read.cash Log in
@Reysky

Tirik pa din araw, pero sa likuran ko maulap at mejo naririnig ko ang kulog. Uulan kaya. Sana wag muna. Mamayang gabi na. Para makarami ako ng benta. Kasi kapag naulan walang benta. Para naman makatulong tulong dito sa bahay sa gastusin ayaw ko kasi na nasusumbatan ako. Lalo na pagdating sa pera. Magreklamo siya kung ginagamit ko sa pang paganda ang perang binibgay niya. Eh kaso ni sarili ko nga di ko mabilhan. Kahit nga sabon para sa muka ko di ko na mabilhan. Shampoo nalang sa buhok yun nalang nabibili ko sa sarili ko. Di naman ako nagrereklamo pero sana wag siya magsasalita ng di maganda. Kaya ko naman magtiis. Alam ko naman na meron siya kaya sa kanya ako nalapit. Tapos gara pa na narinig ko. Bahala na si Lord! Basta ako ginagawa ko makakaya ko.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.