From S26 to Bonna si Baby ko. Mga 2 weeks na rin syang Bonna at sabi ng mama ko ay hiyang naman daw si Baby kasi okay ang poops nya. Sa S26 kasi ay maya't maya at malambot. Minsan pa nga ay parang matubig dahil na din sa tunog pag dumudumi sya. Masama pa loob ko nung una na palitan gatas nya. Feeling ko kasi tinitipid ki si Baby pero wala ng choice kasi bankrupt na kami ng Daddy nya. Gusto ko pang iyakan ang pagpalit nya ng gatas pero ngayon ay okay na ako. Hehe Goodnight people 😪😴
4 comments
Mahal talaga s26 eh pero maganda daw talaga yan para sa brain development ng bata. Pamangkin ko dati one week lang din sa ganyan bukod sa mahal, malambot talaga dumi nya hehe. Bona din ang ipinalit.
Baka malambot talaga dumi pag S26 eh nuh? Gusto ko nga ibalik sa S26 pag may work na ako. Di bale ng walang matira pangLazada. Hehe
Okay lang yun sis, hiyang naman siya sa Bonna ang natipid niyo pwede niyong ilaan sa ibang bagay.
Wala pa ding matira halos kahit Bonna na sya eh. Halos sakto lang ang sahod ni Partner. Dapat mga 40k a month sahod pag may Baby. Hehe