read.cash Log in
@Ruffa more from that month

Of Losing what I never Found Let me write something using our very own language. Sorry in advance to my reader from other part of the world. Not sure if the translator will work on this but if you're curious to what is this all about, you can just tap that 🌎 button on this article. Thanks! --

At muli, nabuo na nga ang nawasak Pusong nagkapira-piraso ay paunti unti ng naghihilom Subalit ang bakas ay hindi na mapag tatakpan Nag iwan ng matinding sugat, subalit paglao'y unti unti ring maghihilom Naranasan noon sayo'y ayaw ng balik balikan Kombinasyon ng sarap at sakit ay di na muli hahayaang maranasan Pag-ibig na sumira, isang taong nagpa ramdam Paulit ulit mang masaktan noo'y wala nalang pakialam Mahalaga'y may tayo, pero lahat pala yo'y ilusyon lang Hindi mo naman kasi nilinaw, laro lang pala ang lahat At gusto mo lang akong pasakitan Minahal lang kita, oo nag nagmahal lang ako Nagmahal lang talaga pero bakit mali yata ang pasok ko Hindi uso sa'yo ang pagmamahal Lahat nang yo'y sayo'y laro lamang Alam ko din naman yon Naalaman ko nong tumagal na Pero may magagawa ba ako? Kung puso ko yong nag desisyon na intindihin ka't tanggapin ka Kahit pa ni isang usal ng pagmamahal Wala kang naibulong sa naghihintay kong mga tenga At dumating ang araw na tuluyan na akong nagising Sa isang pagpapantasyang ako lang ang bumuo pero naka depende sayo ending Masakit pero para sarili ko Kelangan kong bumitaw o baka mabaliw nalang ako Naghihintay, umiintindi - pero para kang isang lenggwahe na gusto mong matutunan ko Ikaw mismong may gusto, ang hindi nag eeffort para sana maintindihan ko Paalam na sayo Paalam sa nga sugat ko Bubuoin ko muna ang puso kong hinayaan kong mawasak mo Para sa bagong ako at para naman sa tunay na kaligayahan ko Paalam Mahal Ko.

Lumipas ang mga taon at nagawa kong buuin ulit ang sarili ko Mahirap sa simula Para akong nangangapa sa dilim Walang idea kung paano ba ang lumimot Walang araw na di papatak ang luha at muling maalala ang nakaraan natin Bigla nalang matitigilan at maiisip pang bumalik ulit sayo Ngunit inisip ko ang mga sakit na naidulot mo sa'kin Dahil doon ay naging pursigido akong umusad Yong di kana maaalala at di na maiiyak Sa mga nakaraan nating "Nakaraan" nalang talaga The End kumbaga Wala ng kasunod at wala ng balak malagyan ng sequel pa At ang mas nagpahirap sa lahat? Yong iilang masayang ala ala na meron tayo ay pilit bumabalik sa utak ko Iilan lang nga kaya diko mapigilang pahalagahan Pero sinaksak ko sa isip ko. Babangon akong muli, magmamahal pa rin dahil para sa'kin masarap ang magmahal May kaakibat mang sakit, mahalaga matuto muli akong magmahal At dumating na nga ang pinaka hihintay ko Ang paglaya ko mula sa ala ala mo Ngunit kasabay noon ay ang muling pagkatok mo sa pintuan ko Nagmamaawa pa at bumubulong "Mahalin mo ulit ako." Natitigan ko lang ang mata mo, biglang gumuho ang depensa ko Akala ko lang ba na naka move on na ako? Guni guni ko lang ba lahat ng yon? Bakit isang sabi mo lang, parang matutunaw na at bibigay ako ulit sayo? Binitawan ba talaga kita? Or di talaga ako naka move on pa, sa'yo? So, how many "Marupok" people are in there? Are you like the protagonist on this article? Saying she will move on because enough is enough. And all she can get from this relationship is nothing but just pain. So, she ended up with the decision that she will let go of the hand of the man she love. She ended their relationship but after just a year. After a long year of moving on, she's finally in there. But then there is this mapaglarong tadhana. When she's finally moving on the man came back and asking for a second chance. She discover that she still has feeling for the man. And she's about to show to the world her karupukan. Are you like her? -- *****Images used was all made and edited on Canva.***** May 01, 2022 --

63 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.