College Life

7 75
Avatar for Sheng04
3 years ago

Hindi ko alam kung saan mag uumpisa at paano ikukwento sainyo.. I know some events that I will write is for my Personal Matter.. But I will write this para kasi may aral.. Isusulat ko mga kamalian at katangahan na nagawa noon na sana hindi mangyari sainyo 🥰

Nag aral ako sa Universidad de Manila o mas kilalang UDM na dating pangalan ay CCM. Kumuha ako ng kursong Bs Nursing tatlo ang pag pipilian don at pag nakapili ka iinterviewhin ka kung bakit ayun ang napili mo.. Una kong pinili talaga is Nursing ang pangalawa ay Psychology wala na ko nilagay sa 3rd choice ko.. Pero isa lang naman ang dahilan bakit ito ang gusto ko.. Dahil gusto kong makita at mahawakan ang mga Body organs ng isang tao HAHAHAHA! Sabe nga nila sana nag Embalsamador nalang daw ako kung ganon 😁 Pero ang nasa puso ko talaga non is para makatulong sa mga matatanda.. Maging Nurse sa mga may edad na dahil ang hirap ang lungkot ng buhay ng isang matanda na nagiisa..

Kinakabahan ako noong Interview ko na nangangatog ako dahil hindi kataasan ang mga grado ko noong Highschool

"Nako iha mababa ang grades mo nung HighSchool, Sure kaba sa kukunin mo? Baka bumagsak kalang at may minimaintain na Grades dito kaya mo ba yun."

Tanong iyan sa akin ng Professor na naginterview sakin..

"Opo sir gustong gusto ko po talaga tong kukunin ko! Kaya gagalingan ko po ngayon sir! Magsisipag po talaga ko! Gagawin ko po ang best ko para pumasa!"

Tinignan ako ng mabuting ng Prof.. Maiyak iyak na ko nyan sa kaba noon hindi ko na alam pa ang isasagot ko..

"Okay sige bumalik kana lng next week para makita ang result. Good luck."

Tumayo ako niyan ng may ngiti sa labi at naeexcite sa mangyayari.. Noon nakita ko na ang Passed sa papel ko habang nagsusulat ang Prof.. Alam ko mahirap pero habang sinusulat ko to ngayon kumkirot ang puso ko dahil hindi ko nagawa ang mga sinabi ko..

Pag tapos ng interview na yun di na ako nagtungo sa Psychology department dahil kampante na ako noon na makakapasok ako sa Nursing..

After 1 week pumunta ako sa Nursing Department para makita ang mga pangalan na pumasa at kung pumasa ba ko..

Tuwang tuwa ako noon dahil nakita ko ang pangalan ko.. Nagtanong tanong lang ako kung ano next na gagawin at umuwi na din ako agad sa sobrang saya..

Tuwing uuwi ako galing School diretso agad ako noon. sa aming Computer Shop. Malaki ang baon ko noon dahil natuwa din ang tita ko na nagpaparal sa akin, nasa ibang bansa si tita ko naninirahan kaya sisiw lang sa kanya ang magpadala o magpa baon ng malaki. 1k every 1 week ang baon ko noon at yung kalahati pinang gagastos ko sa laro na ang tawag ay Audition Dance Battle PH diyan ako naadik dati.. Lahat ng ipon at baon ko diyan na napunta kakabili ng mga items ng Character ko.. Siguro kung pinangbili ko lang ng totoong mga gamit ang pera ko noon ang dami ko na siguro mga gamit ngayon ..

Dalawang sakay papuntang school ang sinasakyan ko araw araw. Isang jeep at isang Lrt or pwede din naman mag Jeep kung di ka magmamadali. Wala kong pake kung nauubos ang pera ko sa Mga walang kwentang bagay tulad ng paglalaro basta noon nageenjoy ako..

Nung First day ko sa College nakita ko yung Best Friend ko na Kababata ko din.. Kaso feeling ko iba na siya noon. Yung bang di na siya yung Friend na nakilala ko..

"Oy trishh! Dito ka den???!"

"Uy oo dito nga. Gusto ko mag Nursing din kasi ehh. kaw ba?"

"Hahaha! Oo pangarap ko talaga to ehh diba sabi ko naman sayo nung bata pa tayo.."

"Ahh sige sige zen una na ko"

Nakita ko na may mga bagong kaibigan na pala siya.. Oo magkaklase kami pero hindi ko na siya feel noon at marami na siyang Friends.. Naalala ko pa noon nung bata pa kami lagi kaming nagkakagalit ng grupo namin at laging kaming dalawa ang inaaway kaya hindi nila kami pinapansin. Di ko makakalimutan yung sinabi ni trish sakin noon nung dalawa lang kami..

"Zen.. Walang iwanan ha.. Kahit anong mangyari, basta okay na sa akin yung ikaw lang kasama ko.. Kahit wag na sila.. Walang iwanan zen ha.."

Noong unang araw ng klase namin may mga nakilala akong bagong kaibigan.. Mahiyain kasi ako noon.. Btw 2nd year college na pala ako nito kasi nung 1st year college kami wala pang mga Course dahil daw sa curriculum nila.. So kahit papaano may mga kilala na ako doon sa School pero sa mga naging kaklase ko nung 1st year College isa lang ang kumuha ng Nursing di pa kami naging mag kaklase hahaha.

Pasok sa school, magaaral at pag uwi lagi akong may pasalubong sa pamilya ko at yun yung natutunan ko sa School tulad ng sabi ng Prof ko na dapat ang toothbrush pinapalitan every 3 months at hindi nilalagay sa Ref ang mga to HAHAHA! Andami kong nashishare non sa pamilya ko tungkol sa mga pinagaralan namin.. Tuwang tuwa naman sila sa aken..

Noon First year college ako nag ka BF ako noon nakilala ko sa Audition na nilalaro ko.. Galante siya binibgyan ako ng kwintas, Teddy bear tsaka Chocolate at nililibot din ako sa SM. Nagtagal kami ng 8months pero hiniwalayan ko na din kasi feeling ko minamanyak na nya ko.. Ang bata ko pa noon kaya tinigil ko yun HAHAHAA! Nagmakaawa siya non sa bahay namin nasa harap pa ng mama ko at tita ko pero wala akong pake noon.. Binigay ko lahat ng bigay niya sa akin at di na siya nagparamdam.

Noong Nursing ako at nagpapractice na sa school grabi hirap.. Laging may partner noon.. Sympre partner ko babae.. Need ipakita mga gagawin sa Prof sa pasyente kapag di na makagalaw ito.. Kaya noon pinaliguan namin isa't isa HAHAHA! Sympre hindi maghuhubad ng literal don ah. Magpupunas muna una Ulo pababa habang nakabalot kami ng kumot noon. Umabot kami non ng 6 kasi mahiyain grupo ko at nagkakabisado pa ng mga sasabihin pero nung kami na pinagawa nalang sa amin at di na pinagsalita HAHAHA!

Minsan pinapagawa sa amin yung kung paano magligpit ng kama ng pasyente..

Noong May 4 nung 2nd year college ako nagkita kami nung lalaking mapapangasawa ko pala.. Nakilala ko siya sa Audition at tuwing uuwi ako Diretso na agad sa Computer Shop para makalaro siya.. Taga Malolos Bulacan siya ako sa Tondo. Ang layo ng agwat pero walang nakapigil sa amin..

Eto yung lalaking titignan ko palang napapangiti na ko.. Di ko lam pero kasi dati ang cute nito ngayon nakakainis na. 😁

Noong nagkita kami naglaro lang kami sa Shop ..

"Uy bat di ka tumitingin sakin.. Hala may dimple ka pala ahh.."

Pangaasar niya sa akin noon di ko mapigilan ngumiti noon kasi ang pogi e. Ang tangos ng ilong.. Yun pa naman gusto ko sa isang lalaki HAHAHA! Ngayon sarap na basagin ang ilong!

Madami kaming nalaro na Online Games sa Computer tulad nalang ng League of Legends, Crossfire, at saka mga laro sa mga FB tulad ng booomz. Araw araw magka tawagan kami sa Cellphone. Wala siyang Cellphone noon tumatawag lang siya sa Computer habang naglalaro siya nakikinig ako sakanya.. Mas lalo kong naiinlove sakanya noon kapag kinakantahan niya ako.. Ganda din kasi ng boses niya.. Nagka choir kasi siya dati position niya pa daw noon is Tenor. Wala siyang work noon pag uwi niya nakikihiram siya ng phone para makapagusap kami.. Ako na din nagloload sakanya para makausap lang siya..

Sa sobrang pagmamahal ko sakanya nakalimutan ko na palang Nagaaral ako..Kahit kasi nasa School ako magkatawagan padin kami.. Gusto niya naririnig na nagaaral ako o nakikinig sa Prof. Hindi ko alam kung ano pinakain ko sakanya at parang na Obsessed siya sa akin HAHAHAH! echos.

Nagtagal ang relasyon namin noon. 3rd year College na kami noon at duduty na kami. Every week magpapalit ng station kada grupo. 10 kami sa grupo at naatasan kaming mag duty sa Center malapit sa St.Mesa malayo ito 4 na sakay mula sa aming bahay. Pero tiniis ko yun.

Naalala ko pa noon nung Nagpapraktis kami maginjection. Ang kapartner ko kabado kaya nakailang tusok o try sakin. Okay lang naman sakin yung basta mahalaga matuto siya. Mga limang turok din sakin siya. Puro mali ginagawa minsan tinutusok niya tas huhugutin agad grabe natatawa ko noon pinapagalitan na siya pero ako natatawa HAHAHA! masakit pero yung makita mo yung kaibigan mong nanginginig matatawa kana lang..

"huy rio kaya mo yan isa pang mali mo yari ka sa akin pag ako na"

Hahahaha! Di ko lam pero mukang natauhan siya nung sinabi ko sakanya yan. Naka dalawang try lang ako sakanya kaya natuwa siya HAHAHA!

Noong nagduduty na kami sa Center lagi ako naassign na kumuha ng mga Vitals ng mga Magpapacheck up. Weight height temp BP pulso tska marami pa na sa isang tao lang ginagawa, noong una kada pasok ng tao sa center nakaka excite paunahan pa kami at paramihan pero nung nagtagal sinasabi nila na ay bahala kayo diyan kaya nyo na yan. HAHAHA!

Noong 2nd year College pala kami nag Pinning Ceremony pa kami noon naka 3k mahigit din kami noon dahil doon iba pan yung Uniform namin. 🥺 Nakakapangsisi sinayang ko lang yun kaya galit na galit sa akin tita ko.

Noong nagpalitan na kung san magduduty.. Naexcite ako na ewan dahil sa OB kame naka assign nakalimutan ko na yung Ospital kung saan yon pera dito lang din sa Manila.

Lahat kami kabado dahil dun lang ako nakakita na nanganganak na mga nanay.. Noon kabog na ang dibdib ko dahil sa tuwing kinukuha namin ang vital ng nagbubuntis doon sa Delivery Room sinasabi nila na sumasakit na..

"Ohh may 2cm nalang!!"

Nagpuntahan kami doon kung saan nanganganak ang isang ginang.. Akala ko tulad nito sa TV na pag nanganganak may kumot din pero doon Lahat ng nasa Room Makikita ang pinakatatago mo HAHAHAHA! Isa sa mga kagrupo ko na naatasan na sapuhin o kunin ang bata.. Ako naman daw pag labas ng baby.. Natataranta kami na di alam ang gagawin. Noong lumabas yung baby ako ang nagpunas dito.. Habang nakapatong ang baby sa mommy niya bigla itong nagdumi first time kong makakita noon totoo nga sinabinng mga Prof ko na parang Chocolate talaga yun.. Natuwa naman sila kasi walang problema sa pwetan ng bata 😝

Nakakaenjoy ang mga nangyari sa akin noong College.. Pero Noong 3rd year ako nangayayat ako ng sobra.. Napabayaan ko ang sarili ko.. Dahil tuwing may baon ako lagi ako pinapapunta sa bahay ng asawa ko.. Oo napaka tanga ko noon na dapat hindi babae ang pumupunta sa bahay ng lalaki..

Noong 3rd year 2nd sem bumagsak na ko sa isa sa major subject ko 😩😩 Ang sakit sa dibdib noon di ko masabi ang nangyari pero gumawa ako nang paraan para maisalba to.. Maraming nakakapasa padin at pinaulit ang Subject maraming pinayagan pero ako..

After nyan nalaman ko din na buntis na pala ko lahat sila galit na galit sa akin. Pinalayas muna ko sa bahay at nanirahan sa bahay ng asawa ko..

Ngayon narealize ko na sobrang sarap mag aral.. Di ko pinagsisihan ang nakaraan ko bagkus tinanggap ko ng buong buo ang mga pagkakamali ko noon.

Oo dami kong katangahan dati tulad ng di pagseseryoso sa pagaaral.. Pag may pera ko binibigyan ko din ang asawa ko at wala ng natitira sa akin. Minsan naglalakad na ako pauwi ng bahay.. Pasalamat ako sa Diyos walang nangyari sa anak ko noon kahit sobrang depressed ko..

Kaya ngayon sulitin nyo mga oras at sandali na nagaaral kayo. Tama nga sinabi mga mga teacher at prof ko dati..

"The best and most beautiful things in the world cannot be seen or even touched - they must be felt with the heart." 

Salamat sa pagbabasa ❤️

9
$ 5.45
$ 5.44 from @TheRandomRewarder
$ 0.01 from @icary
Sponsors of Sheng04
empty
empty
empty
Avatar for Sheng04
3 years ago

Comments

Bes pano mag boost?

$ 0.00
3 years ago

donn sa pinakataas bes

$ 0.00
3 years ago

😘🥰

$ 0.00
3 years ago

yay thank youu😍😍

$ 0.00
3 years ago

More stories pa pooooo mamshhhh😍😍💗

$ 0.00
3 years ago

yeheyy thank you mamsh 😘😘

$ 0.00
3 years ago

More stories for us to gooooo

$ 0.00
3 years ago