read.cash Log in
@ScarletDoll more from that month

My Version of Corndog πŸ˜‹ Nag-iisip ako ng masarap na meryenda kanina kaya nag search ako ng masarap at madaling lutuin na meryenda sa youtube. Nakapanood ako kung paano gawin ang Corndog at madali lang naman. Ito nga pala ang mga ingredients na ginamit ko para sa corndog. 1 pack half long cheese hotdogs 3 cups All purpose flour 2 tbsps. Bread Flour 2 whole eggs 1 tsp sugar A little dash of salt 1 small can milk Cheese cut into cubes Small pack of bread crumbs Cooking oil Pinaghalo ko lang yung all purpose flour, bread flour, sugar, salt, eggs at milk. Dapat medyo malapot ang texture parang yung kagaya sa pancake. Tinugog ko sa stick yung hotdog at sa dulo nilagyan ko ng cheese. Nilubog ko dun sa mixture ng flour at pinagulong ko dun sa bread flour. After that nagoainit ako ng mantika sa kawali at pinirito ko na yung corndog. Wait lang na mag golden brown at luto na ang masarap na corndog.

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.