At dahil nga sa hindi na ako mapakali at nag-aalala si Partner nagpa-albularyo na kami. May kakilala sila at dadaan daw sa bahay ng parents ni Partner. At ayun na nga, ang daming mga maligno sa inuupahan namin. Medyo natatakot na tuloy ako sa bahay namin. Same kami ni Partner na nadali. Ang dami ng sa akin kay Partner naman nanlilisik daw ang mata. Kaya siguro after nya maligo lagi syang nangangati. Ang nakakatakot pa lahat sila ay may sungay. Gusto ko na tuloy umalis sa bahay na inuupahan namin kaso wala pa kaming lilipatan. Hayss. Ginawan na din ako pangontra dahil nga sa buntis ako mabango daw ang amoy kaya dapat mag-ingat. May langis din pampahid. Hayss. 😣😔
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
Kinilabutan ako sis sa kwento mo.Mabuti at may pangontra kana lalo na at buntis ka.Pausok ka din ng kamangyan at insenso pagdating ng 6pm.
Yung yellow lang daw gamitin namin pampausok para hindi kami gambalain pero ayoko na talaga bumalik. Hahanap na agad kami malilipatan.