read.cash Log in

@Reysky

Joined 20 June 2021 · 1398 posts

120 KT

0 KT · 42¢ received · 0 KT · 14¢ given

Posts

@Reysky

Late breakfast! Ayun nalate ng gising kaya late din ang breakfast. Makakapagtanghalian pa kaya kami. Sayang kasi yun kanin feeling ko mapapanis na kaya siningag ko na agad para hindi masayang. Sakto may tira pa kaming ulam kagabi kaya ayan din inalmusal namin. Ngayon nagtatanong ang asawa ko kung ano ulam namin ngayon tanghalian. Biniro ko, di pa natutunaw kinain natin yun pang tanghalian na agad nasa isip mo. Ayun napangiti siya haha... Kakatapos lang kasi kumain, pagkain ulit nasa isip haha..

@Reysky

Kape at tinapay ang almusal ko ngayon. Yung tirang pandesal ang kinain ko kasi sayang kung hahayaan ko nalang manigas at amagin dito kaya imbis na bumili, kainin ko nalang. Sayang kasi! Di bali kung mura ang pandesal. At syempre sa panahon ngayon masama ang nagtatapon ng pagkain. Baka lalong lumayo ang grasya sa hapag kainin. Di ko ba nilagyan ng palaman. Sinawsaw ko nalang sa kape. Aba masarap din naman yun diba. O siya at akoy kakain. Mamalengke pa ako pagtapos ko kumain.

@Reysky

Late post:! Dinner ko kagabi. Nagcelebrate kasi kami ng aniversary namin kahapon. Actually, maagga palang binati na niya ako. Ako hindi ko siya binati. Niyakap ko lang siya ng mahigpit. Ayun, pag kauwi niya ng trabaho. Nag aya siya na kumain kami sa labas. Buti nalang di ako nagluto kasi walang kakain haha.. Swerte din kahapon kasi nakabenta ako. Nun naubos ang yelo ko kahapon di na ako bumili, nagsara nalang ako at nagpahinga para pagdating ng asawa ko may energy pa ako hehehe. Late post na talaga haha!

@Reysky

Di naman siguro masama mag unfriend ng friend sa fb ng asawa ko. Masyado kasing papansin eh! Naiinis ako. Sinabihan na nga siya, ginagawa pa din. Edi ayan unfriend ko nga. Tapos mag tatanong siya bakit di na sila friend. Sorry siya ako gumawa ng fb ng asawa ko kaya may karapatan akong burahin siya. Instalk niya pa fb ng asawa ko. Di niya malalaman yun kung di niya ni search. Duh!!!!

@Reysky

Paano ba gagawa ng masasayang ala ala kung ikaw mismo malungkot ka. Yun fb ko puno na din ng kalungkutan. No picture no post paano wala naman nag lalike haha. So di na niya ako mahal ganern!

@Reysky

Baon ng anak ko, chicken fillet na gawa ko. Nasarapan kasi siya kaya nag request siya. Ipnadagdagan niya kasi pinatikim niya sa clasmate niya, ayun nasarapan kaya dinagdagan ko para mabigyan ang klasmeyt niya. 20 yrs na kami ng mister ko. Ano pa kaya ang mga pagsubok na ibabato ni lord sa amin. Kasi habang tumatagal di na dib nagiging masaya. Sa totoo lang! Hahaha

@Reysky

Ang tahimik na naman sa lugar namin. Nagtatago na naman ang mga tao sa kani kanilang bahay. Yung iba nasa school pa. Nalulungkot talaga ako kapg ganitong oras walang gaanong tao. Pano pati business ko apektado hahaa. Yung buhok ko namumuti ng maigi sa kakaisip. Kaya minsan mas masarap matulog kasi walang iniisip. Maliban nalang makapnaginip ka ng masama. Nakakalimutan ko na din kasi pagmulat ko iba na agad nasa isip ko haha.. na mimiss ko na ang sarili ko. Di naman ako ganito. Ewan ko ba!

@Reysky

Iba talaga nagagawa ng pera sa tao. Minsan nakakapagpapasaya, minsan nakakapagpalungkot. Pero mabubuhay ba ang tao ng walang pera eh halos karamihan ng tao ang problema ay pera. Yung iba kahit anong kayod, kahit anong gawin diskarte kaso ang pera na nakukuha nila ay kulang pa din. Yung iba sobra sobra ang pera pero yun ang nagigimg mitcha ng buhay nila. Pera nga naman! Bakit ganun nalang kahalaga sa tao ang pera. Sabi ko pa naman sa sarili ko hindi ako mamomoblema sa pera pero ano toh! Hahaha! Feeling ko lahat na sinalo ko na. Nakakaumay na buhay. Haha

@Reysky

Wala ng tigil ang ulan! Hindi na nakakatuwa. Haha. Ano ba ang meron at sobrang maulan ngayon. Lugi negosyo ko ngayon haha. Pero ok lang ganun talaga ang life. Buti kahit papaano may benta. Bali ba naman nagdadalawang isip ako kung magbubukas ako. Sana pala hindi nalang. Nakatulog pa sana ako haha. Pero ok lang ganun talaga minsan di mo inaasahan ang ganitong panahon. Nakaluto na ako at nagsara na din. Wala na din naman kasing bibili kasi maulan na. Sana lang mamaya pag sinundo ko si mister, tumila na siya kahit saglit lang. Ayaw ko din mapasma ang asawa ko syempre! Haha

@Reysky

Sa hindi inaasahan. Tumaya ako sa raffle.120 ang isang taya. Hindi talaga ako nasali sa ganyan kasi nanghihinayang ako sa pera. Pero pinilit ako ng isang frend ko na tumaya ako, tulong na din ba. Ayun tumaya ako! Ilan days bago iraffle. Di ko na nga pinansin at hindi din ako nanood ng live kung paano iraffle. Basta tinagged nalang ako sa post niya na ako ang winner. Syempre shock ako kasi di ko naman inaasahan never pa akong nanalo. Ayun! Swerte lang nanalo ako ng brand new cp haha! Thanks God! Haha

@Reysky

Almusal ng mga kids ko ang pancake. Sa akin naman kape syempre kuha na din ako ng pancake, gusto ko din kasing kumain. Nakakatakam din kasi ang pancake lalo na kung may Goya na ipapahid o kaya Maple. May kasama naman siya sa box niya na maple kaya yun ang ipapahid ko. After kong mag almusal at natapos na magbihis ang anak ko. Ihahatid ko naman sila sa school. Mejo malapit din naman kaya kahit quarter kaming dumating ay ok lang kasi gumagamit naman kami ng ebike para mapabilis ang pagpunta namin sa paaralan. O siya kain muna ako.

@Reysky

Ngayon lang ulit nakapag online. Sobrang busy ngayon araw na ito. Hindi ko na maisip na buksan ang noise ko dahil busy sa mga bata. Nagtuturo pa sa module ng bunso ko dahil ang daycare di pa pwedeng face to face. Di nga ako nakapag luto ngayon kasi wala na din pera haha. Wala pang sahod ni mister. Pero mamaya meron na baka bumili nalang ng lechon manok. Para di na ako magluto. Wala din ako sa mood. Di ko din trip ang luto ko ngayon. Meryanda time na pero walang pang meryenda. Ganun talaga bawi nalang sa hapunan.

@Reysky

Adobong paa mainit init pa. Galing pang kawali. Haha Dahil wala akong maisip na mailuto ayan nalang. All time adobo, favorite ng nga Pilipino. Hindi nakakasawa, talaga naman uulit ulitin mong lutuin at kainin. Kami lang ng bunso ko, mamaya gagawa na kami ng module. Madali lang naman kulay kulay muna kami hehe. O siya kakain na muna ako at mejo late na ang tanghalian ko.

@Reysky

Sunday is Family day. Kasama ko ang mister ko ngayon mag almusal. Minsan lang toh kasi lagi ngang may pasok. Buti nga pag linggo di na siya napasok napapagod na daw kasi siya. Hindi tulad nood hataw kung hataw. Kape ,pandesal at itlog na may hotdog.. kakain din kasi bunso ko kaya may hotdog favorite niya kasi yan hehe

@Reysky

Good morning madlang pips! Maulan na naman dito sa amin. Boring na naman ang araw na ito. Lalo na naman nakakulong sa bahay dahil hindi makalabas. Hays buhay nanay! Salo ang daigdig! Char! Hahaa

@Reysky

My simple brunch Kakain nalang sila. Mejo na sana mood ako kaya may pa ganyan design. Sayang lang nasa trabaho ang mister ko kaya yun baon nalang niya muna ang kanyan kakainin. Pang amin na muna ng mga bata. Hindi naman ako nakainom kagabi pero parang may hang over ako. Paano yung pabango jan sa kapitbahay namin ubod nakakahilo.ginawa atang pabango sa bahay nila o ginawang pabcon basta ang sakit sa ulo. Kaya di ko maintindihan ang nararamdaman ko. Nahihilo na nasusuka. Pero hindi ako buntis ah, malabo ng mangyare yun hahaha!

@Reysky

Tirik pa din araw, pero sa likuran ko maulap at mejo naririnig ko ang kulog. Uulan kaya. Sana wag muna. Mamayang gabi na. Para makarami ako ng benta. Kasi kapag naulan walang benta. Para naman makatulong tulong dito sa bahay sa gastusin ayaw ko kasi na nasusumbatan ako. Lalo na pagdating sa pera. Magreklamo siya kung ginagamit ko sa pang paganda ang perang binibgay niya. Eh kaso ni sarili ko nga di ko mabilhan. Kahit nga sabon para sa muka ko di ko na mabilhan. Shampoo nalang sa buhok yun nalang nabibili ko sa sarili ko. Di naman ako nagrereklamo pero sana wag siya magsasalita ng di maganda. Kaya ko naman magtiis. Alam ko naman na meron siya kaya sa kanya ako nalapit. Tapos gara pa na narinig ko. Bahala na si Lord! Basta ako ginagawa ko makakaya ko.

@Reysky

Ano pa kaya pwedeng pagkakitaan. Hindi na kasi ang hirap na talagang umasa sa partner ko. Kung pwede lang talaga siya ang pagbabudgetin ko, ginawa na ko na. Ng malaman niya ang sweldo niya ay kulang pa. Sa mga bayarin palang sa bahay. Sa mga pagtaas ng bilihin. Gustong gusto ko talagang sabihin. gusto ko din sabihin na yung kinikita ko sa pagtitinda sa shake nagagamit ko na din dahil sa pagtaas ng bilihin. Minsan mas gusto ko na ako nalang ang magtrabaho at soya dito sa bahay kasi kahit nakahiga ka nag iisip ka ng pagbubudget. Ano ulam na kasya sa lahat. Lalo na ngayon may pasok. Jusko.! Di ko alam para saan yung pag sisideline niya kung ang dami niyang sasabihin sakin humingi lang ako pang bili ng gasul. Jusko. Marimar!! Ang hirap ng ganitong sitwasyon.. mapapamura ka sa inis!

@Reysky

Gatang Tulingan Sa totoo lang yan pa yun ulam namin kahapon. Dahil nakalibre kahapon, eto at may natira pa. Hindi muna ako nagluto kasi sayang naman kung hindi makakain. Kaya ito muna bago ako magluto ng bago. Iba talaga kapag gata ang ulam na kakagana kumain. Lalo na kung may kagat na anghang. Kay sarap! Buti natutunan ko magluto ng gata sa nanay ko. Bicolana kasi nanay ko mahilig magluto ng gata. Talaga naman masarap kapag natikman nyo. O siya kakain muna ako ng mataps na haha.

@Reysky

Baon ng anak ko, maling at itlog. Yan din ang almusal niya. Tinatanong ko siya kung ano gusto niyang baunin para di na ako magiisip kasi mejo may kaartehan kasi sa pagkain. Nag almusal na din ako, tasty at kape para mabusog lang. May tira pa kasing tasty kaya yun ang akin inalmusal. Friday na pala ngayon, bukas wala na silang pasok. Makakaidlip na ulit ako pagnakapasok ang mister ko. Pag weekdays kasi mula 3:40 am hanggan 10 or pass ako nakakatulog kasi may inaasikaso pa ako. Kaya bukas lubusin ko ulit ang tulog haha Ingats sa lahat ng bibiyahe!

@Reysky

Birthday treat ng pamangkin ng mister ko. Nakalibre ng meryenda. Kasama na hapunan. May ulam na. Ngayon ko lang naalala na birthday pala ng pamangkin ng mister ko, ayun binati ko. Nasa ibang bansa kasi sila. Nababasyon sila ngayon sa california pero kung nakuha na ng mga bata ang kanilang green card dito sana sila magbabakasyon. Pero dahil hindi, sa californina at ang handa niya ay umabot ng Pinas. Busog na naman ang mga tiyan namin. Salamat sa kanila. Heje

@Reysky

Pahinga muna kahit 5 minutes tapos larga ulit sa mga gawain. Magluluto naman ako ng amin ulam. Pang hanggan hapunan na din para mamaya wala na aking iisipn kundi mag saing nalang magluluto din ako ng sago para sa akin paninda. Sana hanggan mamaya maaraw para maraming bumili sakin haha.. Magsasalang din ako ng labahin na mga kobre kama para bumango bango naman sila. Mejo matagal tagal ko silang di nalabhan kasi sobrang busy minsan di ko na alam ang uunahin ko. Hays! Tapos na ang 5 minutes at go na ako sa gawain bahay. Mamaya ulit.

@Reysky

Good night guys! Times to sleep na. Ito na ang pagkakataon para humiga at magpahinga. Natapos ko na ang dapat tapusin ngayon naman mailalapat ko na ang akin likod sa akin higaan. Napakasarap sa pakiramdam. Wag lang makulit ang katabi ko haha.. Bago matulog mag pray muna tayo. Magpasalamat sa araw na ito. Magandan man o masama ang nangyare ang importante kasama natin ang mga mahal natin sa buhay. At araw araw tayo sinusubukan para maging matatag tayo harapin ang hinaharap. Sana lang wag tayong bibitaw sa mga pagsubok basta ihingi natin ng guidance kay Lord ang lahat lahat. Si Lord lang ang makakatulong sa atin. Dahil siya lang ang tunay na nagmamahal sa atin na hinding hindi tayo iiwan kahit ano man ang mangyare basta manalig ka lang sa kanya. Katulad ko, sa kanya lang kimakapit. At siya ang nagpapatatag sa kin maliban sa aking mga anak. Si Lord ang akin sandalan sa lahat ng nararamdaman ko. Alam ko may hangganan ang lahat ng ito kaya wag tayong bibitiw sa kanya. Manatili tayong manalig at sumanpalataya sa ating Panginoon. So paano go0dnight. I love you all!

@Reysky

Minsan nakakapagod na din intindihin sila. Parang ako lang umiintindi. Parang feeling ko na kahit mapagod ako at magkasakit ako baliwala sa kanila kasi wala ehh! Ayaw nalang kumibo. Ayaw ko nalang magsalita. Basta kung ano nalang mangyare go nalang. Hays nakakapagod. Hindi ko naman siya ginanito noon. Hays!

@Reysky

Pagkatapos ng meeting sa daycare heto naman at sususndo naman ako sa pangalawa kong anak. Mejo ngarag na ako at need ng konting pahinga dahil sa init din ng panahon. Pero na sakin ang mainit kesa naman naulan. Pahinga lang ako ng 5 minutes at susundo na ako. Pagkasundo ko, iidlip muna ako saglit at baka sumakit na naman ang ulo ko dahil 3:30 am palang gising na ako. Mejo nakakapagod din naman haha

@Reysky

Kakauwi lang galing sa bahay na nag aayos ng papel ng mister at mga anak ko. May mga documents kasi siyang hinihingi kaya dali dali kong pinuntahan sa bahay nila para iabot ang mga document na kulang. Nag ebike lang ako para walang huli. Pag motor kasi pansinin ng mmda lalo na wala akong lisensya. Buti nalang may ebike kundi baka mamaya pa ako makarating kasi matrapik dito sa lugar namin dahil sa mga ginagawang road widening. Mamaya naman meeting naman sa bunso ko sa daycare malaan kung face to face sila o hindi. Sana face to face para masanay sila sa school hindi sa bahay.

@Reysky

Good morning! Gising na naman ng maaga.! Baon nga pala ng anak ko, century tuna! Pihikan kasi sa pagkain kaya kung ano gusto niyang baunin, yun ang nilalagay ko sa baunan niya. Pagnaglagay kasi ako ng hindi niya gusto malamang yan hindi niya kakainin at masasayang lang. Atlist ito, siguradong simot. Halos maghapon din kasi sila dun sa school kaya need nila magbaon bukod sa pera. Pang emergency naman yun. Jehe

@Reysky

Parang 6pm na ng gabi. Ang dilim na ng kapaligiran. Magbabadya na may malakas na ulan at hindi ako nagkamali na malakas nga ulan. Nagbukas na ako ng ilaw ko sa may tent ko kasi madilim na nga. Susundo pa ako sa asawa ko maya maya. Pagsundo ko tumila na ang ulan na ang ulan. Ayaw ko talaga ng naulan ng ganitong oras kahit sana sa umaga nalang o kaya sa gabi. Kaso pag sa gabi di naman ako makatulog kasi maingay. Hays! Tag ulan na talaga!

@Reysky

Lagi nalang bang uulan sa hapon. Hays! Sa hapon pa naman ang maraming costumer. Anyway, kakauwi ko lang galing school. Sinudo ko ang anak ko sa school. Kasamaan palad inabot pa ng ulan kaya pag uwi namin basanh sisiw kami. Meryenda time na din kaso walang gana kumain busog pa kasi ako. At mejo sumasakit na naman ang ulo ko. Di naman makatulog kasi bantay nga. Magkakape nalang ako para mabuhayan naman ang dugo hehe

@Reysky

Iba talga nagagawa ng kape sa katawan ko at ulo ko. Kahapon kasi hindi ako nagkape, hot choco lang yun ininom ko. Maghapon na yun. Tanghali palang sumakit na ulo ko, pero hindi ko iniinda kasi dami ko inaasikaso. Mas tumindi anh sakit ng ulo ko non pagdatin ng gabi na halos di ko na nagawa ang mga gagawin ko kasi pagtapos namin kumain, humiga ako at ipinikit ko ang akin mga mata. Akala ko pag gising ko mawawala na ang sakit ng ulo yun pala nandito pa din siya. Kaya ngayon lang ako nag post kasi itinulog ko ulit. Pag gising ko kasi 10am na masakit pa din ang ulo at marami pang gagawin naisipan kong uminom ng kape at heto mga ilan minuto lang nawala. Baka namiss lang ng katawan ko ang kape at nanibago kasi hot choco ang ininom ko ahhaha! Kwento ng kape sa buhay ko. Ctto: kakaubos ko lang ng kape kasi nga nawala yun sakit ng ulo ko at nakapag isip ng ipoopst dito.haha