Isa sa struggle ng mga first time mom ay ang pagpapaligo sa mga anak. Tulad ko na napaliguan ko ang anak ko ng 1 month na sya. Andun kasi yung takot. Sa lambot ng mga Baby ay naiisip ko na baka mapilay ko sya. Baka nasasaktan ko sya o malunod ko sya. At hindi ko nga nabilhan bathtub ang anak ko kaya sa planggana sya naliligo. Hindi na nga sya halos kasya pero okay lang. Katapos ko lang sya paliguan at yan nga ang planggana na ginamit ko. At yang nakalagay na mga gamit ay mga lalabhan ng mama ko. Yes po, mama ko naglalaba ng gamit ng anak ko. Hehe
2 comments
You'll get used to it soon!
Dapat lang makapag-adjust ako para sa anak ko. 🙂