Kwek-Kwek for Snack 😋 Oras na para kumain ng meryenda 😋. Dahil kanina pa ako nag crave sa kwek kwek kaya naghanap talaga ako ng mabibilhan nito dito sa amin. Swerte ko naman at naka pwesto na sa may kanto yung nagtitinda ng kwek-kwek kaya heto napabili ako ng worth 40 pesos na kwek-kwek. Ang nilagay ko na sawsawan ay suka at sweet sauce. Nagtataka lang ako bakit kaya kulay orange ang kwek-kwek pwede naman dilaw, pula or blue haha.
16 comments
Ay nag snacks na ang ale. Makabili nga din
Nagcrave tuloy ang sikmura ko sa kwek-kwek
Bili ka na din po nito 🤗
Wow! I love that!
All time favorite food trip.
Na gutom na ako, kasi hapon na pala, need na namin maghanap ng snack, sarap naman niyan.
Habol na po kayo sa snack time hehe.
Ilang araw na ko nagkicrave dyan sa kwekkwek kaya lang di ko matyempohan yung suki ko sa street foods.
Masarap din yung fishball at kikiam 😋
How is the taste? Sweet? Spicy?
sanaol masarap ang meryenda. talaga may blue na kwek2x? matry nga iyan
Haha, daming tanong e. Kainin mo na lang haha. Penge ako. Charooot. Magandang hapon.
Kanina nag hahanap din ako NG may suka kasi ang pait ng panlasa ko. Wala lamg akong nakita
katakam naman, sis!
gusto ko nito waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa
Meron yarn napanood ko sa 7 mga student nagbebenta nyan may red,blue,gree para daw agaw pansin sa mga bata ang ganda nga parang Christmaball ahaha