Rainy morning people 🌧️ Katapos lang magkusot ulit ng ilang pirasong gamit namin ni Partner. Feeling ko mas okay yung araw-araw magkusot para hindi matambak. Medyo nakakapagod at parang nagrereklamo din si Baby ko. Naninigas na naman kasi. Hehe Madaling araw palang gising na ako. Bumili si Partner kagabi ng hinog na saba kaya ayun nilaga ko habang naghuhugas ng hugasin kagabi. Hindi agad pinahugasan ni Partner kasi gusto tabi na kami ni Baby sa kanya. Ako na din nagsaing at luto ng baon nya habang day off ko pa. Hehe Nakakaawa lang kasi 12 hrs pasok nya. Wala na syang time makapagrelax or gumawa gawaing bahay. Ang tulog nya ay halos 4-5 hrs lang kasi hindi naman sya agad nakakauwi. Mahirap sumakay kaya ako muna ang sipag-sipagan. Laban lang 😊💪
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
Nakakahingal po pag ganyang malaki na ang tiyan..ingat po kayo ni baby mo.
Oo nga po. Ang bilis mapagod at sumakit katawan hehe