Nagpapa-alala na yung nagrecruit sa akin sa Avon. Akala ko next week pa yun pala ngayong 28. Hindi pa naman kasama sa budget si Avon. So mapipilitan akong lumabas ngayong araw para magbayad. Ang utang ay dapat bayaran hindi takbuhan. 🤣 Katapos lang maglinis ng bahay. Niligpit ko na mga gamit ni Baby sa drawer para sama-sama lahat. Magkakasama ang mga sabon nya panligo at panlaba. Wipes, mga cotton, cotton buds at nail cutter. Nahugasan na din lahat ng hugasin. Syempre sinabon ko na din lababo at mesa. Nakapagbabad ng mga puti na kukusutin ko mamaya. Nalabhan na ang uniform ni Partner. Pahinga muna bago maligo. Medyo napagod ako eh. Feeling ko kung tinuloy ko yung bed rest ganito pa din gagawin ko kasi nakakaboring. Hehe
No comments yet