Maulang gabi 🌧️☔ Malamig ngayong gabi at masarap matulog dahil nga sa maulan. So ayun nga dahil sa tinurok Kay Baby ay halos maghapon ko syang karga kasi ayaw magpalapag. Okay na rin para mabantayan ko sya. Hindi kasi sya pwedeng magalaw galaw at nanginginig talaga sya. Feeling ko at tinitiis nya yung sakit kapag napapainat sya ng katawan. Mahilig kasi sya mag-inat. Nagpapalaki ata. Nilagyan namin or dinampian ng yelo yung legs nya na namamaga at maayos na ang pakiramdam ng anak ko. May possibility na mamaya ay umiyak or mampuyat sya at okay lang naman sakin. Magkakape na lang ako pag inantok. Hehe
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
Good job on your baby!
Yeah. He did a good job for being strong. 😊