Naglunch na ba kayo? Eto nga pala inulam ko, binili ko lang malapit sa school. Nagmamadali kasi ako saglit lang kasi ang lunch break ko. Kung magluluto pa ko pag uwi tiyak male-late ako sa work.
Joined 22 October 2022 · 204 posts
FRIENDLY
120 KT
0 KT received · 0 KT given
Naglunch na ba kayo? Eto nga pala inulam ko, binili ko lang malapit sa school. Nagmamadali kasi ako saglit lang kasi ang lunch break ko. Kung magluluto pa ko pag uwi tiyak male-late ako sa work.
Ganda ng panahon. Hindi mainit hindi rin naman naulan. Chill lang kahit papano today kahit busy sa work. Naghihintay na lang ng sundo para makapaglunch muna. Ganda lang ng paligid na ganito, ang peaceful lang. Enjoy the rest of the day guys... kain na rim kayo ng lunch nyo. :)
Good morning, happy Friday! Ang bilis ng araw diba, Friday na agad. Maaga pa rin ang gising dahil may pasok. Naglagay na si Mother ng christmas tree dito sa bahay. Malapit na rin naman kasi mag christmas. Dapat pala mag start na rin bumili ng mga panregalo para hindi mataranta ng pagbili sa December. Ang hirap kapag mamimili ka ng malapit na talaga mag christmas ang dami daming tao at matraffic na. Dapat ngayon pa lang mag umpisa ng mamili.
Good evening. Dahil may tropang nag birthday, eto nakikain kami. Ang sarap ng mga food. Pero itong carbonara ang pinakagusto ko. Favorite ko kasi yan saka spaghetti. Kapag meron nyan sa mga handaan talagang yan lang yung kinakain ko. Gabing gabi nabusog akong maigi. Dapat kumilos kilos para madaling matunawan. Salamat sa friend kong nagbirthday nabusog talaga kami. :)
Kakatapos lang sa work. Eto may tinirang graham balls sakin dito sa bahay kaya kakainin ko na. Tagal ko na rin di nakakakain nito eh. May tinda pala malapit sa school nito. Bumili sila mother. Mabuti at naisipan pa nila akong tirhan. Hahah. Sarap naman, may marshmallow sya sa loob. :)
Lunch time na. Busog pa ko dahil nag pizza kami pero need ko na rin kumain ng lunch dahil may work pa ko ng 12. Kaya eto kakain na rin kahit kaunti. Menudo ang ulam namin ngayon. Tara po mag lunch na tayo. Wag magpapalipas ng gutom masama po iyon. :)
Nag meryenda na ba kayo? Kami now pa lang, eto pizza ang aming meryenda ngayon inorder namin sa malapit dito. Ok naman sya masarap naman. Pero nakakamiss din yun pizza sa Shakeys, SnR at Yellow Cab. Ok din naman yun sa pizza hut at greenwich. Favorite ko kasi ang pizza. Parang hindi ako nagsasawa kahit everyday ako kumain ng pizza. Lalo na yung hawaiian, bacon overload at cheesy beef.
Good morning! Ang bilis ng araw, Thursday na agad. Kakagising ko lang, pati yang bear ko ayan gising na rin nakaupo na sya. Hahah. Masarap pa sana mag sleep lalo pa at medyo malamig na ang panahon, kaya lang may work pa eh kaya need ng bumangon. Magpe-prepare na ko ng breakfast. Syempre importante na bago pumasok sa work ay kumain muna tayo para may energy. Have a nice day sa inyo. :)
Good eve guys nagdinner na ba kayo? Kami eto kakatapos lang kaya nag order na ng fruit tea. Kakapagod ang buong araw pero ok lang naman at least maaga makakapahinga. Bukas maaga uli dahil may work pa. :)
Andito ko ngayon sa gym, nagpapawis. Kakatapos ko lang din. Pauwi na rin ako. Sarap lang magpapawis pampaalis ng stress. After sa work basta hindi pa ko gaano pagod nagwoworkout talaga ko. Masarap sa pakiramdam. Need talaga natin ng exercise everyday. Nakakalakas at nakakapag circulate ng maayos ng dugo. :)
Dahil mainit ang weather at kakatapos lang ng work eto mag ice cream muna kami. Natakam lang dahil biglang nag crave yung friend ko, ayan dinadamayan ko lang naman sya. Sayang at walang ibang flavor, kundi ube. Ang gusto ko sana ay strawberry o di kaya cheese. Kaso hindi available eh kaya sige, ok na rin ang ube basta ice cream. :)
Pabalik na ko uli sa work. Eto spray muna ng perfume. Ang bango talaga nitong bombshell ng victoria's secret. Very feminine ang scent nya at hindi matapang kaya hindi masakit sa ilong. Tapos tumatagal talaga sya. Kahit yung mga body spray ng victoria gusto ko din ang mild lang kasi ng scent nila. Same din ng bath and body works. Kaya madalas ko yan gamitin. :)
Early lunch. May work pa kasi kaya ganitong oras nagla-lunch na ako. Kayo anung lunch nyo? Ako nag order na lang para mabilis wala na kasing time magluto. Sobrang busy at laging nagmamadali. After ko kasi kumain back to work na uli. Mayamaya mag lunch na rin kayo. :)
Good day, ang ganda uli ng panahon ngayon. Maaraw at nakakatuwang maglaba madaling makakatuyo ng mga damit kaso nga lang nasa work ako. Kaya di rin makakapaglaba. Sa weekend pa. Sana hanggang mamaya ganito ang panahon. :)
Good morning, dahil may pasok maaga uli ang gising. Eto namimili ako ng iinumin dito sa swiss miss. Bigay yan ng pinsan ko samin. Unahin ko muna inumin yan bago yun ovaltine ko. Nakakamiss na rin yang swiss miss bihira lang kami bumili nyan medyo may kamahalan kasi. Di tulad ng milo at ovaltine medyo mura lang. Breakfast muna tayo bago pumasok sa work or bago mag umpisa ng gawain. Happy Wednesday. :)
Good eve guys tara kain na tayo ng dinner. Nakabili ako ng siomai eto na ang aking dinner. Oks na sakin to tutal gabi naman di naman ako nakain ng marami kapag gabi na. Favorite namin dito sa bahay itong siomai. Kain na rin kayo. Para maaga tayo makapagpahinga. :)
Ganda pa rin ng panahon dito. Maaliwalas. Kakatapos ko lang sa work. Sana mamaya makapag workout. Sana nga hindi umulan.
Eto ang ulam ngayon sa bahay, kaso nakakain na ko dito sa school. Busog na rin ako kakatapos ko lang din mag lunch.
Nakita ko sa wallet ko itong card na ito, nakakamiss ng mag arcade at saka mag bowling and billiards. Sana pag nagkatime ay makapag ganyan uli kami sa mall. Dapat loadan sya para maenjoy ang pag aarcade. Pag walang pasok yan. Kasi pag weekdays naku sobrang busy sa work at saka minsan naggi-gym pa ko sa hapon. Masarap magpunta ng mall yung wala talagang pasok. Kaya dapat Saturday or Sunday. :)
Hi guys magmeryenda muna tayo. Eto slice ng cake ang aking kakainin ngayon. Nag crave ako sa cake kaya eto ang binili kong meryenda. Ang sasarap ng cakes sa Conti's. Kaya pag may okasyon sa Conti's pa kami nabili minsan ng cake. Nagsawa na daw sila sa goldilocks at red ribbon. Para maiba naman Conti's naman ang binibilhan namin.
Good morning sa inyong lahat. Happy Tuesday. Kakagising lang namin. Syempre maaga uli dahil may pasok. Para mainitan ang sikmura iinom muna nitong ovaltine. Hindi kasi ako masyado nainom ng coffee sobrang bihira lang dahil may acid reflux ako kaya ang madalas na iniinom ko ay itong ovaltine or minsan milo. Breakfast muna tayo bago pumasok sa work. Importanteng nakakain tayo bago magstart ng gawain para may energy. :)
Dahil tapos ng kumain at nasa bahay na, eto magsho-shower na. Eto nga palang cetaphil facial foam ang ginagamit ko sa face pag gabi, maganda sya at pwedeng pwede sa mga sensitive ang skin. Matagal ko na rin itong ginagamit at highly recommended ko sya dahil talagang maganda gamitin di na rin ako gaano nagkakapimples mula ng ginamit ko yan. :)
Good eve, nag invite yung kasamahan ko birthday nya kasi kahapon pero ngayon sya nag blow out. Ayan ang mga food ang sasarap, pero kaunting pasta lang ang kakainin ko, gabi kasi hindi talaga ko nakain ng marami pag gabi. Ok na yung kaunti lang na kain mahirap mabusog ng gabi dahil wala ng gaanong activity at magpapahinga na. Ok lang kaunting kain para madali din madigest ang mga kinain. Tara po dinner na tayo. :)
Good afternoon sa inyo. Papunta na ko ng gym ngayon magwoworkout muna. Need ko talaga lagi magpapawis para maganda ang blood circulation. Naging maganda sakin ang result ng pagwoworkout kaya pinagpapatuloy ko pa rin sya kahit may work. Basta after ng work at kaya ko pa at saka pag di masama ang panahon, nakakapagworkout naman ako. Nakakaalis pati ng stress.
Nagdidilim na naman ang kalangitan dito. Babagsak na naman ang ulan. Mabuti at natapos ko ng isubmit sa office ang dapat kong ipasa kanina. Malapit lapit na rin ako matapos sa work. Dapat talaga laging may dalang payong. Tuwing hapon na lang lagi naulan. Pag morning naman mainit hanggang tanghali. Ingat lang tayo palagi, mahirap magkasakit.
Nakakatuwa si bebe ko binigyan pa ko ng bag, pang workout ko daw. May ginagamit naman ako kaso luma na sya. Tagal na rin kasi nun. Eto may magagamit na ko na maayos. Malaki sya lahat ng gamit kasyang kasya. Ang thoughtful diba, naisip pa nya talaga bigyan ako. Maaga pa para sa christmas ito. Haha. Pero sobra kong naappreciate ito. ;)
Good morning sa inyo, eto si Rocky gising na rin kasabay namin, dahil may pasok maaga ang gising. Nakikisali si Rocky, pakakainin na rin namin sya. Tamang tama at nakabili na ko kahapon ng cat food nila. Mukang gutom na nga si Rocky gusto ng pakawalan at makakain. Kinukulong kasi namin sila pag gabi para di gumala kung saan saan. Dati kasi akala namin nawala sya isang buong araw kasing wala. Kaya ganyan na lang ginagawa namin tuwing gabi nakakulong sya.
Good evening, bago mag pahinga inom muna ko ng milk, maganda yan bago matulog. Need din natin yan calcium para strong teeth and bones natin. At saka kapag nainom ako ng milk sa gabi maganda ang tulog ko. Maaga ako magpapahinga dahil maaga na naman ang gising bukas at may pasok na. Kayo din maaga kayo mag sleep. Hindi maganda sa health ang pagpupuyat.
Dahil nakatapos na kaming magpasyal, eto dumeretso ako ng gym, nagpapawis lang. Need ko rin kasi talaga ng exercise. Masarap talaga sa pakiramdam yung nakakapagworkout para sa blood circulation at yung cardio para sa heart. High blood kasi ako kaya need ko talaga laging magpapawis. Maganda naman ang resulta sakin mula nung nag gym ako, di na gaano nataas nag blood pressure ko. At nakakaalis ng stress. :)
Late lunch! Dito kami sa pepper lunch, nag ikot ikot pa kasi kami kaya now lang kakain. Di ko namalayan ang oras, pasado ala una na pala. Nawili kami. Sinamantala lang mamasyal dahil bukas ay may pasok na. :) enjoy the rest of the day guys. :)