Good afternoon guys, nagmeryenda na ba kayo? Ako eto ngayon pa lang. Oatmeal ang meryenda ko. Bawal muna mga fatty foods at yung mga may mantika baka tumaas ang bp. Kaylangan din mag ingat sa mga kinakain. Mahirap talaga kapag highblood.
Joined 22 October 2022 · 204 posts
FRIENDLY
120 KT
0 KT received · 0 KT given
Good afternoon guys, nagmeryenda na ba kayo? Ako eto ngayon pa lang. Oatmeal ang meryenda ko. Bawal muna mga fatty foods at yung mga may mantika baka tumaas ang bp. Kaylangan din mag ingat sa mga kinakain. Mahirap talaga kapag highblood.
Good day guys kain tayo ng lunch. Maulan ngayon kaya medyo malamig ang panahon. Eto ang food namin today, tuna at lettuce and cucumber. Dahil mataas ang bp ko kaya iwas muna sa fatty foods at mamantikang pagkain. Dapat nutritious food ang lagi nating kainin. Ang hirap talaga kapag high blood, maraming bawal.
Good morning guys happy weekend. Share ko lang itong nabasa ko sa twitter kanina. Totally agree ako dito. Kung meron man tayong gustong mangyari sa life pero hindi pa pinahihintulot ni Lord, hindi ibig sabihin nun ay ayaw Nya iyon ibigay sa atin, kundi maaring may iba Syang plano para sa atin o may ibibigay Syang mas higit pa sa ninanais natin. O di kaya hindi makabubuti satin ang hinihingi natin kaya pinoprotektahan Nya tayo. O pwede ring hindi pa ito ang tamang time para sa hinihingi natin. God's plan and timing is better than our own plans. Magtiwala lang tayo palagi sa Kanya. 🙏
Hi guys dahil busy sa work late na ko nakapagmeryenda. Maglu-lunch na rin eh. Kumain lang ako ng 2 bread ngayon at etong Goya ang palaman ko. Masarap pala ito, di naman sya gaanong matamis. Mas ok pa nga sakin ito kesa sa nutella. Ang mahal din ng nutella eh.
Gym time! After ng work dito naman ako sa gym para magworkout. Kahit medyo pagod sa work, nag gi-gym pa rin ako masarap kasi sa pakiramdam kapag pinagpapawisan. Mas lumalakas ako. Importante talaga may physical activities sa araw araw. At ang maganda pa nito naibalik ko na ang dating katawan ko. Tumaba na kasi ako noon lalo na nung nag pandemic. Kaunting lakad lang hinihingal na ko. Ngayon kahit mahabang lakaran ok na ok sakin. Nakakajogging din ako at minsan nakakapagbike.
Good morning guys, dahil may pasok maaga uli ang gising. Mag breakfast muna tayo. Meron kaming pandesal dito at etong cheez whiz na favorite kong palaman sa tinapay. Nakabili ako kahapon nito sa grocery. Nagsasawa na ko sa peanut butter kaya yan naman cheez whiz. Tara po breakfast po tayo. :)
Good eve guys, nag dinner na ba kayo? Ako kakatapos ko lang. Pero yang nasa photo, meryenda ko yan kanina nung nasa school kami. Ang dinner ko ay suman. Now ko lang naipost kasi yang food namin, sobra kasing busy kanina sa work. Kaya ngayon lang din uli ako nakapost dito sa noise. Kain na rin kayo ng dinner para makapagpahinga na. May pasok pa bukas. :)
Good day, palamig muna tayo, eto avocado shake, favorite kong flavor talaga ito, kasi mahilig talaga ko sa avocado kaya mapa graham or shake yan talaga gusto kong flavor. Nag meryenda na ba kayo? Medyo mainit ang panahon natin ngayon. Pero ok lang. Mas ok na ito kesa naulan. :)
Good morning guys, dahil may work uli, maaga uli ang gising. Hindi pa rin nagdadagdagan ang earnings dito sa noise. Tahimik pa rin mula nung isang araw. Pero wag tayo mawalan ng pag asa. Wait wait lang tayo. Magbreakfast na tayo. Have a nice day guys. God bless. :)
Dinner time! Nakakain na ko talaga ng fishball at kwek kwek tapos biglang dumating ang pinsan ko at may dalang pancit. Kaya ayan kumain din ako ng pancit. Busolve na. Mayamaya mag shower na ko at magpapahinga na. :)
Gym time! Dahil tapos na sa work, mag gi-gym naman ako. Need ito pampaalis ng stress.
Gandang tanghali, kain na po tayo ng lunch. Eto ang baon ko ngayon. Menudo at corned beef ulam ko. Masyadong busy sa work kaya dapat mabilis lang ako kumain. Saglit lang kasi ang vacant ko kaya dapat makakain na agad. Kain na rin kayo ng lunch. Wag magpalipas ng gutom. :)
Good day guys kain muna ako ng grapes habang naghihintay ng oras. Kakatapos lang namin mag meeting kaya now lang ako magmemeryenda. Eto na lang grapes ang kakainin ko tutal mamaya maya ay lunch time naman na. Kakain na uli. Kayi nag meryenda na ba kayo? Kain na rin kayo. :)
Bakit kaya walang earnings ngayon? Ang tahimik lang simula pa kahapon huhuhu.. sana naman magkaroon din kahit papano mamaya... 🙏🙏🙏
Dahil tapos ng mag shower ayan maglalagay na ko ng lotion para derecho pahinga na. Ang cetaphil talaga maganda sa skin. Unscented nga lang sya pero maganda naman sya gamitin. Kaya matagal na rin naming ginagamit ang soap at lotion ng cetaphil. Pwedeng pwede rin sya sa sensitive skin.
Let's eat! Lunch time na... tara kain na po tayo.. yan ang menudo na niluto namin kahapon may natira pa kaya yan uli ang ulam namin. Sayang naman kasi kung hindi uubusin diba. Masarap naman ang pagkakaluto namin. :)
May natira pang spaghetti, pero busog pa ko. Mamaya na lang ako uli kakain. Napapalakas na naman ang kain ko nyan, basta may mga food... sa December puro kain din naku need talaga mag exercise nyan. Eh yang spag pa naman favorite ko yan. Madami ako nakakain basta pasta.
This is my breakfast for today. Tamang tama dahil medyo malamig ang panahon. Kayo nagbreakfast na ba kayo? Kain muna before magstart ng anumang gawain para may energy. Importante na makakain muna para tuluy tuloy tayo sa work natin. Have a nice day guys. :)
Good morning guys happy monday. May nagbigay samin ng banana. Isa yan sa mga favorite kong fruits. Hindi kami nawawalan nito sa bahay. Mabuti at hindi na namin need bumili at may nagbigay na samin. Napakasustansya ng banana dapat lagi tayong nakain nyan. :)
Good evening, nagdinner na ba kayo? Kami ngayon pa lang. Eto chicken ang dinner namin, my favorite. Basta chicken kahit nga anung luto nya, ok na ok sakin. Maaga kami kakain para maaga din makapagpahinga. Kayo anung dinner nyo? Kain na rin kayo. :)
Hi good afternoon sa inyo, tara po meryenda tayo. Eto nakabili kami kanina ng suman pagkagaling namin ng simbahan. Ang dami nagtitinda nito ngayon doon. Favorite ko ito. Saka mabigat sya sa tyan nakakabusog agad. Kain muna tayo bago magpatuloy sa ating mga ginagawa. Medyo chill lang ako today kasi Sunday wala naman pasok. Medyo nakapahinga ng kaunti. Tara po kain tayo. :)
Yey luto na ang baked spaghetti, ang isusunod naman na iluluto ay menudo at lumpia. Naku tanghali na pala. Kaya pala medyo nagugutom na ko. Hahah. Magluluto pa kami.... mamaya pa makakakain. Kayo nag lunch na ba kayo? Kain na kayo, masama magpalipas ng gutom.
Tapos na kami mag simba. Ang daming tao kasi fiesta dito sa lugar namin. Mabuti at maaga kami nakarating kanina ng church kaya nakaupo pa kami.
Good morning sa inyo, nag breakfast na ba kayo? Kami ngayon pa lang. Naghahanap ako ng ipapalaman ko sa pandesal. Buti nakita ko sa ref itong cheese meron pa pala. Buti na lang. Favorite ko din ang cheese. Lalo na yung eden para sakin yun ang pinakamalasa at masarap. Itong cheese na nabili namin magnolia ito. Ok na rin naman sya. Kakain muna kami ng breakfast bago mag simba. Kain na rin kayo. Happy Sunday :)
Ang bilis lang talaga ng araw, papalapit na ng papalapit ang Christmas. Dapat talaga maiready ko na ang mga papasko ko lalo na sa mga inaanak ko. Ang dami nila eh. Pero nakakatuwa yung kapag mamimili ka na ng mga panregalo mo sa kanila. May christmas tree na rin kami dito sa bahay kahit maliit lang. Hindi ko lang magawang makapagsimbang gabi kasi super aga nya ang hirap dito sa lugar namin kapag ganun kaaga wala ka talagang masasakyan kaya ang hirap din. Sa tv na lang ako mag attend ng mass.
Bago matulog nood muna ko ng He is Coming To Me. Super favorite ko talaga si Singto kaya halos lahat ng palabas nya pinapanood ko. Pero itong He is Coming To Me ang pinakafavorite ko. Ang ganda kasi ng story nya at sya kasi talaga ang bida dito.
Ayan malinis na uli ang aking shoes. Pwede na uli gamitin. Sa susunod yung ibang rubber shoes naman lalabhan ko para luminis din. Medyo matagal din magpatuyo ng sapatos lalo na pag di gaano maaraw.
Good afternoon, eto nag uwi ng pizza ang aking pinsan galing sila ng SM kaya nakabili ng pasalubong samin. Tamang tama mamaya ay meryenda time na. Favorite ko rin talaga ang pizza lalo na pag maraming cheese. Kahit nga yata araw araw mag pizza hindi ako magsasawa eh. :)
Good morning! Happy Weekend! Dahil walang pasok medyo late ang gising. Pero itong si Rocky ayan sleeping pa rin. Kumain na ng cat food yung ibang cats namin, sya ayan nananaginip pa yata. Mayamaya pa siguro sya gigising mukang napasarap ang tulog nya kahit tawagin ko kanina ayaw bumangon eh. Siguro hindi pa rin sya nagugutom kaya ganun. Sa bagay masarap pa matulog pero may mga need asikasuhin kahit walang pasok eh. Have a nice day sa inyong lahat. :)
Good evening guys, kain na tayo ng dinner. Eto bumili na lang ako ng lugaw. Eto na ang aking dinner ngayon. Tamang tama at malamig ang panahon, ok itong mainit na lugaw. Kayo anung dinner nyo? Kain na tayo para maagang makapagpahinga. :)