Good morning π Yung madami kaming option tungkol sa kung saan kami titira. Una- Sa bahay nina partner. Ang problema ay madaming tao sa kanila kaya ayoko. Andun family ng panganay nila na babae. Which means andun bayaw nya. Andun din ate nya na may family na din though yung family ni ate nya ay nasa Bulacan. Nasa kanila lang ate nya. Nasa bahay din nila mga single pa. Isang kuya at bunsong kapatid with their parents and lolo. Feeling ko malulungkot din ako kasi wala naman akong kamag-anak doon. One ride lang naman papunta kina ate or mama ko. Then two rides pa din sya pawork nya. Pangalawa - Sa bahay ng parents ko. Syempre nahihiya si Partner. Ang tao dito sa bahay mama, kuya ko, two younger brothers and my youngest sister. Ang problema: bunganga ni mama. Iba magsalita si mama masakit. One ride lang pawork ni Partner. Pangatlo- Kina ate ko. Ang problema walang privacy. Dami din anak nina ate ko at syempre mahihiya si Partner. Two rides din sya pawork. Pang-apat - Hahanap ng ibang uupahan. Ang problema wala na naman akong kasama. Shifting schedule ni Partner. May pang umaga, hapon at gabi. Saan kami? π π
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
Mas maganda yung naka bukod kayo ni partner mo sis kuha kana lang ng makakasama mo pag nanganak kana.Kami nun ni hubby ako lang mag isa nakaya ko naman.Mahirap pero kinaya.