Kape at tinapay ang almusal ko ngayon. Yung tirang pandesal ang kinain ko kasi sayang kung hahayaan ko nalang manigas at amagin dito kaya imbis na bumili, kainin ko nalang. Sayang kasi! Di bali kung mura ang pandesal. At syempre sa panahon ngayon masama ang nagtatapon ng pagkain. Baka lalong lumayo ang grasya sa hapag kainin. Di ko ba nilagyan ng palaman. Sinawsaw ko nalang sa kape. Aba masarap din naman yun diba. O siya at akoy kakain. Mamalengke pa ako pagtapos ko kumain.
No comments yet