Nagising ako sa lakas ng kulog. Yung younger sister ko sobrang gulat nya. Akala mo kasi merong sumabog kaya yung mukha nya 😱 😯pati yung boses nya na akala mo eh super nasurprise sya. Sobrang pagod ko. Kahapon ay naglinis na si Bf pati mama nya sa lilipatan na bahay. As in hugas talaga. Sabon with zonrox at kuskos. Pinaalis ko sa may-ari ng paupahan yung lumang kahoy na upuan, mesa at carpet. Feeling ko may surot eh. Ang pinaiwan ko ay salamin na mesa at yung partner ng mesa na 2 upuan. Ayoko pa sana nung upuan kasi parang ang dumi at lumang may surot kaso wala pa kami pambili ng upuan. Ang laki na ng nagastos ko sa paglipat ng bahay na ito at laki na din bayarin. Hirap magsimula bumuo ng pamilya. Lagpas 20k nagastos ko sa deposit at ilang gamit pero kulang pa din ang gamit. 😅
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet