Hindi ko alam ano trip ng pamangkin ko na si Vannah. Kinagat-kagatan pero hindi kinain. Minsan mapagsasabihan mo talaga pag ganitong nagsasayang ng pagkain eh. Sayang ang apple. Hehe Pauwi na from work. Hindi na ako pagpayag pag pinalipat ako sa upuan na parang hati ang pwet mo sa upuan. Gigigil ako dito sa taga-sigaw eh. Naisahan ako nung nakaraan. Isa lang daw uupo sa part na yun. Maya-maya may pinaupo na malaking lalaki. Sakit sa likod eh. Nagbabayad ako ng tama tapos…
@Shawn09 in July 2022
Sale sya nung nakaraan kaya binili ko na. Hindi naman ako ang gagamit. Binigay ko yung isa sa pamangkin ko. Apat kasi yan yung 3 kay mama at kapatid ko naman. Hindi talaga ako mahilig na sa ganito eh. Kahit nga pagpulbo hindi ko magawa. Katamad talaga. Tambay dito kina ate para sa 2nd day off. Walang kasama sa bahay kasi work work si Partner. Tinatamad nga sya pumasok kanina kasi pagod na sa 12hrs duty. Hehe
Kalamansi juice nung nakaraang araw. Maraming binili na kalamansi si Partner kasi sabi ng mama nya need ko daw maaasim para tumibay buto ni Baby. Napilitan ako sumunod kasi syempre nag-effort sya bumili at gumastos. Hehe Yung pamamanas ko umabot na ng binti. Manas na din ata kamay ko. Masakit kamay ko pag isasara at sobrang sakit nya kagabi. September pa naman ako manganganak kaya dapat daw wala pang pamamanas. Kasi pag malapit lang daw to manganak. Hayss Ewan kung kaya ko…
Ready na for gender reveal ang sulatan ng hula pero ang budget ay hindi pa. Haha At sa Sunday na nga ang gender reveal ng aming Baby. Seven months na sya pero hindi ko pa din alam gender. May unting echos ang gender reveal kasi per hula ng matanda 100 pag kids naman 20. Game sa side ko pero kay Partner sabi nya wala daw pera so sasagutin nya sa kanila. Syempre budget namin ang masasagasaan kaya dapat iready ko na sarili ko. Ang pera ay mapupunta kay Baby so parang galing din…
Naghahanda na sila para bukas. 🥰 Gender reveal na ng aking Baby. Excited din ata si Baby. Kanina pa galaw ng galaw at pinapasuka ako. Hehe Wala akong maitulong kasi may pasok ako. Kaya designs, luto at ligpit sila-sila ang gumagawa. Hindi rin ako nakapagleave kaya papasok pa ako bukas. After magputok lobo bukas ay tutulog na ako kina ate. Hehe Good evening people 🌆
And I found out that it's a Baby Boy. 🍼 👶 His name will be Shawn Michael. 🥰 I'm surprised with the gender since what I'm feeling is it's a Baby Girl. 😅 But whatever is the gender of my Baby it's fine as long as he's healthy. 🥰 To my little dragon inside my stomach, Mommy loves you a lot. I'm so excited but please lets wait for 2 months. I love you so much. 🥰💓😘
Gusto ko sana madaming pink and blue pero syempre dahil panay absent maliit lang sinasahod dun tayo sa basta mabubusog ang lahat. Cake sponsored by my younger sister. And puto from my older sister and husband. 🥰❤️ Tapos pansit, lumpia, adobong chicken, chicken curry, malagkit na may buko, don Benito's pichi-pichi, softdrinks, ice cream and rice. Busog ang lahat may pasharon pa. Hehe
Good evening 🌆 At ayun nga after party bed rest na naman ako for one week. Wala na namang sasahurin pero safety naman ni Baby to dahil panay sakit tyan ko. Naninigas na naman tyan ko at masakit. Hayss Wala naman akong ginawa nung party kung hindi magputok ng lobo and open ng box kasi prank lang yung lobo. Sakit pa ng ulo ko ngayon. Ewan ano na ba ito. 😔
Yung cake nung gender reveal ni Baby. Sarap ng Goldilocks. Hehe Gusto ko talaga kumain pa ng cake yung salted caramel kaso ubos na nung bumili si little sis. Mainit na araw ngayong hapon. Grabe ang init ngayong araw dito kina ate. Sa bahay naman ay boring. Kahit may data wala ding silbi kasi mahina signal. Dito ako kina ate patambay-tambay. Hehe Sana mawala na sakit ng ulo ko. Wala kasi akong gana kumain kapag ganito. Wawa naman Baby Shawn ko sa tyan. 😔
At kinailangan na nga. Hehe Maliit lang naman ang tubo kaya dito na lang since wala ng mahugot. Mahirap yang sangla ATM ayoko. Yun kasi sinuggest ni Partner syempre hindi ako pumayag. Hirap ata makaahon sa ganyan at malaki interest. Nawithdraw ko na at bumili ng avocado at banana. Para may meryenda na bukas. Kailangan puro na prutas hindi mga tinapay at kanin. Hehe
Manas na naman yung kanan. Bakit kaya mas namamanas yung kanan kaysa sa kaliwang paa ko. Hehe Hindi na to super manas kahapon eh pero lumala na naman ngayon. Naglaba lang ako ng ilang pirasong damit tapos namanas na naman. Sana umulan kasi sobrang init na naman. Hindi kinakaya ng powers ko. Haha Pag pinawisan pa naman ako super nangangati ako. 😅😂
For the first time nakakuha ako sa PayPal. 😂 At dahil may laman din yung isa ko galing sa mga games pagsasamahin ko na lang para lumaki at mawithdraw pati na rin yung kay Partner. Hehe Yung gusto ko sana ng ice candy na salad. Yung tag10 pesos pero parang wala na akong nakikita na ganun. Hayss. Pwede na din buko shake yung madaming gatas. Sarap sana 😋😔
Bumili kami papaya nung nakaraan at over ripe na sya sa ref. Nakalimutan na kasi. Hehe Tinry ko kasi kahapon yung Avocado kahit ang tigas pa. Violet na kasi sya kaya akala ko okay na kainin. Pero super tigas pa talaga at pait kaya tinapon na lang yung una kong binuksan. May tatlo pa naman na hinihintay kong lumambot. 😊 Madilim na sa labas. Nagpasabay ako kay bayaw ng karne ng baboy at sitaw. I-adobo ko na lang since yun ang madaling lutuin. Bahala na sa lasa. 😂😅
Bantay bata muna ang peg ko. Ang aking bed rest ay gamit na gamit. Atleast walang stress at hindi tagtag sa byahe. At ayun nga bantay pamangkin muna kasi ang mama nila ay magbababad ng mga puting labahin. Sayang daw kasi oras. Bed rest din si ate ko since may something sa pinagbubuntis nya. May dugo ata kaya pinagagalitan ko panay kasi ang laba ng mga gamit nila. Hindi kasi nagdadiaper si Jillian paano ay may UTI. Sana gumaling na sya. 😇🙏
Nag-aalala ako para sa Baby ng ate ko. 2 months pregnant na sya pero wala pa ding heartbeat ang Baby nya. At kahapon nagbleeding sya. Masyado daw madaming dugo kaya hindi spotting ang tawag dun. Kahapon kasi stress sya sa mga anak nya. Sya pa ata taga-alis ng pinaikot sa washing machine. Kanina ko lang nalaman kasi pakauwi ko pala kahapon nangyari ang lahat. Tapos kanina ang asawa nya naglaro pa basketball. Para sa akin kasi naiintindihan kong day off nya isang beses sa…
Hindi daw naggrow Baby ni ate. 💔😔😭 Wala na talaga sya base sa ultrasound. Ang alam ko need iraspa pero depende pa din daw if kaya ng gamot lang. If lalabas si Baby ng kusa. 😭💔 Hindi naingatan si Baby. 😭 Iniisip ko pa nung nakaraang araw na sana sabay kami ni ate nagbuntis para same kaming malaki na ang tyan habang naglalakad. 😔💔 Pinagsasabihan din ako ni Partner kasi halatang nastress ako sa nangyayari kay ate. Wag daw ako pakastress kasi ang aming Baby naman ang baka…
Ang aga aga ang init. Hehe Maulan o maaraw mainit talaga sa inuupahan namin paano kasi super kulob. Hindi naman pwede na bukas ang bintana at kitang-kita kami sa labas. Natapos na kahapon ang aking bed rest kaya ako ay papasok na mamaya. Hindi na naman kami nito halos magkikita ni Partner. Paano sya ay 2pm-10pm samantalang ako ay 10pm na ata to 7am (waiting sa reply ni TL if may changes sa schedule ko). Pag-uwi ko mag-aasikaso na sya papasok. Kailangan maaga mag-asikaso kasi…
Good morning ☀️🌄 Hindi ako nakapasok kagabi dahil sa fit to work na kailangan. Nabed rest kasi ako for 10 days. May fit to work na sa pinasa kong medcert pero bawal daw magkasama at 24hrs activation lang daw fit to work so nagpateleconsult na naman ako kahapon at dahil nagloloko viber ko nakihiram pa ako kay bayaw at inabot na mga 5pm. At nakisabay si Gcash na nakamaintenance kaya hindi ko napadala bayad for fit to work. Sabi ko today na lang proof of payment para maibigay…
Feeling ko ayaw na ako pabalikin ng TL ko sa work. Tinatanong ko sya ano ba schedule ko Monday palang nagchat na ako pero wala syang reply na oras. Ang alam ko kasi may changes eh. Nagreply sya na need ko fit to work pero hindi nya pa din sinasabi if may changes sa schedule ko kaya feeling ko ayaw nya na ako bumalik kaso hindi pwede. Kahit hanggang 2nd week lang ng August ako magwork tapos leave na. Depende pa sa sasabihin ni doc sa Monday dahil check up na naman namin ni…
Salad sa panahon na malamig. 🌧️ Last week ko pa gusto ng magatas na pagkain gaya ng buko salad or fruit salad. 😋😋 Hindi ako natiis ni mama gumawa sya ng fruit salad at pinadala dito kina ate. Kain tayo people. 😊
Papost muna bago umuwi at gabi na. Dagdag savings kahit maliit lang. Dagdag investment din kahit 50 pesos lang habang bagsak pa presyo. Hehe Kahit papano may sinahod kaya nakapagbayad na din ng Shopee loan and Shopeepaylater pati na din ibang due date. Lazada na lang na halos 5k sa August 16. Hehe Goodnight people 😘
Good morning people 🌄☀️ Ayan ang aga ko na naman nagising. Nagugutom na kasi ang aming Baby Shawn sa tyan ko. Hindi kasi ako nakabili ng bread kahapon para pag magutom ako ay may makukutkot. Hehe Nahiya din ako dagdagan utang ko kina ate sa tindahan. Umabot ng Php 111.00 lang naman pero nahihiya kasi ako. 😂 Hindi ako sanay pero mababayaran ko naman na mamaya pakawithdraw. Magbibigay na din ako allowance ni younger brother. Hindi buo ang sahod pero lalaban. 😊💪
Napaaga check up namin ni Baby. Sumabay ako kay ate para na din mapanatag ako kung okay lang si Baby kasi nga panay tigas at sakit. Panay bed rest din tuloy ako. Pa8 months palang kami ni Baby kaya bawal pa sya lumabas. Naiinip na kami ng Baby ko tumitigas na naman tyan ko at sumasakit ang likod. Wala pa kasi si doc. 2pm dapat andito na sya pero almost 3pm na wala pa. Hayss
Yung complete bedrest na ako dahil sa ang selan ng pagbubuntis ko. Baka mapremature Baby ko kaya pahinga na ako hanggang manganak. Bawal matagtag at mapagod. Paano na ang aking bayaran sa Lazada na 5k ngayong August 16? Malakas ako gumamit ng Lazpaylater kasi nga may work ako pero dahil wala na akong pasok, nganga na. Madiskarte naman ako kaya kaya ko yan. Hehe Good evening people 🌆😔
Yung ang dami ko ng kamot sa tyan. Ang kati kati kasi at pag sinumpong hindi talaga mapigilan ang pagkamot. Feeling ko isa pa to sa dahilan ng paninigas ng tyan ko. Siguro nakikiliti din si Baby kaya ganyan. Hehe Yung sa selan ng pagbubuntis ko dami ko talaga nararamdaman na kakaiba. Linggo-linggo may bago akong nararamdaman. Kung sana lang may kasama akong doctor sa bahay para madali lang ang lahat. Hehe Good evening people. 🌆
Pinapalabhan ko lang sana kay Partner gamit ni Baby na mga binili ko para just incase manganak ako ay ready na pero ang nangyari pumunta kami sa bahay ng parents nya. Doon daw sya maglalaba para matuyo agad. Dito kasi sa amin hirap magpatuyo ng mga nilabhan. Ang problema nga lang hindi nya nalabhan pagdating namin sa kanila. Paano namili kami ng sipitan na parectangle. Yung madaming sipit. Tapos namili na din sya pang ulam at nagluto sa kanila. Ayun inabot ng gabi na hindi…
Good morning 🌄 Kahapon pa matigas ang tyan ko kaya super nagwoworry ako. Hindi naman sya masakit so okay lang naman siguro ang Baby ko. Grabe din ang pangangati ko. Tyan at hita. Puro na talaga ako kamot. Hehe Kumusta naman kayo people? Hindi ako masyadong makapagpost at puro higa lang gusto kong gawin. Minsan kahit walang ginagawa pagod na pagod pa din ako. Hayss Laban lang at isang buwan mahigit na lang ako ay may Baby ng aalagaan. 🥰👶🤰🤱
Good morning ☀️🌄 Sa wakas nalinis ko na ang pangalan ko sa work. Since nga hindi ko alam gagawin after iextend ng TL ko ang aking medleave ako ay na-MedRTWO. Need ulit medcert from accredited clinic para malinis pangalan ko. Nahirapan pa ako sa paggamit ng Viber at nagloloko. May time hindi makapagsend pero atleast ngayon okay na. Ang natutunan ko ay wag umasa sa TL. Akala ko kasi okay na ang lahat since wala naman syang sinabi na need ko magpasa ng bagong medcert. Ayan…
Hindi ako mapakali. 😔 Iritable ang pakiramdam ko. 😣 Naiinitan ako na nangangati kaya hindi ko na alam ang gagawin. Andito pa naman ako kina ate kaya hindi komportable. Hindi makakilos ng maayos. Hayss. Ang dungis ko na tignan. Daming kati-kati na pag kinamot mo kakalat at lalong kakati. Kagaya ng nasa picture. Unti lang yan sa may taas pero dahil hindi mapigilan ang pagkamot tuwing kakati kumalat na. Tigas pa ng tyan ko na may unting kirot. Hayss 😣😣😣
At dahil nga sa hindi na ako mapakali at nag-aalala si Partner nagpa-albularyo na kami. May kakilala sila at dadaan daw sa bahay ng parents ni Partner. At ayun na nga, ang daming mga maligno sa inuupahan namin. Medyo natatakot na tuloy ako sa bahay namin. Same kami ni Partner na nadali. Ang dami ng sa akin kay Partner naman nanlilisik daw ang mata. Kaya siguro after nya maligo lagi syang nangangati. Ang nakakatakot pa lahat sila ay may sungay. Gusto ko na tuloy umalis sa…
Yung pinapa-early maternity leave ako tapos hindi pa allowed ni clinic kasi masyado pang maaga. Early nga eh. Tapos nagpasa ako medical certificate para medical leave. Ngayon pinapabalik ako ng August 11. Hindi nga pwede para makumpleto yung months ni Baby. Baka kasi mapremature pag nagwork ulit ako. Hayss. Kaloka si clinic. Para sa kaligtasan ng Baby ko hindi ako susunod sa kanila. Another medical certificate na lang ipapasa ko. Baby ang priority ko sa ngayon. 👶🍼🤰🤱
Good morning 🌄 Yung madami kaming option tungkol sa kung saan kami titira. Una- Sa bahay nina partner. Ang problema ay madaming tao sa kanila kaya ayoko. Andun family ng panganay nila na babae. Which means andun bayaw nya. Andun din ate nya na may family na din though yung family ni ate nya ay nasa Bulacan. Nasa kanila lang ate nya. Nasa bahay din nila mga single pa. Isang kuya at bunsong kapatid with their parents and lolo. Feeling ko malulungkot din ako kasi wala naman…