Kalamansi juice nung nakaraang araw. Maraming binili na kalamansi si Partner kasi sabi ng mama nya need ko daw maaasim para tumibay buto ni Baby. Napilitan ako sumunod kasi syempre nag-effort sya bumili at gumastos. Hehe Yung pamamanas ko umabot na ng binti. Manas na din ata kamay ko. Masakit kamay ko pag isasara at sobrang sakit nya kagabi. September pa naman ako manganganak kaya dapat daw wala pang pamamanas. Kasi pag malapit lang daw to manganak. Hayss Ewan kung kaya ko ba pumasok mamaya. Medyo not feeling well na naman ako. Mainit pa ata ako ng madaling araw sabi ni Partner. Ano na Self? 😅
5 comments
Naku, bakit naman po kayo nimalgnat sis? Exercise po kayo.. Para po yan sa inyo at sa baby ninyo
Panay lakad naman po ako kasi nagtatrabaho ako. Gumagawa na din ako gawaing bahay dahil ang Partner ko ay 10-12 hrs sa work.
Hindi ako masyado maalam sa pagmamanas po. But I hope na maging okay na yan at siyempre, praying for a safe delivery soon..
Thank you po 😊
You're welcome sissy ...