Ulan at ating Wika.

25 34
Avatar for Sequoia
2 years ago
Petsa: ika-15 ng Pebrero, taong kasalukuyan.
Manunulat: Sequoia

Kasalukuyang dumadausdos ang mumunting butil ng tubig galing sa kalangitan papunta sa mababang parte ng mundong ibabaw.

Ang bawat pagpatak ay tanda nang matagal na pagpipigil sa sakit at bigat na dinadala.

Kalokohan man sa mata ng iba, ngunit masisisi nyo bang sumabay sa daloy ng panahon ang kanyang dinarama?

Sinong mag-aakala na sa kalagitnaan ng mainit na araw ay bigla-biglang maghahari ang makulimlim na mga ulap at bubuhos ang walang katapusang ulan?

Tunay ngang kay hirap tansyahin ng kasalukuyang panahon. Kasing hirap at sakit nang pakiramdam ko ngayon.

Ito'y hindi isang kathan isip o storyang gawa-gawa lamang ng aking makilit na imahinasyon.

Sa katunaya'y ang nais ko lamang ay ilabas ang aking saloobin habang pinagmamasdan ang mga batang nagtatampisaw sa gitna ng ulan.

Nagtatampisaw? Nakakatawang isipin na ang dating maputik na mga paa at damit ng mga kabataan habang naglalaro ay hindi mo na masisilayan ngayon.

Ninakaw ng mga teknolohiyang makabago ang kanilang bawat atensyon.

Mga mata na walang iba tinititigan kundi ang screen ng kanilang mga gadget. Ni makausap ng matino ay hindi mo na magawa.

Mga hintuturong dutdot ng dutdot. Di magkamayaw ang saya pag sa ginagawang laro ay nagwagi sila.

Bakit nga ba ako napunta sa mga gadget? Gaya ng dahong nililipad ng hangin, ay ganun rin ang aking utak na hanggang ngayon ay hindi parin malaman kung san patungo.

Ang pagsulat ng tula ay hindi magawa. Ganun rin naman sa storyang di alm kung paano sisimulan.

Siguro nga'y mas mainam na ako'y manahimik na lamang. Ang pagbuhos ng mga luha ay tuluyan bg hayaan.

Maaaring ganito talaga ang buhay, gaya ng panahon, pabago-bago rin tayo ng emosyon.

________________________

Magandang araw sa lahat! Ako sana'y inyong patawarin sa artikulong walang kututuran. Ito ay produkto lamang ng aking di kakulitan na isipan. Tayo'y maiba, diba't kahapun ay araw ng pagmamahalan? Sana ay naging masaya ang inyong mga puso. Ngunit para sa mga single, bawi nalang kayo next life. Ako'y nagbibiro lamang. Wag niyong seryosohin ang bawat salitang inyong mababasa.

Kahapon ay kumain lamang kami sa isang buffet ng aking nobyo. Hindi naman ganun ka espesyal ngunit para sa aming dalawa ay sapat na iyon. Nais kong ibahagi nag mga nangyari ngunit wala ako sa mood at hindi ko mawari kung bakit.

Maiba tayo,medyo stress ako ngayong araw kaya't napag pasyahan kong buksan ang shopee app ko at nabudol na naman ako.

Ito ang mga bagay na aking binili. Para lahat yan sa aking mukha. Sana lang ay magmukha na akong tao pagkatapos ko yan magamit. Yung una ay isang collagen pills. Maganda raw ito para sa buhok, kuko at saka kutis. Ako'y nagbabakasali na matulungan nito ang aking mga tigyawat na halos araw-araw at nagtatal*k sapagkat hindi sila humihintos a pagdami.

Sa tingin ko ay tama na iyon. Sobrang nonsense na nitong aking pinagsusulat kaya't ako ay gagayak na. Mag ingat kayong lahat! Nawa'y patnubayan kayo ng Panginoon.

12
$ 3.04
$ 2.78 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Jane
$ 0.05 from @Idksamad7869
+ 6
Sponsors of Sequoia
empty
empty
empty
Avatar for Sequoia
2 years ago

Comments

Tegeleg ke pele Seq hahah. Anyways, talagang budol na budol ka ngayon Seq hahah.

$ 0.00
2 years ago

Hahaha kaau yor. Nahurot jud akong wawart.

$ 0.00
2 years ago

Palit nag selpon ma'am, dagkoa nag kwarta uyy... Brayt pajud kaayu may nalang naa koi gamay comission hahaha

$ 0.00
2 years ago

Huy kulbaa sa bryt oi hahaha

$ 0.00
2 years ago

Oh it Mr potbelly with his big belly on the pot table . I seriously appreciate you for the sponsorship offer .nice meeting you again . Seriously I am so sad I will love to read this but I don't understand the language is there any way I can translate it because I don't understand the language 🤩🤩

$ 0.00
2 years ago

You are welcome.

$ 0.00
2 years ago

andaming nabudol ni shopee sa iyo ate ah sanaol maraming mabudol. ang ganda siguro ng skin mo ate kasi may mga ritwal ka sa iyong face.

$ 0.00
2 years ago

Hahaha nako, kabaiktaran itooo langga hahaha. Puno ang aking mukha ng pimples.

$ 0.00
2 years ago

At akoy malapit nanaman mabudol sa mga shopee finds mo buti nalang hindi umiral ka kulitan lang aking kamay.

$ 0.00
2 years ago

Hahahhaa pabudol ka na ying hahahah.

$ 0.00
2 years ago

Okay po ba sis yung Joju collagen? Hehe. Gusto ko na kasi mag switch ng bagong supplement baka mas maganda effect niyan sakin. Ako rin may nabili this sale haha!

$ 0.00
2 years ago

Di ko alam sis. Ngayon ko paang i tatry eh

$ 0.00
2 years ago

Mas nosebleed ako sa tagalog haha

$ 0.00
2 years ago

Hahaha ako din ate.

$ 0.00
2 years ago

Atin silang hindi masisisi, kung ang panahon ay nagtagpi kasama ang luhang nagbabadyang mamalagi. Aking tugon lamang, sila'y huwag mangalaiti sapagkat ang panaho'y di sadya sumabay sa pareho nilang pagpipigil.

$ 0.00
2 years ago

Ganda naman paggawa ng tula Langga. Sobrang galing. Oo totoo yan Langga. Ang mga kabataan ngayon tutok na sa gadgets. Noon sa panahon namin wala pang gadgets at lagi ka naglalaro tuwing uulan at depende din anong klaseng ulan.

Sobrang enjoy namin nun. Minsan sa seashore kami pag umuulan. Sarap lang balikan ang mga araw na iyon.

$ 0.00
2 years ago

Nakaka miss yunh dati ate Ganda nu?

$ 0.00
2 years ago

Oo Langga sobra.

$ 0.00
2 years ago

Dun tuloy ako nakuha sa nag aanu dahil walang tigil sa pagdami lods, haha it make sense naman, panu dadami diba,. Haha pero maganda naman, ako diko kaya gumawa ng tagalog, bisay kasi ako, walang lalim pag nagtagalog ako, sinubukan ko sana lastyear nung. Buwan ng wika pero walang natapos haha

$ 0.00
2 years ago

Bisaya ka lods? Bisaya sab ko hahha

$ 0.00
2 years ago

Ou lods uie, pure bol-anon. Hehe ikaw taga asa d i ka lods?

$ 0.00
2 years ago

Ou lods uie, pure bol-anon. Hehe ikaw taga asa d i ka lods?

$ 0.00
2 years ago

Taga mindanao ko lods

$ 0.00
2 years ago

Ayun, nakakatuwa naman malaman na madami pala tayo ditong mga bisaya lods, magtatagalog nalang ako kasi panay war ning yung na type kung bisaya ni ma approve hehe

$ 0.00
2 years ago

Okay lods, atleast daghan-daghan nata bisaya diri akoa nailhan lods. Hehe

$ 0.00
2 years ago