More malunggay for my Baby Shawn. πΆπΌ My doctor also recommended some malunggay capsule to have more milk. My Mom and OB want me to breastfeed my Baby. I also want to breastfeed him but I'm afraid that my milk is not enough for him. His current wait is 4.3 kg with mix feeding S26 and my milk. Tinola with lots of malunggay. π²
@Shawn09 in October 2022
Almost 1 month na mula ng manganak ako kaya ito. Ilang buwan ko ding ininda ang ingrown ko. Hindi na talaga kinaya kaya ayan kinutkot na ni mama. Napapasigaw pa ako sa sakit kaya nagising ang Baby ko. Hehe Si mama naman nanginginig daw. Parang yung tagalinis talaga namin ng kuko. Nanginginig sya pag nililinisan ako. Hindi ko talaga kasi kaya masaktan. π π
Yesterday was my Baby Shawn's first month celebration. I ordered customized number one cake but it doesn't look like number one. π I ordered this cake from my younger sisters church mate. It taste better than the cake that she sell before. I wish for my Baby to be healthy always. I love my Baby Shawn so much. I'm willing to sacrifice myself for him. π I love you Shawn. π₯°β€οΈππΆπΌ
Yung nagbayad ako ng due ko sa Sloan tapos hindi nagreflect. Pag ako lang talaga nagkalate fee bahala sila dyan. Nakaltas na sa Gcash pero ayan namumula pa kasi due ko na daw. Kaloka. At para makabayad nga dyan hinugot ko na yung nasa Maya ko. Hindi kasi buo sahod ni Partner kaya lahat na ng mahuhugot ko ayun hugot. May Lazada pa ako. π
Dahil nga sa hindi ako mapakali ayun nagchat ako sa Shopee. Naghanap ako ng live agent kasi hindi naman masasagot ng FAQs nila ang concern ko. At para may laban ako ayan may screenshot. Hirap ako maghagilap pambayad tapos mauuwi sa wala. Iniiwasan ko talaga yung late fees tsaka bad record kaya malayo pa man inaasikaso ko na ang kautangan ko. ππ
Good morning ππ Medyo malamig ang umaga. Dahil gipit kapit muna sa mga nagpapaloan ng wala masyadong requirements. Kung sakali mang ituloy ko ang loan na to this will be my second time na. Kung titignan parang ang laki ng interest pero feeling ko okay na to. May credit na rin ako sa PayMaya. Tinry ko at kung ikukumpara kay Gloan mas okay si Gloan. Tara na at magkape. 1am ata ng binaba si Baby ko at hanggang ngayon ay wala pa akong tulog. Bukod sa panay iyak Baby ko madamiβ¦
Kulambo para makaiwas sa lamok at kung ano pang insekto. Naglabasan ang gamu-gamo dito sa amin kaya pinakuha ko kay kuya ko ang kulambo na pang Baby. Mahirap na baka pumasok sa anak ko ang mga insekto. 1am pa nga ako gising at hanggang ngayon ay hindi pa ako makatulog. Hindi na ata umaabot ng 5 oras tulog ko sa isang araw eh. Hehe Good morning people. ππ
Maulang hapon sa lahat π§οΈβ Parang ang sarap magkape pero nagkape na ako na may gatas kaninang umaga. Nagpabili din ako tinapay kasi masarap kumain ng kumain. Parang hindi ko kaya ng walang tinapay kaya ayun lumabas si mama at bumili ng monay. Hehe Si Baby ko naman katabi ko kasi tulog sya. Panay gulat gulat ang anak ko kahit wala namang ingay kaya nasa tabi nya ako para yakapin sya. Feeling ko hindi maganda na lagi syang ganito eh kaya nakabantay lang ako.
Itsura namin kagabi sa higaan. Naglaba maghapon si mama kaya sa tabi ko natulog si Baby magdamag. At syempre hirap aki sa higa kasi dapat maluwag ang space ng anak ko. Binabantayan ki din siko ni Partner at baka matamaan ulo ni Baby. Ang gising talaga ng anak ko ay 2am tapos tutulog ulit ng 7am. Team puyat na naman ako. π π€£ Ako na din nagpaligo sa Baby ko. Sinuot ko na lang binder para hindi mapwersa ang tahi ko. Hehe Maulang hapon People. π§οΈβ
First time magupitan ng kuko ni Baby Shawn ko kanina. Struggle is real kasi nga baka magkamali ako. Nakakatakot baka magupit ko yung mismong balat nya. Sumakit likod ko sa tagal ng paggupit ko pero atleast hindi sya nasaktan. π₯° Kayo din ba inilagay sa Bible unang gupit na kuko ng Baby nyo? Yan kasi sabi ni Mama ko. π π€£
Gumawa si mama ko ng duyan na kumot pero hindi tumalab sa anak ko. Umiiyak pa din sya lalo pag gusto karga kaya tinanggal na din ni mama yung duyan. And ayan nga may time na pag nagigising sya at may ginagawa ako ginagamit ko paa ko pang tapik sa kanya. Ayoko na makaramdam sya na hindi sya pinapansin o hindi sya mahal. Syempre may sapin para hindi mismong paa ang didikit sa kanya. Hehe Good morning people. π π
Gusto ko talaga magkaron ng Maya Card kaya ayan bawas laman sa hiniram ko sa Gcash para ideposit sa Maya ko. Sana makuha ko yang Card para pwedeng withdraw na lang kung sakali na need ng cash. Pwede na kasi ako magpacash out pag nagkataon. Nagkaron din ako Cashback sa dineposit ko pati yung fee binalik din ni Maya. π Yung isa naman malabo na macomplete ko kasi may Maya Savings na ako before pa magkamission. Hindi ko rin naman bet Eheads. π€£ Goodnight people. Umuulan na kayaβ¦
Ito yung gamot na reseta ng doctor ko na two weeks ko lang nainom pero dapat talaga ay 1 month. Dahil nga kinapos na kaya hindi na ako nakapagpabili ulit. Ang nasa isip ko dapat unahin ang gatas ng anak ko bago ang akin. Hehe Nagustuhan din to ni Partner parang hindi daw sya nauubusan ng lakas. Plano ko pag sahod nya papabili ulit ako ng para sa aming 2. Bumalik kasi sya sa 12hrs a day na duty as machine operator kaya need nya vitamins. One day lang pa naman day off nya.β¦
I've been seeing post in noise.cash about this noise.app so I got curious and look for an invitation so I can also register and try. My username here is different from my noise.cash. I'm wondering about something. π€
I registered at noise.app because of curiosity. I've been seeing post and I thought that noise.app is noise.cash app in google play so I downloaded the noise.cash app only to find out that they are different. I'm not really active since they want me to avoid using phone. Reason why I don't know the updates. π https://noise.app/Shawn09 This is me at noise.app Don't know where to find the invitation link. π
Yung nalilito pa talaga ako sa kabila. π Almost same sya ng noise.cash maliban sa para syang party. Need invitation para makapagregister ka. Pag wala invitation read only ka lang. Sinasala na kasi ang mga spammer at iba pa. Hindi ka basta makakapagcomment at message. Kung titignan para syang fb kaso mas mahigpit. Hehe Pero hindi ko alam paano ka mag-earn. π Nahanap ko na yung invitation or link pang invite https://noise.app/invite/rmoxavel Goodnight people π΄
Yung akala ko dahil papeklat na tahi ko sa pagkacs ay okay na yung sugat ko. Nag-iingat pa naman ako pero hindi ko akalain na susugat sya ulit. May mga cs Mom ba dito? Ano ginawa nyo para hindi matamaan ng garter ng undies at shirts ang sugat nyo? Chineck ko kanina sa salamin ayun may sugat na sya. Kaya siguro masakit ang nararamdaman ko. Akala ko ay guni-guni ko lang or paranoid ako yun pala nasugat na ulit. Bumili na ako underwear na highwaist na girdle kaso ang hirap din.β¦
Natuwa na nasurprise ako kanina dahil dito. π₯° May naligaw sa aking notification. Ito ang unang-una at feeling ko ay galing yan dito. Surprise π―π Makikita nyo rin dyan yung notification galing sa seller ng Lazada na inorderan ko ng gamit ng pusa ng kapatid ko. Hirap kasi magpaligo gawa ng nangangalmot kaya inorderan ko ng cat bag at panlagay sa paa. Hehe At hindi ko na nga alam kung bumuka ba ang sugat ko o kung ano ba. May butas kasi sya at may lumalabas na tubig. Gusto niβ¦
Yung nararamdaman ko na kumikirot unti ang sugat ko. Nung mga nakaraang araw ay ingat na ingat ako sa sugat ko kahit na parang peklat na sya. Andyan yung mukha daw akong budoy at kuba na daw ako. May nararamdaman kasi akong masakit kaya ang ginagawa ko ay tinataas ang shorts ko sa taas ng tahi ko at nakapasok ang damit sa loob hanggang garter ng undies ko para maprotektahan ang aking tahi. Kakapuna nila ang ginawa ko bumili ng undies na highwaist at inayos ang sarili. Angβ¦
From S26 to Bonna si Baby ko. Mga 2 weeks na rin syang Bonna at sabi ng mama ko ay hiyang naman daw si Baby kasi okay ang poops nya. Sa S26 kasi ay maya't maya at malambot. Minsan pa nga ay parang matubig dahil na din sa tunog pag dumudumi sya. Masama pa loob ko nung una na palitan gatas nya. Feeling ko kasi tinitipid ki si Baby pero wala ng choice kasi bankrupt na kami ng Daddy nya. Gusto ko pang iyakan ang pagpalit nya ng gatas pero ngayon ay okay na ako. Hehe Goodnightβ¦
Sharing to you guys the picture of my son. His name is Shawn Michael. My Partner wants to name our Baby same with his name Michael or his Jr. I disagree and told him to look for another name that will be added to Michael. Reason why it's Shawn Michael. We're at my Partners parents house. He wants to visit his parents but we're not going to sleep here. They don't have foam and I don't want to sleep in hard bed. My back hurts. Hehe Good afternoon. π
I keep on receiving blessings from noise.app. I didn't expect to receive any amount but look. In noise.app you won't know how it works. It's not the heart or what money from the both that they give to us and we choose the person to share it with. Here is my link https://noise.app/Shawn09 You can drop yours in the comment section if you want. Good afternoon people.
Yung halos 7pm kami nakauwi kanina. Akala ko nauna sina mama ko umuwi pero buti nauna kami. Baka pagalitan ako kasi nagpagabi sa labas eh kasama namin ni Partner si Baby. Bawal mahamugan. Wala namang espesyal na nangyari ngayong araw. Hindi naman nila kinarga si Baby ko pero feeling ko happy naman sila na nakita anak namin ni Partner. Iba kasi yung approach nila sa family ko. Sa family ko tuwang-tuwa kay Baby na halos lahat gusto magkarga. Kina partner parang walang ganyan.β¦
Galing akong center para magtanong about immunization ng Baby ko. Wala pang tao kanina kaya naghintay pa ako ng ilang minutes. Pati magsasanitize ay naghintay ng tao na magbubukas ng gate. Maya-maya ay dumating na yung empleyado at nalaman ko na bukas pa pala ang Babies. Change plan kami. Sa Ospital na lang pupunta para sa hearing test, kuha ng birth certificate, new born screening results at requirements sa SSS ko. Sana wag umulan today. Hehe Good morning people ππ
https://noise.app/invite/5pdtvhzv If you want, click it. I'm not forcing anyone. Hehe Just got home from center. They don't have immunization for today so we need to go back tomorrow together with my Baby. We're going to Hospital for today. π₯
https://noise.app/invite/6armxzab Para friendship din tayo sa kabila sa may gusto lang. Waiting ako ng 2pm para bumalik sa Ospital. Nilalakad ko na requirements para sa SSS ko. Need Ipasa before October 9, 2022
At the Hospital where I gave birth to my son last September 9, 2022. First time being a mom, first time stitches, first time to be hospitalized. I have a lot of first time because of my son. And that first time make me feel like I'm going to die and also become the happiest person in the world. ππΆπ€± I'm here for some requirements needed for work and SSS but I still need to come back after a week to get the Discharge Summary that cost hundred pesos. Not yet sure for the CTC ofβ¦
Good morning π§οΈβ Galing na kami ng center ng anak ko para sa kanyang immunization. At dahil nga tulog sya nung turukan sya ay nagulat sya sabay iyak. Dalawang turok ang ginawa. Tag-isa legs ng Baby ko. Pinainom na din sya ng sa pollo. Ito nga pala ang unang toy ng Baby ko. Hindi pa naman sya nakakapaglaro pero binili ko na to. Pang check Kasi kung nakakakita na ba sya. Kanina nga ay nakita namin tumititig na sya sa toy nya. Wala pa akong maisip na ipapangalan sa toy nya.Hehe
Ramdam ko ang sakit tuwing umiiyak ang aking anak. Bawat iyak nya ay gusto ko ding umiyak. Masakit makita na ang anak ko ay nasasaktan pero para sa kanya din naman yang mga ini-inject na yan. Nilagyan namin ng yelo kanina kasi sobrang maga at namumula na yung part na iinnjectionan. Pinainom ko na din ng paracetamol. Ngayon ko lang ulit sya nailapag. Paano grabe ang iyak pag nagagalaw nya legs nya. Maulang hapon people. π§οΈβ
Maulang gabi π§οΈβ Malamig ngayong gabi at masarap matulog dahil nga sa maulan. So ayun nga dahil sa tinurok Kay Baby ay halos maghapon ko syang karga kasi ayaw magpalapag. Okay na rin para mabantayan ko sya. Hindi kasi sya pwedeng magalaw galaw at nanginginig talaga sya. Feeling ko at tinitiis nya yung sakit kapag napapainat sya ng katawan. Mahilig kasi sya mag-inat. Nagpapalaki ata. Nilagyan namin or dinampian ng yelo yung legs nya na namamaga at maayos na ang pakiramdam ngβ¦
Good evening π§οΈβ https://noise.app/invite/qb7wad3y Again here is my link. You can use that so we can follow each other directly in noise.app. It's like auto follow when you use that. I'm tired today and happy. Happy because my Baby is doing fine after the immunization. It's har to see him being in pain but it's for him.
Kasabay ng pagpunta namin sa Ospital kahapon ay dumaan din kami sa bahay ng tita ko. Malapit lang kasi bahay nya sa Ospital. Mga 5 minutes na lakad lang. First time nya nakita anak ko at nagbaba sya ng magagamit na higaan ng anak ko. Sabi nya ay buti daw walang pangit na apo si mama ko. π π€£ Nagtaxi kami pauwi dahil na nga din sa hapon na kami nakaalis kina tita. Totoo ba guys na pag paahon ay kailangan na patayin Aircon sa taxi kasi nahihirapan makaahon? Yan kasi sabi nungβ¦
Nakaalis na si Partner para pumasok sa work. Buti pala at bumaba ako para isara ang pinto. Mataas temperature ng anak ko. 37.8 na pala sya. Lagnat na ata yan.π‘οΈπ€ Pinainom ko na ng Paracetamol. Sana ay bumaba na lagnat nya. Ilalagay ko sana yung cool Fever kaso baka magulat at magwala. Pa2 months na si Baby ko at ngayon lang sya nagkasakit kaya hindi talaga kami sanay. Masyadong nakakalungkot. Sana sa akin na lang yung sakit. Para sa kanya din naman yung injections kayaβ¦
https://noise.app/invite/yzaeledb I'll leave my invitation again so if you want to use noise.app or if you want me to exchange messages with me through comments or something you can use that link again for auto follow for each other. I'm feeling sad right now for my Baby Shawn. His temperature is 37.8 so I let him drink some medicine π. Morning People π§οΈ
Mabuti na ang pakiramdam ng Baby Shawn ko π₯°ππ Makikita nyo naman na nakapatong legs ko sa legs ng anak ko. Bakit? Kasi nagugulat sya bigla. Ewan ko ba bakit magugulatin Baby ko. Minsan kahit walang nakakagulat at bigla syang nagugulat. Sarili nyang utot at dighay ay nagugulat sya. Kulit nuh?hehe Kaya ang solusyon ay dantayan sya or unan. Legs ko muna nilagay ko kasi andito lang naman ako sa tabi nya pero si mama ko unan lagi. Hehe Good afternoon. Nakapaglunch na ba kayo? Akoβ¦
https://noise.app/invite/9kfcrnuo Again, I'll drop my invite link so we can directly or auto follow each other. If you want you can drop yours at the comment section. As you can see in my screenshot I already have 48 followers. Road to 50 followers. π If you want to read some of my post about my life you can go to my profile. Good afternoon π
Good morning βοΈπ Not sure if maaraw ulit mamaya pero malamig pa rin dito samin. Nakaalis na si Partner at kahit papano ay napaghandaan ko pa sya ng baon. Sya na nagsaing kasi antok pa talaga ako. Anong oras na ako nakaakyat kagabi para matulog eh. Sinisiguro ko kasi na wala ng poproblemahin si mama kay Baby. Naghugas ako ng mga dede, sterilize at lagay ng tubig sa dede para pag gutom na si Baby ay madali ng magtimpla. Si mama kasi nagtatabi sa anak ko pag gabi. Hehe Oh syaβ¦
Isa sa struggle ng mga first time mom ay ang pagpapaligo sa mga anak. Tulad ko na napaliguan ko ang anak ko ng 1 month na sya. Andun kasi yung takot. Sa lambot ng mga Baby ay naiisip ko na baka mapilay ko sya. Baka nasasaktan ko sya o malunod ko sya. At hindi ko nga nabilhan bathtub ang anak ko kaya sa planggana sya naliligo. Hindi na nga sya halos kasya pero okay lang. Katapos ko lang sya paliguan at yan nga ang planggana na ginamit ko. At yang nakalagay na mga gamit ay mgaβ¦
Sabi ni mama magwalis daw ako dito sa taas tapos basahanin. Naisip para linis na linis wipes na lang. Hindi Baby Wipes kundi anti-bacterial wipes. Siguro naman tanggal nito ang dahilan kung bakit minsan ay may langgam kami dito sa taas. Hehe Sarap tulog ng anak ko kaya pakalaba ni mama sabi ko ako na magsampay ng gamit ng anak ko. Pakasampay ko ay tinanggal ko na mga nilabhan nung Tuesday para matupi ko na. May maitulong man lang dito ss bahay. Hehe
Good morning π Most of the users here are in noise.app No worries we can still have a chat at noise.app. https://noise.app/invite/ozctv9wk Here's my link so we can auto follow each other. π
Good morning π Maaga nakatulog kagabi kaya maaga din nagising. Hehe At pag check ko sa fb may sale na Baby wipes so ayun. Add to cart, place order at bayad. π€£ Bilang isang mommy kailangan wais tayo. More on sa sale pipili at bibili para makatipid. π€£
At ayun nga hapon ko na napaliguan ang aking anak. Paano madaling araw ay gising ako para magsaing at asikaso baon ni Partner. Alam ko namang napapagod na sya at laging kulang ang tulog. Mahina pa man din sya sa puyatan. Grabe yan matulog eh kaya pag kaya ko ako na muna kikilos. Mula 1am ay gising din si Baby ko at umaga na sya natulog (8am). Pag tulog nya ay natulog din ako at nagising ako ng 12:30om. Antok pa pero kailangan ng kumilos para maliguan anak ko. Hehe Goodβ¦
Maulang hapon people π§οΈβ Hapon na ng umulan dito sa amin. Buti tapos ko ng liguan Baby ko para hindi sya malamigan. As usual behave ang anak ko habang naliligo. Ang teknik ko ay tatanggalan ko na sya ng hangin para mainitan at dapat pabusog palang para hindi matulog. Hehe
Cold morning βπ§οΈ Umuulan pa din na may kasamang malakas na hangin. Kahit may bagyo ay pumasok si Partner sa work nya. Wala naman kasing suspension sa kanila maliban siguro kung signal #4. At ayan nga uminom na ako Bearbrand swak na nilagyan ng nescafe black lang. Masarap naman. Manamis-namis na may kasamang pait. π€€ Uminom na ako nyan at kanina pa kami gising ng anak ko. Ayaw nya pa matulog. Panay iyak paano ay tinatama ko yung ulo nya na laging nakatingala. May time dinβ¦
Champorado sa malamig na panahon. Kaninang umaga pa yan niluto ni mama. Natatamisan ako kaya ayan pinartner ko muncher na junk food. Sabi nila dito sa bahay ay kadiri daw. π€£ Gusto ko talaga kumain ng maalat eh. π€£ Hindi ako naglilihi. Malabo pang mangyari at 3 years daw dapat bago sundan. Sadyang iba pa ang panlasa ko. π€£ Maulang gabi people. π§οΈβ Sobrang lakas pa ng hangin at ulan dito samin. Pray lang tayo na umalis na ang bagyo. ππ
As a Mom, I don't want my Baby to have an insect bites or wounds. I'm shocked to see this red mark on my sons left arm. I looked at his pranela and saw an ant. π I blame myself for not paying attention on my Baby. I should watch him 24/7 to make sure that no insect can bite him. But, how can I do that? π Still raining and have strong winds. Let's pray for Mindanao. π
Here is my invite link for noise.app https://noise.app/invite/ggzkz8rm Maulan at malamig na gabi sa ating lahat. Patuloy pa din nga ang ulan dito sa amin. Malakas na hangin na may kasamang malakas na ulan. So far malabo namang bahain dito mismo sa bahay namin maliban doon sa malalapit ang bahay sa may sapa. Panigurado ay baha na sila. Wag namang lumakas tulad ng Ondoy at aabutin kami panigurado. Keep safe people. π
Goodnight people π΄πͺ Tulog na ulit si Baby ko kaya tutulog na din ako. Hindi sya mapatulog ng lola nya kaya kinuha ko na at inakyat. Itatabi ko muna sa akin. Ang ingay din kasi ng aso ng kapitbahay kaya nagising anak ko. Ayoko sana na dito sya sa taas. Paano ay wala namang sara ang aming bintana. Kurtina lang ang gamit pangsara. Still maulan at mahangin pa din. Pero kahit papano ay wala na akong naririnig na yero na parang matatanggal. Keep safe people. Sweet dreams π
Nilamig din ata si Cream-o kaya tumabi sa amin. Nung una nagulat pa si Partner at napabangon. Magugulatin kasi talaga si Partner. Grabe tawa ng kapatid ko sa nangyari. Maya-maya pa ay nagstretch yan si Cream-o. Balak pa atang sakupin buong higaan. π€£ Minsan pa nga ay nahuli ko sya nakatabi sa Baby ko which is hindi Naman pwede kasi ang balahibo nya ay mapupunta sa anak ko. May time naman ramdam ko na binabantayan nya anak ko lalo pag may ibang tao. Humaharang sya pag mayβ¦
Dahil nga sa maulan payong ay mahalaga. Karamihan sa mga payong ay may tulo pa din. Kaya kahit magpayong ka ikaw ay mababasa less basa nga lang kesa wala kang payong. So ang ginawa ni mama yung sirang payong ay tinanggalan nya ng bubong at inilipat sa isang automatic na payong. Ang kagandaham nun ay kakapal ang bubong so mas mahaharang ang tubig ulan. Ang disadvantage ay bibigat yung payong. π π Good evening people βπ§οΈ
Sarap buhay naman ng aming Cream-o. Hindi sya tumabi sa amin pero ito din yung mesa sa may higaan namin. At yang hinihigaan nya ay laptop ng younger brother ko na syang umampon sa kanya. Galing yan sa gf nya kaya love na love nya. Kaninang madaling araw habang naglilibang sa anak ko ay nagpoops si Yogurt (aso namin) sa may pinto. Buti sa basahan nya napoops para madaling linisin. Si Cream-o naman ay sumuka sa may hagdan. So habang umiiyak anak ko ay nilinis ko ang kalat ngβ¦
Sobrang sakit nya na. π Yung sa kaliwa ay natanggal na ng kapatid ko at unting sakit lang tiniis ko pero dito sa kabila ay sobrang sakit na at baon na daw talaga kuko. Kung kanya daw ito ay kaya nya ang sakit pero dahil mababa pain tolerance ko ay ayaw nya ng gawin. Need daw gumamit pusher para iangat yung gilid na kuko tsaka magugupit. Feeling ko hihimatayin ako pag pinatanggal na to. Parang nagngingilo na ibang daliri ko. Sana kayanin ko. ππππ
Buti napasilip ako sa Lazada. Ayan nakita ko diaper nakasale. Sa kakamadali at baka maubos ay buy now nagawa ko kaya medyo mas mahal yung unang naplace order ko pero sulit pa din yan. Hindi ko pa natry tong brand na to sa Baby ko pero sama okay sa kanya. Ayoko sya magkarashes eh. Hehe Oh sya, goodnight na people. Maya-maya iiyak na siguro Baby ko. Idlip muna ako. Hehe