read.cash Log in
@Shawn09 more from that month

Pinapalabhan ko lang sana kay Partner gamit ni Baby na mga binili ko para just incase manganak ako ay ready na pero ang nangyari pumunta kami sa bahay ng parents nya. Doon daw sya maglalaba para matuyo agad. Dito kasi sa amin hirap magpatuyo ng mga nilabhan. Ang problema nga lang hindi nya nalabhan pagdating namin sa kanila. Paano namili kami ng sipitan na parectangle. Yung madaming sipit. Tapos namili na din sya pang ulam at nagluto sa kanila. Ayun inabot ng gabi na hindi sya nakapaglaba. Si Mama nya lang maglalabas. Sarap pa naman sana labhan kasi mga bagong kulay puti. Hehe Basta ang bilin ko wag ihalo yung luma sa bago kasi baka pumangit din color ng bago. Ganda tignan eh. Puting-puti at maganda talaga tela. Mahal din naman bili ko. 😂 At dahil matagal nakaupo sa kanila sobrang sakit likod at tyan ko. Mainipin kasi Baby ko sa tyan at ayaw matagal nakaupo. Pag-uwi tulog agad kami after ko mag-inarte sa sakit ng likod at pangangati. Hehe Good morning 🌄🌻

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.