabi hindi ka makaka graduate kapag hindi ka nag CAT'.... Kung yung iba tuwang tuwa sila sa ganon ako naman kabaliktaran dahil nung panahon na nag aaral ako, Ayaw ko talaga mag C. A. T dahil ang tapang nung commandant namin lalaki sya, Hindi namin kaklase... Naiinis ako kase parang may galit sya sakin palagi nya ako pinupuntirya, Kahit na hindi naman ako nagkakamali pinaparusahan nya ako... Kaya ayaw ko na nun mag C. A. T Haha dumating nga sa Poing na umiiyak na ako. Kaya lang nakabawi naman ako sa kanya kase nalaman ko ang sikreto nya😂 Gusto pala akong ligawan pero ang pamamaraan nya para mapansin ko palagi akong inisin tuwing C. A. T class namin, Hahahaha Pasensyahan tayo ngayon busted ko na sya agad, mabuti na lang pala at may nagsabi sakin noon, Atleast nung nalaman nya na busted na sya, bumait na sya sakin, at nakikipag kaibigan pa, Kaloka ang C. A.T experience ko.,

K@Kimpot14

Manyakis* Yay! Bakit kaya may mga ganito pang tao mga manyak! Maiinis ka talaga lalo na kung may makasalamuha ka nito o kaya naman meron kang makasakay na ganito ay nakooo hindi mo talaga nanaisin masisira ang araw mo.. Base sa na experience ko sa bus kase yun punuan na siksikan at nakatayo lang ako pero ang manong konduktor panay pa ang pasakay ng pasahero, Juskoo po andyan na ang magkaka banggaan na kayo dikit dikit na at ang masaklap natapat pa ako sa manyakis, Take note ha' Hindi ako kagandahan, Pero po kase ang taong manyak walang pinipili yan, Hilig ko kase ang naka bistida hindi ako sanay ng nakapantalon,... Nararamdaman ko na unti unting dumidikit un kamay nya sa may bandang likod ko sa baba, grabee kinikilabutan ako pinilit kong lumayo sa knya kaya lang siksikan at aba talagang ayaw paawat at ng sitahin ko sya na bakit yung kamay nya nasa may pwet ko na, Eh wala daw ako magagawa dahil punuan,Ganon ba yun kapag punuan dapat ang kamay ng pasahero ay nasa may puwet na,! Hindi ako nagpatinag at tinarayan ko sya At ayun napahiya ang manyak sabi ko pakitaas nlang ng kamay nya ihawak nya sa ibang bagay wag sa pwet ko,.. Bumaba tuloy ako kahit na hindi pa doon ang pupuntahan ko, Kaya nadala na akong makipag siksikan sa bus.. Kaya mga girls ingat ingat dahil nagkakat ang mga manyakis...!

K@Kimpot14

Dunong-dunongan' Mga taong akala mo ay alam na lahat! Mga nag dudunong dunongan, lalo na pagdating sa kaalaman yung tipong akala nya lahat ng sasabihin nya ay totoo at tama mga nag mamarunong hindi lang sa bagay kung minsan ay sa buhay pa ng tao... Taong magagaling at feeling perfect' Kapag nagtatanong ka minsan at nagsabi ng opinyon hindi nila ito papakinggan kundi sila ang magsasalita kung ano ang tama, Mga Nagmamarunong, nag dudunong dunongan eh wala namang mga alam Mga nagmamagaling para nga naman kahanga hanga silang tingnan... Nakakainis diba kapag may katrabaho kang ganyan o kaya kasama na para bang alam nya lahat ng bagay. Hindi ka bibigyan ng pagkakataon na tumama sa mga sasabihin kundi sa kanya lamang palagi ang ayos at wasto.. Kapag kinontra mo dahil may mali ikaw pa lalabas na masama.

K@Kimpot14

Kaalaman.' Bawat isa sa atin ay may taglay na kaalaman, kaalaman sa buhay at sa mga bagay bagay, Gawin nating makabuluhan ang ating buhay, Ang ilan sa atin ay kapos sa kaalaman, Lalo na pagdating sa makabagong teknolohiya ang alin ay nahihirapan pa ring sumabay dahil hindi naman nila ito kinasanayan. Ang modernong henerasyon ay punong puno ng kaalaman pero paano nga makakasabay ang ilan.. Tayo ay magtulongan dahil mayroong mga batang walang alam sa teknolohiya dahil nga wala naman sila nito o di kayay nakatira sila sa mga bundok, Paano na sila dahil sa panahon ngayon puro Internet ang pinag uusapan pati na rin sa Pag aaral makabagong teknolohiya na hindi na tulad ng dati... Kaya wag tayong magsawang magbigay ng kaalaman sa iba ng sa ganon makasabay sila sa henerasyon ngayon.

K@Kimpot14

Kasawian' Marami ng humarap sa kasawian, Kasiwain sa mga pangarap, Kasawian sa mga nais sa buhay, Pero ito ang nakakamangha dahil ano man ang kasawian natin sa buhay tayo ay nagpapatuloy pa rin hindi tayo nag papadaig sa mga kasawian na natatamo natin... Kaya kung tayo man ay nakakaranas ng kasawian sa buhay huwag tayo basta basta bibigay na lamang isipin natin ang mga bagay na nagawa na natin ang iba pa nating achievement sa buhay, Lalo pa tayong mag paursigi sa mga nais natin. Mayroon at mayroong tao na kahit ikaw ay nakaranas ng kasawian sila ay iyong malalapitan at makakaramay... Iba iba man tayo pero sa pagsisikap pare pareho tayong may nais makamit sa buhay.. Ang kasawian ay parte lamang ng buhay gamitin at gawing inspirasyon na sa bawat kasawian natin dapat tayong bumangon.

K@Kimpot14

Makaluma* Siguro meron pa rin na mangilan ngilan sa atin na sa ibang bagay ay makaluma,... Oo makaluma nga nila itong tawagin dahil sa panahon ngayon ay nasa modernasyon na tayo pero hindi natin makakaila na may ilang bagay na kahit makaluma ay mas maganda pa rin kaysa sa bago... Ako ay isa sa may pagka makaluma pagdating sa mga paniniwala at lalo na sa mga Musika... 24years old plang ako ngayon pero mas kinahiligan ko ang mga lumang awitin dekada 80/90's pa man yan. Mas gusto ko itong pinapangkingan pakiramdam ko kase naibabalik ako sa dating panahon at na eenjoy na na rerelax pa ako, ewan ko lang sa iba, Kase mag kakaiba naman sympre tayo basta ako nagagandahan sa mga lumang awitin, Gusto ko rin naman yung iba na musika ngayon pero limitado lang talaga... Kayo ba mga Ka tambay isa rin ba kayo sa mga mahilig sa lumang tugtugin..

K@Kimpot14

Sinungaling* Sa inyo ba kapag pinaglihiman kayo diba ito ay nauuwe na sa pag sisinungaling., Naglihim ka para sa iyong sariling kapakanan pero may tao kang nasaktan dahil nagsinungaling ka sa kanya.. Tulad na lamang ng kwento ng aking Ate, Dalaga sya ng mapangasawa ang bayaw ko, Ang buong akala nya eh ganon din ang aking bayaw akala nya binata pa ito dahil yun naman ang sabi sa kanya at pinaniniwalaan nya yun hanggang sa nagsama na sila at nabuntis sya, Umuwe sila ng probinsya upang pormal na maka pamanhikan, Nasaktan ng lubos ang ate ko dahil nagsinungaling ang bayaw ko ito pala ay Kasal sa unang asawa at may dalawang anak, Yun ang pilit na katotohanan na itinago sa aking ate, sympre walang sekretong hindi nabubunyag kahit pilit mo pa itong pagtakpan... Wala na kaming magagawa ang mga magulang naman ay nagkasundo na nalang dahil hiwalay naman si bayaw sa una nyang asawa ang Problema lang ay Kasal ito. Sa ganitong pang yayare ay napkasakit diba kase yung taong pinagkatiwalaan mo Pinag sinungalingan ka lang, Pinag lihiman,... Pero ngayon nagsasama pa rin naman sila isa lang talaga ang anak nila ni ate ayaw na ni ate ang magdagdag pa dahil mahirap na daw, Wala syang habol dahil hindi naman sila kasal at para nalang sa bata,.... Mabuti na lang mabait ang magulang ni bayaw, Pabor sila palagi kay ate at pinapagalitan pa si bayaw kapag paloko loko ito..... Ang hirap talagang mapag sinungalingan ka, Nagkakalamat yung relasyon na binuo nya dahil naglihim ka sa partner mo kaya sana maging open ang magkakarelasyon kahit ano pa yan magsabi ng totoo hindi yung papalalain muna sitwasyon bago umamin..