Wikang Filipino: Gamit sa pagbabahagi
Petsa: Agosto 12, 2021 Manunulat: Sequoia Isang napakaganda at maaliwalas na araw sa ating lahat. Hindi ko man tiyak ngunit pakiwari ko'y bahagyang makulimlim sa ibang parte ng ating bansa ngayon. Ganun paman, sana ay huwag nating hayaan ang sitwasyon ng ating panahon na pigilan tayo sa ating mga kinakailangang gawin sa araw na ito. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan ako magsisimula o anong paksa ang aking tatalakayin sa artikulo kong ito. Marami akong gusto ibahagi ngunit ito ay hind ko maisulat at naka permi lamang sa aking isipan. Subalit, ramdam ko sa kaibuturan ng aking puso na nais kong gamitin ang ating sariling wika upang maibahagi ko sa inyo ang aking mga ideya at saloobin. **Buwan ng Wika** Agosto, hindi naman siguro lingid sa ating kaalaman na ang buwang ito ay buwan ng wika. Kung tayo ay nasa paaralan ngayon, sigurado akong ito ay atin ng ipinagdiriwang kasama ang ating mga guro, kaklase at kaibigan. Iba't-ibang patimpalak at mga aktibidades ang pakulo ng bawat paaralan na lubos namang ikinakatuwa ng mga estudyante. **Sariling Wika** Filipino ang ating wika. Ngunit, labis na kalungkutan ang aking dinaramdan sapagkat maraming mga Pilipino ang hindi alam kung paano magsalita ng sarili nilang lenggwahe. Hypokrito ako kung aking sasabihin na hindi ako kabilang sa mga taong limitado lamang ang kaalaman sa wikang Filipino. Kahit nga sa pagsusulat ko ngayon ay lubos na akong nahihirapan sa mga salita na aking ginagamit at gagamitin pa. Kaya't humihingi ako ng paumanhin kong may makita kayong mga kamalian sa aking pagsusulat. Handa akong tumanggap ng mga koreksyon ngunit sana'y gawin nyo ito sa mahinahong paraan. **Importansya** "Bakit nga ba kinakailangna nating matutunan ang ating sariling wika?" Hangal! Patawarin nawa ako ng maykapal ngunit tunay kang hangal kung iyan ay iyo pang itatanong sa akin. Malamang sa malamang, ikaw ay isang mamamayan ng Pilipinas kaya't nararapat lamang na alam mo ang inyong pambansang wika! Ito ang nagsisilbing ating pagkakakilanlan at pundasyon ng ating lahi. Pilipinas ang isa sa mga bansang mayroong napakaraming mga diyalekto. Kaya't kinakailangan natin na matutunan ang ating pambansang wika upang tayo ay magkaintindihan. ________________________ Ngayon ay naibahagi ko na ang aking opinyon at ideya patungkol sa ating pambansang wika. Dumako naman tayo sa aking mga saloobin. **Lindol** Nasa kalagitnaan ako ng aking mahimbing na pagkakatulog ng maramdaman kong tila ako ay dinuduyan ng napakalakas. Akala ko'y nananaginip lamang ako ngunit narinig ko ang pagsigaw ng aking ina. "Lindol!" Awtomatikong bumangon ang aking katawan pagkarinig ko ng katagang iyon. Nakapikit man ay tahimik akong umuusal nang dasal. Siguro ay tumagal ng mahigit 4 na segundo ang lindol bago ito tuluynag tumigil. Tiningnan ko ang aking selpon upang tingnan ang oras at nakita kong alas 2 na pala ng madaling araw. Binuksan ko ang aking Facebook account upang makibalita kung gaano ka lakas ito at ayon sa doon, ito ay 7.5 magnitude at ang epicenter ay Mati City (Davao Oriental). Malayo ito sa aming tirahan ngunit nadama parin namin kung gaano ito kalakas. Sana ay walang nasaktan at ligtas ang lahat sa pangyayaring iyon. **Enrollment (Patawarin nyo ako, hindi ko alam ang Filipino nito.)** Kung hindi pa ako sinabihan ng aking kaklase ay hindi ko maaalalang enrollement na pala namin ngayong araw na ito at bukas. Tila wala na akong pakialam sa aking pag-aaral at naka pokus na lamang kung paano ako makaka income. Ako na kasi ngayon ang kumakayod para sa aking pamilya kaya't medyo nakakaligtaan ko na ako pala'y nag-aaral. **Washing Machine** Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ginamit ng aking ina ang binili kong washing machine para sa kanya. Nahihirapan na raw kasi syang maglaba nag mano-mano kaya't binilhan ko na sya nito. Sobrang saya ng aking puso ng makita ko kung gaano sya kasaya sa aking regalo. ________________________ Pangwakas na Konklusyon Nakakatuwa na muli kong magamit ang ating pambansang wika sa pagsusulat. Nawa'y pahalagahan at mahalin natin ang sariling atin. Marami pa akong gusto ibahagi sainyo ngunit marami rin akong kinakailangan na gawin ngayon araw na ito. Salamat sa inyong oras at panahon. **Pahabol:** Maraming salamat kay @Lunah dahil sa ideyang ito na nabasa ko sa kanyang artikulo.
43 comments
Ako'y sumasang-ayon sa iyo nang sinabi mong mahalagang matutunan ang sariling wika sapagkat ito ay ang ating pagkakakilanlan. At ako ay nagalak nang malaman na ikaw ay nakabili ng washing machine para sa iyong ina. Isa kang mabuting anak. :)
Salamat bbmars π€ tunay ngang mhalagang ating matutunan ang ating wikang pambansa. Lubos akong nasiyahan sa reaksyon ng aking ina.
Napakaganda ng iyong ginawa. Akoy humahangsa sa iyong kasipagan para sa iyong pamilya. π₯°
Maraming salamat sa iyong mga mabubuting salita.
Walang anuman βΊοΈ
Mamehhhh. Napakaganda mong sumulat sa ating Wika. β€ Ako'y lumubos na humahanga sa iyo.
Salamat munting Lunah π€ salamat rin sa iyong ibinigay na ideya.
Pagpalain ka, sis!
Salamat po sis π€
welcome, sis
Bebe Se. Magtagalog unta ko ug comment, pero maglisud ko ay. Pasaylua ko. π Pero I'm so proud of you nga nakabili kag washing for your mama. π Anyway, okay namo diha after sa linog? Pag amping mo. π
Ateeee, na miss lagi taka. Okay ra ateeee. Oo gani ate. Lipay kaayo ko. Okay rami drea ate. Salamat kaayo.
Mingaw saaaad ko nimo. Wala nako na message ug balik. Inactive sad ko medyo diri.
Sge lang te. Catch up ta hihi
Translation, enrollment: mahaba ang pila, washing machine: umiikot na makina na naglalaba ng maduming labada. Hahaha pasensiya, may topak lang ako ngayon π I'm proud of you that you already provided for your family. I can imagine how happy your mom was when she first used the washing machine. I always say this, as a parent myself, I am proud of children who does good things to their parents. Lotsa love to you β€
Hhaha gusto ko po yung mahabang pila para sa enrollment. Thank you po for your kind words po π€. It is really my joy to see my mom being happy.
Washing Machine: Labanderang makina lol! Enrollment: Pagpapalista haha Ang saya din magsulat sa sariling wika :) Ang sarap ng feeling na makapagbigay ka ng ginhawa sa yung nanay. Napakabuti mong bata :)
Salamat po sa iyong binigay na pagsasaling wika. Tunay nga't nakakatuwa ang magsulat gamit ang ating wikang pambansa. Maraming salamat po.
Hehehe wala pong anuman Bb. Mindanaoπ
Natuwa naman ako sa pag bilibmo sa nanay mo ng panlabang de makina! Nakakaaliw at nakakatuwa din namang magbasa na ang wikang gamit ay yung satin :D Mahusay mahusah!
Tunay din akong naliligayahan ng makita ko ang kanyang mga ngiti π€
Uyy ingat kayu diyan oh.. Apakagaling naman ng iyung pagbaybay gamit ang iyung damdammin nag-aalab gamit ang wikang atin, napaka galing.
Salamat sa paalala besh.
Isang napakagandang artikulo ang nabasa ko ngayon. Isang masigabong palakpakan para sayo sis. Ingat kayo dyan.
Maraming salamat sayo sis. Kayo din ingat.
Isang napakagandang likha dzai.β€οΈ hahha nakaka aliw basahin π
Salmat sa iyong nakaka engganyong mga salita mars.
sa totoo lang ungiba masyado nang limot ang ating wika, ibang wikang banyaga ang nais mlonang ng bata nilang isipan. ang sakit isipin na sating mga matatanda, para sakanila ito ay biro lamang
Totoo ito. Dapat natin ipakita sa kanila kung gaano ka importante ang ating wika.
Bakit nga ba parang hindi tayo sanay sa sarili nating wika no? Dahil siguro malimit natin tong gamitin.
Yan ang nakakalungkot na katotohanan
At hindi na natin yun mababago
True.
nasa bohol ako at nafeel ko talaga ang pag sway ng lupa... lindol nga pala talaga yun!
Umabot pala jan?
yes sis.. pero di sya malakas dito.. parang nagsway lang ung ground
Ayun sa Google, enrollment sa Filipino ay pagpapatala :D Buti hindi ganun kalakas un lindol pero nasa 6 ata sa epicenter. Ikaw na lang kaya maglaba hehe. Anyway, at least nagamit na ang washing machine at malaking tulong talaga yan.
Tinutulungan ko syang manlaba ngunit nagagalit lamang sya. Ayaw niya kasi na sumasali ako sa mga ginagawa niya.
Bakit nga ba tayo nagiging makata kapag gamit natin ang sariling wika?
Tunay nga iyan.
π§‘
Yung regalong washing machine ang nagdala. Da best tlga pag may nabili tayo galing sa kita dito. Hehehe. Meron nga rin daw lindol bandang Batangas ata yun, di ko naramdaman nung kelan. Haha.
Oo nga eh. Lalo na pag nakatulong kas magulang mo hihi