Bawal Muna Utang! π Ayan agad ang napansin ko dun sa tindahan na binilhan ko kanina. May nakapaskil na "Bawal Muna Utang" π. Siguro marami dati ang nautang sa tindahan na iyan kaya yung tindera nagpaskil ng ganyang karatula. Mahirap din naman kasi ang maningil diba pati pinapaikot lang ng mga sari-sari store owner yung pinagbentahan nila para makabili ulit ng paninda. Meron din naman kasi iba na nakakalimot magbayad ng utang at wala pang kusa. Okay lang naman kung walang pang bayad basta makipag usap sana ng maayos diba.
12 comments
tama ka sis, if hindi mag babayad ang nag utang wala naman paninda yung tindera kawawa naman yung tindahan niya.
Konti lang din ang tubo nila sa paninada eh.
Ay oo nga magkano lang naman tinutubo sa paninda, kaya pagnagpautang kasama pati capital, lugi na
Pero kami dati nakakautang naman sa ibang tindahan kapag talagang kapos sa pera.
Pwede naman magpautang wag lang tagalan ang pagbayad kasi pinapaikot lang ang kapital niyan para tumubo. Kaya nagpaskil siguro nasa pautang na ang sanang ibili niya ng paninda.
Hahahaha naku sis mukang nadala napong tlaga yan kaya talagang nag paskil na yung may Ari
Pautang nga sis . Haha.
May saris sari store ako dati sis, Kaya relate ako diyan, mahirap talaga pag madaming utang, tapos konti lang din ang profit, mahirap makabawi pag pending ang capital.
Kaya nga parang ayoko ng ituloy yung sari-sari store koπ
Tama yan kulang pa yong words"BAWAL UTANG BUKAS PWEDE"tas isabit mo ulit bukas ahaha
mahirap na ding mag pautang sa mahal ng bilihin luging luging na sila papautang paπ
Naiintindihan ko din naman sila kaya ayaw nila magpautang.