read.cash Log in
@Shawn09

@Shawn09 in June 2022

@Shawn09

Good morning people. πŸŒ„ Ayan nilalambing ko si Cream-o habang kumakanta ng "Lobat na ba". Namimiss ko kasi si Papa at medyo maaga akong nastress kaya dinadaan ko sa kanta. Kailangan happy lang para makapasok sa work mamaya. Excited na akong lumipat ng bahay para makaiwas sa mga kung anu-anong salita. Hindi kasi makakatulong samin ng Baby ko yun pero pamilya ko pa din naman sina mama at kahit anong mangyari mahal ko pa din sila. πŸ₯° So ayun na nga, naasar ata si Cream-o at…

@Shawn09

Tanga daw ako? Ganun talaga siguro. Ang sa akin ang pera ay kaya kong kitain dahil ako naman ay may trabaho. Pag ang pakiramdam ko hindi akin ang pera willing akong ibigay yun sa iba. Kung ako ay hindi nila maiintindihan wala na akong magagawa. Hindi ko naman hawak ang isip ng bawat isa para mabago pa. Ang mahalaga maprotektahan ko ang mag-ama ko. Oo, hindi sya mapera pero hindi sya tamad. Alam kong nagsusumikap sya para sa amin ni Baby. Sadyang mas malaki lang ang aking…

@Shawn09

Good afternoon. Wala naman talaga masyadong good sa hapon kasi sobrang init. πŸ˜… Nagising akong pawis na pawis wala kasi kaming aircon kaya electric fan lang at hindi nya kayang talunin ang init ng panahon. Uminom na lang ako tubig at baka nauuhaw na Baby ko. Sayang hindi nagtuloy-tuloy tulog ko hanggang 7pm. Yan kasi talaga oras ng gising ko para mag-asikaso papasok ng work. At ayun nga nagtry sana ako magleave ng June 8 kaso naunahan ako kaya nakipagpalit muna ako isang araw…

@Shawn09

Waiting na dumating ang bus. 🚌 3 nights pa bago ang off at kailangang kayanin kung hindi lagot na ako sa TL ko. Hehe Lipat bahay na ako ng Wednesday tapos bukas pupunta si Bf kasama parents nya ipagpapaalam na kami ni Baby. Sana umayos bibig ng mama ko. Hindi pa sya makamove on dun sa 5k eh. Nakakahiya kung bigla nyang banggitin tom. Pinapupunta ko din kuya ko kasi wala naman na si Papa so mga kuya ang tatayong Papa ko. Ingat po tayo people. Fighting πŸ’ͺ

@Shawn09

Magulong bahay. Hindi pa ready ang aming bahay sa pagpunta ni Bf at parents nya. Naglalaba pa kasi si mama buti na lang mga 10:30 pa daw aalis sina Bf. Hehe Ang problema ay paantok na ako at may pasok pa mamaya. Sana kayanin. Parang puputok na naman tyan ko. Masakit ang pusod at parang super nababanat tuwing hihinga. Nagtataka din ako kasi minsan gumagalaw tyan ko pero hindi ko ramdam ang galaw ni Baby. Nalalaman ko lang kasi nakatingin ako sa tyan ko. Unting tiis at check…

@Shawn09

Otw to work. Antok much pero wala namang choice di ba? As long as walang pananakit ng puson pasok pa. Last duty bukas ng gabi. Hindi ko alam kung kakayanin pero pipilitin. πŸ˜…πŸ€£ Daming foods na dala nina Bf kanina. Iniwan ko na sila sa baba bandang 1pm at kailangan ko munang matulog. Nagpaalam naman ako ng maayos. Paggising ko nakaalis na sila pauwi. Kakahiya. Hindi ko man lang sila nahatid. Hehe Idlip muna sa bus para may energy mamaya. 😴 Ingat tayo people. Good evening πŸŒ†

@Shawn09

Cream-o na kala mo nasa beach. ⛱️ Relax na relax sya. Hinahayaan ko na minsan tumabi sa akin kasi kawawa naman eh. Wala naman na ata syang kuto na kakagat sa akin. May time lang pag nag-inat sya natatamaan ako ng kuko kaya may unting kalmot. Hindi naman ata delikado kasi hindi naman sya galit. Tulog sya kaya wala syang malay nakakasakit na. πŸ€£πŸ˜… Sobrang sakit ng likod ko at hindi magaganda calls ko. May isang gabi pa kaming bubunuin ni Baby mamaya kaya be strong self. πŸ™πŸ’ͺ Lunch…

@Shawn09

Nagising ako sa lakas ng kulog. Yung younger sister ko sobrang gulat nya. Akala mo kasi merong sumabog kaya yung mukha nya 😱 😯pati yung boses nya na akala mo eh super nasurprise sya. Sobrang pagod ko. Kahapon ay naglinis na si Bf pati mama nya sa lilipatan na bahay. As in hugas talaga. Sabon with zonrox at kuskos. Pinaalis ko sa may-ari ng paupahan yung lumang kahoy na upuan, mesa at carpet. Feeling ko may surot eh. Ang pinaiwan ko ay salamin na mesa at yung partner ng mesa…

@Shawn09

First breakfast together and as live in partner. πŸ₯°β€οΈ Nakalipat na kami kahapon at pagod much talaga. After maglipat nagpacheck up na kami ni Baby kasama si partner. πŸ’• Naramdaman nya na ang sipa or likot ni Baby and yung mukha nya sobrang happy. At ayun na nga base sa resulta ng aking urinalysis ako ay may UTI. So gamot gamot tapos more water. Wala pang 1 kilo si Baby kaya need daw mga high protein like chicken meat or pork meat. Antok much pa pero nasa work na. Pwede pa…

@Shawn09

Yung ako lang sakay plus driver at conductor. Hehe Excited na akong makauwi sa bahay namin ni Partner. πŸ₯°πŸ’• Dadaan na lang din ako palengke para bumili ng iluluto na ulam. Adobong chicken ang aming iluluto para hindi mapanis agad at pwede pang ibaon. 18 pesos lang ang pauwi kong pamasahe. Papunta ng work ang medyo malaki pero hindi naman ako hirap. Hehe

@Shawn09

Waiting for my turn. πŸ˜…πŸ€£ Pila muna habang nagpapahinga. Need dumaan lagi ng clinic para sa monitoring ng aking Bp. Antok much pa talaga ako. 2nd day palang ng pasok pero gusto ko ng mag off ulit.

@Shawn09

Kahit papano nabawasan na pamamanas. Kasama na din ata yung sa UTI kaya maga na sya nung nakaraan pa. Akala ko taba lang kaso ang bigat ng paa ko yun pala UTI na. Hehe Umibig Tapos Iniwan. πŸ˜…πŸ’” Done na sa paBP. Pahinga muna then maya pasok na ng prod para makahanap station. Pagod na pagod na ang pakiramdam ko. Two nights palang akong pumapasok nito. πŸ˜… Antok much din kasi. 😴 πŸ’€

@Shawn09

Si Partner tagaluto ako naman dumadaan sa palengke para mamili ng ulam namin. Gulay na hahaluan ng de lata. Masarap. 🀀 Ang tawag ko sa kanya noong crush ko pa sya ay "Ulam". Gwapo kasi ng braso nya. Tinatawanan na lang ako ng mga kaibigan ko sa mga kalokohan ko. 🀣 Last day ng pasok mamaya tapos day off na. πŸ₯°πŸ’•

@Shawn09

Lakas ng ulan pero okay naman atleast medyo malamig ang panahon. Hehe At dahil nga sa panggabi si partner ko andito ako sa bahay ng ate ko nakikitulog. Pinakuha ko yung kutson, clip fan at ilang pirasong puzzle sa bahay kasi wala akong matutulogan. So ang nangyari sina kapatid ko ang gumamit ng kutson ko at ako sa kama with my niece. At parang nagugutom na nga ako kaso walang bread. Hindi ako nakapagpabili kagabi. πŸ˜…

@Shawn09

Dumating na nung nakaraang araw yung electric fan na inorder ko sa Lazada. Younger brother ko nag-assemble kasi wala naman akong alam sa ganyan. Hehe Six months to pay ata pinili ko na installment sa Lazpaylater. Medyo mabigat na kasi bills ko for three months sa dami ng inorder ko para sa aming bahay. Kahit papano nabayaran ko naman na yung para sa ngayong buwan so next month ulit. Tapos may Shopeepaylater pa ako at Gloan. Puro loan yarn?haha Good morning people. πŸ˜‡πŸ™

@Shawn09

Katapos lang namin kumain ng Baby ko. Hanap ako ng hanap sa tasty yun pala hindi bumili si kapatid kasi ang mahal daw sa South Star Drug pati palaman. Buti may nauna na akong napabili na Spanish Bread at kabayan ayun may nakain ako at nakapaggatas din. Waiting mag6am para makauwi sa bahay namin ni Partner. Dito kasi ako nakikitulog kina ate sa gabi kasi wala akong kasama sa bahay. 10pm to 6am ang kanyang pasok at natatakot sya na mag-isa ako sa bahay. Dinadala yung kutson…

@Shawn09

Pahinga unti bago pumasok sa work. Dadaan ulit clinic at syempre dala ko na mga ipapasa sa Hr para maasikaso na ang aking mat leave. Feeling ko soon talaga need na eh. Sana mga first week ng September para kahit papano ay pasok sa 9 months. September 17 kasi ang aking due date pero ngayon palang sakit na ng tyan ko. May time na pag gumalaw si Baby sobrang sakit na para akong magpoops. πŸ˜…πŸ€£ Pero yan naman sabi ko kay Baby basta gumalaw galaw lang sya para hindi ako nag-aalala.…

@Shawn09

Yung feeling ko pabigat ako kay Bf so ayun naiyak na ako kaninang umaga. Paano kanya halos lahat ng gawain. Hehe Feeling ko malapit na sya mapagod. Hindi kumpleto tulog nya kasi sya magluluto at maglalaba. Ang naitutulong ko lang minsan unting linis sa bahay at hugas. Hindi to yung gusto kong mangyari. Syempre gusto ko din sya alagaan kaso sarili ko palang hirap na ako. πŸ˜” Pagbibihis palang hirap na, halos mangudngod pa minsan kasi may mga masasakit sa katawan ko. Ito nga 2nd…

@Shawn09

To our Papa in Heaven, Happy Happy Birthday. πŸŽ‚πŸŽ‰ Miss ka na namin, Pa. Alam namin masaya ka na sa piling ni Lord. Yan naman ang gusto namin ikaw ay sumaya at gumaling. I love you Pa. 😘❀️ At work na nagpapahinga unti. Medyo not feeling well pero need pumasok so ayun. Aasikaso din ako SSS mamayang lunch break. Pa7 months na si Baby hindi pa ako nakapagpasa requirements. Fighting πŸ’ͺπŸ˜‡

@Shawn09

Pahinga muna ang buntis bago pumunta ng clinic for bp monitoring. Medyo not feeling well talaga ako ngayon. Masakit ang tagiliran ko sa kaliwa. Mas sumasakit pag naglalakad. Feeling ko sa UTI to so it means hindi pa ako gumagaling. Feeling ko din ay mainit ako pero normal naman nung nagscan ako sa temperature. Hayss Sana pauwiin ako ni clinic medyo gusto ko talaga magpahinga. Kaninang umaga pa nga ako tulala. Wala naman akong iniisip. πŸ˜…πŸ€£ Good evening people πŸŒ†

@Shawn09

Umuwi nga ako ng Saturday night kasi not feeling good talaga ako sa kaliwang tagiliran ko. Nagrequest ako sa clinic na pauwiin. Kina mama ko ako nakitulog. Sakto kasi Sunday maghahanda ng birthday ni Papa and Father's Day. At dahil nga umabsent ako ay need ko magpacheck up sa accredited ng aming hmo para sa medcert. Ang problem ay hanggang ngayon sumasakit pa din sya. Not sure if sa UTI pa ba to eh mas sumasakit pag dudumi or kahit nga hangin lang. Nag-aalala ako para sa…

@Shawn09

Waiting sa result ng urinalysis. Sana clear na ako sa UTI. πŸ™ Nakita ko naman hindi na sya tulad ng nakaraan pero syempre maganda pa din makita result. After nito diretso kami sa Ospital para naman sa check up ko sa tagiliran. Masakit pa din kasi kahit fart at dudumi or lalakad. πŸ˜… And need talaga ng documentation kung hindi paktay ako kay TL. Hehe Sumama si Partner kasi nagwoworry din sya pero ayan tinanghali kami or hapon na kasi late na bumangon at nakapagluto. Kakakain ko…

@Shawn09

Bed rest for 1 week. πŸ˜” Paano na ang sweldo pero syempre makikinig ako kay Doc at Baby ko ang nakasalalay dito. So for 1 week babangon lang para maligo, kumain or banyo daw. Ganyan ang bed rest. Kayanin pa kaya namin tapos lapit na bayad sa bahay, kuryente at tubig. Sad life. πŸ˜” Hindi pa makausap si Partner ng maayos yun pala masakit ulo. Hindi nagsasabi. Hayss

@Shawn09

Laba laba si Partner habang ako andito lang din malapit sa kanya kasi walang kuryente. Kumislap daw sa poste so ayun madaming walang kuryente. Need ko na bumalik sa work bukas kahit need bed rest. Paano hindi accredited ng hmo yung sa OB ko. Napakapangit ng patakaran samantalang sinagot ko na nga lahat ng gastos. Ang accredited ng hmo ay masyadong hassle. Mas mahal pa ata ang kailangan kong ilabas na pera. Kaloka. Nastress lang ako lalo.

@Shawn09

Ito yung picture na dapat naka-attach kahapon tungkol sa paglalaba si Partner ko. Hehe Ang hirap ng signal sa bahay kaya hindi maupload kahapon. Kulob kasi masyado yung paupahan na nakuha namin. Akala namin dati tahimik doon pero nung andun na kami yung mismong may-ari ng bahay ang maingay at anak nyang bunso. Isama pa yung ingay ng ginagawang bahay ng katabi naming bahay. Nagugulat na lang kami kapag parang ginigiba ang bahay namin. Iniisip na rin namin umalis kahit wala pa…

@Shawn09

Dalawang litro ng tubig ang pilit kong inuubos sa maghapon at magdamag. Feeling ko nakatulong naman sya para umayos ang pakiramdam ko. Clear na ako sa UTI yung tagiliran na lang na medyo umayos naman na. Kailangan ko talaga siguro ng maraming tubig. Maulang gabi sa lahat. Andito ako sa bahay ng ate ko kasi panggabi si Partner. Bukas ng gabi ay papasok na talaga ako kasi very light na lang ang sakit. Hindi lang siguro ako natunawan at maraming hangin sa katawan. Hehe Kumusta…

@Shawn09

Foods ko nung nakaraan, rice tapos patatas na may corned beef. Ang inumin naman ay buko juice pampawala ng UTI. As in pure na sabaw lang ng buko walang sugar or gatas na inilagay. Hindi masarap pero malaking tulong naman sa amin ni Baby. πŸ₯° May antibiotics din yan for 1 week at okay ang kinalabasan kasi gumaling naman ako. Hoping na hindi nakuha ni Baby yung UTI na yan. Stay healthy tayo people. πŸ₯°πŸ˜‡πŸ™ Good morning. 🌧️

@Shawn09

Yung ingat na ingat ka dahil sa selan ng pagbubuntis mo tapos biglang muntik ka matumba sa bus dahil pag-akyat mo biglang paandar driver. Ako pa inaway. Bitawan ko daw cp ko. Ang harabas nya kamo magpa-andar. Nagmamadali eh. Kahit kundoktor nya halos matumba tumba sanay pa yan magbalanse dahil sa trabaho nya. Ano pa akong pasahero lang di ba? Buti nakahawak ako sa manibela kung hindi tumba ako sa harap. Tapos mga nakaupo sa priority seat mga hindi naman prioritize dapat.…

@Shawn09

Isang gabi ka palang pumapasok sa work pero pagod na pagod ka na. πŸ˜… 3 more nights to go anak ko. Kapit ka lang sa bahay bata ni Mommy. 😘 At dahil sweldo na nakumpleto ko na ang gamot namin ni Baby ko. Pampakapit 21 pcs. πŸ₯° Nakapila ako sa clinic kanina na nakatayo tapos lumapit yung guard. Pinaalis yung mga nakaupo sa upuan ng mga nakapila sa clinic. Ako na lang nahiya kasi baka isipin nila ang epal ko sarap ng upo nila at kuwentuhan eh. 🀣 Oh sya mag-in na ako bago pa tamarin…

@Shawn09

At work na. Pahinga sa harap ng Clinic kasi kakarating lang. Bp na naman ulit. Hehe Ramdam ko bigat ng paa ko paano manas na naman kasi. Hindi ko alam bakit lagi namamanas eh panay lakad naman ako. Lagi ngang may overpass. Hayss. Grabe parang ngalay na ngalay. Dami ko naman uminom tubig. 1.5 L to 2L. Minomonitor ko talaga para pag kulang pa ako sa tubig pipilitin ko sarili ko uminom para wag bumalik UTI. Pagod na pagod na din pakiramdam ko. Nakikita ko din kay Partner pagod…

@Shawn09

πŸ’” Truth Hurts πŸ’” Pag gising okay naman kami ni Partner. Kumain pa kami ng masaya at may pa-I love you pa. Sya nagsaing, init ulam at maglalaba pa sya. Wala syang pasok tonight pero may pasok na sya bukas ng umaga and 12hrs sya sa work. After ko maligo at asikaso tinanong nya ako kung aalis na raw ba kasi maglalaba pa sya. Parang sumama lang loob ko kasi hindi ko naman sya pinipilit na ihatid ako sa sakayan. Kaya ko naman mag-isa. Feeling ko kasi ang pabigat ko. Parang guilty…

@Shawn09

Good morning people. 😊 Nagpabudol ako ngayong PayDaySale. Bumili ako ng diaper. Super mura na kasi nyan. πŸ₯° May diaper naman na si Baby pero syempre kailangan dagdagan kasi months din ata ang New born diaper bago mapalitan ng Small. Depende sa paglaki ni Baby. Hehe Nakapagsaing na ako pambaon ni Partner. Iniisip ko yung tocino papakuluan ko ba o iluto ko na lang dun sa oil ng pinrito kong hotdog, skinless at embutido kagabi. Ako ang nagluto kagabi kasi 12hrs pasok nya. So…

@Shawn09

Nagpapa-alala na yung nagrecruit sa akin sa Avon. Akala ko next week pa yun pala ngayong 28. Hindi pa naman kasama sa budget si Avon. So mapipilitan akong lumabas ngayong araw para magbayad. Ang utang ay dapat bayaran hindi takbuhan. 🀣 Katapos lang maglinis ng bahay. Niligpit ko na mga gamit ni Baby sa drawer para sama-sama lahat. Magkakasama ang mga sabon nya panligo at panlaba. Wipes, mga cotton, cotton buds at nail cutter. Nahugasan na din lahat ng hugasin. Syempre…

@Shawn09

Rainy morning people 🌧️ Katapos lang magkusot ulit ng ilang pirasong gamit namin ni Partner. Feeling ko mas okay yung araw-araw magkusot para hindi matambak. Medyo nakakapagod at parang nagrereklamo din si Baby ko. Naninigas na naman kasi. Hehe Madaling araw palang gising na ako. Bumili si Partner kagabi ng hinog na saba kaya ayun nilaga ko habang naghuhugas ng hugasin kagabi. Hindi agad pinahugasan ni Partner kasi gusto tabi na kami ni Baby sa kanya. Ako na din nagsaing at…

@Shawn09

At work na. Nakakalungkot isipin na hirap si Partner sa training nya as operator. May nagback out pa nga so feeling ko mahirap talaga. Tapos wala na sya masyadong pahinga. Miss ko na nga sya. πŸ˜… Tapos na ang day off ko at kailangang harapin ang sarili kong trabaho. Walang mag-aasikaso kay Partner mamayang madaling araw. Kaya nya naman yun luto ng foods nya at baon. Gusto ko ng umuwi at matulog sa tabi nya. Hayss

@Shawn09

Nakakalungkot talaga pag uuwi ka walang tao. Unang gabing nagwork at unang umaga na umuwi na walang tao sa bahay. Pagdating ng bahay nagluto ako ng tocino at kumain mag-isa. Nilabhan ko na din yung binabad ni Partner na uniform nya, pantalon at unting gamit pambahay. Nakisampay na din kina ate kasi mas madali makatuyo sa kanila kesa sa amin na walang araw. 🀣 Pagbubuntis pa ba to o sadyang namimiss ko si Partner ng bongga o hindi talaga ako sanay mag-isa? πŸ˜”πŸ₯ΊπŸ˜…

@Shawn09

At dahil nga kahapon ako ay umiiyak kasi ewan ko ba. 🀣 Miss ko talaga si Partner at malungkot mag-isa sa bahay. Kakain ka mag-isa at tutulog mag-isa buti sana kung may internet eh ang hirap ng signal dito. Kahit may data ka wala ring signal. Maboboring ka talaga at mapapaisip-isip. Hehe Ako ang nakamiss pero ako ang pina-absent nya. Namiss nya ata ako nag-aasikaso sa kanya ng madaling araw. Maayos naman ang tulog pero feeling ko ang lakas ng ulan ng madaling araw. Parang ang…