Isang malamig na gabi mga minamahal kong mambabasa at manunulat sa platapormang ito. Akala ko ay hindi ako makapagsusulat at makakagawa ng artikulo sa oras na ito ngunit hindi ko mawari kung bakit tila ba hinahanap-hanap ko rin ang makapagsulat at sa kabila ng nauubusan at nahihirapan ako mag-isip ng ilalatha ay hindi ko rin maiwasang hindi mag-isip! Ano daw? Marahil dahil ito ay nakasanayan ko na rin. Dalawang araw na rin ang lumipas ng huli akong maglathala ng aking artikulo at ngayon nga ay nagpapasalamat ako at muli ay nagkaroon ako ng pagkakataon at panahon.
Bago ang lahat nais kongagpasalamat sa mga taong ito na patuloy na sumusuporta at nagbigay ng tiwala sa aking kakayahan. Kayo ang aking inspirasyon upang ipagpatuloy ang panibagong lakbayin na aking ng nasimulan. Sa mga kapwa ko mambabasa at manunulat, maaari niyo pong bisitahin ang kanilang mga account at magsilbi ring inspirasyon sa inyo lalo na sa baguhang tulad ko. :)
Panimula
Sa artikulong ito ay nais kong ibahagi at talakayin ang tinatawag na Bloodline. Ito ay ang dugong dumadaloy sa aking pagkatao o mas madaling maunawaan sa salitang lahing pinagmulan. Hayaan niyong simulan ko ito sa pamamagitan ng isang tula.
Ang aking Pinagmulan
Bisakol sa iba kung ako ay tawagin,
Dahil sa dugong dumadaloy sa akin.
Bisaya si ama, bikolana si ina,
Kaya naman wika nila'y aking namana.
Sa lahing bikolana, kami daw ay uragon,
Salitang kilala, tatak ng magayon.
Likas sa amin ang mahilig sa maanghang
Sa pagkain nito'y di kami palalamang.
Sa lahing bisaya, kami daw ay masayahin,
Hindi ko ipagkakaila sapagkat ako'y ganun nga rin.
Bisdak kung tawagin ang ilan sa amin
Lalo na kung lumaki sa probinsiyang lupain.
Kaya naman aking ipinagmamalaki
Kung saan nagmula ang aking lahi
Saludo at taas noong ako'y ngingiti
At sa puso't isip nakapatik ang lipi.
Isang simpleng tula upang ipaabot at ipagmalaki ang lahing aking pinagmulan. At nais kong ipakita sa inyo na hindi dapat ikahiya kung ano mang angkan meron ka. Sa bansang Pilipinas maraming iba't-ibang uri ng lahi, ngunit ano pa man at san man nagmula ay dapat mong ipagmalaki.
Ipinagmamalaki ko na ako ay isang bisakol, at kahit kailan ay hindi ko ikakahiya ito. Dugo ng lahing ito ang nanalantay at dumadaloy sa aking mga ugat.
Maraming salamat sa inyong pagbibigay oras sa pagbabasa sa aking simpleng artikulo.
Tatapusin ko po ito sa isang katanungan sa iyo.
Kaya mo bang ipagmalaki ang lahing pinagmulan mo?
Salamat po sa inyong lahat,
Inilathala ngayon: October 13, 2021
Inilathala ni: @QueencessBCH
Sa Diyos ang Papuri!
( 14th Article )
Ang sarap bigkasin ang tulang iyong binitawan. Tunay ngang wag ikahiya ang liping pinagmulan Dahil ito ang sa atin ay bumuhay....hehehe nahawa ako sayo sis. Galing!