Wala ng tigil ang ulan! Hindi na nakakatuwa. Haha. Ano ba ang meron at sobrang maulan ngayon. Lugi negosyo ko ngayon haha. Pero ok lang ganun talaga ang life. Buti kahit papaano may benta. Bali ba naman nagdadalawang isip ako kung magbubukas ako. Sana pala hindi nalang. Nakatulog pa sana ako haha. Pero ok lang ganun talaga minsan di mo inaasahan ang ganitong panahon. Nakaluto na ako at nagsara na din. Wala na din naman kasing bibili kasi maulan na. Sana lang mamaya pag sinundo ko si mister, tumila na siya kahit saglit lang. Ayaw ko din mapasma ang asawa ko syempre! Haha
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet