Easy to prepare Choco Jelly π Naging bussy ako kanina dahil ito ang pinagkaabalahan ko gawin π. Gumawa ako ng choco jelly para sa dessert namin. Bumili ako ng unflavored gelatin, milo, maliliit na sago, asukal at creamdensada. Pinaghalo ko lang sa tubig yung gelatin at milo tapos tinimplahan ko ng konting asukal at niluto ko sa katamtaman na apoy. Nung mabuo na yung choco gelatin ay hiniwa ko into cubes at inihalo ko na yung maliliit na sago at creamdensada. Then nilagay ko muna sa ref for about 1 hour para lumamig.
19 comments
ang sarap yan sis ah, pa try nga next time. enjoy sa snacks nyu.
Sobrang enjoy talaga ako kainin ito hehe.
Oo nga easy to prepare lang talaga mga ganito sis.. sakto sa mainit na panahon..
Perfect dessert nga ito π
Ang sarap niyan lalo na ngayong mainit na naman ang panahon.
Nangalahati na nga agad π
Aba ang galing naman masubukan nga minsan
Para lang din coffee jelly.
Akala ko coffee jelly sis choco jelly pala yan.Ang na try ko pa lang coffee.
Perfect eto sa mainit na panahon. Sarap nmn.
Ayown masawap yarn pa food panda mo nalang sis ahaha
Masarap nga po yang ginawa niyo, nakakabusog ang masarap na dessert.
Ang sarap naman nyan mate. Gusto ko din
Parang gusto ko sumadok sis, hahaha grabe ung init dito samin walang coke kaya masarap yan pampalamig
Ay favorite ko yan,sarap naman niyan mate
Masarap nga naman ito sis gustong gusto ng mga bata at matatanda nakatipid pa :)
Sarap ng coffee jelly. Gusto ko mag try nian kaso wala kame ref hehe
wow thats so yummy
Ang sarap naman po nyan mam. bagay na bagay po yan sa mainit na panahon. enjoy po