Ito yung picture na dapat naka-attach kahapon tungkol sa paglalaba si Partner ko. Hehe Ang hirap ng signal sa bahay kaya hindi maupload kahapon. Kulob kasi masyado yung paupahan na nakuha namin. Akala namin dati tahimik doon pero nung andun na kami yung mismong may-ari ng bahay ang maingay at anak nyang bunso. Isama pa yung ingay ng ginagawang bahay ng katabi naming bahay. Nagugulat na lang kami kapag parang ginigiba ang bahay namin. Iniisip na rin namin umalis kahit wala pa kaming 1 month. Ang plano kasi pakapanganak ko ay si ate ko ang mag-aalaga pag back to work na ako. Kaso nga ang nangyari buntis sya sa kanyang pang-anim na Baby. Si mama ko naman ayaw tumigil magwork at hindi ko rin naman kaya bayaran yung sweldo nya if magstop sya. Hayss. Ayoko sana malapit masyado sa pamilya ni Partner. Ayoko kasi masyado pinapakialaman. Gusto ko din sa family ko sana lalaki ang Baby ko pero wala ata akong choice. Hayss
No comments yet