Colorful Vegies for a healthier life ๐ฅฐ Nagpunta ako saglit sa palengke kanina para bumili ng mga gulay. Nawindang ako sa mga presyo nito hahaha. Nakakasilaw din ang kamahalan ng gulay ngayon aba ๐ . Pero dahil mas mabuti pa din ang kumain ng gulay ay bibili pa din ako hehe pikit mata nalang sa presyo at pakonti konti nalang ang bibilhin ko. Mahilig kasi kami kumain ng gulay sa bahay kahit walang sahog na karne at sarap na sarap kami. Ang saya ng umpisa ng September dahilโฆ
@ScarletDoll in September 2022
Galunggong na Isda ๐ Late ko na naipost dito ang ulam namin kanina hehe. Dahil nagutom ako ng husto dahil namalengke ako kanina kaya naman naparami ang kain ko ng rice kanina. Alam niyo ba na ang isdang ito ay tinatawag din na "GG" for short ๐. Masarap sana ito kung sarshado ang luto pero dahil prito lang ay sawsaw suka nalang ang ginawa ko ๐. Napakainit ng tanghali ngayon akala ko pa naman lalamig na kasi Ber month na eh.
"Ang Bato ni Darna" ๐ฆธโโ๏ธ Inyong pagmasdan ang batong nakakasilaw; Nakasulat dito ang pangalan ni "DARNA"; Ito ay hugis itlog, Kulay puti at kumikinang; Kapag ito ay nilunok dapat isigaw ang "DARNA!"; Galing ang bato sa planeta ng makapangyarihan; Ang bagong protektor ng bato ay si Narda at hindi ako; Maraming bato ang pwedeng lunukin ngunit ito lang ang bukod tanging may kapangyarihan; Kaya't ang misyon ko ay agawin ang bato kay Darna; Para ang super power niya ay malipat saโฆ
Milk for a healthier bones ๐ฅ Gatas muna iinumin ko ngayon ๐, pahinga muna ako sa kape hehe. Kapag sa gatas ayoko lagyan ng asukal dahil mas gusto ko malasahan yung linamnam ng milk. Mainit din ang tubig na ginagamit ko sa gatas. Ang brand pati ng gatas na gusto ko ay bear brand. Dapat yung adult plus ang bibilhin ko kaya lang ang mahal nun kaya dito nalang muna ako sa bear brand na pang bata. Nag uumpisa na din umulan dito sa amin kaya ang lamig ng umaga. Ingat sa lahat ngโฆ
Pork Sinigang ๐ Luto na ang ulam namin ๐, pork sinigang ang niluto namin dahil masarap ito ngayong maulan ang panahon at sakto sa malamig na hangin. Ang sarap humigop ng mainit na sabaw na maasim asim pa ๐. Sampaloc mix ang ginamit namin na pampaasim para dito. Gustong gusto ko din sa sinigang ay yung kangkong na super sarap at sustansya. Tara na po at kumain ng lunch habang mainit pa ang sabaw ng sinigang ๐ค. Gutom na din ako at ang dami ko ginawa kanina.
Preparing Shanghai Mix for Dinner โบ๏ธ Bussy po ang inyong lingkod sa pag prepare ng lumpiang shanghai hehe. Kakatapos ko lang paghalu haluin lahat ng secret ingredients ๐คฃ. Bahala na kayo hulaan kung anu-ano ba ang mga secret ingredients na nilagay ko dito sa shanghai. Ito ang ulam namin mamaya kaya ready na ako magbalot ng shanghai ๐. Oh! Mamaya na kayo mag target locked sa lumpiang shanghai ko kapag naluto ko na ito sige kayo baka hilaw ang makain niyo na shanghai ๐ . Halosโฆ
Lumpiang Shanghai ๐ฅฐ๐ Luto na po ang Shanghai ๐ค, Oh pila lang po para lahat kayo ay mabigyan din haha. Maaga kami kakain para mahusgahan na kung masarap ba talaga ang ginawa ko na shanghai ๐. Dahil mahaba yung shanghai kaya pinutol putol ko para mas dumami tignan. Hindi ko pa lahat niluto yung shanghai dahil tama na yung dami na naiprito ko. Makakailan kaya akong shanghai? ๐ Naku yan ang mahirap sagutin dahil habang may nakikita ako na shanghai ay hindi ko ito tatantanan haha.
Sandwich with Cheese Spread ๐ Magandang umaga kahit maulan po ๐ค. Ito po ang almusal ko ngayon simple ngunit masarap. Pinalamanan ko ito nung Cheesewiz Spread kaya ang sarap nito. Favorite ko din ang palaman na ito ๐. Kape at tinapay lang ngauong morning ay sapat na para mabusog ako. Tara muna at kumain ng almusal. Nag-iisip pa ako kung maglalaba ba o hindi kasi naulan eh, mahihirapan ako magsampay nito mamaya haha. Maaga nga pala ako nalatulog kagabi dahil sa pagod kayaโฆ
Bawang o Sibuyas? ๐ค Alin nga ba ang dapat mauna sa pag gisa? Dati inuuna ko ang bawang pero nung nakapanood ako ng ibang youtube videos na nagsasabi na mas madali masunog ang bawang kaya dapat mauna ang sibuyas. Kaya simula noon palagi ko inuuna ang pag gisa sa sibuyas at susunod naman ang bawang. Lagi magkapartner yan sa pang gisa diba. Hindi pwede walang sibuyas o kaya naman ay bawang. Hindi kumpleto ang sarap kapag alin man dyan ang nawala hehe. Speaking of sibuyas walaโฆ
Green Gulaman ๐ Dessert muna ang snack ko ngayon ๐. Gumawa kasi si mama ng gulaman kaninang unaga kaya naman malamig na ito dahil kanina pa nakalagay sa ref namin. Dahil naulan din naman ngayon kaya tinatamad ako lumabas para bumili pa ng snack ko hehe. Masarap yung gawa ni Mama na gulaman dahil hinaluan niya ito ng gatas nung nilukuto niya para mas creamier yun taste mg gulaman. Sakto lang din yung tamis nito kaya gustong gusto ko ang lasa.
Laing para sa hapunan ๐ Ang Laing ay isang patok na ulam at ito ay gawa sa dahon ng gabi. Pinapatuyo muna ang dahon ng gabi bago ito lutuin sa gata ng niyog. Napakasimple lang na ulam nito pero masarap din naman. Nung bata ako hindi ako nakain nito dahil sa hitsura kapag naluto na pero ngayon kumakain na ako dahil masarap naman pala. Madalas ito lutuin sa mga probinsya dahil maraming dahon ng gabi ang pwede mapagkunan. Napakalamig ngayong gabi kaya naman masarap ang tulog koโฆ
Pancit Bihon ๐ Magandang umaga sa lahat ๐ค. Kain na tayo ng almusal ito nga pala ang niluto namin ngayon, pancit bihon for long life ๐. Bukod sa pancit canton ay bihon din ang gusto ko kainin. Sakto lang yung dami ng gulay na nilagay namin sa pancit bihon. Mas masarap ito ipalaman sa pandesal. Kape nalang ang kulang para kumpleto na ulit ang aking almusal ๐. Nagpapalakas talaga ako ngayong umaga dahil sasabak ako sa labahin ๐ . Ngayon kasi ay maaraw na dito sa amin kayaโฆ
Tinolang Manok ๐ Habang naglalaba ako kanina ay inumpisahan na ni Mama ang pagluluto ng tinolang manok. Iyan ang lunch namin mamaya. Papaya, talbos ng sili, luya at manok ๐, iyan lang ang mga sahog para makapagluto ng masarap na tinola โบ๏ธ. Mapaparami ang kain ko nito mamaya dahil saktong pagod na pagod ako sa paglalaba ko kanina. Natapos ko na din ang pagsasampay ng mga damit na nilabhan ko. Sana lang talaga hindi joke ang sikat ng araw haha. Tinamad kasi ako maglaba kahaponโฆ
3 sako ng bigas ๐ May blessing na dumating kanina lang ๐ค. Yung isang sako diyan ay sa amin at yung dalawa naman ay para dun sa pinsan at tiyuhin ko. Tig 25 kilos ang bawat sako ng bigas na iyan. Bigay nga pala iyan nung pinsan namin na nasa abroad, pinabili niya iyan at binigay sa amin. Malaking tulong na talaga iyan dahil kabawasan din yan sa gastos namin sa araw-araw na pagbili ng bigas. Magandang klase pati iyan na bigas kaya sobrang saya namin kanina. Kapag talaga hindiโฆ
Siling Berde ๐ฅต Berde man ang sili na yan pero ang level of spicy nรฌyan ay kayang pausukin ang iyong tenga haha. Nanguha ako ng sili kanina dun sa tanim ng kapitbahay namin, may permiso naman yun kaya hindi ilegal ang ginawa ko haha. Naubusan na kasi kami ng sili para sa sawsawan kaya ayan dinamihan ko na ang kuha. May natira pa naman dun sa pinagkunan ko hehe. Sino dito mahilig sa sili? Ako naman kumakain din ng maanghang na pagkain pero ayoko naman nung sobrang anghang ๐ .
Shiba Inu saan ka punta? To the moon? ๐คฃ Magandang Morning sa inyo, kakagising ko lang po at as usual lagi ko i-check ang hold ko na Shiba Inu ๐. Sana lang talaga tumaas ang price nito para naman happy ako ๐ค. Mag piso lang talaga value niyan dadami ang pera ko sa coins.ph hehe. After ilang years pa siguro bago tumaas ng husto ang value nito pero malay natin biglang tataas iyan ๐ฅฐ. Sino po dito nag hold ng Shiba Inu? Tingin niyo ba may potential ang token na ito? Huwag sanaโฆ
Flowers ๐ธ or Leaves ๐ฑ? ๐ Nabighani ako sa gandang taglay ng halaman na ito ๐. Kung titignan sa unang tingin ay aakalain mo na isa itong bulaklak ngunit nagkakamali kayo dahil ito ay dahon lamang. May pagka pink yung dahon at kulot siya kaya nagmukhang bulaklak ito. Akala ko din nung una bulaklak pero dahon lang talaga siya hehe. Sadyang nakakamangha ang ibang dahon dahil para na din bulaklak ang hutsura dahil sa kulay at hugis nito ๐.
Vcut Potato Chips ๐ Kain muna ako saglit at nagugutom ako. Napansin ko lang yung Vcut wala pa sa kalahati yung laman ๐คฃ. Mas lamang pa yung hangin kaysa dun sa chips ๐ . Tapos madami din yung durog kaysa buo ๐. Dibale madudurog din naman yan kapag nginuya ko hahaha. Nawala ang haring araw at natakluban nanaman ng makapal na ulap. Parang uulan na ewan kasi ang init pa din naman. Hindi ako makatulog ngayon kasi ang init kahit nakabukas na ang electricfan.
Mushrooms o Kabute ๐ Bigay po ito ng aming mabait na kapitbahay ๐. Edible po ang mushroom na ito kaya pwedeng pwede kainin. Tanim nila ito sa bukid at nag harvest sila kanina. Ang nakakain ko lang madalas na mushrooms ay yung galing sa delata hehe. Ang lalaki nga ng kabute na ito pero mukang masarap din naman. Masarap siguro ito ihalo sa sotanghon soup ๐.
Assorted Kakanin ๐ -Palitaw -Pilipit -Kutsinta Almusal na ulit ๐ค, Gising na din ba kayo? Kain muna tayo ng almusal para naman magkalaman ang sikmura natin. Kakanin at kape, yan ang almusal ko ngayon. Mahilig talaga ako kumain ng kakanin tuwing umaga. Mabuti nalang din at maaga naglilibot yung nagtitinda ng kakanin dito. Tungkol naman sa weather dito sa amin ay maaraw na ulit kaya makakapagbilad ako ng katawan mamaya. Dagdag vitamin D din iyon hehe. Sana ay maging masaya atโฆ
Ang huling banana ๐๐ Nagkahiyaan pa talaga kami kunin yung nag-iisang banana hahaha ๐คฃ. Bakit kaya ganun ano? Kung kailan isa nalang tsaka pa tayo nakaramdam ng hiya para kunin ๐. Ako nalang maglalakas ng loob kunin ito tutal naman ayaw nila kunin eh. Masarap kaya ang banana hehe, pati hindi naman pwede ito patagalin at baka mabulok pa. Bibili nalang ulit ng banana sa susunod at inubos ko na ๐. Ano po ulam niyo ngayong lunch? Pakain naman po ako at alam ko masarap ang mgaโฆ
Tokwa't Baboy ๐ Ito nga pala ang ulam namin kanina. Ngayon ko lang na share dito dahil bussy ako sa paglamon kanina haha. Bili lang namin sa karinderya iyan kaya mas lamang ang tokwa kaysa dun sa karneng baboy hehe. Pero ayos din naman ang lasa at masarap. Ganyan kami kapag tinatamad magluto sa bahay kaya bibili nalang sa labas hehe. Kamusta po ang inyong hapon? Naku dito sa amin ay napakainit. Kung may centralized aircon lang kami ay hayahay sana at malamig sa loob ng bahayโฆ
Low Cost Victoria's Secret Perfume ๐ Ito yung tinatawag na immitation lamang. Can't afford kasi ako sa priginal na Victoria's Secret kaya hanggang 100 pesos lang kaya ko bilhin hehe. Mabango din naman pero hindi siya kasing bango tulad ng authentic na Victoria's Secret perfume. Pwede na din naman dahil mabango naman ito pero hindi labg natagal yung amoy sa katawan or damit. Kapag hindi kaya ng budget huwag ipilit hehe. Kung ano lang ang kaya ay yun nalang muna ang bibilhin.โฆ
Prito na Saging ๐ Ang ganda nga naman ng gising ko at may naka ready na almusal sa lamesa ๐. Magtitimpla nalang pala ako ng aking kape ngayon. Dapat ito ang meryenda namin kahapon pero hindi naman naluto kaya ngayon nalang pinirito para sa almusal namin. Hindi ko na yan lalagyan ng asukal dahil hinog naman yung saging nung pinirito kaya sigurado ako na matamis na ang lasa niyan. Kain po muna tayo ng almusal ๐ค. Mahilig din ba kayo sa prito na saging? Kung Oo ang sagot niyoโฆ
Sinigang na Baboy ๐๐ฒ Bumili ako ng dalawang order na sinigang sa karinderya. Wala kasi magluluto dito sa bahay at marami silang ginagawa. 60 pesos na isang order ng sinigang, ang mahal pero masarap naman kasi ang lasa dun sa binibilhan ko. Tinikman ko agad yung sabaw at sakto yung asim ng sinigang. Mamaya kakain na din kami ng lunch. Kayo po ba may ulam na para mamaya? Ang bilis ng oras eh parang kanina nag aalmusal palang ako pero ngayon tanghali na agad ๐ .
Cheese Burger ๐๐ Sa halagang 30 pesos meron na akong cheese burger. Nakaramdam ulit ako ng gutom kaya napabili din ako. Kahit mainit sa labas go pa din may payong naman eh. Hindi kalakihan yung patty niya pero ayos na din naman dahil masarap. Mas masarap sana ito kung may lettuce at kamatis kaya lang kapag ganun baka umabot pa ng 60 pesos ang magastos ko kaya pwede na ang cheese burger haha. Kayo po anong meryenda niyo ngayon? ๐
Dinner is Ready ๐ค -Pritong Talong -Itlog na Maalat with Kamatis Simple ngunit masarap, ganyan ko mailalarawan ang ulam namin ngayong hapunan. Sawsaw sa toyo nalang yung pritong talong ๐. Oh! Kain na muna tayo para mamaya maaga ulit makatulog ๐. Wala na kami iba maisip na iulam kaya iyan ang napagdiskitahan ngayong dinner hehe. Kahit ganyan ang ulam namin ay mapapadami pa din ako ng rice. Sana kayo rin ay may mga ulam na ngayong hapunan.
Choco-Milk Drink ๐ Gatas na choco o choco na gatas ๐ , ewan ko parehas lang naman pinaghalo ang gatas at choco na ito ๐คฃ. Good morning! Oh huwag agad magpaka stress ngayong umaga smile muna para good vibes lang ๐. Ngayon pa lang mag umpisa ang aking unaga pero mukang magiging bussy ako kaya need ko na magtimpla ng choco-milk. Pass muna ako sa kape at gusto ko naman uminom ng choco ๐. Next time try ko din bumili nung Adult Plus na Bear Brand masarap din kasi yun at may chocoโฆ
Iphone 14 Pro ๐ฑ Pinanood ko sa Youtube kanina ito at napa wow ๐ฒ nalang ako sa ganda ng Iphone 14 Pro. Kahit naman alam ko na hindi ko afford bumili niyan ay pinanood ko pa din hehe. Nangangarap na nga lang din ako minsan na sana may Iphone 14 Pro din ako hehe. Ang dami nang dumaan na Iphone units pero ni isa hindi ako nakabili ๐ . Talagang mapepera ang kayang makabili ng Iphone at nakakalula ang presyo. Pero kung marami din naman akong pera ay hindi na ako manghihinayangโฆ
Lumpiang Togue at Shanghai ๐ Ito po ang lunch ko kanina, nagbili lang ulit ako sa karinderya hehe. Okay naman sa lasa pwede na din. Mas nasarapan lang ako dun sa lumpiang togue na sinawsaw ko sa suka. Yung mataba yung togue at yung pahaba na payat ay yung shanghai. Hindi naman sa pagyayabang pero mas masarap pa din ang timpla ng shanghai ko hahaha. Lahat ba kumain na ng lunch? Aba dapat pang at mag 2pm na hehe. Dahil mainit ngayon nag iisip ako ng masarap na dessert. Walaโฆ
Something went wrong ๐ฑ Kapag nagkakaganito ang noise.cash kinakabahan talaga ako ๐ . Pero dahil na experienced ko na ito before alam ko maayos din naman pero kinabahan pa din ako ๐คฃ. Gaya ng ibang site nagkakaproblema din siguro sa server ng site na ito. Buti nalang bumalik na sa dato at ayos na ulit. Mas gugustuhin ko pa na facebook ang mag down kaysa noise.cash eh ๐คฃ. Hapon na pero ang init pa din. Sana naman mamayang gabi humangin ng malakas para naman hindi mainit. Tumunogโฆ
A Heartbreaking News ๐ฅ๐ Nagulat ako nung nag open ako ng fb ko at nakita ko agad ito sa ABS-CBN official page. Pumanaw na si Queen Elizabeth II ๐ฅ, aalamin ko pa kung ano ang dahilan ng kanyang pagpanaw. Pero kung titignan ang age niya na 96 ay super blessed na siya na makaabot sa ganyang edad. Nakikiramay ako sa buong Royal Family ๐๐ป. Umpisa pa lang ng Friday ko ay sad news agad ang nakita ko huhu. Let's pray for the soul of Queen Elizabeth II ๐๐ป. -Photo from ABS-CBN News FB
May bago pala na update ang noise.cash. May panibago na at ito nga iyong noise.app. Sa ngayon nag explore pa din muna ako kung ano ang meron dito. Nakakapanibago sa dating noise.cash dahil magkaiba sila ng user interface. Pero sana mas maging maganda din ang new update na ito at mas secured yata dito ayon sa nabasa ko kanina nung nag reguster ako.
๐ข New Update: Noise.App How to register? Just click the link below ๐๐ป https://noise.app/invite/iljpwhu4 (That is valid for first 25 persons only) Kanina ko lang din umaga nalaman iyan. Nakagawa na din ako ng account at same username lang ang ginamit ko. So far medyo nalilito pa ako gamitin ang bagong site pero smooth naman ang user interface dun. Nag click lang ako dun para mag explore at nag try na din ako mag post. Ang napansin ko lang ay hindi pwede mag edit ng post dunโฆ
Hindi ko mapigilan na mag check dito from time to time hehe. Ganun ako ka excited about sa new noise.app na ito. There are same rules like in noise.cash pero ang naiba ay yung sa news feed. Kapag parehas niyo finollow ang isa't isa ay tsaka pa lang din sila makakapag comment or makikita ang mga posts mo dito.
Fresh Cucumber ๐ฅ Nagbili lang ako ng isang piraso na cucumber at hiniwa ko ng maninipis. After lunch ko yan kinain ๐. Gusto ko din ang cucumber kahit ganyan lang hehe. Parang gusto ko din ilagay yan sa mga mata ko para mawala ang eyebags dahil sa pagpupuyat lol. Pero nanghihinayang ako kaya kakainin ko nalang. Na bussy talaga ako kaninang umaga dahil sa noise.app ๐ . Syempre ayaw ko magpahuli sa bagong trend. Napapaisip din ako pano niyo nalaman na may bagong update eh walaโฆ
Ang masarap na Pipino ๐ฅ, pwede naman siguro i-post ko din dito yung content ko sa noise dahil iisa lang naman na noise ito hehe. Kain po layo ng pipino fresh po iyan kaya masarap. Hiniqa ko din ng maninipis para malutong kapag kinagat. Snack time na muna tayo at bigla akong nagutom ulit ๐ .
Crispy Fried Pork Liempo ๐ Step 1: Pakuluan saglit ang liempo, kahit mga 3 minutes lang pwede na. Ginagawa ko yan para lumambot muna ang karne. Nilagyan ko lang ng konting asin yung konting tubig. Step 2: Pagkatapos pakuluan sa tubig ang liempo ay hanguin ito at lagyan ng mga pampalasa gaya ng bawang, betsin, asin, magic sarap at paminta. Pwede din lagyan ng bread crumbs/harina/breading mix kung gusto niyo. Step 3: Magpainit ng mantika sa kawali mas maganda kung deep friedโฆ
Share ko lang din muna dito ang dinner namin kanina. Napasarap ang kain ko dahil dito ๐. Maulan din ang gabi dito sa amin. Mapapasarap ang tulog ko dahil malamig ๐ฅฐ.
Pandesal for breakfast ๐ This is the most famous bread in the Philippines. Bagay para sa kape โ at masarap palamanan ng keso, condensada at iba pa ๐. 3 pesos na ang kada piraso ng pandesal dito sa amin. Minsan meron yung may halo na malunggay leaves pero yung nabili ko kanina ay plain pandesal lang. Dahil Saturday ngayon alam ko na rest day ng karamihan ๐ค. Pero may mga gawaing bahay pa din na hindi natin matatakasan gawin. Kamusta po ang inyong mga gising ngayong umaga? Sanaโฆ
Kain muna tayo ng pandesal kasabay ng paginom ng kape โ. Ang lamig ngayon ng umaga dahil kagabi ay umulan. Ang ganda din ng gising ko ngayon โบ๏ธ. Happy Saturday sa inyong lahat ๐ค. Tara na muna mag breakfast.
Preparing for lunch ๐ Menu: Pritong Tilapia, Soy Sauce with Kamatis para sa sawsawan Si Papa ang mag prito ng tilapia at ako naman ang gumawa ng sawsawan. Tatlong piraso yung tilapia na hiniwa sa tatlong piraso ๐. Ang sarap ng ganitong ulam ๐. Mapaparami nanaman ang kain ko ng rice mamaya. Mabuti na yung maaga pa lang naka prepare na ang ulam para mamaya kakain nalang. May time pa ako mag noise ๐ฅฐ.
Umpisa na sa pagluluto ng lunch. Tilapia ang ulam namin ngayon. Prito lang ang gagawing luto diyan at may naka ready na sawsawan, toyo with kamatis.
Cream-O Cookies ๐ช Napansin ko lang yung naka design sa cookies na ito. Isang bahay at sa harapan nito ay may nakatanim na halaman. Meron itong tatlong bintana, isang chimney at pintuan. Balit kaya bahay ang design ng cookies nila hehe. Maybe because it represents as a snack for the whole Family ๐ค. Makain na nga lang ito hahaha. Kaninang umaga maaraw tapos ngayong hapon naulan at may kulog pa na kasama. Akala ko exempted kami sa ulan hindi pala hehe.
Kain muna ako ng Cream-O cookies habang naulan. Siguro mamaya pa ako aantukin nito. Marahil ang iba sa inyo ay natutulog ngayon dahil malamig ang panahon at naulan pa. Meryenda muna ako bago matulog hehe.
Meron ulit kami na Saging ๐ 45 pesos lang lahat yan ๐. Kahit konti lang ang importante ay makatikim ng sariwang prutas. Sa susunod grapes naman para mas masarap. Hindi rin natagal ang prutas sa bahay at kapag naumpisahan na kainin ay hindi na titigilan ๐คฃ. Pero ayos lang yun atleast hindi nasayang at nabulok yung binili namin na mga prutas. Tumigil na din ang ulan dito sa amin. Malamig nanaman ang gabi kaya ang sarap matulog nito mamaya. Kakain ako ng maaga ngayong dinnerโฆ
Hello! Good Evening World! ๐ Ang tahimik sa noise.cash kaya sumilip ako dito at baka dito kayo nag iingay haha. How are you all? I hope you also had your dinner because I just finished eating just a while ago. Ayan naubos na ang english ko back to tagalog na muna ako ๐คฃ.
Puto with Cheese & Salted Egg ๐ Blessed Sunday Morning ๐ฅฐ๐๐ป, gising na din po at tayo ay mag almusal na โบ๏ธ.Puto at kape yan ang aking almusal ๐. Maaga dumaan yung nagtitinda ng puto kaya nakabili ako agad. Gustong gusto ko din ang puto na nabili ko dahil ang sarap nito at palaging bagong luto. Syempre hindi pwede mawala ang paborito ko na kape sa umaga โ. Maaga talaga ako gumising para makapaglaba ako mamaya. Ayoko kasi tanghaliin sa paglalaba at mainit na sa likod ng bahayโฆ
Bumili ako ng Puto with Cheese & Salted Egg. Napakasarap nito at tamang tama na kapartner ng mainit na kape para sa almusal. Maaga ako gumising dahil mamaya uumpisahan ko na din ang maglaba. Kaya dapat mabusog muna ako hehe. Tara kain tayo ng masarap na puto ๐ค.
Kare-Kare for lunch โบ๏ธ Dahil napagod ako sa paglalaba kanina kaya maaga ako kakain ng lunch ngayon. Kaysa bumili pa ako ng meryenda ay kakain nalang ako ng lunch para tipid diba hehe. Nakakaubos din ng lakas ang maglaba kaya minsan ayoko nalang mag damit para walang labahin lol ๐คฃ. Iyan nga palang kare kare ay bili ko lang sa karinderya at mamaya pa sila magluluto ng lunch dito sa bahay eh ako naman gutom na kaya bumili nalang ako ng kakainin ko. Hindi rin maintindihan angโฆ
Early Lunch for now. So for todays video I have here a Kare-kare which I bought from the turo-turo store ๐. Why turo turo? Because if you want to order some food you just have to point your finger on the menu and say "pabili po ako nito isang order" ๐ .
Special Pork Chicharon ๐ Bumili yung kapatid ko ng chicharon sa halagang 240 pesos, dalawang balot na iyan. Madami din ang laman at nung natilman ko ay ang sarap ๐. Malutong at hindi mahirap nguyain dahil hindi matigas ang pagka chicharon niya. Medyo may kamahalan nga lang pero sulit naman sa quality ๐๐ป. Suka na maanghang syempre ang perfect na sawsawan para dito sa chicharon. Ready na ba kayo ma highblood sa aking snack ngayong hapon? ๐
Special Pork Chicharon for only 240 pesos (2 packs). Dahil walang magawa eh di ngumuya ng chicharon na malutong haha. Putok batok na meryenda muna at sawsaw sa suka para mas masarap. Kapag maulan kain lang ng kain basta may food.
Green is the symbol of life ๐ฑ Sobrang cute ng halaman na ito. Ang liliit lang ng mga dahon at hindi siya nalaki. Tuwing natingin ako sa mga halaman gumagaan ang feeling ko ๐ฅฐ. Ang ganda din nung angle ng pag picture ko at yung effects na ginamit ko sa camera filter โบ๏ธ akala mo naman talaga photographer ako haha ๐คฃ. Buti na nga lang maganda pa din mag capture itong camera ng phone ko lalo na kapag mga halaman at bulaklak.
Mag post na sana ako sa noise.cash kaya lang error nanaman yung site. Under maintenance siguro kaya ganyan. Sa inyo din ba? Nakailang refresh na ko pero ganyan pa din ang lumalabas. Try ko nalang ulit mamaya at sana maging okay na ang noise.cash.
Minukmok ๐ Iyan ang tawag namin sa kakanin na ito. Gawa ito sa kamote at ube na nilagyan ng margarine. Kapag natikman niyo iyan ay hindi kayo magsisisi sa sarap ๐. Kinabahan nanaman ako kanina kasi nag error nanaman ang site ng noise.cash pero buti nalang okay na ulit ngayon. Kaya naman nakangiti ulit ako mag aalmusal ngayon hehe. Sasabayan ko na din ng kape ito para mas masarap ang almusal ko ngayon. Dumidilim nanaman ang langit at para bang gusto bumuhos ng malakas naโฆ
Andito na si "Billy" aka Water Bill ๐ฑ "At ngayon, nandiyan ka na 'Di mapaliwanag ang nadarama Handa ako sa walang-hanggan 'Di paaasahin, 'di ka sasaktan" (Lyrics from "Ikaw at Ako" by Moira) Ayan napakanta tuloy ako dahil natanggap ko na ang water bill namin. Compared last month mas bumaba naman ang konsumo namin ngayon. Pero malaki pa din ang babayaran namin at umabot ng 1,550 pesos ๐ฑ. Oh gulat kayo ano hahaha, pero masaya ako dahil bumaba na yan dahil dati nasa 2k pa ngaโฆ
Water Bill ๐ฑ, ayan na siya dumating na haha. Pero natuwa naman ako dahil mas bumaba ang konsumo ng tubig namin compared sa mga previous months. Sana patuloy pa din bumaba ito sa susunod pa na mga buwan. Effective yung way ng pagtitipid namin sa tubig.
Beautiful Dragonfly ๐ฅฐ Dragonfly or Tutubi, isa iyan sa mga hinuhuli ko na insekto noong bata ako. Dahan dahan ako lalapit at hahawakan ang buntot para mahuli ๐ . Kanina naka tiyempo ako na may dumapo na tutubi kaya tahimik ko na nilapitan para hindi lumipad. Success naman at nakunan ko siya ng picture โบ๏ธ. Ang ganda ng pakpak nito kaya natutuwa ako kunan ng picture. Ang hindi ko matiyempuhan kunan ng litrato ay yung butterfly dahil lalapitan ko pa lang nalipad na agad hehe.
Ang ganda pagmasdan ng tutubi. Transparent ang pakpak, malaki ang mga mata at mahaba ang buntot ๐ฅฐ. Ganyan ko mailarawan ang tutubi na para bang korteng eroplano ang kanyang katawan.
My Version of Corndog ๐ Nag-iisip ako ng masarap na meryenda kanina kaya nag search ako ng masarap at madaling lutuin na meryenda sa youtube. Nakapanood ako kung paano gawin ang Corndog at madali lang naman. Ito nga pala ang mga ingredients na ginamit ko para sa corndog. 1 pack half long cheese hotdogs 3 cups All purpose flour 2 tbsps. Bread Flour 2 whole eggs 1 tsp sugar A little dash of salt 1 small can milk Cheese cut into cubes Small pack of bread crumbs Cooking oilโฆ
Ito nga po pala ang meryenda ko kanina. Ako po mismo ang nagluto niyan ๐ค. Pinanood ko sa youtube kung paano lutuin at madali lang pala kaya iyan ang niluto ko kanina. Mura lang din ang nagastos ko sa ingredients at madami din ako nagawa. Kaysa mag order ako ng corndog na mahal ang presyo eh gumawa nalang ako ng sarili ko na version hehe. Masarap din naman ang lasa ๐.
Pancakes for breakfast ๐ฅ Mabilisan na luto for todays video ๐. May natira pa kasi na all purpose flour kaya naman ito ang ginawa ko pancakes para sa almusal. Walang butter kaya sa cooking oil ko niluto ๐ . Ayos na rin naman ang kinalabasan ng pancakes at nabuo din. Madali lang naman lutuin ang pancakes basta pagkasalin mo nung mixture sa kawali antayin mo lang magkaroon ng bubbles sa ibabaw, ibig sabihin luto na kapag may bubbles at pwede mo na baliktarin ang pancakes. Taraโฆ
Good Morning! ๐ค Nagluto ako ng pancakes ๐ฅ, ito kasi ang madali at mabilis lutuin. Mas masarap sana kung may butter kaya lang wala eh hehe. Pero masarap pa din naman ito lalo na may kapartner na kape โ. Kailangan muna mabusog bago kumilos ngayong Tuesday para maging productive ang araw natin.
Sinabawan na giniling na may patatas ๐ฒ Luto na ang lunch namin pero mamaya pa kami kakain nag picture muna at baka malinutan na mamaya eh ๐ . Nilagyan din ng siling berde para may konting anghang yung sabaw. Kanina maaraw na pero ngayon nadilim nanaman ang ulap tapos nalakas ang hangin. Hindi ko malaman kung uulan ba o it's a prank nanaman hahaha.
Our lunch later ๐, pork giniling with patatas. Maaga nagluto dito sa bahay pero mamaya pa naman kami kakain ng lunch at mga busog pa dahil sa almusal. Kamusta po ang inyong umaga? Super bussy na po ba? Sana ay nakapagluto na din kayo ng inyong lunch.
Cheesy Macaroni & Maja Blanca ๐๐๐ป It's meryenda time! ๐ค Bumili ako ng Macaroni at Maja Blanca kanina at 120 pesos lang ang gastos ko. Good for 3 persons na ito at sulit din sa sarap. Bagong business ng aming kapitbahay, nagpapaorder sila ng per bilao or per styro ng mga kakanin at pasta dishes. Dahil ayoko na mapagod sa pagluluto kaya nagorder nalang ako nito hehe. Buti nalang may malapit ako na nabilhan ng meryenda ngayon kaya solb again ang aking tummy ๐.
Cheesy Macaroni & Maja Blanca ๐. Ito ang meryenda namin ngayon, for only 120 pesos ay mabubusog na din. Ang sarap nung maja blanca ang perfect ng pagkakaluto at yung tamis ay sakto lang din. Yung macaroni masarap din dahil hindi tinipid sa ingredients ๐๐ป.
Pears ๐ & Apple ๐ May prutas nanaman kami na makakain ๐. Tatlong piraso na peras at isang mansanas. Nanawa kami sa saging kaya ito naman ang prutas na binili namin hehe. Mas okay na gumastos sa prutas dahil healthy naman ito kainin kaysa dun sa ibang pagkain na unhealthy naman. Sawsaw lang sa asin pwede na dito ๐. Pakonti konti lang talaga kami kung bumili ng prutas para masiguradong mauubos kaagad at maiwasan na mabulok lamang.
Ano ang mas gusto niyo kainin, peras o mansanas? Ako paehas ko iyan gusto kainin hehe. Mahal nga lang ang prutas ngayon kaya konti lang muna ang binili namin. Mas mabuti din na makakain ng fresh fruits para dagdag nutrients sa ating katawan.
Suman na masarap ๐ Ngayon lang ulit ako makakatikim ng ganitong suman. Gawa ito sa malagkit na kanin at isinasawsaw sa asukal. Pwede din naman na condensada ang ilagay. Yung iba kape pa nga ang nilalagay sa ganitong suman. Pero ako asukal ang ilalagay ko sa suman na ito. Mabigat ito sa tiyan kaya mabilis makabusog. Nakakatuwa din ang suman na ito dahil mataba yung pagkakagawa di tulad sa iba na konti lang yung laman.
Centrum Advance, Multi-Vitamins + Minerals ๐ฅฐ I just want to flex my vitamins ๐ค. Iniinom ko ito every night time kasi mas maganda ang tulog ko sa kapag gabi ko iniinom ito. Maganda ang vitamins na ito dahil complete from A-Zinc na siya. Centrum baka naman libreng endorsement na ito hahaha. Aside from eating healthy foods mas mabuti pa din na uminom tayo ng vitamins para dagdag protection sa ating katawan. Per piece nga pala ako kung bumili para hindi mabigat sa bulsa yungโฆ
Centrum Advance, Multi-Vitamins + Minerals ๐ฅฐ. Ito nga pala ang vitamins na iniinom ko tuwing gabi. Dahil dito nagiging magana ako kumain at nakakaiwas din sa sakit. Maganda naman ang effects nito sa akin kaya patuloy ko ito iniinom. Mas maganda din na mag invest tayo sa health natin โบ๏ธ.
Eating some sliced pear ๐ Kakain muna ako ng prutas habang naulan dito sa amin. Hindi ako makalabas ng bahay para bumili ng meryenda ang lakas kasi ng buhos ng ulan. Lagyan ko nalang ito ng konting asin para mas masarap kainin. Hindi ako makatulog pero kanina inaantok ako at nung huniga naman ako nawala antok ko ๐คฃ. Eh di kakain nalang muna ako at baka mamaya antukin din ako kapag busog na.
Let's eat some slice of pear ๐๐. Nagutom ako bigla kaya ito ang naisip ko kainin. Malakas kasi ang ulan kaya tinatamad ako lumabas ng bahay para bumili ng makakain. Kanina lang umaga maaraw tapos ngayon biglang ulan naman.
Dinner is Ready ๐ค Gulay, lumpiang shanghai at togue. Iyan po ang ulam namin ngayong gabi. Kakain na din kami muna dahil gutom na hehe. Grabe talaga ang epekto ng ulan ano dahil mas nakakagutom haha. Dinahilan ko pa ang ulan sa katakawan hahaha. Pero mas bet ko lainin yung lumpiang togue tapos sawsaw sa suka ๐. Tara sabayan niyo kami kumain ng dinner ๐ค. Sana kayo rin ay may ulam na ngayon.
Thank You ๐ฅฐ Simpleng salita pero napakagandang pakinggan. Kaya ako hindi ko nakakalimutan na magsabi ng "Thank You" sa tuwing may tumutulong sa akin. Pero pede din gamitin ang salitang iyan kagaya ngayong umaga. Thank you Lord dahil muli akong nagising at nasilayan ang bagong umaga ๐. Thank you din sa inyo na palaging dumadalaw sa aking posts at nag share ng blessings. Napakaraming dapat ipagpasalamat bawat araw kaya may rason pa din para maging masaya sa ating buhay.
Thank You! ๐ฅฐ Iyan ang gusto ko sabihin sa inyong lahat sa palagi niyo pagbisita sa aking mga posts ๐ค. I want to thank you all a million times ๐ฅฐ. Alam ko na sa simpleng "Thank You" ay mapapasaya ko kayo dahil kahit ako man ay natutuwa tuwing may nag thank you sa akin kahit simpleng bagay lamang ang aking nagawa para sa iba. Isa pa Thankful din ako sa bawat umaga na nagigising ako dahil it is considered as a big blessing already โบ๏ธ.
Ang masarap na Sinigang ๐ฒ๐ Alas dose na ng tanghali kaya pala gutom na ako ๐ . Naglaba pa kasi ako kaya na bussy ng konti hehe. Bawing bawi naman ako ngayon sa sarap ng ulam namin. Perfect for a gloomy weather dahil masarap humigop ng mainit at maasim na sabaw ng sinigang. Pork nga pala ang sahig niyan at ang gulay naman ay labanos, kangkong, okra at sigarilyas. Hindi ko na hahabaan ang caption ko haha tara let's eat! ๐
Kain po tayo ng pork sinigang ๐ค. Masarap at maasim, kikiligin ka talaga sa bawat pag higop sa sabaw nito. Marami din yung gulay kaya healthy lunch ito. Syempre ready na din ang extra rice ๐ . Oh tara kain muna tayo at gutom na talaga ako hehe.
My Shopee Budol: Fujidenzo Washing Machine ๐ Matagal ko na binabalak na bumili ng washing machine kaya lang mas nauna nasira yung spin dryer at nung time na yun kulang ang pera kaya dryer lang muna ang binili. Kitang kita naman sa 2nd picture na sira na yung timer at wala na din takip yung lumang washing machine. Mahigit limang taon din namin yan nagamit kaya sulit na din naman. Ngayon it's about time para bumili na ng brand new single tub washing machine dahil may budgetโฆ
Excited na ko ma received yung brand new washing machine na inorder ko sa Shopee Mall ๐ฅฐ. As you can see sa 2nd picture sira na yung timer at wala ng takip yung washing machine namin na luma. More than 5 years ba naman namin gamit yan haha. 4,135 pesos lang ang price kasama na yung shipping fee dun. Single tub lang yan dahil may dryer na din kami at bagong bili lang din yun. Mas okay na siguro na hiwalay ang washing machine at dryer para mas marami mailagay.
1 Million Shiba Inu (SHIB) Achieved! โบ๏ธ Isa sa mga inaalagaan ko na crypto ay ang Shiba Inu laya naman gusto ko mag hold ng 1 Million nito at antayin na mag "to the moon" ang price nito ๐. Nagtake risk na talaga ako dito at bahala na kung tataas ba talaga ito ng tuluyan. Siguro kung long term may pagasa pa ang Shiba Inu. Kung mangyari man na maging 1 peso ang value nito abay instant millionaire na ako ๐ . Mababa pa kasi ngayon ang price ng Shiba Inu kaya mas maganda sumabayโฆ
1 Million SHIB Achieved ๐ฅฐ. Hihintayon ko talaga na lumipad hanggang moon ang token na iyan. At kapag dumating yung time na mataas na ang value ni Shiba Inu abay instant Millionaire na ako. Mag piso lang ang value niyan ay sure na may 1 Million pesos na ako hehe. Bahala na kung anong mangyari diyan basta HODL lang ako hahaha aantayin ko talaga tumaas ang value niyan.
Coffee in the morning โ Good Morning! Happy Friday sa inyong lahat ๐ค. Let's hope that this day would be fruitful again. Syempre my morning buddy is a cup of coffee โ๐. It really helps me to keep myself awake. Dati nainom ako ng black coffee pero ngayon mas gusto ko na yung creamier taste. Sana mas maging maganda ang weather ngayon โบ๏ธ.
Kalan De Uling ๐ฅ Gumagamit din ba kayo ng kalan de uling sa pagluluto? Kami kasi ay oo, kapag wala ng gasul at nagtitipid sa paggamit ng electric stove. Kapag kasi matagal ang lulutuin makonsumo sa kuryente yung electric stove kaya nataas ang electric bill namin. Katatapos lang kasi magluto ng ulam namin at ayan may baga pa ng apoy yung kalan kaya pinucturan ko. Pero bata pa lang ako alam ko nagamit na din kami ng kalan de uling. Ang sarap pa sanang mag ihaw ng barbeque kayaโฆ
Mogu-Mogu Grape Flavored Drink ๐ Siguro naman halos lahat tayo ay familiar sa mogu-mogu drink ๐ค. Ang sarap kasi nito dahil may nata de coco pa na kasama. This time nag try ako ng grape flavor dahil ito yung hindi ko madalas binibili. Masarap din naman at so refreshing to drink din. Medyo mahal nga lang at 49 pesos ang bili ko sa ganitong kaliit na inumin hehe. Gusto ko sana yung 1 liter kaya lang ang mahal na nun hindi kaya ng budget ko haha.
Bistek na Tilapia ๐ Nakaluto na kami ng hapunan โบ๏ธ. Pero mamaya pa kami kakain sadyang inagahan lang ang luto para wala na masyadong gagawin mamaya. Nilagyan din ng siling berde para may konting anghang sa panlasa. Ito yung luto na may toyo at sibuyas, madalas sa karneng baboy ito ginagawang luto. Naglalaban din yung alat at tamis nito at pinatakan din ng katas ng calamansi. Promise masarap ang lasa niya dahil tinikman ko na yung sabaw hehe.
Milk for today ๐ฅ I preferred to drink milk for now instead of coffee. Nagpapalakas kasi ako at sasabak ako sa labahin mamaya ๐ . Maaga ako gumising para maaga makapag umpisa maglaba. Pero syempre breakfast muna ang uunahin ko ๐. Good morning nga pala sa inyo. Maaga ako natulog kagabi kasi antok na ako kaya di ko na pinilit magpuyat. Ang result naman maaga ako gumising. Sana maaraw ngayon para maibilad ko ang mga lalabhan ko na damit.
Laundry Finished! ๐งบ Nakakapagod din talaga ang maglaba nakakangalay sa braso yung magpiga, magkusot at magbanlaw ๐ . Syempre after magbanlaw binabad ko muna yung nilabhan ko sa Downy (fabric conditioner) para naman mas mabango ang damit mainitan man o hindi. Natapos na din ako magsampay at kaunti lang naman ang nilabhan ko today. Kaya naman ngayon may time na ko tumambay dito sa noise ๐ฅฐ.
Dalandan na Maasim/Matamis ๐ Bili na po kayo ng dalandan piso lang isa ๐. Nanguha kami dun sa tanim na puno ng pinsan ko. Ang dami na kasing bunga at pwede na mag harvest. Sawa na kasi sila dito kaya pinamigay nalang sa amin. Asin lang ang katapat nito at pwede din naman gawing juice ๐. Pero mas gusto ko kainin lang ito tapos sawsaw sa asin. Nangangasim tuloy ako ngayon haha. Tara po kakain ng dalandan. Buti nalang nakalibre pa ng prutas ngayon at hindi na kailangan paโฆ
Pancit with tokwa & patola ๐ Luto na po ang dinner namin at mamaya lang ay kakain na kami. Nagulat kayo at ang aga namin magluto ng dinner ano hehe. Gusto lang namin mag dinner ng maaga para mamaya more time na gumawa ng ibang bagay at tumambay na din dito sa noise. Para maiba ang pancit ay nilagyan namin ng patola at tokwa. Masarap din naman po ito kaya try niyo din kung magluluto kayo sa susunod ng pancit.
Pansedal kayo diyan ๐ค Pandesal kapartner ng kape tuwing almusal. Dahil maaga ako nagising kanina kaya nagpunta ako sa bakery para bumili ng pandesal. Mainit pa yung tinapay kaya ang sarap nito kainin. Masarap na palaman nito ay keso, cheese spread o peanut butter ๐. Gising na po para maging blessed ang inyong Sunday morning ๐ฅฐ. Ang ganda ng gising ko ngayon dahil kumpleto ang aking tulog.
Marinated Chicken ๐๐ Kailangan na mag prepare for lunch. Inuna ko muna i-marinate yung chicken para kapag pinirito ay mas masarap at crispy ito. Mas masarap pa to sa chicken ng Jollibee at Mcdo ๐. Masarap sana kung may gravy sauce pero ketchup lang ang meron kami dito kaya yun nalang hehe. Mamaya mangangamoy fried chicken na sa kusina namin. Patatakamin ko din yung kapitbahay namin ๐คฃ.
Crispy Fried Chicken ๐ Iyan po yung result ng niluto ko kanina na fried chicken. Tustado pero di sunog ๐ . Achieved naman yung crispiness at juicylicious ng chicken. Daig ko pa ang kumain sa Jollibee, Mcdo, KFC, Chowking, Mang Inasal at marami pang iba ๐คฃ. Hindi naman sa pagyayabang pero masarap nga yung lasa ng fried chicken na yan kaya after ay buto nalang talaga ang natira ๐ . Kung tatanungin kasi ako mas gusto ko ang prito na manok kaysa inihaw ๐.
Oishi, Spicy Flavor ๐ถ This ia a prawn crakers and it is somehow spicy. Tamang kain lang ng chichirya ngayon habang nakatambay sa harapan ng bahay. Ang init kasi sa loob ng bahay eh. Umulan nga kanina pero ang init naman ngayon. Bukas Monday na ulit back to work at school na ang karamihan ๐. Sulitin niyo na ang pag gagala ngayon haha. Ang hirap ng ganitong walang magawa ang boring ๐ .
Calamansi Juice ๐น Good morning! Happy Monday sa inyong lahat ๐ค. Gumawa ako ngayon ng calamansi juice. Piniga ko muna yung katas ng calamansi at titimplahan ko ito ng asin at asukal. Palalamigin ko din muna ito sa ref para mas masarap inumin mamaya. Dapat kahapon ko pa ito gagawin kaya lang tinamad ako ๐ . Maigi rin ito para sa sipon at ubo dahil mayaman ito sa vitamin c ๐.
Laman ng wallet ko ๐ ๐ Kapag talaga nabaryahan ang buo na pera ay ang bilis maubos haha ๐คฃ. Alam ko nakaka relate din kayo. Kahit barya napaka importante na ngayon kaya kapag may sukli sulot agad sa pitaka. Kapag bumili ka agad na yan maglalaho sa wallet haha. Parang nilipad lang ng hangin sa bilis. Ramdam na talaga ang epekto ng inflation ngayon. Ang baba na din kasi ng value ng peso kontra dolyar. Kaya dapat sipag at tiyaga lang para kumita ng pera araw-araw.
Two Types of 20 pesos in the Philippines ๐ฐ๐ต Saan ba kayo mas nagagandahan sa 20 peso coin or bill? Para sa akin maganda naman yung 20 peso coin pero bihira lang ako makakita ng ganyan dito sa amin. Ang problema lang sa coin ay mabigat sa wallet kung puro ganyan ang laman diba ๐ . Imagine sa pasko kung may magbibigay ng aginaldo tapos puro bente na coin diba hassle dalhin sa bulsa at mabigat ๐คฃ. Pero compared naman sa papel na 20 pesos ay mas tatagal naman yung coin.
Kopiko Blanca โ Good Morning! Tara uminom ng kape para magosing ang ating diwa ๐ค. Ang lamig ngayong umaga kaya nakakatamad pa bumangon sa kama. Pero hindi pwede pairalin ang katamaran kaya dapat bangon na. Syempre huwag dapat kalimutan na kumain muna ng almusal bago dumeretso sa trabaho, eskwela o gawaing bahay. Kailangan maging masipag para buhay ay guminhawa ๐ฅฐ.
Sinigang na Tilapia sa Kamias ๐ฒ Maaga nakapagluto ng ulam namin ngayon. Bagay na bagay ang sinigang na ito sa malamig na panahon. Sarap din nung asim ng kamias na ginamit ๐. Ngayon pa lang nagsaing ng kanin kaya wait muna maluto iyon at maaga kami kakain ng lunch ngayon ๐ . Siguradong mamaya aantukin ako nito dahil malamig ang panahon tapos busog pa. Nakapagluto na din ba kayo ng inyong lunch? ๐ค
Snacks are ready! ๐ Kapag maulan masarap kumain ng kumain haha. Nakakagutom kaya ๐ , kahit naulan pumunta talaga ako sa tindahan para bumili nito. Nag crave kasi ako sa softdrinks at chips ngayon eh. Pero hindi lang naman ako ang kakain nito haha syempre i-share ko din sa kasama ko dito sa bahay. Kanina kulog lang ang meron pero ngayon pati kidlat na rin hays kakatakot eh ๐คฃ. Ayos lang naman umulan pero sana naman wala ng kidlat na kasama pa.
Affordable Air Freshener ๐ฅฐ Bumibili din ba kayo ng air freshener sa inyong bahay? Kami kasi ay oo, mura pang ang bili ko dito 25 pesos lang ang isa. Lemon scent ang pinili ko dahil favorite scent ko iyon. Mabango naman at kapag nahangin kumakalat yung fragrance nito. Parang gulaman na makunat yung laman niya ๐ . Natuwa lang ako picturan para may content ako ngayon haha ๐คฃ. Tigil na ang ulan pero umaambon ng konti. Ang lamig nanaman mamayang gabi, ang sarap magpuyat esteโฆ
Thank You for the Donations I received today. I may not know whose behind this but let me extend my heartfelt thanks to all your generosity. May God Bless all of you ๐ฅฐ. I am surprised about this notifications in my wallet. I really appreciate it whole heartedly โค.
I Received Donations in Noise.App โค I was surprised that there are some anonymous senders of donation in noise.app. I am so happy to get this and I am also thankful to those generous people there. I just keep on being active there too sinced it was launched. I am grateful to that amazing platform ๐ฅฐ. I wish all the best for noise.app also just like here in noise.cash.
Bear Brand Sterilized Milk ๐ฅ๐ Before anything else let me greet you a Happy Wednesday ๐ค. Kahapon bumili ako ng Bear Brand Sterilized Milk at ito ang iinumin ko ngayon. Pahinga muna ako sa pag inom ng kape hehe. Marami ang nagsasabi na maganda daw uminom ng strelized milk lalo na kung ikaw ay napapagod. Yung lasa naman nito ay kaparehas lang din ng ordinary milk drink pero mas malinamnam siya. Medyo may kamahalan nga lang ang ganitong gatas pero sulit naman sa nutrients naโฆ
New Washing Delivered! ๐ฅฐ Ang saya ko dahil dumating na ngayong umaga yung order ko na single tub washer. May bago na din kaming washing na magagamit ๐ฅฐ. Iingatan din namin ang paggamit dito para tumagal din siya gaya nung luma naming washer. Gaganahan din maglaba nito si Mama ๐. Ang sarap sa feeling kapag may mga napupundar ka na gamit sa bahay galing sa sariling bulsa mo ano. Na testing din namin at gumagana naman ng maayos ๐ฅฐ, ang bait din ni kuya na nag deliver at ang agaโฆ
Bawal Muna Utang! ๐ Ayan agad ang napansin ko dun sa tindahan na binilhan ko kanina. May nakapaskil na "Bawal Muna Utang" ๐. Siguro marami dati ang nautang sa tindahan na iyan kaya yung tindera nagpaskil ng ganyang karatula. Mahirap din naman kasi ang maningil diba pati pinapaikot lang ng mga sari-sari store owner yung pinagbentahan nila para makabili ulit ng paninda. Meron din naman kasi iba na nakakalimot magbayad ng utang at wala pang kusa. Okay lang naman kung walangโฆ
Dilis at Balaw-balaw ๐ Simplehan muna namin ang dinner ngayon. Pero ang ganitong dinner ay napakasarap. Wala nga lang kamatis kaya suka nalang ang sawsawan nito. Sa mga hindi nakakaalam kung ano ang balaw-balaw ay iyan po yung maliliit na hipon. Parehas masarap iyan na ulam tuwing umuulan ๐. Tipid man na ulam pero ang sarap ay di tinipid ๐. Tara po at kumain na ng dinner ngayon.
I just want to sa good night for now. I feel so sleepy and I need to sleep. I just want to take this opportunity to thank those generous users who are actively sending some donations here ๐ฅฐ. May God Bless you all.
Coffee โ and Palabok ๐๐ Happy Thursday Everyone ๐ค Cheer up! Bago pa man magsimula sa mga gawain ay ugaliin na kumain muna ng masarap na almusal para naman may energy ngayong umaga. My breakfast for today is coffee and palabok, still a great combo ๐. Tara po at sabayan niyo na ako mag breakfast ngayon. Maaga ako nagising dahil nilalamig ako ๐ . Sana ay maging maayos ang araw na ito para sa ating lahat.
Our Electric Bill is now 2X higher ๐ฅ๐ฑ Compared to last month billing our Electricity consumption is much higher. This is only for the month of September ๐. 3,268 pesos ang babayaran namin sa kuryente jusko po. Nakakapagtaka naman kung kelan kami nagpapatay ng ref at nagbawas sa pagbukas ng electric fan tsaka naman tumaas ng sobra ang bill namin. Hindi ko alam kung anong klase ang pag reading nila sa metro namin huhuhu. Wala nga kaming aircon sa bahay tapos ganyan pa kalakiโฆ
Ready na snacks ko ๐ Kapag ganitong maulan mabilis ako magutom. Pwede na ito pantawid gutom at kailangan magtipid muna. Nakita niyo naman siguro ang post ko kanina about dun sa electric bill namim sobrang nakakalula sa taas ๐ . Back to meryenda gusto ko din ang fudgee bar dahil hindi nakakaumay ang chocolate flavor nito. Nag try din ako matulog kanina pero hindi ako makatulog kaya pumikit lang ako hanggang sa makaramdam na ng gutom hehe.
1st Photo ๐ธ May ayuda na bigay para sa akin si coins.ph dahil nag trade ako ng crypto nung September 5 ng worth 100 pesos. Kaya ayan may cashback ako natanggap sa aking XRP wallet address. Maliit man yan pero laman din sa wallet yan at libre lang nakuha kaya thankful na din ako. 2nd Photo ๐ธ Ang ulam po namin ngayon ay tokwa't baboy ๐. Ang sarap nito bili namin sa karinderya po. Tinamad na magluto kanina kaya ayan bili nalang ng ulam na luto na. Oh kain na muna tayo atโฆ
Thank you very much for these donations ๐ฅฐ. Don't worry because I won't get tired also sharing donations too to deserving users here. I know that sharing is good and it feels better that I can also do something in return. I just wish that this platform will stay longer so that everyone of us would benefit from it. Have a great night ๐ฅฐ.
Choco-Coffee โ๐ It's Friday again ๐ค. Let's welcome this morning with a big smile โบ๏ธ. My drink for today is choco-coffee. Gusto ko din ang lasa nito kasi hindi matapang yung lasa ng kape nito. Ang sarap kapag naiinitan ang sikmura sa umaga. Iisip pa ako ng bibilhin ko na almusal dahil kanina lang ako gumising at tinatamad pa lumabas ng bahay para bumili ng almusal. Bakit nga kaya tuwing Friday ay mas nagiging energetic tayo ano hehe. Dahil siguro weekend na ulit kaya masayaโฆ
A beautiful rose ๐น Ano kayang tawag sa ganitong klase ng rose? Nakita ko kasi ito sa kapitbahay namin nakatanim dun sa gilid ng bahay nila. Gusto ko sana pitasin kaya lang baka magalit sa akin haha. Combination of red and yellow color ang petals nito. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong rose. Baka alam niyo po tawag sa ganitong rose. Ang ganda kasi nung kulay niya parang pininturahan lang hehe. Feeling photographer tuloy ako kanina at nakailang kuha ako dito hanggang sa itoโฆ
Kwek-Kwek for Snack ๐ Oras na para kumain ng meryenda ๐. Dahil kanina pa ako nag crave sa kwek kwek kaya naghanap talaga ako ng mabibilhan nito dito sa amin. Swerte ko naman at naka pwesto na sa may kanto yung nagtitinda ng kwek-kwek kaya heto napabili ako ng worth 40 pesos na kwek-kwek. Ang nilagay ko na sawsawan ay suka at sweet sauce. Nagtataka lang ako bakit kaya kulay orange ang kwek-kwek pwede naman dilaw, pula or blue haha.
Ginisang Ampalaya ๐ Maulan na gabi sa inyong lahat, ang lamig na ulit at bumubuhos na ang ulan. Syempre ready na din ang aming dinner kaya kakain na muna kami. Bitter man ang dinner namin pero walang bitterness ang hatid nitong sarap. Masustansya pa ito kaya dapat mas kainin. Kumakain din ba kayo ng ampalaya? Hindi lang ako sure kung saang nutrients mayaman ang ampalaya. Sana kayo rin ay may dinner na ngayon ๐ค.
Happy Weekend! ๐ค It's Saturday morning and I am still sleepy because of the cold weather. Ang simoy ng hangin ay parang pang pasko na hehe. Ayoko pa bumangon dahil giniginaw pa ako ๐ . Relax at enjoy lang natin ang weekend na ito para naman pahinga din tayo sa stress muna. Mamaya maglalaba ako kaya sana makisama naman ang sikat ng araw ๐. Pero bago ako maglaba mag almusal muna ako para naman may energy habang naglalaba ๐ . Good Morning!
Giniling na karne with patatas ๐ฒ Nakaluto na si Mama ng lunch namin para mamaya. Ako naman magbabanlaw nalang ng damit na nilabhan ko. Masarap mag ulam din ng may sabaw eh. Para mas sumarap nilagyan din ng konting dahon ng malunggay. Pero mamaya pa kami kakain ng lunch dahil mga busog pa naman at kumain naman kami ng almusal kanina. Para din akong tinatamad na ewan ngayon, alam niyo yung wala ako gana pero patuloy pa din kumikilos ๐ . Oh sadyang ganito lang kapag may problemaโฆ
Ice cream muna tayo ๐ฆ Ang tindi ng init ngayong hapon, akala ko nga uulan kanina dahil maulap pero ngayon biglang araw naman. Syempre ako nalang mag adjust sa panahon ๐คฃ. Ube and Cheese ang flavor nitong ice cream. 10 pesos lang ang bili ko dito pero sulit na din sa dami ng scoops. Ito yung tinatawag na "Dirty Ice Cream" sa Pinas pero hindi naman literal na madumi ito ewan ko lang kung bakit dirty ice cream ang tawag. Mas affordable kasi ang presyo nito kaysa yung nabibili saโฆ
๐ธ Beautiful Tiny Flowers ๐ธ I captured another beautiful flower that I don't even know what it is called. Ang cute lang pagmasdan at ang ganda ng color. Nasa likod bahay na tanim namin iyan at kanina ko lang nakita na namulaklak na pala. May mga flowers na bago pa lang sisibol at parang maliliit na cherries dahil sa color red siya. Ang saya sa feeling kapag may namulaklak na tanim ๐ฅฐ.
A simple breakfast ๐ Good morning! Blessed Sunday to all of you. It is raing here again that's why it is very cold this morning. My breakfast for now is just a simple meal, egg, hotdog and rice. I will also make a cup of coffee โ. Maaga nga pala ako natulog kagabi dahil walang internet ang Globe Telecom kaya inantok na ko kakahintay ma restore yung signal. Akala ko nung una sim card ko ang may problem pero nung nag check ako sa fb page ng Globe using free data mode ayโฆ
Kapag may sinuksok, May madudukot ๐ต Kailangan ko na muna kumurot ng konti sa naipon ko sa aking coins.ph. Idadagdag ko kasi iyan pang bayad sa electric bill namin. Nasa 3k pesos kasi ang kailangang bayaran kaya no choice ako kundi bumawas muna dun. Yung pera parang tinangay lang din ng bagyo sa sobrang bilis mawala ๐ . Kailangan ko na muna siguro mag relax at medyo na stress ako lately. Ayoko na lang din mag focus sa problema mas gusto ko mag focus nalang sa masasayang bagay.
Get Ready for Super Typhoon Karding ๐ง Mag ingat po ang lahat dahil ngayong gabi inaasahan na dadaan sa ibang lugar ang "Bagyong Karding". Dapat po na ihanda natin ang ating mga sarili at siguraduhin na sapat ang ating kaalaman kapag may mga ganitong klase ng bagyo. Gumawa ako ng mga dapat nating gawin tuwing may malakas na bagyo. 1. Siguraduhin na may sapat na imbak na tubig. 2. Mag charge ng mga gadgets/phones/flashlight. 3. Magtabi ng mga pagkain na madaling kainin gaya ngโฆ
Early preparation for dinner ๐ Maaga kaming magluto ng hapunan at baka buglang mawalan ng kuryente. Dito kasi sa amin kapag ganitong may bagyo at malakas ang ulan ay nawawalan ng kuryente bigla. Mas mabuti na maaga makapagluto at ng maaga fin makakain ng hapunan. Hindi pa naman ganun kalakas ang ulan dito sa amin pero iba na yung ready hehe. Nag full charge na din ako ng cellphone ko para sure na may magagamit in case na wala ng kuryente. Mag ingat po ang lahat at lagingโฆ
Kamusta po sa inyong lugar? Dito po sa amin ay mahina lang po ang ulan at hangin pero nakakabahala pa din dahil walang tigil ang buhos ng ulan. Inaalala ko baka biglang umapaw ang tubig sa ilog at baka bumaha, pero huwag naman sana mangyari iyon. Hindi ako makapag focus dito sa noise dahil balisa ang isipan ko ngayon kaya pasensya na kung hindi ako makapag interact sa inyo ngayong araw na ito. Panalangin ko na sana maging ligtas ang bawat isa sa atin at tumigil na angโฆ
Lugaw with egg ๐๐ฅฃ Good Morning sa lahat ๐. Dininig ang panalangin natin dahil gumanda na ulit ang panahon ngayon. Para umpisahan ang Monday ko ay kakain ako ng masarap na lugaw with egg ๐. Ang sarap mainitan ang sikmura ngayong umaga. Minsan tofu ang pinapalagay ko na toppings sa lugaw kapag masawa ako sa egg. Naway maging masagana ang Monday natin ngayong araw.
I found a Coke Mismo ๐ Nagkakaubusan na talaga sa mga tindahan ang coke mismo. Puro 1 liter, 1.5 liter at 2 liters nalang ang available. Pero nakaswerte ako sa isang tindahan at mayroon pa siya na stock ng coke mismo. Ang mura lang din ng benta niya 17 pesos lang, sa ibang tindahan 30 pesos na ito nabibili. Nauhaw kasi ako paglalaba kanina ng kumot at bed sheet kaya naghagilap ako ng softdrinks pamatid uhaw hehe. Mas gusto ko kasi ang coke kaysa pepsi eh.
Tinola na walang Manok ๐ Ito nga pala ang ulam namin kagabi. Ngayon ko lang na share dito dahil naguluhan ako gawa nung bagyong Karding ๐ . Siguro hinahanap niyo yung manok sa tinola hehe. Wala po talagang manok yan dahil puro papaya lang po iyan. Pero okay lang kahit walang manok kasi may kaulam naman na lumpiang togue. Nagtitipid po kasi kami muna haha kaya hindi bumili ng manok. Masarap pa din naman dahil nilagyan iyan ng chicken knorr cubes para may lasang manok pa din ๐.
Dear Santa Claus ๐ , Santa Claus baka naman mailagay niyo ang Iphone 14 pro max sa isasabit ko na medyas sa bintana namin ๐. Naging nice naman po ako buong taon at hindi naging naughty ๐ . Masipag din naman po ako makipag tsismisan dito sa noise pero never naging pasaway hehe. Santa Clause kung pwede pa po maka hirit baka naman po pwede niyo punuin ang BCH wallet ko po haha. Promise ko po magiging mabait po ako sa ibang tao ๐. Nagmamahal, @ScarletDoll
Champorado with more Milk ๐ฅฃ Tayo ay gumising na at kumain muna ng masarap na almusal. Nagluto ako ng champorado ngayong umaga at nilagyan ko ng maraming gatas ๐. Tamang tama lang ang timpla ko sa tamis nito. Isa ito sa masarap kainin tuwing almusal o meryenda dahil mabilis makabusog. Hindi na muna ako nagkape ngayong umaga dahil solb na ako dito sa champorado para mainitan ang aking sikmura. May pasok na ulit ang mga estudyante kaya siguradong bussy na ulit ngayong umaga angโฆ
I love to eat banana ๐ Nakabili ulit kami ng saging kaya ito ang kinakain ko ngayon. Mahihinog na ng sobra kaya pala mura na binenta sa amin hehe. Kaya naman dapat ubusin agad para di masayang at mabulok ang saging. Kung may blender lang kami gagawin ko din ito na shake o kung may oven kami gagawa ako ng banana bread ๐. Yun kasi ang madalas ko mapanood na recipe for banana. Isa din ang baking sa gusto ko matutunan kasi pwede yun gawing business tapos magpapaorder ako hehe.
Easy to prepare Choco Jelly ๐ Naging bussy ako kanina dahil ito ang pinagkaabalahan ko gawin ๐. Gumawa ako ng choco jelly para sa dessert namin. Bumili ako ng unflavored gelatin, milo, maliliit na sago, asukal at creamdensada. Pinaghalo ko lang sa tubig yung gelatin at milo tapos tinimplahan ko ng konting asukal at niluto ko sa katamtaman na apoy. Nung mabuo na yung choco gelatin ay hiniwa ko into cubes at inihalo ko na yung maliliit na sago at creamdensada. Then nilagay koโฆ
Ginisang Repolyo ๐ Dinner time na po โบ๏ธ. Maaga kami kakain ng dinner ngayon dahil nagugutom na din hehe. Ganito talaga kami madalas maaga kumain ng dinner para mas mahaba ang oras pagpapahinga sa gabi. Pati gusto ko yung deretso dutdot na sa cellphone mamaya ๐. Sana malamig ang gabi ngayon para mahimbing ulit ang tulog ko. Kamusta naman po kayo? Sana ay may nakaready na rin kayong dinner para mamaya.
Prayer ๐๐ป before I sleep ๐ด Dear God, Thank you for being with us for this whole day. Thank you for guiding us and making sure that we are all safe while doing our daily tasks. I am so grateful that no matter what you are able to protect each and everyone of us. I am also thankful for all the blessings you've given to my family. Thank you for the strength, courage and love. You are the best of the best. Amen ๐๐ป.
Creamy Sopas ๐ฅฃ๐ Good morning! It's wednesday already and we are now at the middle of the week ๐ค. Nagluto kami ngayon ng sopas ๐. Carrot at repolyo lang ang gulay niyan. Nilagyan din ng hotdogs at ginisa sa cornedbeef. Para mas malinamnam ang sabaw ay nilagyan namin ng isang lata ng evaporated milk โบ๏ธ. Napakadaling lutuin at ilang minuto lang ay luto na ang masarap na sopas. Pila lang po ang mga gusto sumandok ng sopas hehe.
Pork Humba ๐ Bumili nalang kami ng lutong ulam sa karinderya dahil tinatamad magluto ngayon at madaming ginagawa ๐ . Sure naman ako na masarap ito dahil dun ko binili ito sa suki naming karinderya. Kamusta po ang umaga ninyo? Grabe ang init dito sa amin ngayon pero ayos lang kaysa naman umulan ulit. Na bussy lang ako kanina at may inasikaso lang hehe. Pero dahil may ulam na kami para mamaya ay ito ako ngayon tambay muna dito sa noise.
Cute little leaves ๐ฑ Hindi ako sure kung lumalaki ba ang dahon nito or sadyang ganyan lang kaliit ang halaman na ito. Natuwa lang ako picturan kaninang umaga dahil yung kulay ng dahon niya ay green at white. Inalisan ko din ng tubig yan kanina dahil punong puno dahil malakas ang ulan kagabi. Sana mas dumami pa ang dahon nito para mailipat na sa mas malaking paso. Kapag halaman takaga ang ganda picturan ano po kahit wala ng filter na gamitin sa camera.
Ginataang Kalabaw ๐ Kumakain din ba kayo ng kalabaw na karne? Maitim yung laman nito at matagal din palambutin. Masarap din siya at malinamnam ang lasa. Luto ito ng aking Lola kaya nabigyan din kami. Nakatipid kami sa ulam ngayong hapunan dahil no need na bumili pa. Nag uumpisa na din unulan dito sa amin at kanina pa nakulog at kidlat. Malamig nanaman ngayong gabi kaya mapapasarap ang aking tulog ๐ฅฐ.
Appreciate your Progress ๐ฅฐ Tonight I want to congratulate you because you made it again to overcome a set of challenges. It is not an easy thing yet you still handle to focus on your goals. Even if there is a slow progress in your self remember that every small progress do counts. Now it is time to give your self an enough time to rest in order to regain your strength. You did very well today ๐ค. Good night and sweet dreams ๐ด.
Hot Choco and Pandesal ๐ Isang magandang umaga sa inyong lahat. Ito ang aking almusal ngayon hot choco โ at pandesal. Wala akong maipalaman sa pandesal dahil naubusan na ng peanit butter sa tindahan ๐ . Dibale sawsaw ko nalang sa hot choco yung pandesal para magkalasa. Nagising ako kaninang madaling araw dahil giniginaw ako nakalimutan ko pala magkumot haha. Thursday na pala ngayon pero bakit feeling ko weekend na agad haha. Siguro tinatamad lang ako kaya ganun ๐คฃ. Excitedโฆ
Menudo ๐ฅ Bigay ulit ito ni Lola kaya naman konti nalang ang lulutuin namin sa lunch mamaya pandagdag sa ulam hehe. Napakasarap pa man din niya magluto ng menudo kaya sure ako mabilis mauubos ito mamaya. Madalas niluluto ang menudo kapag may espesyal na handaan gaya ng fiesta. Nagpapasarap sa menudo yung atay at tomato sauce nito. Sarsa pa lang ng menudo pang ulam na sa kanin. Medyo may kamahalan nga lang din ang ulam na ito dahil maraming lahok ang kailangang bilhin.
Noise.cash & Noise.app ๐ฅฐ Siguro nakakarelate din kayo dito ๐. After mag update dito sa noise.cash ay lilipat naman ako sa noise.app tapos lipat ulit dito sa noise.cash then lipat ulit sa noise.app. Minsan nga nalilito na ako sa ginagawa ko haha. Ayoko kasi matambakan ng unread posts sa noise.app kaya kapag kaya ko bumisita dun ay gagawin ko. Ayoko rin naman maging inactive sa noise.cash kaya kinakaya ko pagsabayin itong dalawa. Pero ang balita darating ang time magiging isaโฆ
I saw a lizard ๐ฆ Lizard or what we called "Butiki" in tagalog. Lagi ako nakakakita nito sa bahay namin madalas lumalabas sila tuwing hapon at gabi. Kulay gray or brown ang butiki na madalas makita sa bahay. Kapag may mga gamu-gamo or maliliit na insekto ay palagi silang nalabas para kumain. Mabilis at maliksi kumilos ang mga butiki kaya kanina dahan dahan ko kinunan iyan ng picture at naka zoom ang camera ko dahil kapag nilapitan ko yan ay tiyak tatakbo agad palayo.โฆ
I Feel so Tired, I Feel so Sleepy, I Feel so Drained, I Feel so Empty, I Feel so Sad, That's how I feel right now. I think I need some plenty of rest too. Take a break from using social media platforms. I don't actually know what to do next. My mind is like a blank space now. I can't find any excitement and spark in my eyes. I hope tomorrow everything will get back to normal.
Fried Rice in the morning ๐ Good Morning! ๐ค Finally it's Friday again ๐ฅฐ. To make it more a special day I cooked a simple fried rice. I just added some garlic, sliced spring onion and hotdogs to it. Kahit wala ng kaulam ito ay pwede na din hehe. Nakakagana kasi kumain kapag fried rice kaysa plain rice diba. Kagabi sobrang pagod ang naramdaman ko kaya I decided na matulog nalang ng maaga at huwag na magpuyat. This morning I feel better than last night ๐ฅฐ.
Kanina nung nabili ako sa tindahan ay may mga pumarada na Grabfood at Food Panda riders. Nag promote sila ng Mcdo Delivery. Meron tumigil sa may tindahan na dalawang Food Panda Riders at bumili ng sigarilyo sandali. Biniro nung tindera, sabi niya "May pinamimigay ba kayo na Mcdo foods?" ๐ . Ang sagot naman nung dalawang riders ay "Wala po eh, ito lang po" sabay abot nitong flyers sa amin. Napatawa nalang kami nung tindera hahaha ๐คฃ. Akala ko naman may pa burger sila haha.
Custard Cake ๐ฎ Kain na muna tayo ng meryenda ๐. Meron ako ditong custard cake na masarap. Ito yung klase ng bread na malambot yung tinapay sa ibaba tapos sa itaas ay may leche flan. Super sarap nito kapag inilagay sa ref at lumamig ๐. Bawal muna ako sa softdrinks kaya tubig nalang ang panulak ko dito hehe, tipid na healthy pa. Hindi ako makatulog ngayon kaya kakain nalang muna ako dahil nakakaramdam ulit ako ng gutom.
Plant can give you happiness too ๐ฅฐ That is proven and effective, kaya nga nung nag lockdown isa ang paghahalaman sa mga nausong gawain noon. Yung iba nga sa pagiging obsess ay nag collect pa ng mga mamahalin na plants. Pero itong mga halaman namin sa bahay ay bigay lang din ng mga mababait namin na kapitbahay. Nagandan din ako sa dahon na ito kaya pinicturan ko kanina. Marami din ako nakikita dito na mga certified plantito at plantita hehe. Ako naman wala masyadong alam saโฆ
Friday + Payday = Party! Party! ๐ฅณ Nag happy-happy siguro ang karamihan ngayon ๐ , walwalan dito walwalan doon. Ako nung first job ko ganyan ang gawain ko kaya wala akong ipon noon eh. Puro gala ang inatupag ko pero hindi na ako ganyan ngayon dahil mas pinapahalagahan ko na ang bawat pera na meron ako. Nag treat din naman ako sa sarili ko at nagala pa din minsan pero bihira nalang. Mas priority ko kasi ngayon ang makapag ipon para sa future ko.
๐ข Noise.app is now available at Playstore ๐ฑ Check out "Noise" https://play.google.com/store/apps/details?id=app.noise Ngayon ko lang din nalaman yan sa kapwa noisers natin. Avilable na nga sa playstore yung sinasabi na app ng noise.app. Kaya naman hindi din ako magpapahuli na mag download niyan. I am not sure kung available din sa apple store iyan pero check niyo din. Nakakatuwa dahil sa 1st day ng October ay may update agad ang noise.app team. Download na din kayo ๐.