read.cash Log in

@Sanrrio

Joined 22 October 2022 · 204 posts

FRIENDLY

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Sanrrio

Kamusta ang lahat? Ngayon lang uli nakapah noise super busy ang life. Sana ok kayong lahat. 😊

@Sanrrio

Good evening guys, kamusta kayo? Dahil sa sobrang tagal ko ng di nakakainom ng coffee di ko na alam ang lasa nya. Eto may nagbigay saken na kasamahan ko, at ngayon naisip ko na inumin ko na. Hindi naman totoo sakin na kapag uminom daw ng coffee hindi daw makakatulog. Napatunayan ko na yan dati pa kaya ok lang na inumin ko sya ngayon.

@Sanrrio

Magandang umaga, Happy Easter sa ating lahat. Nawa ay patuloy tayong mamuhay ng naaayon sa kalooban ng Diyos at isabuhay ang mga turo at aral satin ng Panginoong Hesukristo. Gunitain at pagdiwang natin ang Kanyang muling pagkabuhay na tanda ng Kanyang pagmamahal sa bawat isa sa atin. ❤️

@Sanrrio

Hi guys good eve, kamusta naman kayo? Tagal ko din hindi nakapag noise. Ngayon na lang uli. Nagbisita iglesia kami kanina. Tapos eto, bumili na lang kami ng tuna pie sa jollibee. Eto ang aking dinner ngayon. Kakagutom na rin. Tara po kain tayo.

@Sanrrio

Kahit papano nakapamasyal naman ako after ng work at after mag gym. Sarap din maglakad lakad lalo na at hindi na mainit. Ayan ganda pa ng view. Nakakarelax ng mind. Saka kakatapos ko lang din kumain kaya naglakad lakad kami para bumaba din ang kinain.

@Sanrrio

Hi guys happy sunday sa inyo. Ang init init na ng panahon summer na talaga. Galing na kaming church at market. Kaya eto medyo pagod. Kain muna ko ng biscuit. Ang sarap pala nitong biscuit na ito bukod sa natuwa ako sa color nya dahil pink sya, eh masarap din naman pala talaga sya. Hindi sya sobrang tamis, sakto lang tapos malasa talaga. Ngayon ko lang kasi yan natikman. Binili ko sa grocery.

@Sanrrio

Sobra kaming nalulungkot dahil wala na si Rocky. Di ko na sya naabutan kanina. Kahapon yung huling kita ko sa kanya. Yun na pala talaga ang last. Kaya pag uwi ko nung sinabi ng tita ko wala na si Rocky naiyak talaga ko. 2017 nung napulot namin sya. Tapos inalagaan na namin. Kaya iyak talaga kami sa pagkawala nya. Nakakalungkot talaga eh. Ang bait bait at super lambing nyan si Rocky. Binibilhan ko pa ang mga alaga namin ng cat food. Mabuti na lang may naiwan kahit 1 anak si Rocky. May inaalagaan pa rin kami. Saka madami akong pictures ni Rocky. Hinding hindi namin sya malilimitan. Super love namin yan. Mamimiss ka namin Rocky. 💖💖💖

@Sanrrio

Sa wakas nakakain uli ng takoyaki. Super favorite ko ito pero sa tinagal tagal ngayon lang uli ako nakakain nito. :)

@Sanrrio

Tapos na ko maglinis ng bahay. Habang naglilinis ako kanina suot ko itong weights. Nasanay na lang din ako na nag eexercise ako at nagpapapawis. Kaylangan talaga natin yan eh.

@Sanrrio

Hi guys good day sa inyo, eto nag early lunch kami dito sa kfc. May work pa kasi mamayang 12 kaya eto kakain na kami ng lunch ngayon. Favorite ka talaga ang chicken kaya kahit nga yata everyday chicken ang ulam ko ay ok lang sakin. Di ata ako magsasawa. Hahah. Tara po kain po tayo. :)

@Sanrrio

Good evening sa inyo, kain tayo ng dinner. Eto dinner ko spaghetti at cheeseburger. Pasalubong sakin ng papa ko. Galing syang mcdo. Maaga ko kakain para maaga din makapagpahinga. Maaga pa gising bukas dahil sisimba kami. Ngayon lang uli ako makakapag spag at burger. Tagal ko na rin di nakain ng ganito dahil lagi ngang mataas ang bp ko. Tara guys kain po tayo. ;)

@Sanrrio

Happy Cardio Day!!! Happy naman ako kahit busy kami pareho ay nagdate pa rin kanina at ayan may pa-flower pa sya. Nakakapagod sa work pero napawi yung pagod ko dahil andyan naman sya lagi para sakin. Kahit hindi valentines lagi naman kaming nagkikita at nagkakasama.

@Sanrrio

Good eve guys kamusta naman kayo? Ako eto magdidinner na. Etong soup na lang ang kakainin ko kasi gabi naman saka kumain ako kanina ng hopia kaya ok na ito sakin. Kayo kumain na ba kayo ng dinner? Maaga ako kakain para maaga din makapagrest dahil maaga pa bukas ang gising at may pasok na uli. Tapos na ang sembreak. Back to reality tayo. :)

@Sanrrio

Good morning guys, kain tayo ng breakfast. Kakagising ko lang, mabuti at may food na agad. Nagluto na pala sila mama. At dahil rice na agad ngayon ang kakainin ko, pwede na kong hindi mag rice mamayang lunch. Need natin mag breakfast talaga bago mag work. Mahirap magwork ng walang laman ang tyan. Kaya bago mag simula ng work ay kumain na muna tayo para may energy. Have a nice day sa inyong lahat. :)

@Sanrrio

Hi guys kamusta naman kayo? Busy masyado kaya now lang uli nakapag noise. Eto breaktime sa work kaya iinom muna ko nitong cranberry juice. Maigi daw ito sa kidney kaya kahit di ko masyado like yung lasa, eh iinom pa rin ako. Para mamaya pineapple juice naman ang iinumin ko. Salitan yan sila. Mga healthy drinks ang iniinom para laging healthy.

@Sanrrio

Good eve guys, kamusta naman kayo? Dinner time na. Kain na tayo. Sila Rocky ayan pinauna na namin kumain para tapos na sila at kami naman ang kakain ng dinner. Malakas kumain yan si Rocky lalo na pag cat food. Inaagahan namin ang kain para maaga din makapagpahinga at may pasok pa bukas kaya dapat maaga matulog.

@Sanrrio

Good morning sa inyo, eto si Rocky gising na rin. Kakain na rin sya ng breakfast. Buti na lang nakabili ako kahapon ng cat food nila. Malakas kumain mga cats namin lalo na yan si Rocky. :)

@Sanrrio

Dahil birthday ni Mama, naghanda kami ng pancit at baked spaghetti. Kaya medyo busog na naman ako kanina. Buti na lang nakapag gym naman ako at naburn din ang mga kinain ko. Wala akong ibang wish para sa mother ko kundi good health, happiness and contented life. Alam ni Lord kung gaano namin ka-love si mama. Kaya sobra din akong thankful na maraming blessings ang ipinagkakaloob Nya kay mama. :)

@Sanrrio

Good morning guys, maaga ako ngayon dahil may pasok. Eto ang aking breakfast, lagang itlog. Nagmamadali ako palagi para hindi ma-late. Mabagal kasi ako kumilos. Sarap pa sana magsleep kaso tuwing may pasok dapat talaga maaga nagising. Ok na ko sa egg nabubusog naman ako dito. Mamaya na lang ako kain sa time ng meryenda. Tara po breakfast na muna tayo. Have a nice day sa inyong lahat. :)

@Sanrrio

Good eve sa inyong lahat. Eto ang aming dinner ngayon, tuna carbonara na niluto ni mama. Dami ko ginawa sa araw na ito kaya pagod talaga, tamang tama makakakain na ng dinner para maaga makapagpahinga. May pasok sa uli bukas. Favorite ko yang carbonara. Instead na meat, ay tuna ang nilagay ni mama para mas healthy. Kain po tayo. :)

@Sanrrio

Gym time is the best time. Kaya kahit ang busy sa work, iniaagaw ko pa rin sa oras ko ang pagwoworkout dahil kaylangan ko talaga. Highblood ako at may findings din ako sa heart. Sabi nga nila ang bata ko pa pero bakit daw highblood na ko agad. Eh walang magagawa nasa dugo na namin yan. Lahi namin talaga. Kaya bukod sa diet ay kaylangan din talaga ng exercise. Kaya after ko sa work magpapahinga lang ng kaunti tapos punta na ko ng gym. Mas masarap sa pakiramdam pag pinagpapawisan. Sabi sakin nung iba bakit ko pa daw need mag gym eh ang payat ko na daw. Di naman ako nagpapapayat kasi. Di naman lahat ng napunta ng gym ay para magpapayat or magpasexy. Ako kaylangan ko ito dahil sa kondisyon ko. At malaki ang naitutulong sakin ng pagwoworkout. Kaya pinagpapatuloy ko sya. :)

@Sanrrio

Good morning guys, kahit walang pasok maaga pa rin nagising dahil maraming trabaho sa bahay. Eto nakapaglaga na ko ng itlog kaya makakakain na ko para maaga makapag start ng gawaing bahay. Nakakainis kasi ang panahon laging naulan tumambak tuloy ang labahin. Pero kahit anuman ang maging lagay ng panahon ngayon ay maglalaba pa rin ako. Pero kakain muna syempre para may energy. Tara guys mag breakfast muna tayo. Have a nice day.

@Sanrrio

Good evening guys musta naman kayo? Ako eto nag open ng gift galing sa Bheh ko ayan cologne, ang bango nya. Nagustuhan ko yung scent. Sabi nya saken meron pa daw syang isa pang gift bukas daw darating. Sweet talaga ng bheh ko. Lahat naman ng gifts na natanggap ko sobrang naappreciate ko. Ang gift naman wala yan sa amount. Naaappreciate ko dahil yung pagiging thoughtful nung nagbigay. Yung naalala ka. Yun talaga ang spirit ng Christmas. Kaya lahat ng blessings na natatanggap namin ng family ko sobrang pinagpapasalamat ko yan kay God. Happy New Year sating lahat. ;)

@Sanrrio

Good morning guys kamusta naman kayo? Nakatanggap na naman ako ng gift galing sa pamangkin ko, eto case ng cp. Ang cute cute. Kaya lang bulky sya sa bag hahaha.. pero eto ginagamit ko na cute naman eh. Pambatang pambata yun style nya hahah.. pero ok lang lahat naman ng gifts na natanggap ko naappreciate ko syempre. :)

@Sanrrio

Merry Christmas sa inyo guys. Nawa'y ang pagpapala ng Panginoon ay sumaating lahat. Huwag nating kalimutan na ang tunay na diwa ng kapaskuhan ay ang pagmamahalan at pagbibigayan. Lagi nating alalahanin na si Jesus ang sentro ng Pasko. God bless po sa inyong lahat. :)

@Sanrrio

Good day guys, andito ko ngayon sa gym nagwoworkout. Bukas kasi at sa sunday close na sila kaya sinamantala ko na mag workout ngayon. Sunod sunod ang christmas party last week kaya medyo napakain ako kaya need mag exercise para maburn. Ang sarap magpapawis, lalong nakakalakas ng katawan. Need ko ito dahil mataas lagi bp ko. Nakakatulong ang pagwoworkout para sa circulation ng blood. Pag may time kayo, mag exercise din kayo guys, malaking tulong yan sa health natin. :)

@Sanrrio

Hi guys good eve, late dinner na, umorder na lang kami sa jollibee para mabilis. Dami kasi inasikaso. Nagbigay pa ng mga gifts kanina kaya now lang makakakain. Saka late na rin kasi kami nagmeryenda kaya di naman agad ginutom. Kashare ko naman dyan sa food ang tita at mama ko di naman yan lahat sakin. Di ko kaya ubusin mag isa yan hahah saka di ako nakain ng marami pag gabi. Mahirap na pag di natunawan. Wala pa naman kaming yakult ngayon naubos na. Tara po kain tayo. Tapos nito di naman agad pwedeng mahiga need muna magpababa ng kinain kaya late na naman ako makakatulog nyan. Buti na lang talaga bakasyon. :)

@Sanrrio

Eto nga pala ang christmas gift sakin ng pinsan ko, binigay na nya sakin. Nakakatuwa ang thoughtful nya. Lagi sya busy sa school at work pero di naman sya nakakalimot samin kaya sabi ko sa kanya sa christmas pumunta sya samin. Naibigay ko na rin sa kanya yung gift ko para sa kanya. Magagamit ko yang mga panyo sa pagpasok ko sa school. Tamang tama yan at karamihan sa mga panyo ko ay luma na rin.

@Sanrrio

Good eve guys, maaga ako kakain ng dinner, eto lugaw with egg ang dinner ko ngayon. Bihirang bihira na talaga ko mag rice pag gabi eh. Kaya ayan, ganyan na lang dinner ko minsan bread. Sarap kasi ngayon ng lugaw dahil malamig na ang panahon. Saka nakakabusog naman yan lalo na at may egg kaya ok na ok na sakin ang ganyang klase ng dinner. Busog na ko dyan. Kayo mamaya pa ba kayo kakain? Medyo maaga pa pero gusto ko na kasi kumain para maaga rin ako makapagpahinga. Bawal ng magpuyat baka mahighblood. Kahit bakasyon na di na ko nagpupuyat. Masama sa health.

@Sanrrio

Ang cute nitong bag na niregalo sakin ng tropa ko. Alam nya kase na favorite ko ang cocomelon lalo na yan si jj. Hahah. Actually pag tanggap ko nyan ginamit ko na sya agad eh. Ang cute cute kasi. Saka maraming maiilagay na laman.