read.cash Log in

@Reysky

Joined 20 June 2021 · 1398 posts

120 KT

0 KT · 42¢ received · 0 KT · 14¢ given

Posts

@Reysky

Maganda talaga tingnan kapag nakanuniform ang isang studyante. Kaya naman naghanao talaga ako n swak sa anak ko. 2 weeks din kasi siyanh di naka uniform dahil wala akong mahanapan ng palda niya kaya nagptahi nalang ako. At yan ang ganda niyang tingnan at ang linis pa..

@Reysky

Breakfast ko ngayon hot choko, tasty at egg mayo. May natira pa kasi sa ref na egg mayo kaya ito nalang ang inalmusal ko. Wala na din kasi akong pera. Di ko nga alam kung ano ang lulutuin ngayon na makakatipid ako. Nakakaloka na talaga ang gastusin lalo na may mga studyante ka na napasok at kailangan mag baon at mag almusal sa umaga. Magastos pero ok na din kesa nandito sila sa bahay. Puro computer at cp lang ang inaatupag.

@Reysky

Baon ng anak ko sa school. Dun na kasi sila magtatanghalian. Dahil ang pasok nila 7 to 2. Mejo matagal tagal din sila sa school. Pero ok lang kasi atlist dun matuturuan sila ng teacher. Dito kasi sa bahay kung ano ano ginagawa. Ok naman oag online classes kaso iba pa din yun may nakakasalamuha sila. Para di sila maging mahiyain pag datin ng panahon. Tagal maligo, tagal din kumain. Matagal din magbihis ang daming seremonyas haha

@Reysky

Ang batang laging huli kumain. Siya nalang ang hindi tapos. Kami tapos na. Inaantay ko nalang siya matapos para makapagligpit na ako. Sinigang na pork nga pala ang ulam naman. Napadami na naman ang kain ko paano lahat ng tira ng anak ko na pork ako kumain sayang kasi. Wala ng mura kaya wag sayangin. Ako nalang kakain haha

@Reysky

Pag day off ng asawa ko iba ang trip kundi kumain ng kumain. Kaya eto busog na naman kami. Di ko na napictura kasi paggkaluto palng ny cheese stick na ginawa namin kinain na agad. Tapos nagluto pa ng nuggets, tuwang tuwa ang bagets. Samahan pa ng kikiam ayun lulungad na kami. ang dami kasing naluto kami naman unli kain hahaha.. meron din ako buko juice na nabili kanina kasi bunso ko nasarapan sa buko juice. Ayun sarap matulog kasi busog. Kaso nagpatimpla ng kape syempre di pwede na di ako kasama sa kape dahil adik din ako haha.. sabay uulanin ka na naman. Basta pag pahapon naulan..

@Reysky

Break fast: egg mayo Tasty Kape At sopas na bigay ng kapit bahay. Maaga palang busog na agad. Dahil sunday ngayon. Eto yun araw na magastos haha. Kasi nandito ang mister ko. Kung makabili kasi ng ulam yun parang wala ng bukas haha.. kaya minsan na shoshort ako. Kung alam lang niya na di na kasya ang sinasahod niya. King alam lang niya king gaano kamahal ang bilihin. Dumagdag pa ito sa isipin ko jusko hahaa Mamaya nalang ulit...

@Reysky

Hot choco sa maulan na panahon. Nagtry lang akong mag hotchoco gamit ang paninda ko sa milkshake. Yung powder na choco hot fugde. Di ako nagkamali para siyang kswiss. Kulang nalang yun marsmallow. Masarap din pala! O diba kapag gusto ng kakaiba try din ang paninda hindi lang sa ahake pwede din sa hot hehe

@Reysky

Unti unti ng nasisira ang tent ko, parang relasyon lang namin unti unti na din nawawasak. Ay, wasak na pala. Kahit pilitin ayusin di na maayos kasi sira na pala. Hahah Grabe kasing tong ulan na ito kung ano ano napasok sa utak ko haha. Pero khit ano pa ang mangyare tuloy lang buhay. Dahil hindi lang sa kanya na ikot ang mundo ko.. ohhh diba haha

@Reysky

Naparami luto ko kahapon kaya hanggan ngayon eto pa din ang kinakain ko. Haha! Toge pero maraming sahog yan kaya hindi ka mabibitin. Di din kasi ako namalengke dahil tinanghali na ako ng gising. Yung idlip ko nagtuloy tuloy na matulog. Napuyat din kasi ako kagabi. Basta umulan nagigising ako. Di ako mapakali. Haha Di na din ako magbubukas ng milkshake ko. Hanggan maulan pa din. Di naman sila masisira kasi powder lang naman sila. Yung pearl naman sa ref nilagay ko. Mahina kasi pag maulan hindi nalabas ang mga costumer. Kain muna ako. Kayo din kumain na.

@Reysky

Sulit na sulit ang tulog kapag walang pasok ang mga bata kaso hindi naman ako nakapagluto kapag tinanghali na ng gising. Pero nagluto naman ako kaninang madaling araw kasi ang mister ko may pasok. Gumising pa din ako ng maaga pero natulog ako nun nakapasok na siya sa work niya. Sana hindi na maulan ngayon kasi maglalabas ako ng paninda ko. Buti nga kagabo kahit nasa loob na may bumili pa din. Lakas ng trip nun dalawa kahit nag uulan bumili pa din ng shake haha.. syepre sayang ang kita kaya pinagbentahan ko na may yelo naman ako eh haha

@Reysky

Wala akong maisip na mameryenda kaya yan nalang toge na niluto ko. Para mas mabusog ako. Patay ang negosyo ko ngayon kasi maulan hahaa. Malakas pa naman dahil kada mag uuwian mga studyante sa akin nadaan heheh

@Reysky

Rain rain go away muna.plss! Pero wala akong magagawa dahil hinahatak ng bagyo ang hangin habagat. Sana mamaya pagsundo ko sa anak ko hindi na maulan kasi magmumukang basanh sisiw na naman kami haha. Kahit may habong ang ebike ko nababasa pa din nasira ang trapal. Mahal pa naman magpagawa. Kaya sana mamaya wag muna. Wala din kasi akong payong. Yun iba kasi manghihiram kungdi d isosoli, isosoli ng sira kaya ayun ako ang nawalan hahaha

@Reysky

Good morning! Gising na ulit ang bulilit ko. Kumakain ng noodles na may rice. Ako naman champorado kaso ubos na. At syempre hindi mawawala ang kape. Champorado sana ipapaalmusal ko sa kanila kaso hindi naman nakain ng champorado kaya pinagluto ko nalang noodles. Dalawa naman silang naghati ang ate niya at ang bunso ko. Ewan ko ba bakit ganito trip nento sa umaga haha.. mga unhealthy food. Pero ok lang bawi nalang mamaya. Magluluto kasi ako ng toge at isda. Yun ang ulam namin ngayon.

@Reysky

Fried chicken for my kids and paksiw na bangus for my husband at syempre sakin din. Hindi kasi nakain ng paksiw ang mga bata kaya magkaiba na naman kami ng ulam. Kung san kasi mabubusog ang mga anak ko yun ang niluluto ko. kapag nag crave kaming mag asawa sa ibang ulam iba ang ulam namin haha

@Reysky

Ang dami kong pagod ngayon. Paano pa kaya kapag may pasok na yung bunso ko. Paano ko kaya hahatiin katawan ko. Pero keri naman kaso kanina cleaner ang anak ko sa school. Dahil mga bata pa di pa ganun kapulido ang paglilinis nila sa room nika kaya naman tumulong na ako sa paglilinis dahil yun ang napag usapan sa meeting namin kahapon. Kakahiya naman kung hindi ako sasali sa paglilinis. Marami naman kami kaso nakakapagod ang init sa loob ng room nila tapos ang mga bata pabalik balik pa yung minamop ko dumudumi ulit. Kailangan lang habaan ang pasenxa at mga bata kasi. Naku ayoko pa naman sa lahat yun nagmamop ka tapos may palakad lakad edi balik ang putik non diba. Pahinga muna ako saglit ang masakit na katawan ko.

@Reysky

My lunch for now! Wala kasing kasama sa bahay kundi ang bunso ko lanh. Mga anak ko na sa school na yun mister ko nasa work so bale mamaya pa kami magkikita. Sa ngayon yun bunso ko lang muna ang kabonding kong kumain. Maya maya susundo na din ako. Habang nag aantay nagtitiklop na din ng mga damit na nilabhan ko nun nakaraan araw haha. Mejo matagal na sila sa sampayan kaya dapat na silang tiklupin. Pero kakain muna ako at mejo late na din hehe

@Reysky

Maaga nagising akin bunso. Sasama daw siya sa paghatid sa ate niya. Nakita niyang kumakain ang ate niya kaya naman nagpaluto din siya ng gusti niyang almusal. Sabay sila ng ate niya kumakain ngayon. Ako naman, kape at panndesal sapat na. Di kasi ako kumain kagabi kasi nabusog ako sa aking na meryenda. Tara almusal tayo guys!

@Reysky

Creamy pork steak Napanood ko lang sa youtube. Madali lang naman siyang gawin kaya ginaya ko na din. Total wala naman akong maisip na maiulam kaya nagpasya ako na yan ang lutuin ko. Di ko lang alam kung magugustuhan ng mga junakis ko na maaarteng kumain. Basta ako nagluto ako at ayan amin ulam ngayon. Hanggan hapunan na nga pala siya. Hehe

@Reysky

Ang lagi kong kasama sa umaga. Umaga palang stress na! Bukod sa stress antok na antok pa ako. Napuyat kasi ako kagabi dahil biglanh umulan. Nagising ako sa ingay dahil walang kisami ang amin bubong kaya bawat patak ng ulan ay rinig na rinig ko. Paano pa kaya kung may pasok na itong bunso ko. Edi lalo na ngarag ako. Dati kasi ang mister ko di naman nagpapahatid sakin, mura pa noon ang trike, ngayon kasi hindi na at syempre di na din siya nag 7days kaya hatid sundo ko siya kung saan siya nasakay papunta sa work niya. Kaya heto ngarap is life haha.. bawi nalang ako sa linggo, dun ako babawi ng tulog haha

@Reysky

Yung iba iba ulam namin. Sa bunso ko yun hotdog, sa panganay ko fried chicken sakin yun fried siomai. Diba basta makakain lang ng maayos at masunod lang ang gusto nilang ulam syempre pati ako. Yan ang sanhi ng wala ng budget kanya kanya ng ulam haha

@Reysky

Matutuyo kaya ito? Wala kasing araw ngayon. Nag check ako sa weather forcast may paparating palang bagyo. At hetong si habagat rumaragasa sa ating bansa dahil na din sa paghatak ng bagyong paparating. Mahina na naman ang negosyo ko nento. Sana ganyan lang siya wag uulan kasi malulungkot na naman ako dahil babaha na naman sa kusina ko. Ngayon ko palang siya nakitang tuyo tapos heto na naman. May kasunod pa pala yang mga nilabhan ko. Mga short naman. Kasi mga nabasa sa cr kaya nilabhan ko na mamamaho kasi kapag pinagtagal. Kapag walang pera di makaisip ng uulamin hahan. Itlog at hotdog nalang ulit haha

@Reysky

Naihatid ko na ang studyante ko pati na din si mister. At habang inaasikaso ko sila nagpaikot na ako ng nilabhan ko. Para mamaya sasampay nalang. Sa ngayon chill muna at mejo napagod ako kakaikot sa mga ginagawa ko. Pag ok na ako. Magsasampay na ako. Sayang sana paka kahapon ako naglaba kasi maganda ang panahon. Di tulad ngayon na makulimlim. Mga towel pa naman ang nilabhan ko. Hays!

@Reysky

Tamang celpi sa labas. Sarap lang tumambay kapag ganito ang panahon walang ulan na mag aalis sa kin dito. Walang taong magmamadali dahil nababasa sila at walang tao na hindi tatambay sa labas. Atlist diba may nakikita ako dito kesa sa loob ng bahay puro cp lang. Natatamad ako kumilos kasi basa lagi ang kusina tapos mga bata pabalik balik pa kaya nangayyare nagpuputek ang sahig. Nakatuyo din ng mga basahan. Kasi matindi ang sikat ng araw ngayon. Ready na ulit pang punas kapag naulan. Haha

@Reysky

Meyenda time! Nanlibre ng tasty ang mister ko. Palaman century tuna na may mayonaise. Nabalatuhan daw siya ng katrabaho niya dahil nanalo sa sabong. Kaya yun binalato sa kanya ibinili niya ng tinapay at palaman. Busog na si tummy baby. Ang init ng panahon ngayon kaya naman heto gusto ko nakatapat sa electricfan. Mas gusto ko na mainit kesa sa maulan. Kalungkot walang makitang tao. Wala pang costumer haha

@Reysky

Bonding muna kami ng bebe ko! Nakauwi na din ang mga anak ko galing sa bahay ng tita nila. Nagbakasyon sila mag pipinsan at ang foods nila libre ng tita nila. Kami naman ng bebe ko ang laging iwan di pa kasi siya pwede dahil alagain pa. Yun malalaki lang daw muna. Maya maya lang susundo na kami kay mister dahil holiday halfday lang sila ngayon. Makakapahinha siya dahil pumasok siya ng masama ang pakiramdam. Ngayon tirik ang araw. Mamaya kaya baka katulad din ng kahapon haha

@Reysky

Heto ang napapala ng tanghali magising ang ulam ay hotdog at itlog. Pero ok lang masarap naman ito. Tsaka minsan lang naman mag ulam ng ganito. Namiss ko din mag ulam ng ganito. Kadalasan bunso ko lang ang nakain nento maarte kasi sa ulam. Kaya ngayon gumaya ako sa kanila hehe. Tara kain tayo guys!

@Reysky

Kagigising lang heto nasa higaan pa. Napasarap tulog. Sinamantala ko na dahil walng pasok nga bata. Bukas may pasok na at dere derecho na ang gising ko na mula 3:40 am hanggan malaan kung makakaidlip ng hapon. Bibili muna ako ng kape sa kapit bahay. Para magising na ang katawan ko lilinis muna ako ng bahay kasi magulo at makalat gawa ng umulan kagabi. Ayun bumaha nga dahil umagos na naman ang tubig sa kusina. Hahah sana hindi na muna umulan. Nakakaumay mag limas.haha

@Reysky

Heto ang ayaw ko ang umuulan ng malakas. Nadedepress ako kapag ganito ang panahon. Di ko kasi alam kung bubuhos na naman ba ang tubig sa kusina naman o tutulo lang. Minsan kasi kapag sobrang lakas ng ulan. Grabe din ako maglimas ang dami kasing natulo lalo na din sa terace. Marami din nababasa. Hays! Hirap ng mahirap walang pang paayos ng bahay haha

@Reysky

Hindi ako nagkamali na uulan ng malakas oag tapos kumulog at kumidlat. Ang panahon sala sa init sala sa ulan hahaha! Patay na naman ang negosyo ko. Malakas pa naman kapag ganitong oras kasi ganitong oras lumalabas ang mga tao kapag linggo. Hays! Hindi pa ako nakakakota pero ok na din atlist kahit papaano may benta na. Kape nalang naisip kong meryenda wala ito ang mura haha

@Reysky

Parang kanina lang grabe tirik ng araw ngayon naman makulimlim at parang nagbabadya na uulan. Mukang malakas toh! Parang isang malakas na buhos ito. Meryenda time na din pero walang makain haha. Walang maisip kasi wala din pera haha! Hirap ng walang pera kahit gusto mo kumain pero di mo magawa kasi nakabudget na ito. Hays! Paano na ang susunod na mga araw haha